You are on page 1of 2

1.

Ideation Sketches
Ang uri ng sketch o pagguhit na ito ay hindi tungkol sa hugis at porma. Ito ay tungkol sa
pag-unawa ng iyong uumpisahang iguhit. Sumasagot ito sa tanong sa mga tanong na: Ano ang
gusto ng kliyente? Para kanino ito? Ano ang aking mapagkukunan para dito? Ano ang kailangang
gawin? Ang sketch na ito ay binubuo ng mga salita at droodles. “Droodles” ang tawag sa mga
nakatutuwa and hindi karaniwang drawings na kadalasang nakapaloob sa isang parisukat na
kahon. Ito ay nilikha ng isang magaling na manunulat at komedyante na si Roger Price. Ang
layunin ng sketch na ito ay ipahayag ang iyong kailangan gawin, partikular sa pagguhit, kadalasan
ay sa pamamagitan ng mga salita.

2. Explorative Sketches (Thinking sketches)


Ito ay ang pinakanakawiwiling uri ng sketch o pagguhit. Ang mga plano ng disenyo sa
uring ito ay binuo at sinuring maayos kaya tinatawag din itong thinking sketches. Ibig sabihin
nito, mabilisang nakakalap ang ideya sa isang kwaderno upang makabuo ng konsepto. Mahalaga
dito na makuha ang kabuuang ideya at hindi maisantabi ang maliliit na detalye.

3. Explanatory Sketches
Ito ang susunod na yugto sa proseso ng pagdedisenyo sa pagguhit. Ito ay ginawa upang
ipaliwanag ang gamit, istruktura/balangkas, at porma. Inilalahad dito ang disenyo sa malinaw at
balanseng paraan at nagpopokus ito upang ipaliwanag ang ideya kaysa sa ibenta ito. Ang unang
tugon mula sa kliyente ay mangyayari pagkatapos suriin nang mabuti ang sketches.

4. Persuasive Sketches
Ang uri ng sketches o pagguhit na ito ay ginawa upang mangumbinse ng mga tao at
ipakilala ang konsepto ng disenyo. Ang ibang mga taga-disenyo ay gumagamit ng CAD-program
(Computer-aided design program) sa proseso ng pagdidisenyo na ito kaysa sa pagguhit ng
produkto. Ang CAD-program ay ginagamit sa tulong ng computers sa paggawa, pag-aanalisa o
pagbabago ng isang disenyo. Ang kaalaman sa mas pinabagong sketching at pagsasalin
(rendering) na pamamaraan ay ginagamit upang lumikha ng mapanghikayat na sketches.

1. Cross Hatching
Ito ay estilo ng “shading” o “pagtatabing” sa pagguhit ng larawan. Nag-iiba-ibang
direksyon ang mga linya sa pagbuo ng nais mong imahe upang makuha ang kasidhian (intensity)
ng shading.
2. Hatching with parallel lines
Ito ay may pagkakatulad sa “cross hatching” ngunit nasa iisang direksyon lamang ang
mga linya sa pagbuo ng larawan. ‘Di hamak na mas matagal ang guguguling oras sa estilong ito
subalit magiging kaaya-aya naman ang bunga ng pagguhit.
3. Contour Lines
Ang salitang contour ay salitang French na nangangahulugang “outline” o sa tagalog ay
balangkas/banghay. Sa estilo ng shading, ang uri ng linyang ito ang magagamit sa iba’t-ibang
paraan ngunit ang ideya nito ay nakatuon upang isunod ang mga linya sa kung anong pigura ng
iguguhit mong larawan; gaya na lamang ng konsepto ng pagbabalangkas, na kung saan ang mga
detalye ay konektado sa isa’t isa.
4. Scribbles
Ito ay isang mabilis at nakakatutuwang paraan ng shading sa pagguhit. Wala itong
natatanging hubog o direksyon ng mga linya dahil na nga sa madalian ang galaw ng kamay sa
paggawa nito. Ang estilo ng shading na ito ay kadalasan mapapansin sa mga “still life” na
larawan. Ang mga halimbawa ng “still life” na larawan ay prutas, puno, bulaklak, pagkain, at iba
pang uri ng natural o gawang-taong bagay.
5. Strippling
Ang estilong ito ay nakatutuwa ngunit kelangan ng iyong mahabang pasensya.
Mahabang oras ang gugugulin mo sa paggawa nito. Tuldok ang natatanging simbolo na
pinagmumulan ng pagguhit ng isang larawan. Sa shading ng pagguhit, maaari kang gumamit ng
iba’t ibang laki ng panulat (marker pen) upang magkaroon din ng iba’t ibang laki ng tuldok at
bigyang diin ang mga hugis/pigura sa larawan.
6. Zentangles and patterns
Zentangles ang tawag sa mga kaakit-akit na imahe o larawan na may sistematikong
dibuho/disenyo. Maaari kang gumamit ng nais mong disenyo sa shading ng larawan katulad ng
zentangle patterns. Suriin kung saan nangangailangan ng mariin na shading ang larawan at
maaari mong punan nito.

You might also like