You are on page 1of 11

EPP 4

Ika-apat Na Markahan
Ikatlong Linggo
Mga Gawain (Activity Sheets)

PANGALAN:_____________________________________________________________________________

ALAMIN NATIN
Sa katapusan ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
 Natatalakay ang kahalagahan ng kaalaman at kasanayan sa “basic sketching” shading at
outlining.
 Naisasagawa ang wastong pamamaraan ng basic sketching, shading at outlining.

BAlikan NATIN
Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung mali.

______1. Ang Pull push rule ay ginagamit sa pagsusukat ng mga mananahi.


______2. Ang Protraktor ay may haba na dalawampu’t limang (25) pulgada hanggang isang daang (100)
talampakanginaga- mit sa pagsusukat ng mga mananahi.
______3. Ang SISTEMANG INGLES ay ang lumang pamamaraan sa pagsusukat at ang SISTEMANG
METRIK ang ginagamit sa kasalukuyan.
______4. Ang katumbas ng 1 piye sa pulgada ay 24.
______5. Ang katumbas ng 10mm. sa sentimetro ay 1.
______6. Ang yunit na Yarda ay nabibilang sa SISTEMANG INGLES.
______7. Ang yunit na mm. at sm. Ay nabibilang sa SISTEMANG METRIK.
______8. Ang simbolo ng Pulgada ay ( “ ).
______9. Ang simbolo ng Yarda ay ( ‘ ).
______10. Ang SISTEMANG INGLES ay hindi na gimagamit ngayon.
Aralin BASIC SKETCHING, SHADING AT
2 OUTLINING

SIMULAN NATIN
Ang Gawain pang-industriya ay nahahati sa dalawang malalaking bahagi – ito ang gawaing pangkamay
at pangkalahatang industriya.
1. Ano ang basic sketching?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2. Ano ang shading at outlining?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Mahilig ka bang mag-drawing o gumuhit? Ano-ano ang mga bagay na gusto mong i-drawing?
Sa pagsasagawa ng basic sketching ay may iba’t ibang paraan o estilo ng pagguhit katulad ng pagbuo
muna ng mga linya at mga hugis bilang pangunahing pagguhit bago ang pagsasaaktuwal ng tunay na
larawan.
Nakakita ka na ba ng isang larawan na malapit sa katotohanan ang pagkagawa ngunit sa
malapitan ay guhit lapis pala? Ang ginamit na paraan doon ay ang shading.
Isa pang paraan o teknik na ginagamit sa pagguhit ang outlining. Makikilala ang paggamit ng
ganitong teknik sa isang drawing dahil makapal at madiin ang lapat ng tinta o lapis sa ilang bahagi ng
drawing. Madalas din itong gamitin sa pagguhit ng mga karakter tulad sa mga cartoons at komiks.

ISAISIP
NATIN
Ang basic sketching, shading, at outlining ay bahagi ng gawaing pangkamay na sining panggrapiko
na gumagamit ng mga linya, pagleletra, pagdidibuho at pagguhit gamit ang kamay lamang at pagbubuo
ng mga krokis.
Mga kagamitan sa Drawing
Malaki ang tulong ng mga tamang kasangkapan sa drawing.
1. Lapis
4
Ang lapis ay may pambalot na pinoprotektahan ang pansulat na
nasa loob. Karaniwa’y ang pansulat ay gawa sa graphite na may
halong luwad at nagiiwan ng gray o itim na mga mark ana
madaling mabura. May mga lapis rin na gawa sa uling (charcoal
pencil) na kadalasang ginagamit ng mga pintor. Ang Lapis na
may halong wax ay hindi nabubura.
Ang mga lapis pangguhit ay nahahati sa tatlong uri:
1. Soft – ang mga lapis na soft ay natutukoy bilang 2B
hanggang 7B at madalas ginagamit sa sketching at
shading.
2. Medium – ang mga medium naman ay karaniwang mas ginagamit.
3. Hard – ang mga lapis na hard ay natutukoy bilang 4H hanggang 9H at ginagamit sa mga
pagguhit ng construction lines sa mga teknikal na guhit at plano.

2. Crayons at Charcoals
Ginagamit ang mga ito sa pagkukulay at
pagpapaganda ng mga ginuhit na larawan.

3. Papel
Sa papel inilalapat ang lapis at iginuguhit ang mga
larawan. Mahalagang malaman ang iba’t ibang
mga papel dahil nakaaapekto ito sa iginuguhit.
May mga makinis at magaspang na papel,
mayroon ding mga maninipis at makakapal.
Mainam gamitin ang sketch pad sa paggawa ng
mga larawan para sa tulad mong nag-uumpisa pa
lamang.

Sanayin ang sarili sa paggamit ng lapis bago


gumuhit.
1. Gumamit ng lapis na di Matulis para mas madali ang pag-gawa ng mga guhit at mga disenyo.

4
2. Pag-aralan ang tamang paghawak ng lapis.

3. Gumuhit ng mga pahaba, pahalang, at


pabaluktot na linyang hindi ginagamit ang ruler.

4. Gumuhit ng maayos na pahabang linya


kagaya ng nakalarawan sa ibaba.

PROSESO NG
PAGGUHIT

4
1. Outlining
Ang outlining ay mga guhit
na sumusunod sa hugis o
tabas (contour) ng larawang
iginuguhit. Nagbibigay ito
ng lalim kagaya ng mga
hugis ng isang anino. Ito
ang anyo ng mga bagay na
inilalarawan na walang
detalye, shading o kulay.
Maaring ang outline ay
magaan at manipis o mabigat at makapal.
2. Sketching
Ang sketch ay ang larawang iginuguhit ng
kamay s amabilis at madaliang paraan.
Ang prosesong ito ay ang pagtatala ng
pintor o dibuhante ng isang bagay na ayon
sa nakikita nila. Ginagamit ang paraang ito
upang bumuo o itala ng isang konsepto o
ideya s amabilis na paraan upang
mailarawan nang biswal ang isang imahe,
ideya o prinsipyo. Madalas na ginagamit
ang lapis, uling o pastel sa sketching
ngunit maaari ring gumamit ng ibang
panulat.
3. Shading
Ang shading ay isang pamamaraan sa
sining na gumagamit ng iba’t ibang value
sa papel na nagpapakita ng tamang
posisyon ng ilaw at anino ng isang bagay.
Nagiging makatotoo sa paningin kapag
maingat na naipapakita ang shading ng
isang bagay. Mahalaga ang tamang
paghahalo ng liwanag at dilim.

4
MGA PAMAMARAAN NG SHADING
a. Hatching – paraan na gumagamit ng hanay ng mga linya na nasa parehong direksiyon. Mas
madilim ang parte kung saaan nagsimula ang mga linya. Pansinin na mas madilim sa bandang
ilalim ng bilog.

b. Cross- Hatching –
katulad din ito ng hatching
maliban sa mga karagdagang kumukrus na mga linya o criss-crossing lines. Mas madilim
tingnan ang mga linyang may criss-cross. Kapag mas malapit sa isa’t isa ang mga linya, mas
nagmumukhang madilim ang rehiyong iyon.

c. Circular
Technique – simpleng paraan ng paggamit nang paikot-ikot.
Mag-umpisa gamit ang magaang outline at saka gumamit ng
mabigat na outline. Maaring lumikha ng iba’t ibang sukat ng
mga bilog ayon sa iyong kagustuhan. Ito ay ginagamit upang
ipakita ang mga texture ng balat ng tao o hayop.

d. Side Strokes – ginagawa ang paraang


ito gamit ang gilid ng lapis para sa
4
makapal at di tiyak na stroke. Mainam gamitin ang lapis na grade B upang mas madilim ang
linya. Kailangan lamang sanayin ang pagkontrol ng bigat ng kamay sa paggawa ng side strokes
upang makontrol ang magaan at mabigat na shading.

e. Feathering – ginagamit ito upang


makalikha ng mga suwabeng gilid o
paggawa ng blending ang mga gilid o
outline. Magaan na stroke ang ginagamit
sa mga linyang nanginibabaw. May
pagkakatulad ito sa hatching at cross-
hatching ngunit mas maikli ang mga
linya sa paraang ito.

f. Fade Shading – ginagamit ang lapis sa


paggawa ng shade mula sa madilim at
mariing shading hanggang sa nagiging
magaan ang paghawak ng lapis at
nagiging magaan din – ang pag-shade.
Nagmumukha itong nagiging Malabo o
mayroong pag- “fade”.

Makagagawa ng mga imbitasyon, mga damit,


sapatos, muwebles, plano ng bahay, painting, at
iba pang mga produkto gamit ang kasanayan sa
basic sketching, shading at outlining. Ginagamit ang kasanayang ito sa mga sumusunod na industriya:
1. Paggawa ng Muwebles o Furniture
2. Animation at Cartooning
3. Fashion
4. Pagtatayo ng mga gusali
5. Paggawa ng Sapatos
6. Printing Press o Tagalimbag ng mga Aklat, Diyaryo, Magasin, at iba pa.

PANOORIN Natin
Narito ang mga link: https://www.youtube.com/watch?v=fxP39TYJktI
4
https://www.youtube.com/watch?v=kMp_F-YPbRk

TANDAAN NATIN:

 Maaring gawin ang shading sa umpisa, ngunit sanayin lamang ang sarili sa paghawak at pagkontrol ng
lapis.
 Magsaliksik din ng mga halimbawa ng shading at pag-aralan ang mga ito.
 Magmasid sa kapaligiran kung paano nagkakaiba ang tindi ng mga kulay dulot ng liwanag at dilim.

PAG-USAPAN
NATIN
Sagutin ang mga katanungan sa bawat bilang. (2 puntos bawat bilang)
1. Paano nakatutulong ang kasanayan sa basic sketching, shading, at outlining.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2. Paano naisasagawa ang tamang pamaraan sa pagguhit?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

SUBUKiN NATIN
GAWAIN 1
A. Suriin kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng basic sketching, shading, at
outlining sa pagguhit. Lagyan ng tsek(✓) ang bilog na katapat ng inyong sagot.
OO HINDI
1. Ang basic sketching, shading at outlining ay gawaing kamay.
2. Ang basic sketching, shading at outlining ay gumagamit ng mesa
para gumawa ng mga dibuho.
4
3. Ang metro ay ginagamit sa basic sketching.

4. Ang outlining ay ang pagsunod sa hugis o tabas ng larawag


iginuguhit.
5. Fade shading ang pamamaraan ng shading upang makalikha ng
mga suwabeng gilid o paggawa ng blending sa gilid o outline.

B. Isulat ang titik ng tamang sagot. Piliin sa baba ang tamang sagot.
A. Papel B. Crayons at Charcoals C. Lapis
____1. Dito inilalapat ang lapis at iginuguhit ang mga larawan, at dito rin iginuguhit ang mga plano sa
pagpapatayo ng mga gusali.
____2. Ito ay ginagamit sa pagkukulay at pagpapaganda ng mga ginuhit na larawan.
____3. Ang kagamitang ito ay nahahati sa tatlong uri – soft, medium at hard.
____4. Ang kagamitang ito ay may iba’t ibang uri tulad ng makinis, magaspang, maninipis at
makakapal.
____5. Nagagamit din ito sa sketching.

C. Ang mga larawang maikikita sa kanan ay ang “Mga Pamamaraan Sa Shading”. Tukuyin ang mga
ito. (Ilagay sa patlang ang sagot).

_______________________________________1.

_______________________________________2.

_______________________________________3.

4
_______________________________________4.

_______________________________________5.

GAWAIN 2
A. Sa isang bond paper, gumuhit ng tig-iisang halimbawa ng
Outlining, Sketching at Shading gamit ang lapis. Pagkatapos ay i-stapler kasama ng inyong module. (15
points)
B. Kompletuhin at pagandahin ang larawang puno sa ibaba gamit ang kasanayan sa basic outlining,
sketching, at shading. (20 points)

4
References:
Villazamora, Annie R. Lee, Estefania Gloria L. Masiglang Pamumuhay Para Sa Kinabukasan 4. Phoenix Publishing House. Quezon
City. 2018

You might also like