Professional Documents
Culture Documents
W6 Markahan 4 Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Paglikha ng disenyo sa paggawa ng 3-dimensional craft na mobile, papier
mache at paper beads
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Makalikha ng disenyo sa paggawa ng 3-dimensional crsfts
KASANAYANG PAMPAGKATUTO • Mobile
(MELCs) • Papier-mache jar
• Paper beads
Gusto mo bang sumubok gumawa ng mga palamuti? Madali itong gawin kung gagamitin ang
pagkamalikhain sa pagdidisenyo. Lalong mainam kung ang gagamiting materyales sa paggawa ay recycled o
mga gamit na patapon ngunit maaaring bigyan ng bagong buhay.
Sa araling ito, inaasahan na ang mga bata ay makalikha ng disenyo sa paggawa ng 3-dimensional craft na
mobile, papier maché jar at paper beads.
Kilala ang mga Pilipino sa pagiging malikhain at maparaan. Makikita ito sa estilo ng pananamit, pagkain, at
pagkahilig sa pagsusuot ng mga makukulay na mga dekorasyon, palamuti, at alahas sa katawan. Ilan dito ay ang
mga pulseras at kuwintas na higit na nagpapatingkad sa kanilang kasuotan lalo na ang mga kababaihan. Kahit sa
loob ng kanilang tahanan ay makikita ang mga nakasabit na palamuti at kagamitan na may iba’t ibang disenyo.
Mobile Art
Ang matingkad na pira-pirasong papel ay maaaring dikitan at pagdugtungin upang makabuo ng isang mobile.
Ang mobile ay isang tatlong dimensiyon na bagay. Ito ay may harap, likod, gilid at maaaring tingnan kahit saang
bahagi nito. Ang mobile ay nakasabit sa dingding o kisame. Ito ay isang uri ng iskultura na sinuspinde at gumagalaw
bilang tugon sa ihip ng hangin o lakas ng motor. Tingnan ang dalawang larawan kung paano makakabuo ng
disenyo sa paggawa ng mobile art.
Papier mache
Ang taka, katulad ng mga ibang likhang-sining ay sumasalamin sa mayamang kultura ng mga Pilipino. Ang
pagkakaroon ng kasanayan sa pagtataka ay makapagbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na linangin ang
pagiging malikhain at makilala ang sariling kultura. Ang pagtataka o papier mache making ay nagsimula sa Paete,
Laguna. Ang produkto ay nagsisimula sa pagluluto ng pandikit na gagamitin mula sa galapong o giniling na bigas.
Ang mga lumang diyaryo ay pinagdidikit-dikit at inilalapat sa molde. Pinapatuyo ito at binabaak pagkatapos upang
tanggalin ang molde. Pinagdidikit muli ito at pinipintahan upang magkaroon ng disenyo. Tingnan ang mga larawan
sa ibaba sa paglikha ng disenyo sa paggawa ng papier maché jar.
Paper Beads
Isa ring kanais-nais na likhang-sining ang paggawa ng paper beads. Madali itong gawin kung gagamitin ang
pagkamalikhain sa pagdidisenyo. Lalo nang mainam kung ang gagamiting materyales sa paggawa ay recycled o
mga gamit na patapon ngunit maaaring muling bigyang buhay. Ang paggawa ng paper beads ay nakakatulong
upang magamit muli ang mga lumang papel o magasin bilang panibagong kagamitan. Nalilinang nito ang
pagiging malikhain ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggawa ng iba’t ibang disenyo mula dito. Maaari
itong gawing kuwintas, pulseras at lanyard ng ID. Ang paper beads ay mga pinulupot na papel na may iba’t ibang
hugis at kulay. Ang pagkakaiba ng hugis ay may kinalaman sa anyo ng mga paper strip na ipinulupot sa stick.
Pagmasdan ang larawan sa ibaba sa paglikha ng disenyo sa paggawa ng paper beads.
https://bit.ly/2Y4Qr7l
Panuto: Pumili ng nais mong 3 dimensional craft, maaring mobile art, papier mache o paper beads. Gumuhit nang
disenyo sa paggawa ng 3-dimensional craft na iyong napili. Gawin ito sa isang malinis na bond paper. Gamitin ang
rubriks sa ibaba bilang gabay sa iyong gawain.
2. Naipakita ko ang
kaalaman sa pagkilala
sa mga kagamitan sa
paglikha ng disenyo.