You are on page 1of 19

5

MAPEH(Arts)
Learning Activity Sheets
Quarter 3: Week 3

Division of Angeles City


MAPEH – Arts – Grade 5 – Week 3 – Competency 1

MGA ALAMAT AY KAYAMANAN NG ATING BANSA

Name: _________________________________ Grade Level: ______________


Section: _________________________________ Date : ____________________

WHAT TO KNOW (ALAMIN MO)


MELCS: discusses new printmaking technique using a sheet of thin rubber
(used for soles of shoes), linoleum, or any soft wood that can be carved or gouged to
create different lines and textures. (A5EL-IIIa)

Ang Alamat ay kwentong bayanat kawili- wiling basahin lalo’t mahusay ang
pagkakasulat. Isa sa mga paksang malimit pagbatayan ng mga alamat ay ang paglalang ng
daigdig at ang pinagmulan ng unang tao sa ibabaw ng lupa. Ang lahat ng bansa ay halos ay
may alamat.
Ang alamat ay kwento tungkol sa pinanggalingan ng isang bagay. Karaniwan sa mga
alamat ay kawili wiling basahin lalo’t mahusay ang pagkakaksulat,ngunit hwag kalilimutan na
ang alamat ay kathang isip o gawa-gawa lamang.
Pagguhit o paglilimbag ng isang alamat na yaman ng ating bansa o pinagmulan ng ating
komunidad, halimbawa ang alamat ni Mariang Makiling,Bernardo Carpio,dwende,
sirena,Darna,diwata,dalagang magayon at iba pa) Naaalala mo pa ba ang kanilang kwento?

2 – MAPEH Arts Grade 5 Week 3 & 4


Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng
pag-iwan ng bakas ng isang kinulayang bagay. Ito’y maaaring isagawa sa pamamagitan ng
iba’t ibang bagay na matatagpuan natin sa paligid at pamayanan halimbawa ang linoleum,
softwood,rubber(soles of shoes).
Sa pamamagitan ng pagkulay,mapagyayaman ang ganda ng mga gawaing pansining.
Sa kulay,maipakikita rin nang lubusan ang damdamin at imahinasyon ng likhang-sining kung
paano nagbabago ang mga nakulob na bagay upang makalikha ng linya o texture gamit ang
mga bagong paraan ng paglilimbag.

MGA IBA’T IBANG URI NG PAGLILIMBAG


Ang sining ng paglilimbag ay nagsimula sa bansang “Tsina dantaon na ang nakalipas.
Ginamit nila ang paglilimbag bilang pamamaraan ng pagtala ng kasaysayan ng kanilang bansa.
Ginamit din nila itong paraan ng pagkukuwento gamit ang mga larawan. Sa bansang Hapon,
ang paglilimbag ay pinalawak bilang isang sining. Ang ukiyo-e ay mga larawang nilimbag na
nagpapakita ng pang araw-araw na gawain at larawan ng buhay.
May iba’t ibang uri ng paglilimbag na ipinakilala at pinasikat sa Asya, Europa, Africa,
at iba pang bahagi ng mundo.

MONOPRINT - isang paraan ng paglilimbag


na may mga linya o mga imahe na maari lamang
gawin nang isang beses.

ETCHING - ay isang uri ng sining-paggawa


na exploits ang mga katangian ng water-based
ink o pintura at waxy crayons.Ang proseso ng
paglikha ng isang krayola etching ay
nagbibigay-daan sa artist na maging
malikhain sa kulay at pattern paglikha.Ito rin
ay maaaring gamitin upang lumikha ng isang
scratchboard na uri sa ibabaw na may isang
monotone kulay.

3 – MAPEH Arts Grade 5 Week 3 & 4


MEZZOTINT - nakaukit na paraan na binuo sa
ikalabing pitong siglo na nagbibigay-daan para sa
paglikha ng mga print na may malambot na gradations
ng tono at mayaman at velvety blacks.

AQUATINT
Paraan ng pagpi-print na gumagawa ng mga tonal
epekto sa pamamagitan ng paggamit ng asido upang
dumikit sa plate at makalikha sa pamamagitan ng
tinta.

INTAGLIO - inilalarawan ang anumang pamamaraan


sa pag-print kung saan ang imahe ay ginawa sa
pamamagitan ng incising sa plate ng pagpi-print – ang
incised line o lugar na hawak ang tinta at lumilikha ng
imahe.

BLOCK PRINTING - ay isang pamamaraan


para sa pag-print ng teksto, mga imahe o pattern
na ginamit. Ukiyo-e ay ang pinakamahusay na
kilalang uri ng japanese kahoy na pagprint. wala
sa mga ito ang ginamit na tinta, na kung saan ay
kinakailangan para sa pag-print.

SILK SCREEN O SERIGRAPH - kung saan ang


isang disenyo ay hiniwa mula sa papel o isa pang
manipis na materyal at pagkatapos ay nakalimbag sa
pamamagitan ng rubbing,o spray ng pintura o tinta.

4 – MAPEH Arts Grade 5 Week 3 & 4


DRYPOINT - isang proseso ng pagpi-print kung
saan ang isang disenyo ay iguguhit sa isang plato na
may matalim, nakaturo karayom tulad ng
instrumento.

LET US PRACTICE (PAGSANAYAN MO)

ACTIVITY NO. 1
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat ito sa may patlang.

Paglilimbag Monoprint Bernardo Carpio Etching


Alamat Block Printing Drypoint
Ukiyo-e Tsina Silk screen Intaglio

__________________________1. Ano ang tawag sa mga kwento tungkol sa pinanggalingan


ng isang bagay.
__________________________2. Isang disenyo ay hiniwa mula sa papel o isa pang manipis
na materyal at pagkatapos ay nakalimbag sa pamamagitan
ng rubbing, o spray ng pintura o tinta.
__________________________3. Isang pamamaraan para sa pag-print ng teksto, mga imahe
o pattern na ginamit.
__________________________4. Ito ay mga larawang nilimbag na nagpapakita ng pang
araw-araw na gawain at larawan ng buhay.
__________________________5. Isang uri ng sining-paggawa na exploits ang mga katangian
ng water-based ink o pintura at waxy crayons.
__________________________6. Ito ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa
pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng isang kinulayang
bagay.
__________________________7.Ang proseso ng pagpi-print kung saan ang isang disenyo ay
iguguhit sa isang plato na may matalim, nakaturo karayom
tulad ng instrumento.
__________________________8. Inilalarawan ang anumang pamamaraan sa pag-print kung
saan ang imahe ay ginawa sa pamamagitan ng incising sa
plate.
__________________________9. Nagsimula sa bansang ito ang sining ng paglilimbag
dantaon na ang nakalipas at ito rin ang ginamit nila bilang
paraan ng pagtala sa kasaysayan ng kanilang bansa.

5 – MAPEH Arts Grade 5 Week 3 & 4


__________________________10. Ang paraan ng paglilimbag na may mga linya o mga imahe
na maari lamang gawin nang isang beses.

LET US REMEMBER (TANDAAN MO)

ANG MONOPRINTING

Ang monoprinting ay isang uri ng paglilimbag kung saaan one of a kind o natatangi ang
bawat malilikhang larawan. Hindi ito tulad ng ibang uri ng paglilimbag kung saan maaaring
lumilha ng maraming kopya ng orihinal na larawan.
Isinasagawa ang monoprinting sa pamamagitan ng paglalagay o pagdaragdag ng tinta
(additive method ) o pagtatanggal o pagbabawas ng tinta ( Subtractive method ) sa malinis na
plate na karaniwang metal o salamin.

ACTIVITY NO. 2
Pagguhit o Paglilimbag
GawinNatin
Magsaliksik ng mga larawang nilimbag gamit ang iba’t ibang pamamaraan. Ano ang
paksa ng mga nilimbag na larawan? Paano ginawa ang mga larawang nilimbag? Subukan
mong iguhit ang larawang iyong ililimbag.
MgaKagamitan:
Paintbrush,itim na tintang pantela o mga madilim na tinta,lumang kutsara,
2 oslo paper,powder dye na inihalo sa 1/2 tasang mainit na tubig,
salamin gaya ng ibabaw ng mesa
MgaHakbangsaPaggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan sa paglilimbag.
2. Iguhit ang larawan o disenyong iyong ililimbag sa isang hiwalay na papel.
3.Pahiran 2 kutsarang tintang para sa tela ang ibabaw ng salamin. Pantayin ang pagkakapahid
ng tinta gamit ang brush.
4. Iguhit ang iyong larawan o disenyo sa ipinahid na tinta gamit ang iyong daliri.
5. Para iguhit ang maliit na linya, gumamit ng lumang panulat o anumang bagay na mayroon
manipis na dulo.
6. Ipatong nang dahan-dahan ang papel sa ibabaw ng iginuhit na larawan. Iwasang gumalaw
ito.
7. Gamit ang iyong palad, haplusin nang dahan-dahan at paikot ang likuran ng papel. Gawin
ito ng mga tatlong beses.

6 – MAPEH Arts Grade 5 Week 3 & 4


8. Iangat ang papel nang dahan-dahan para makita ang ginagawang nilimbag na larawan ng
monoprint.
9. Patuyuin ang monoprint sa papel bago lagyan ito ng pangkulay mula sa hinalong powder
dye at mainit na tubig.
RUBRIK PARA SA PAGLILIMBAG NG MONOPRINT
Higit na nasusunod Nasusunod ang Hindi nasusunod
ang pamantayan sa pamantayan sa ang pamantayan
Mga Sukatan pagbuo ng pagbuo ng sa pagbuo ng
likhang-sining likhang-sining likhang-sining
5 3 2
1.Isinasagawa ang paglilimbag
gamit aang wastong teknik o
pamamaraan.
2.Malinaw ang pagkakalimbag at
kitang-kita ang paksa nito.
3.Maganda,angkop,at nababagay
sa paksa ang ginamit na mga
kulay
4.Malinis ang pagtatrabaho at
niligpit ang mga kalat
pagkatapos

LET US APPRECIATE (ISAPUSO MO)

Panuto: Sagutin ang sumusunod at ilagay sa isang sagutang papel ang sagot.

1. Magsaliksik at alamin kung anong uri ng paglilimbag ang sikat sa ating bansa at anong
mga paksa ang ginagamit dito?
2. Ano-ano ang uri ng paglilimbag ang nais mong masubukan? Ipaliwanag kung bakit ito
ang napili.

ACTIVITY NO. 3
Panuto: Gumawa ng gawaing-sining gamit ang “Cardboard Printing.

Mga Kagamitan:
2 pirasong cardboard (8.5 X 11 inches)
gunting
glue
puting papel
acrycolor

7 – MAPEH Arts Grade 5 Week 3 & 4


Hakbang sa paggawa:
1. Planuhin ang larawan ni Mariang Makiling ayon sa iyong imahinasyon.
2. Sa isang pirasong cardboard, gupitin ang mga hugis at linya na binubuo sa larawan ni
Maria Makiling.
3. Idikit ito sa isang pirasong cardboard at ayusin ang larawan ni Maria Makiling ayon
sa iyong nais.
4. Lapatan ng acrycolor ang bahagi na nakaumbok sa cardboard sa pamamgitan ng
brush.
5. Ipatong ang puting papel sa bahaging may kulay at dahan-dahang iangat at patuyuin.
6. Suriin ang likhang-sining gamit ang rubrik.

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kahon batay sa antas ng iyong naisagawa sa buong
aralin.

RUBRIK PARA SA CARDBOARD PRINTING NI MARIA MAKILING


Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi
pamantayan pamantayan nakasunod
Mga Sukatan nang higit sa ayon sa sa
inaasahan inaasahan pamantayan
5 3 2

1.Nagamit ang
imahinasyon sa pagbuo
sa isip ng larawan ni
Maria Makiling

2.Nailarawan si Maria
Makiling mula sa
imahinasyon sa
pamamagitan ng
cardboard printing

3.Nagamit ang iba’t


ibang linya, hugis, at
tekstura upang mabuo
ang larawan

8 – MAPEH Arts Grade 5 Week 3 & 4


REFLECTION
Panuto: Lagyan ng tsek ang angkop na kahon na tumutugma sa iyong mga karanasan

Kinalabasan ng Pagkatuto Oo Hindi


Nakapagbigay ng ilusyon ng lalim/layo ng kaalaman sa
1
paglilimbag
Nakaguguhit ng tradisyon at kultura mula sa gawa ng mga
2
sinaunang ninuno natin.
3 Nakasusunod nang tama sa mga hakbang sa paglilimbag.
Napahahalagahan ang mga tradisyon na ambag ng mga ninuno
4
natin.
Naisakatuparan natin ang pagbuo ng likhang-sining na
5
impluwensiya ng ating mga ninuno.

9 – MAPEH Arts Grade 5 Week 3 & 4


MAPEH – Arts – Grade 5 – Week 3 – Competency 2 & 3

Iba’t ibang Gamit ng Printed Artwork

Name: _________________________________ Grade Level: ______________


Section: _________________________________ Date : ____________________

WHAT TO KNOW (ALAMIN MO)


MELCS: Discusses possible uses of the printed artwork (A5EL-IIIc)
Shows skills in creating a linoleum, rubber or wood cut print with the proper
use of carving tools (A5PL-IIId)

Kahanga-hanga ang mga sikat na pintor at Iskultor na nakilala hindi lamang sa ating
bansa gayundin sa iba’t-ibang bahagi ng buong mundo. Sila ay nagbigay karangalan sa ating
bansa kaya Marapat nating pahalagahan ang mga likhang sining na kanilang ginawa. At Dahil
sa kanilang mga likhang sining na nagawa nakilala at naibantayog ang ating bansa.
Nagpapaganda sa isang lugar ang paglalagay ng mgalikhang sining dahil talaga naming
nakaka-akit at nakamamangha ang ganda nito. Ang mga likhang sining na ito ay nararapat na
ingatan at pahalagahan nating mga Pilipino.
Ang mga Pilipino ay likas namagagaling lalo na sa larangan ng likhang-sining. Ito ay
napatunayan nang ating mga ninuno na nabantayog sa iba’t ibang pangdaigdig.
Ang paglilimbag ay isang gawaing kailangan ng pagiingat.Napagagandang mga manlilimbag
ang kanilang obra sa pamamagitan ng tamang paggamit ng mga kagamitan at upang maiwasan
ang di magandang pangyayari o disgrasya. Ang likhang sining ng mga Pilipino ay tunay na
maipagmamalaki tulad halimbawa ng Likhang sining ni Fernando Cueto Amorsolo ang “ Fruit
Picker Harvesting, Making the Philippine Flag, Afternoon Meal of the worker. Ipinakikita nito
ang kakaibang ganda o obra ng paglilimbag ng ating tanyag na pintor.

Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng


pag-iwan ng bakas ng isang kinulayang bagay. Ito’y maaaring isagawa sa pamamagitan ng
iba’t ibang bagay na matatagpuan natin sa paligid at pamayanan halimbawa ang linoleum,
softwood,rubber(soles of shoes).Sa pamamagitan ng pagkulay,mapagyayaman ang ganda ng
mga gawaing pansining. Sa kulay,maipakikita rin nang lubusan ang damdamin at imahinasyon
ng likhang-sining kung paano nagbabago ang mga nakulob na bagay upang makalikha ng linya

10 – MAPEH Arts Grade 5 Week 3 & 4


o texture gamit ang mga bagong paraan ng paglilimbag.Paano mo maipagmamalaki ang gamit
na likhang sining?
New Printmaking Technique
Ang paglilimbag ay ang pagiimprenta o print ng mga teksto o larawan upang makabuo
ng isang likhang-sining. Pwede rin ito tumukoy sa mga nagawang isang tao nanakapagpabuti
ng lipunan. Ang mga bagay sa bahay at paligid ay nagtataglay ng iba’t-ibang hugis at disenyo
katulad ng linoleum, softwood,rubber (soles of shoes) na maaaring gamitin sa paglimbag upang
makabuo ng isang likhang-sining. Naipakikita naman ang ganda at damdamin ng isang disenyo
sa pamamagitan ng pagkulay at sa pamamagitan rin ng pagkulay mapagyayaman ang gandang
mga gawaing pansining.
Paggamit ng Contrast at Rhythm
Ang contrast ay ang pagkakaiba o pagkakasalungat ng kulay, hugis, o linya upang
mabigyan emphasis o diin ang mga ito. Halimbawa, ang isang pulang payong na pinaliligiran
ng mga itim na payong ay pagpapakita ng contrast. Ang paggamit ng makakapal na linya sa
hanay ng manipis na linya ay pagpapakita rin ng contrast.
Ang rhythm o ritmo ay ginagamit upang magpakita o magparamdam ng paggalaw sa
isang likhang-sining. Maipakita ito sa maingat na paglalagay at pagsasaayos ng kulay, linya, o
hugis.

LET US PRACTICE (PAGSANAYAN MO)

ACTIVITY NO. 1
A.Panuto: Pagtugmain ang hanay A sa hanay B at isulat ang titk ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

_______1. Paglilimbag a. Ito ang ginagamit na paraan upang maipakit o


magparamda ng paggalaw sa isang likhang -
sining.

_______2.Contrast b. bagay na ginagamit sa paglilimbag

_______3.Rhythm o ritmo c. Isa sa mga tanyag at sikat na pintor sa ating


bansa.

_______4.Fernando C.Amorsolo d. gawaing pang-sining na nag-iiwan ng bakas


ng isang kinulayang bagay

_______5.linoleum e. ang pagkakaiba o pagkasalungat ng


kulay,hugis o linya sa likhang-sining

11 – MAPEH Arts Grade 5 Week 3 & 4


B. Panuto: Isulat at punan ng sagot ang mga sumusunod.
a. Mga likhang - sining ni Fernando C. Amorsolo

1. _____________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________

b. Mga bagay na ginagamit sa “Paglilimbag”

1. ____________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________

LET US REMEMBER (TANDAAN MO)

ANG LINOBLOCK PRINTING


Ang Linocut, na kilala rin bilang lino print, lino printing o linoleum art, ay isang uri
ng sining sa paggawa ng print, isang iba't ibang mga woodcut kung saan ang isang sheet ng
linoleum (minsan na naka-mount sa isang kahoy na bloke) ay ginagamit para sa isang ibabaw
ng kaluwagan. ... Ang sheet ng linoleum ay naka-ink sa isang roller (tinatawag na isang brayer),
at pagkatapos ay ipahid sa papel o tela.
ACTIVITY NO. 2
Ang bagong pamamaraan ng paglilimbag ay sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas
sa ipinintang bagay.

GawinNatin
Magsaliksik ng mga larawang nilimbag gamit ang iba’t ibang pamamaraan. Ano ang paksa
ng mga nilimbag na larawan? Paano ginawa ang mga larawang nilimbag? Subukan mong
iguhit ang larawang iyong ililimbag.
MgaKagamitan sa Paggawa:
Bond or colored papers, tempera paint or water-based ink, scrap paper, sponge,
different scrap materials (matatagpuan sainyong tahanan), , rubber (soles of
shoes),brush ( gagamitin sa pagpipinta)
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan na gagamitin sa isasagawang paglilimbag na nakalap sa inyong
tahanan.
2. Pagsunod-sunurin ang mga bagay na gagamitin.
3. Gayun diin pwede gamitin ang bond or colored paper na gagamitin,tempera paint or water
based ink,brush at rubber.

12 – MAPEH Arts Grade 5 Week 3 & 4


4. Umisip ng disenyo na nais mong mailimbag. Ang mga disenyong gagamitin ay
Hango sa iba’t-ibang mga bagay na may bakas na matatagpuan sa tahanan.
5. Kulayan ang mga bagay na may bakas na bahagi at pagkatapos ay idikit ito sa bond or
colored paper.
6. Lumikha ng magandang disenyo sa pamamagitan ng mga bakas na nais gamitan.
7. Upang lalong maging kaakit-akit ang iyong gagawin ay
Paganahin ang inyong imahinasyon sa paglilimbag sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas.
8. Dahan -dahan tanggalin ang papel at patuyuin ang nilimbag na disenyo.
RUBRIK PARA SA PAGLILIMBAG NG LINOPRINT

Higit na nasusunod Nasusunod ang Hindi nasusunod


ang pamantayan sa pamantayan sa ang pamantayan
Mga Sukatan pagbuo ng likhang- pagbuo ng sa pagbuo ng
sining likhang-sining likhang-sining
5 3 2
1. Ang larawan ay nabuo gamit
ang proseso ng linoblock
printing.
2. Nakasunod sa mga panutong
binigay sa paglimbag ng
larawan
3. Gumamit ng angkop na
kagamitan para sa proseso.
4. Malinaw at nakikitang
mabuti ang paksa ng larawan.

LET US APPRECIATE (ISAPUSO MO)


Panuto: Sagutin at ilagay sa isang buong papel ang sagot.

Sumulat ng isang talata para ilarawan ang mga likhang-sining. Ilarawan din ang
naging karanasan sa paggawa nito.

ACTIVITY NO. 3
Panuto: Gumawa ng gawaing-sining na may disenyong bulaklak o halaman
Mga Kagamitan sa Paggawa:
Pencil, soap, linoleum,rubber or wood cut print, carving tools
Hakbang sa paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng sabon, linoleum, rubber o kaya malambot na kahoy.

13 – MAPEH Arts Grade 5 Week 3 & 4


2. Planuhin ang iguguhit na disenyong bulaklak o halaman.
3. Gumuhit sa sabon, linoleum, rubber o malambot na kahoy ng isang magandang bulaklak at
halaman sa Angeles City, Pampanga.
4. Gamitang mga pag-ukit.Ukitin ang mga iginuhit sa sabon,linoleum,rubber o
Malambot na kahoy sa maingat na pamamaraan ng paghawak sa mga kagamitan pang-ukit.
5. Iligpit ang mga gamit matapos gamitin.
6. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kahon batay sa antas ng iyong naisagawa sa buong aralin.

RUBRIK SA LIKHANG-SINING NA DISENYONG BULAKLAK O HALAMAN

Higit na nasusunod Nasusunod ang Hindi nasusunod


ang pamantayan sa pamantayan sa ang pamantayan
Mga Sukatan pagbuo ng pagbuo ng sa pagbuo ng
likhang-sining likhang-sining likhang-sining
5 3 2
1.Isinasagawa ang paglilimbag
gamit aang wastong teknik o
pamamaraan.

2.Malinaw ang pagkakalimbag at


kitang-kita ang paksa nito.
3.Maganda,angkop,at nababagay sa
paksa ang ginamit na mga kulay

4.Malinis ang pagtatrabaho at


niligpit ang mga kalat pagkatapos

REFLECTION
Panuto: Lagyan ng tsek ang angkop na kahon na tumutugma sa iyong mga karanasan

Oo Hindi
Kinalabasan ng Pagkatuto
Nakapagbigay ng ilusyon ng lalim/layo ng kaalaman sa
1
paglilimbag
Nakaguguhit ng tradisyon at kultura mula sa gawa ng mga
2
sinaunang ninuno natin.
3 Nakasusunod nang tama sa mga hakbang sa paglilimbag.
Napahahalagahan ang mga tradisyon na ambag ng mga ninuno
4
natin.
Naisakatuparan natin ang pagbuo ng likhang-sining na
5
impluwensiya ng ating mga ninuno.

14 – MAPEH Arts Grade 5 Week 3 & 4


MAPEH – Arts – Grade 5 – Week 3 – Competency 4

Paglilimbag Gamit ang Ibat-ibang Kulay

Name: _________________________________ Grade Level: ______________


Section: _________________________________ Date : ____________________

ALAMIN MO
.
MELCs -creates variations of the same print by using different colors of ink in printing
the master plate. A5PR-IIIe

Lubos na kinagigiliwan ang likhang-sining lalo na at angkop ang kulay na siyang


nagbibigay buhay at katingkaran sa isang obra. Ang paglilimbag ay isa sa mga pansining na
magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng isang bakas ng isang kinulayang bagay. Ang
paglilimbag na ito ay maaaring isagawa gamit ang mga bagay na matatagpuan natin sa ating
paligid at lapatan ng kulay alinsunod sa nais nating disenyo.
Pagmasdan ang dalawang larawan. Ano ang masasabi mo ukol dito

PAGSANAYAN MO
Gawain 1
Paggawa ng disenyo gamit ang iba’t-ibang kulay.
(Maaaring panoorin sa youtube ang link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=I0DgCqS5a2k&t=61s para makakuha ng mga idea sa paggawa
ng gawain)

15 – MAPEH Arts Grade 5 Week 3 & 4


Ihanda and mga sumusunod na kagamitan:
papel (bond/oslo paper), lapis, gunting, dyaryo,cardboard, kahoy, pangkulay

Mga hakbang sa paggawa:


1. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng papel, lapis, gunting, dyaryo, cardboard at kahoy.
2. Umisip ng simple at kakaibang disenyong gagawin.
3. Bumuo ng isang disenyong naisip.
4. Kulayan ang nabuong disenyo ng matitingkad na kulay. Maaaring gumamit ng kulay salit-
salit sa mga matingkad, maputla, malabnaw na kulay sa pagbuo ng disenyo.
5. Ang disenyo ay ilimbag ng salit -salit at paulit-ulit upang lumabas ang magandang
likhang- sining.
6. Maging malikhain sa pagbuo ng disenyo. Ayusin ang disenyo ayon sa nais na kalabasan.
7. Patuyuin ang natapos na likhang-sining lagyan ito ng pamagat.
8. Maghanda sa pag-uulat o pagbabahagi tungkol sa disenyong ginawa.
TANDAAN MO

Ang ritmo ay isang prinsipyo ng sining na nalilikha sa pamamagitan ng mga galaw ng


disenyo, nakapupukaw ng damdamin .Ito ay makikita sa pamamagitan ng pag-uulit at
pagsasalit ng disenyo.

ISAPUSO MO

Gawain 2
Panuto: Itanghal ang mga natapos na gawaing sining. Suriin ang bawat isa at sagutin
ang rubric.Lagyan ng tsek (√) ang kahon batay sa antas ng iyong naisagawa sa buong aralin.

Naisagawa ang obra Naisasagawa Naisasagawa ang obra na


Pamantayan ng mahusay at higit ang obra ng may katamtamang
pa sa inaasahan mahusay kasanayan
5 3 2
1. Nakakagawa ako ng isang
simple at kakaibang disenyo
2. Nakapaglilimbag ako ng
inuulit at salit-salit
3. Gumamit ako ng sariling
disenyo.
4. Nakagawa ako ng nag-iisa
5. Nakatapos ako ng gawain sa
inilaang oras.

16 – MAPEH Arts Grade 5 Week 3 & 4


REPLEKSIYON
Sagutin sa pamamagitan ng paglagay ng tsek (√) sa tamang kahon.

Opo Hindi po
Inilaang Kinalabasan ng Pag-aaral

1 Nagawa ang mga gawain ng buong husay.

2 Nakasunod nang tama sa mga panuto sa paggawa ng paglilimbag.


Nakagamit ng mga bagay na makikita sa paligid sa paggawa ng
3
gawain.
Naipamalas ko nang may kawilihan ang aking ginawang likhang-
4
sining.
5 Naipagmamalaki ang ginawang likhang-sining.

References: Week 3 – Competency 1


➢ https://www.google.com.ph/search?source=univ&tbm=isch&q=larawan+ng+
mga+alamat&sa=X&ved=2ahUKEwjb7fruy9LsAhXGGKYKHTPVAbQQjJkEegQI
AhAB&biw=1366https://www.google.com.ph/search?q=kahulugan+ng+ibat+iban
g+anyo+ng+paglilimbag&tbm=isch&ved=2ahUKEwj-
pojzy9LsAhWREKYKHYuaCkIQ2-
➢ cCegQIABAA&oq=kahulugan+ng+ibat+ibang+anyo+ng+paglilimbag&gs_lc
p=CgNpbWcQAzoECAAQHjoFCAAQsQM6AggAOgQIABBDOgcIABCxAxBDOgY
IABAFEB46BggAEAoQGDoECAAQGFCnrgRYk8AFYKvDBWgBcAB4BIAB_gaIA
ek-
kgEPMTcuMjUuMi4zLjEuMS4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQDAAQE
&sclient=img&ei=0u2WX_71IZGhmAWLtaqQBA&bih=625&biw=1366#imgrc=S
C54Fo-8rWIT5M
➢ Halinang Umawit at Gumuhit ( Batayang Aklat ) ni Hazel P. Copiaco at Emilio
S. Jacinto Jr. - Mga may-akda
References: Week 3 – Competency 2 & 3
➢ https://www.google.com/search?q=picture+of+fernando+amorsolo&oq=pictur
e+of+fernan&aqs=chrome.0.0i457j69i57j0l6.56239j0j7&sourceid=chrome&ie=U
TF-
➢ https://www.google.com/search?q=picture+of+fernando+amorsolo&tbm=isch
&chips=q:picture+of+fernando+amorsolo,online_chips:amorsolo+paintings&us
g=AI4_kTb0aWtrL4QwdKjhvkXA1Tm7e2Fxw&sa=X&ved=2ahUKEwjG4Y2mx
uXsAhW1L6YKHUYBAz8QgIoDKAV6BAgCEBY&biw=1034&bih=588
➢ https://www.google.com/search?q=kahulugan+ng+linoblock&tbm=isch&ved=
2ahUKEwjdhsTQxXsAhUAxosBHVFHCbIQ2cCegQIABAA&oq=kahulugan+n
g+linoblock&gs_lcp=CgNpbWcQA1CcPVicPWCBRmgAcAB4AIABVYgBVZIB

17 – MAPEH Arts Grade 5 Week 3 & 4


ATGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=e9-
gX53dGYCMr7wP0Y6lkAs&bih=588&biw=1034
➢ LEARNING MATERIAL ( ARTS 5 ) ni Jersom Mizona at Jose D.V Gregorio
Jr.
➢ Halinang Umawit at Gumuhit ( Batayang Aklat ) ni Hazel P. Copiaco at Emilio
S. Jacinto Jr.
References: Week 3 – Competency 4
LRMDS Deped Division of Cabanatuan
https://doc-04-b8-
docs.googleusercontent.com/docs/securesc/2mk0vec4u8cfkrdrqlaft769nkftpsr5/fqkmgnl
cfoaiqjp2uidbsdcj26rgi40s/1603702950000/04917265834728819148/16945821639783
903075/0B8v9KXTKLdeqM3JoLXZLZ1lITWc?authuser=0
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-arts-q1q4
https://drive.google.com/file/d/1e_3rLtNDijJPO0EPKwaQ3V6-iioD4y0A/view
https://www.youtube.com/watch?v=I0DgCqS5a2k&t=61s
Answer’s Key Week 3 – Competency 1
Activity no.1
1. Alamat 6. paglilimbag
2. Silk screen 7. drypoint
3. Block printing 8. intaglio
4. Ukiyo-e 9. Tsina
5. Etching 10.monoprint

Activity No.2: ay mabibigyan ng puntos sa pamamagitan ng rubrik

Activity No.3: ay mabibigyan ng puntos sa pamamagitan ng rubrik at maaaring tanggapin


ang iba pang sagot

Reflection: Depende ito sa katayuan ng mag-aaral (Self-assessment).

Answer’s Key Week 3 – Competency 2 & 3


Activity no.1
A. B. ( in any order )
6. d a. 1. Fruit Picker Harvesting
7. e 2. Making Philippine Flag or
8. a 3. Afternoon Meal of the Worker
9. c b. 1. linoleum
10. B 2. softwood
3. rubber ( soles of shoes )

Activity No.2: ay mabibigyan ng puntos sa pamamagitan ng rubrik

18 – MAPEH Arts Grade 5 Week 3 & 4


Activity No.3: ay mabibigyan ng puntos sa pamamagitan ng rubrik at maaaring tanggapin
ang iba pang sagot

Reflection: Depende ito sa katayuan ng mag-aaral (Self-assessment).

Answer’s Key Week 3 – Competency 4


Bibigyan ng puntos ang mga gawain batay sa rubric.

Prepared by:

Week 3 – Competency 1-3 Week 3 – Competency 4 & 5

ELAINE T. CALLEJA LEILA P. MIRANDA


Pulungbulo ES Sapalibutad ES

19 – MAPEH Arts Grade 5 Week 3 & 4

You might also like