You are on page 1of 8

Learning Area ARALING PANLIPUNAN

Learning Delivery Modality

Paaralan TUGTUG Baitang Baitang 5


ELEMENTARY
BANGHAY SA SCHOOL
PAGTUTURO
Guro DARREL L. Aralin Aralin 3- Sistemang Bandala
PALOMATA

Petsa NOVEMBER 28- Markahan Unang Markahan


DECEMBER 2,2022

Oras Bilang ng Araw

I. LAYUNIN Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa
bansa- Sistemang Bandala
2. Natatalakay ang naging epekto ng pagpapatupad ng patakarang Sistemang
Bandala
3. Napahahalagahan ang mga paghihirap na dinanas ng mga Pilipino sa
pagpapatupad ng Sistemang Bandala

A. Pamantayang Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa konteksto,ang bahaging ginampanan


Pangnilalaman ng simbahan sa, layunin at mga paraan ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas at ang
epekto ng mga ito sa lipunan.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto at dahilan


ng kolonyalismong Espanyol at ang epekto ng mga paraang pananakop sa
katutubong populasyon

C. Pinakamahalagang Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa
Kasanayan sa Pagkatuto A. Patakarang pang-ekonomiya (Halimbawa: Pagbubuwis, Sistemang Bandala,
(MELC) Kalakalang Galyon, Monopolyo sa Tabako, Royal Company, Sapilitang Paggawa
at iba pa)
B. Patakarang pampolitika (Pamahalaang kolonyal)

D. Pagpapaganang Kasanayan Naipaliliwanang ang mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga
(Enabling Competency) prayle.
Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa nagging epekto sa lipunan ng
pamamahala ng mga prayle

E. Pagpapayamang
Kasanayan

II. NILALAMAN Sistemang Bandala

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Sanggunian MELC PIVOT 4A BUDGET OF WORK- ARALING PANLIPUNAN 5,


1. Mga Pahina sa Gabay Pah.174 Curriculum Guide pahina 108
ng Guro

2. Mga Pahina sa Learner’s Activity Sheet


Kagamitang Pangmag
aaral

3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagan Kagamitan Larawan, activity sheet, slide deck presentation, Video presentation
mula sa Portal ng
Learning Resource

B. Listahan ng mga Kagamitan


Panturo para sa mga Gawain
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN

1
A. Panimula (Introduction) NEWS KO PO!
Pagbabahagi ng mag-aaral ng napapanahong balita.

MAGTHROWBACK TAYO!
Bago natin simulan ang ating aralin kailangang masubok ang iyong kaalaman sa
nakaraang aralin.

Gawain 1: Word Hunt


Panuto: Hanapin ang mga salitang may kaugnayan sa mga nakaraang aralin.
Magbahagi ng kaalaman kaugnay ng mga salitang nakita. P O L O Y S E R V I C I
OSAMPUNGREALESUXTDWWSQRPTLAHUUSBCED
FGJHLBBUWISPADAWAIOCEDULAPAPRNPABUSO
SOMRSTUITRIBUTOPOLWXN
PAGGANYAK: ISIP HAMUNIN
Panuto: Pagmasdan ang mga larawan at pag-isipang mabuti ang nais ipahiwatig ng
bawat isa.

Admin. “Maagang Pagtatanim Tugon SA Nakaambang Bagyo.” HOME -, June 22, 2019.
https://pilipinomirror.com/maagang-pagtatanim-tugon-sa-nakaambang-bagyo/.

“242,368 Ektaryang Palay Ligtas Sa Bagyong Rolly .” REMATE ONLINE, November 2, 2020.
https://www.remate.ph/242368-ektaryang-palay-ligtas-sa-bagyong-rolly/.

Munster, Kukee. “NFA Bumili Ng P111m Palay Sa Mga Lokal Na Magsasaka: Abante TNT
Breaking News.” Abante TNT | Breaking News, October 31, 2018.
https://tnt.abante.com.ph/nfa-bumili-ng-p111m-palay-sa-mga-lokal-na-magsasaka/.

2
“Barya Sa Kamay.” LovePik. Accessed May 31, 2022. https://ph.lovepik.com/image
500446913/a-coin-in-the-hand.html.

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano-ano ang mga suliraning kinahaharap ng mga magsasaka kaugnay ng nasa
larawan?
2. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang mga kinahaharap na suliranin ng mga
magsasaka?

B. Pagpapaunlad Dapat Alam Mo!


(Development) Sistemang Bandala
Ang sistemang bandala ay ang sapilitang pagbibili ng pamahalaang Espanyol ng
mga produkto o ani sa napakababang halaga. Ang bawat probinsiya ay may takdang
uri at dami ng produktong ibibigay sa pamahalaan upang ipagbili. Ang kota ng
lalawigan ay hinahati-hati sa mga bayan.
Lubos na pasakit ang ibinunga ng bandala. Ang transaksyon sa pagitan ng mga tao
at ng pamahalaan ay hindi makatarungan. Bukod sa hindi pagbabayad ng
pamahalaan sa mga produktong hindi nakaabot sa kota o itinakdang dami ng dapat
ipagbili sa pamahalaan, higit na kaysa sa halaga ng pagtitinda ng pamahalaan ang
ibinayad nito sa mga mangangalakal. Kapag di-umabot sa kota ang aning mga
magsasaka, napipilitan silang bumili sa ibang pook upang may maibenta sa
pamahalaan. Sa ganitong patakaran, nakapagkamal ng salapi ang mga Espanyol at
lubos na yumaman.
Sanggunian: Lahing Kayumanggi : HEKASI (Binagong Edisyon,
Batay sa Bagong Kurikulum) pahina: 102

Pamprosesong Tanong: Ano-ano na ang alam mo?


1. Ano ang Sistemang Bandala?
2. Sa paanong paraan ito ipinatupag ng Espanyol sa bansa?
3. Ano ano ang mabubuti at di-mabubuting naidulot ng Sistemang Bandala sa
mga katutubong Pilipino?
4. Bakit hindi nagustuhan ng mga katutubong Pilipino ang Sistemang Bandala?
5. Nakabuti ba sa mga Pilipino ang Sistemang Bandala? Bakit?

Gawain 2: Kaya Mo Ito!


Panuto: Lagyan ng masayang tsek (/) kung pangungusap ay tumatalakay sa epekto
ng sistemang bandala at ekis ( X ) kung hindi. 1. Ang sistemang bandala ay
tumatalakay sa sapilitang pagbibili ng produkto sa pamahalaang Espanyol sa
mababang halaga. 2. May kota o takdang dami ang produktong ibibigay sa sa
pamahalaan upang ipagbili.
3
3. Kumita ng malaki ang pamahalaan ng ipatupad ang sistemang bandala.
4. Hindi pagbabayad ng pamahalaan sa mga produktong hindi nakaabot sa kota o
itinakdang dami.
5. Lubos na pasakit sa mga Pilipino ang naging epekto ng sistemang bandala.

Gawain 3: Punan Mo!


Panuto; Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon upang mabuo mo ang talata. Isulat
mo ang iyong sagot sa sagutang papel
Bandala dami ipinagbibili bumili
paghihirap pang-aapi

Ang sistemang ____________ ay tumutukoy sa sapilitang pagbili ng pamahalaan sa


mga produkto ng mga magsasaka. Ang ____________ ng bawat lalawigan sa
pamahalaan ay may takdang _________ at uri ng produkto. Sa sistemang ito,
maraming hindi nabayaran ng pamahalaang gayong binili ito sa mababang halaga.
Kung minsan, kailangan pang __________ ng mga magsasaka sa ibang pook kung
walang maibenta at hindi umabot sa kota. Ang patakarang bandala ay nagdulot ng
___________ at ___________ sa mga Pilipino at nagpayaman naman sa mga
Espanyol.

C. Pakikipagpalihan Gawain 4: Galingan Mo!


(Engagement) Panuto; Suriing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Sa
pagpapatupad ng Sistemang Bandala ang mga magsasaka ay __________________
A. Binabayaran kaagad ng kanilang mga produkto.
B. Kinukumpisa ang mga produkto ng mga katutubo.
C. May kapalitna produkto rin galing sa mga Espanyol D. Binibigyan ng mga
promissory note sa halip na bayad sa kanilang produkto.
2. Ano ang ipinatupad sa bawat pueblo sa ilalim ng Sistemang Bansadal? A. Kota o
takdang dami ng produkto kada taon.
B. Pagkakaroon ng pinunong Pilipino sa bawat pueblo C. Curfew mula ika-9 ng
gabi hanggang ika-5 ng madaling araw. D. Sapilitang pagtatrabaho sa mga
kababaihang may edad na 18 hanggang 60 taong gulang.
3. Ang taunang quota ng mga produkto sa mga lalawigan na kailangang ibenta sa
pamahalaan ay tinatawag na_________. A. Bandala B. Encomienda
C. Real Situado D. Tributo.
4. Alin ang Hindi kabilang sa masamang epekto ng Sistemang Bandala? A. Maging
ang mga bata ay pinagtinda ng mga produkto sa mga opisyal na Espanyol.
B. Nalugi ang mga Pilipino dahil sa mababang presyong itinakda ng mga opisyal
na Espanyol sa mga produktong sapilitang ibinibenta sa kanila.
C. Napilitang mangutang ang mga magsasaka dahil sa labis na pangongolekta ng
produkto ng mga Espanyol
D. Umabot ng milyon-milyon ang pagkakautang ng pamahalaang Espanyol sa
mga magsasakang Pilipino.
5. Bakit hindi nagustuhan ng mga katutubong Pilipino ang Sistemang Bandala?
4
A. Ang Sistemang Bandala ang naglayo sa kanila sa kanilang mahal sa buhay.
B. Ang sistemang ito ang dahilang ng pagyaman ng mga namamahala sa
pamahalaan
C. Maraming lupain ng mga katutubong Pilipino ang kinamkam ng mga
pamahalaang Espanyol
D. Para sa kanila ang sistemang bandala ay nagdulot ng pahirap at pang-aapi sa mga
Pilipino at nagpayaman naman ang Espanyol.

Gawain 5: Alam Ko Na!


Panuto: Batay sa tinalakay na aralin tungkol sa sistemang bandala, isulat sa mga
kahon ang iyong natutunan tungkol sa patakarang ipinatupad ng Espanyol.

“Ang Tiya Ng Magsasaka.” LovePik. Accessed May 31, 2022.


https://ph.lovepik.com/image-401187102/peasant-uncle.html.

D. Paglalapat (Assimilation) Gawain 6: Ating Isapuso


Panuto: Isulat sa loob ng puso ang iyong naging damdamin sa mga katutubong
Pilipino ng ipatupad ng Espanya ang Sistemang Bandala.

E. Pagninilay Matapos mapagdaanan ang maraming pagsubok na humamon sa kakayanan upang


maging ganap ang pagkatuto at kabatiran tungkol sa tinalakay na aralin ngayon ay
magagawa mo ng ihayag ng buong pagmamalaki :
Naunawaan ko na _____________________________________________
Nabatid ko na

Takdang Aralin Itula Mo.


Panuto : Sumulat ng tula na binubuo ng 2 saknong tungkol sa patakarang na
ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ang Sistemang Bandala. Maaari na itong
gawin sa tahanan. Ihanda sa presentasyon sa oras ng Araling Panlipunan. Sundin ang
rubriks sa pagsulat ng tula.
RUBRIK SA PAGKATHA NG TULA
Pamantayan Napakagaling
Magaling
Katamtaman
5
3
1
Nilalaman
Lubos na
May isa sa
May dalawa o
Kaangkupan sa
nasunod ang
pamantayan
higit pang
paksa
lahat ng
ang hindi
pamantayan
∙ Malinaw na
pamantayan
nasunod
ang hindi
paliwanag
sa nilalaman
nasunod
∙ orihinalidad
Pagbubuo Lubusang
May isa sa
May dalawa o
nasunod ang
pamantayan
higit pang

5
∙ Nakhikayat mga ang hindi pamantayan sa
ang tula pamantayan nasunod pagkakabuo
∙ Maayos ang sa ang hindi
pagkakalaha pagkakabuo nasunod
d ng
paliwanag
∙ Organisado
ang
impormasyon

Susi sa Pagkatuto
Gawain 1 Gawain 3 Gawain 4

1. TRIBUTO 1. / 1. bandala
2. BUWIS 2. / 2. ipinagbibili
3. ALIPIN 3. / 3. dami
4. POLISTA 4. / 4. bumili
5. POLO Y SERVICIO 5. / 5. paghihirap
6. SAMPUNG REALES 6. pang-aapi
7. CEDULA

References Section
1. Araling Panlipunan Ikalawang Markahan - PIVOT Learner’s Material
Unang Edisyon, 2020
Inilathala ng: Kagawaran ng Rehiyon IV-A CALABARZON
patnugot: Wilfredo E. Cabral
Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes

2. Lahing Kayumanggi : HEKASI (Binagong Edisyon, Batay sa Bagong Kurikulum) pahina: 102 Karapatang
Ari 2013-2014 nina
Marie Fe P. Bosales (Awtor)
Atty. Susana T. de Guzman (Editor)
Ruben M. Milamniling ( Koordineytor
at ng The Library Publishing House, Inc.
Prepared by:
DARREL L. PALOMATA
Teacher II
Approved:
DULCE A. GUTIERREZ
Principal II

You might also like