You are on page 1of 2

Alamani, Marlo D.

STEM- Darwin
Filipino sa Piling Larangan
Week 4

Ang Hindi Pagsuot ng Facemask sa


Pampublikong Lugar

Magandang umaga/tanghali/hapon/gabi sainyo! Ang aking pangalan ay


Marlo Alamani, ako ay naatasang gumawa ng Talumpati na nagpapatungkol sa
“Hindi pagsusuot ng facemask sa Pampublikong Lugar”. Bakit may mga taong
hindi nagsusuot ng facemask sa pampublikong lugar? Bakit din naman may mga
nagsusuot ng facemask sa pampublikong lugar? Paano natin malalabanan ang
isang kalaban na hindi natin nakikita at nasa iniihip nating hangin? Dito natin pag-
uusapan ang mga katanungan na dapat sagutin. Ngayong pandemya ay tayo ay
mahigpit na pinapagamit ng facemask sa tuwing lalabas ng bahay o tinutuluyan.
Dahil ang pagkalat ng sakit na ito ay ang magpapatagal pa lalo at magpapalala ng
pandemya. Maaaring mahuli at mapagmulta ka ng hindi bababa sa isang libong
piso, kung ang paguusapan ay ang nakaraang taon. Ngunit ngayon ay maluwag na
ang pandemya na hindi tulad dati na sobrang higpit. Pero sabi nga nila, “It is
better to be safe than sorry”, hindi naman masama ang pagdo-dobleng ingat
pagdating sa sarili at sa mga taong nakasasalamuha. Ang mga tao ay gumagana sa
pamamagitan ng maraming Sistema ng katawan, kasama na rito ang “Nervous
System”. Ang nervous system ang Sistema ng katawan na paganahin ang mga
emosyong pantao tulad ng kaba, takot, panginginig, at papasok din dito ang
confidence at self-esteem. Nagsusuot ang mga tao, kadalasan ang mga teenager
ng facemask para maitago ang kanilang mga mukha. Sa paraang ito ay
magmumuka silang kaakit-akit at mas magmumuka silang “aesthetic” at para
maitaga ang kanilang mga insecurities. Samantalang ang iba naman ay hindi na
nagsusuot ng facemask dahil hindi sila makahinga nang maluwag o wala silang
gaanong pansin sa mga taong papansin ng insecurities nila. Mahalagang ma-
kontrol natin ang pagkalat ng virus na COVID at tayo ay mag-ingat. Ito ang pinaka
magadang lunas sa pagkahawahawa ng sakit bukod sa antidote. Wala tayong
karapatan na sabihan ang mga taong nagsusuot at mga hindi nagsusuot ng
facemask dahil buhay nila yon. May mga sari-sarili tayong dahilan kung bakit tayo
ay nagsusuot o hindi nagsusuot ng facemask. Maging mapa-personal man o dahil
may sakit. Hindi natin alam ang mga nangyari at naranasan ng mga taong ito para
ay ating husgahan.

You might also like