You are on page 1of 4

Devecais:Magandang hapon mga binibini’t ginoo ako ang

inyong punong tagapamagitan.Ngayong araw ay inyong


masasaksihan ang isang debate ukol sa “Kailangan nga bang
mag suot ng facemask sa loob ng silid-aralan? Sang-ayon o
Hindi Sang-ayon?

Devecais(Time Keeper) - Ang debate ating simulan na.


Sa panig ng Sang-Ayon ipaglaban mo ang iyong opinyon
Binibining fiona.

Andaya (Sang-ayon)-Ako’y naniniwalang hindi na natin


kailangan ng facemask sa loob ng silid aralan ayon sa The New
York Times halos animnapu’t walong porsyento sa buong
pilipinas ay baksinado laban sa kumakalat na virus.

Devecais (Time Keeper)-Tapos na ang iyong oras bini


bini,dadako muna tayo sa nagsasabing hindi siya sang ayon sa
iyong opinyon.

Sendico (Hindi Sang-ayon)-Hindi ako naniniwala riyan subalit


ang pagsusuot ng face mask ay magsisilbing proteksyon sa mga
bata sa anumang nakakahawang sakit na kumakalat.At pwede
rin itong magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga guro at
mag-aaral.

Devecais (Time Keeper) - Tapos na ang iyong oras binibining


Joanna, Ipaglaban mo ang inyong panig Ginoong Rochie.

Demaisip (Sang-ayon)- ipatutupad ng DepEd ang Department


Order 48, na ginagawang boluntaryo na ang pagsusuot ng face
mask sa indoor at outdoor ng mga paaralan base na rin sa
Executive Order No. 7 ng Malacañang para sa optional face
masks.
Devecais (Time Keeper)- Mainit init ang labanan may na pusuan
naba kayo? Kung wala pa atin ng ipagpapatuloy ang
pangangatwiran ng kanya kanyang grupo.

Georfo (Hindi Sang-ayon)- Nauunawaan kita subalit


Inirekomenda pa rin ng Philippine Pediatric Society o (PPS) at
Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines o (PIDSP)
ang patuloy na pagsusuot ng face masks ng mga bata habang
nasa loob ng mga paaralan para maiwasan na mahawa sila ng
COVID-19 at hindi magkaroon ng seryosong mga kumplikasyon.

Devecais(Time Keeper)- Ipaglaban mo Ginoong ian ang inyong


opinyon.

Amando(Sang-ayon)- Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand


Marcos ang Executive Order Number 7 na optional na lamang
ang pagsusuot ng face mask sa mga estudyante at mas mainam
na huwag ng magsuot ng face mask ang mga estudyante dahil
nakaka sira ito sa ating respiratory system kapag matagal na
oras ng naka suot ng face mask ang mga bata.

Devecais(Time Keeper)-Tapos na ang iyong oras Ginoo, Maari


ka ng mag simula Ginoong Jerry.

Bensorto(Hindi Sang-ayon)- Hindi ako sang-ayon dahil ang


paaralan ay isang pampublikong lugar kahit sinong taong
nakakasalamuha araw araw hindi natin alam kung saan siya
galing o saan siya humahawak mas mahalagang may
proteksyon parin tayo at Sa datos ng Department of Health o
(DOH) nitong Biyernes, mayroong tatlong libo’t siyam na daan
at tatlumput siyam na adolescent o edad 12-17 ang dinapuan
ng COVID-19 mula Setyembre 1 hanggang Nobyembre 3.
Bensorto(Time Keeper)- Magaling kayong lahat napatunayan
ninyo ng maigi ang inyong Ipinaglalaban may nakalap kayong
mga totoong ebidensya ngayon ating palakpakan ang
panibagong grupo ng mga estudyante na kaya ring ipaglaban
ang paksang napag ka sunduan…

Bensorto(Time Keeper)- Ginoong Guile magsimula kana upang


marinig na namin ang iyong opinyon.

Tamayo(Hindi Sang-ayon)- Ako’y sumasang ayon na kailangan


pa ring magsuot ng face mask ang mga estudyante sabi ni PIDSP
president Dr. Fatima Gimenez na mayroong kundisyon sa mga
dinapuan ng COVID-19 at nakarekober na tinatawag na MIS-C o
“multisystem inflammatory syndrome” na may masamang
epekto sa bata partikular sa puso at sa respiratory system.

Bensorto(Time Keeper)- Tapos na ang iyong oras ginoo


pagbigyan naman natin ang isang panig upang maipahayag nila
ang kanilang opinyon.

Salik(Sang-ayon)- Ayon sa World Health Organization o (WHO)


at Department of Health o (DOH) ang mga bata ay di
masyadong maaapektuhan sa virus kaya pwede silang hindi na
magsuot ng face mask.

Bensorto(Time Keeper)-Tapos na ang iyong oras Binibining


Ranyah.May sasabihin ang iyong kasama na si Binibining Amera

Alkhalidi(Sang-ayon)-Ayon sa Philstar ang face mask raw ay


nakakasagabal sa pag-aaral ng kabataan ito ay naging hadlang
upang magkaroon ng mga insecurities sa kanilang buhay.
Bensorto(Time Keeper)- tapos na ang inyong oras binibini
pagbigyan naman natin ang kabilang panig Ginoong Cyriuz
simulan mo na.
Devecais(Hindi-Sang ayon)-Naiintindihan kita subalit ang virus
ay kumakalat parin sino ba ang makakampante kung ang
kalaban ay hindi nakikita?At inirerekomenda ng American
Pediatrics na kailangang magsuot ng face mask ang mga edad 2
pataas na mga estudyante dahil kahit may bakuna na maari pa
rin na mahawa at makahawa.

Bensorto(Time Keeper)-Maraming Salamat ginoong cyriuz sa


iyong opinyon batay sa paksa ngayon ay ating pakinggan ang
huling magbabahagi ng kanyang opinyon ginoong chris simulan
mo na.

Demafilis(Sang-ayon)- Kaibigan Hindi ako sang-ayon sa iyong


opinyon dahil Una nang nanindigan ang DOH na ang mga mag-
aaral ay itinuturing nilang vulnerable population.Ang pahayag
na ito ay ginawa ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario
Vergeire ay kasunod ng pagsisimula ng full face-to-face classes
sa mga paaralan.Ipinauubaya na ng Department of Health
(DOH) sa mga magulang ang pagdedesisyon kung pagsusuutin
nila o hindi ng face mask sa loob ng silid-aralan ang kanilang
mga anak.

Bensorto(Time Keeper)-Maraming Salamat Ginoo Akin na pong


tatapusin ang pag babahagi ng sariling opinyon batay sa
napagkasunduang paksa ang desisyon ay nasa hurado kung
kanino sila mas napahanga mga kasamahan halinat pumunta sa
harapan upang mag pasalamat…

(BOW) THE END…

You might also like