You are on page 1of 2

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Marami sa mga kabataan ngayon ang tumatahak sa magulong mundo. Nakikipagtalik, agarang
pagbubuntis hanggang sa mag-asawa na lamang ng wala pa sa tamang edad. Sinasabing mapupusok ang
mga kabataan sa makabagong henerasyon. Dahil dito, naging laganap sa bansa gayundin sa buong
mundo ang mga sakit o virus na dulot ng pakikipagtalik. Naging bukas ang bawat pamahalaan sa
ganitong pangyayari kung kaya't ang condom ang naisip nilang paraan upang sugpuin ang ganitong
problema. Subalit, Ito ay hindi ang pinakaligtas na paraan upang maiwasan ang pagbubuntis. Bagama't
ang katawan ng tao ang sensitibo lalong-lalo na sa ganitong bagay kaya't ang produktong ito ay maaaring
sisira sa immune system ng babae.

Ayon kay Paulyn Ubial (2016), sekretarya ng Kagawaran ng Pangkalusugan, ang pamimigay ng
condom ay hindi magsusulong ng kawalang delikadesa, ngunit sa katunayan, ito ay ginawa para sa
sekswal na aktibong tinedyer. Sa pamamagitan nito, magiging mas maingat sa hindi ginusto o "unplanned
pregnancies" at STI (Sexually Transmitted Infection) kasama na ang HIV (Human Immunodeficiency Virus)
o AIDS (Acquired Immuno Defleciency Syndrome).

Ang pamimigay ng condom sa bawat mag-aaral ay maaaring maging isang positibong paraan para sa
kanila na gawin ng agaran ang pakikipagtalik sa kapwa. Maari masira ang dignidad ng mga kabataan.
Sinasabing maiiwasan ang HIV/AIDS lalong-lalo na sa mga multi-sexual, subalit imbis na maprotektahan
sila, lalabas na parang sinang-ayunan ang pakikipagtalik basta gagamit na lamang ng condom. Magiging
maaga ang panahon ng kanilang taglibog. Edukasyon ang kailangan nila para maintindihan ang usaping
ito. Kailangang maunawaan nila na ang pakikipagtalik ay para lamang sa mag-asawa na bumuo ng
pamilya.

Isinagawa ang pananaliksik na ito upang maipaunawa sa mga mambabasa ang maaaring maidulot ng
pamimigay ng condom sa mga mag-aaral. Ang layunin nito ay bigyan ang mga tinedyer ng naturang
Impormasyon tulad ng positibo at negatibong epekto nito sa kanilang pag-aaral at kalusugan. Ang pag-
aaral na ito ay may ginagampanang mahalagang tungkulin sapagkat ito ay ay nagsisilbing gabay at
patnubay sa mga mambabasa sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Nakatutulong ito upang
mamulat at mapalawak ang kanilang isipan, mabigyang linaw ang kanilang mga katanungan, mabatid nila
ang tama at mali, at upang maproteksyonan ang kanilang mga dignidad para makamit nila ang landas
tungo sa magandang kinabukasan.

You might also like