You are on page 1of 27

A C L C

AMA COMPUTER LEARNING CENTER


College of Iriga.Inc.
2nd Flr. Jasaca Bldg. Highway 1
San Miguel Iriga City

“Teenage Pregnancy o Maagang Pagbubuntis”

Bilang bahagi sa katuparan sa pangangailangan sa GE-122


Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik.

Ipinasa ni:

Jona Olea Villamer

(Mag-aaral)

Ipinasa kay:

Gng. Teresita Lazarte Pili

(Guro)
Sa sinumang makakabasa.itoy pagpapatibay sa kanya
sulating pananaliksik na pinamagatang “Teenage Pregnancy o
Maagang Pagbubuntis”

Ito’y inilathala ng mananaliksik upang magsilbing


sanggunian sandigan at iba pang silbing pangangailangan.
Datos Pang Talambuhay

Pangalan: Villamer, Jona O.

Tirahan: Perpetual Help, Lunsod ng Iriga

Kapanganakan: BMC Naga, Lunsod ng Naga

Kaarawan: September 9, 1996

Relihiyon: Protestant

Katayuang Sibil: Walang Asawa

Mga Magulang: G. Jovinal Sentillas Villamer

Gng. Diana Olea Villamer

Dinaluhan huling Paaralan:

Elementarya: Iriga North Central School

Perpetual Help, Lunsod ng Iriga

Hayskul: Mataas na Paaralan ng Perpetual


Help Lunsod ng Iriga

Kolehiyo: AMA COMPUTER LEARNING CENTER

College of Iriga

San Miguel,Lunsod ng Iriga

Dinaluhan na Seminar:

 Child Abuse
 Workshop Series
 Earthquake Drill
 Anti Bullying
 Flower Arrangement Seminar
Talaan ng Nilalaman

i. Pahinang Pamagat
ii. Dahon ng Pagpapatibay
iii. Pahina ng Pasasalamat
iv. Datos Pantalambuhay
DEPENESYON NG TERMONOLIHIYA

Teenage Pregnancy - Ito ay nangangahulugan na pagkuha


ng mga buntis sa isang mas bata na edad o maaaring ito
rin ibig sabihin pagkuha ng mga buntis maaga sa pag-
aasawa

UNWANTED PREGNANCY- ay isang pagbubuntis na di


ginusto.

RAPE VICTIM- Ang Rape Victim ay isang uri ng sekswal


na panlulusob na karaniwang pagtatalik o iba pang
gawaing penetrasyonng sekswal sinimulan laban sa isa o
higit pang indibidwal na walang pahintulot.

VICTIM OF SEDUCTION- ay ang proseso ng kusa nakakaakit


isang tao, ililigaw, pati na mula sa tungkulin,
pagkamatuwid, o mga katulad.

EARLY MARRIAGE- Maagang pag-aasawa, o anak pag-aasawa,


ay tinukoy bilang ang pag-aasawa o unyon sa pagitan ng
dalawang tao kung saan ang isa o parehong partido ay
mas bata sa 18 taong gulang
Panimula:

“Teenage Pregnancy”

An dating pambansang bayani ay minsan nagsabi na


ang kabataan ang pag-asa ng bayan, sana nga’y tama
sya, sana nga’y nakikita niya ang mga kabataan sa
panahong ito. Sana ang pag-asang ito ay di lang basta
pag-asa sana’y maisakatuparan at matupad. Na ang mga
kabataan yaon ang tatayo ng isang bansang maunlad,
progresibo at mapayapa. Na ang pag-asa ng bayan ay di
mga pabigat ng bayan.

Sa kabataan ngayon nadadala sila ng kanilang mga


damdamin at nakagagawa ng isang pagkakamali na hindi
na matakbuhan, at sa bandang huli ay pinagsisihan kung
bakit nila ito nagawa.

Ang isyu ng “Maagang Pagbubuntis” ay laganap sa


iba’t ibang bansa sa buong mundo. Kasalukuyang,
tayong nahaharap sa napasala’t na katotohanan nasa
napakabatang edad, karamihan sa mga kabataan ngayon ay
may sarili ng mga anak. Ang maagang pagbubuntis ay
hindi magandang tingnan sa ating mga kabataan, ito ay
nakakiba ng kalidad bilang isang babae at nakakaapekto
sa ating emotional na damdamin.

Ang TEENAGE PREGNANCY o Maagang pagbubuntis


Ito ay nangangahulugan na pagkuha ng mga buntis sa
isang mas bata na edad o maaaring ito rin ibig sabihin
pagkuha ng mga buntis maaga sa pag-aasawa. May
dalawang uri na posibilidad na mabuntis sa edad ng 13-
19 gulang. Ito ay ang UNWANTED PREGNANCY at EARLY
MARRIAGE.

Ang UNWANTED PREGNANCY ay isang pagbubuntis na di


ginusto. UNWANTED PREGNANCY Ang unwanted pregnancy ay
may tatlong katangian ito kaya nangyayari ang ganitong
kaso. Ito ay ang RAPE VICTIM, VICTIM OF SEDUCTION AT
RELASYON. Ang Rape Victim ay isang uri ng sekswal na
panlulusob na karaniwang pagtatalik o iba pang gawaing
penetrasyonng sekswal sinimulan laban sa isa o higit
pang indibidwal na walang pahintulot. Ito ay maaaring
gawin sa pamamagitan ng pisikal na lakas, pamimilit,
pang-aabuso sa kapangyarihan o laban sa taong hindi
makapagbugay ng pahintulot, katulad ng isang taong
walang malay. Ang terminong panggagahasa ay tinatawa
ding sekswal na panghahalay. At ang victim of
seduction ay ang mga biktima na nadadala sa mga suhol
ng mga kanilang katalik o mga taong may mga masasamang
balak at hindi naman tutuparin ang mga pangako.

Minsan ba naitanong natin sa ating mga sarili


kung saan o kung ano- ano ba ang pinagbuhatan ng
maagang pag-aasawa ng mga kabataan? Ang ikalawang uri
ng teenage preganacy ay ang maagang pag-aasawa. Ang
maagang pag-aasawa ay isang napakabigat na
responsibilidad na pinasokj ng mga kabataan.

LAYUNIN NG PAG-AARAL:

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makakalap ng


impormasyon tungkol sa mga epekto ng Teenage Pregnancy
sa mga kabataan. Ang mga impormasyong makakalap ay
gagamitin para makabuo ng konkretong impormasyon para
maging aral at magmulat sa mga mata ng kabataan sa mga
di magagandang epekto ng teenage pregnancy. Ang mga
nasabing epekto ng teenage pregnancy ay hahatiin sa
aspekto ng:

 Pag-aaral
 Kalagayang-sosyal
 Kalusugan
 Kinabukasan
 Mga pangungutya’t sabi-sabi ng ibang tao.
Kahalagahan ng Pag-aaral:

 Sa KABATAAN- ang pag-aaral na ito ay makakatulong


sa pagmulat ng mga kabataan sa mga masasamang
maidudulot ng sobrang kapusukan ng pakikipagtalik
ng mga kabataan ng walang lihitimong basbas ng
kasal.

 Sa mga MAGULANG- ang pananaliksik na ito ay


makakatulong magbigay ng impormasyong at ideya sa
gabay at pagdisiplina sa kanilang mga anak sa
paraang di nila daramdamin ang iyong mga payo at
pangaral na hahantong sa pagrerebelde.

 Sa pamahalaan at komunidad-maaraing magamit ang


pag-aaral na ito upang makontrol ang lumalaking
populasyon ng bansa sa pamamagitan ng pagliit ng
insidente ng teenage pregnancy. Ang mga datos sa
pag-aaral na ito ay maaring gamitin sa pagmulat
ng kamalayan ng nakakarami tungkol sa teenage
pregnancy.

 Sa SARILI- maaring magamit ang pag-aaral na ito


para na rin sa ating sarili, na lahat n gating
ginagawa ay may kaakibat naresulta, na an gating
kapusukan minsan ay di maganda at lahat ng ito ay
may kaakibat na responsibilidad na dapat nating
panagutan.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito at aalamin ko ang mga suliranin


sa “Maagang Pagbubuntis”, ano ang mga epekto nito sa
kapaligiran at ano ang mararamdaman ng kanilang mga
minamahal. Sa pag-aaral na ito malalaman ng mga mambabasa
kung paano at anu-ano ang mga dahilan nito kung ang pamilya
ba ang mga problema o sa mga kabarkada na humihikayat sa
kanila gumagawa ng mga bagay na hindi maganda.
Katawan:

Ang teenage Pregnancy o Pagbubuntis ng mga babae sa


edad 12 hanggang 19 ay isang malawakang isyu hindi lamang
sapilipinas kundi sa buong mundo. Ayon sa estadistikang
“Save the CHILDREN”, 13 milyong babae sa iba’t ibang parte
ng mundo ang nabubuntis sa edad 20 pababa taun-taon. Dahil
ditto, malawakang kampanya ang ginagawa ng mga gobyerno
upang ibaba ang bilang ng kaso ng teenage pregnancy. Sa
datos noong 2010, halos 4.8 milyon ang naitalang batang ina
sa bansa. Sa katunayan, pito sa sampung buntis na babae ay
hindi bababa sa 19 ang edad.

Pinatunayan ito ng Word Bank at sinabing ang pilipinas


ay isa sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng mga
batang ina. Sa Pilipinas, malaking porsyento ng mga
kababaihan na maagang nabubuntis ay nabibilang sa low-
income generating group. Dahil wala pa sa hustong gulang,
karamihan sa mga kabataang maagang nabubuntis ay hindi
nagpapakasal. Napipilitan din silang tumigil sa pag-aaral
hanggang makapanganak. Ngunit, marami sa kanila ang tuluyan
nang humihinto sa pag-aaral upang magtrabaho.

Ang lumalaking bilang ng mga kabataang maagang na


bubuntis ay sinasabing sumasalamin sa kasulukuyang
kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Ang lumulubong populasyong
at kawalan o limitadong kakayahan ng mga kabataan na
suportahan ang kanilang mga anak ay isa sa mga nagiging
dahilan ng lumalalang kahirapan sa bansa. Sa medaling sabi,
mas maraming maagang nabubuntis, mas tumataas ang antas ng
kahirapan.

Maraming rason kung bakit maagang nabubuntis ang mga


kabataan, subalit ang itinuturong pinakadahilan nito ay di
sinasadyang nabuntis dulot ng peer pressure o ang
pagpapadala sa mga taong nakapaligid lalo na sa mga taong
nakapaligid lalo na sa mga kaibaigan o emosyonal blackmail
na ginagamit ng anilang kasintahang lalaki sa babae kung
saan mapapatunayan daw ang pagmamahal sa pamamagitan ng
pakikipagtalik. Sinasabi rin na lang ang isang dalaga ay
may kasintahang lalaki na higit o mas matanda sa kanya ay
mas medaling ma emotional blackmail. Kahirapan sa pamilya
na humahantong sa pagrerebelde ng kabataan. Medya, ang
internet telebisyon ay dahilan ng pagmulat ng kaisipan ng
mga kabataan sa sex at higit sa lahat ay ang kakulangan sa
edukasyon na kung saan kulang ang nalalaman ng isang
kabataan s atamang Gawain.

EPEKTO ng TEENAGE PREGNACY

 Pisikal, Mental, Emosyonal at Sikolohikal na


Suliranin-dulot ng teenage pregnancy sa mga kaanak,
magulang at sa mga bata. Dahil sa hindi handang
katawan at kakulangan sa kaalaman ng kabatang ina
malaki ang posibilidad na magkaroon ng premature
birth, at iba pang komplikasyon sa pisikal at mental.
 Sakit na kaugnay-maraming sakit sa katawan ang pwedeng
makuha sa maagang pagbubuntis katulad ng (chronic
respiratory diseases at body impainments) lalo na ang
STD o Sexually Transmitted disease.
 Pagkasira ng Kinabukasan – ang maagang pagbubuntis ay
maaring magdulot nang sapilitang pagtigil ng kabataan
sa pag-aaral na maaring magdulot ng pagkasira ng
magandang kinabukasan.
 Aborsyon –dahil sa di sinasadya ang pagbubuntis ay
ipapalaglag nalang ang bata.

MGA RESPONDENT:

Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na maagang


pagbubuntis ng mga kabataan ay natamo sa pamamagitan ng
pangangalap ng datos at pagkuha ng pananaw at opinion ng
mga kabataan.
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Talaan 1: Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Edad.

20

18

16

14

12
EDAD
10 DALAS
PORSYENTO %
8

0
1 2 3 4 5

Ang talaan 1 ay nagpapakita na kdalasan sa maagang


pagbubuntis ay nasa edad 17 na syang nakakuha ng
pinakamalaking porsyento na 40%. Ang sumunod naman ay sa
gulang 18 na may 30%. Pagkatapos ay ang edad 19 na nakakuha
ng 20%. Pareho naming nasa panghuling pwesto ang nasa edad
15 at 16 na mag 5% lamang bawat isa. Karamihan sa mga
nabubuntis ng maaga, ating mahihinuha ayon sa datos, ay
iyong mga kadalagahan na may mga ideya na kung ano talaga
ang buhay. Lagpas na sila sa edad kung saan sila ay
nangangapa pa at umaangkop sa kanilang kapaligiran. Mayroon
na silang ideya, kahit maliliit man lang, sa kung ano ang
kanilang pinapasok at kung anu-ano ang pweding maging
epekto nito.

Talaan 2: Distribusyon ng mga Respondente ayon sa


Pinakamataas na Antas ng Pag-aaral na natapos.

KOLOHEYO

HAYSKUL

DALAS
ELEMENTARYA
PORSYENTO %

0 5 10 15 20
Ang talaan 2 naman ay nagsasabing sa 20 babaeng
tinanong ay 75% ang nakapagtapos ng hayskul. Sinundan naman
ito ng 20% na nakapagtapos lamang ng Elementarya. 5%
naman ang nakapagsabi na tapos na sila ng kolehiyo. Base
sa impormasyong ito, ating maiinkonklud na malaking
porsyento, 75% eksakto, ng mga magiging konsekwensya nito
kung saka sakali. Mayroon na silang mga kaalaman tungkol sa
maaaring ibunga ng kanilang sobrang kapusukan.

TALAHANAYAN (Bilang ng Respondent sa pag-aaral)

1. Sa iyong palagay ano/sino ang pinaka nakakaimpluwensya


para mamulat o mag-udyok ang mga kabataan sa pre-
maritalsex.
0.45

0.4

0.35

0.3

0.25

0.2

0.15

0.1

0.05

0
Kakulangan sa Peer Pressure Kahirapan Social Media Emotional Broken Family
Edukasyon Blackmail

2. Sa iyong palagay makatutulong ba ang SEX EDUCATION


upang maiwasan ang teenage pregnancy?
80%

70%

60%

50%

40% oo Hindi

30%

20%

10%

0%
oo Hindi

3. EPEKTO NG TEENAGE PREGNANCY


Dalas Porsyento

Pisikal, Mental at
sikolohikal na 12 32%
suliranin

Sakit na kaugnay ng 1 2%
teenage pregnancy

Pagkasira ng
Kinabukasan 25 66%

Kabuuan: 38 100%

4. Solusyon laban sa Teenage Pregnancy.


Dalas Porsyento

Contraseptive at Family
Planning 9 17%

Pagpapatibay ng Relayon
sa pamilya 28 52%

Pagtuturo ng Sex
Education 17 31%

Kabuuan: 54% 100%

5. Payag ka ba sa aborsiyon?
100%

90%

80%

70% OO

60%

50% HINDI

40%

30%

20%

10%

0%
OO HINDI

Ang instrumentong aking ginamit upang maisakatuparan


ang pag-aaral na ito ay ang pagkalap ng mga datos at
pagkuha ng pananaw ng bawat mag-aaral at ng aking mga
kamag-anak at kapitbahay sa aming lugar.

Ang bansa natin ngayon ay lugmok sa kahirapan. Dahil


sa iba’t ibang krisis na ating nararanasan o nadadamasa
ngayon. Mataas na presyong bilihin, kalamidad, panggigipit
ng mga may kapangyarihan para sa kanilang pansariling
kapakanan, paglabag sa batas ng ilangmamayanan na
nagdudulot ng kaguluhan, paglabag sa mga karapatang pantao
dulot ng kawalan ng respeto sa bawat isa, di pagkakaunawaan
sa pagitan ng mga nasa pamahalaan at mamamayan, at marami
pang iba. Kailan pa kaya ito mawawakasan o mabibigyan ng
karampatang solusyon. Patuloy na lang ba nating isisisi ang
lahat ng ito sa pamamalakad ng gobyerno? Bakit di natin
tanungin an gating sarili may naitulong ba tayo upang
maiayos ang kalagayan n gating bansa? O nakadagdag lang
tayo sa mga pinuproblema n gating bansa? Iyan ang ilan sa
mga dapat nating maunawaan. Sa kabataan nakasalalay ang
hinaharap ng bansa. Kabataan, munti man ya may malaking
magagawa o maambag upang maisulong ang ating bansa. Ang
mga kabataan ay may karapatan gaya ng karapatang makapag-
aral,magkaroon ng maayos na pamilya at marami pang iba. Ang
mga karapatan na ito’y makakatulong sa atin upang magkaroon
ng magandang kinabukasan. Hindi lang iyan, makakatulong din
ito upang magkaroon tayo ng sapat na kaalaman sa
paglilingkod sa ating bansa sa ngayon at napakaraming
dahilan kung bakit nananatiling mahirap an gating bansa sa
ngayon. Isa sa tingin kong sanhi nito ay ang pag-aasawa ng
maaga ng ilang kabataan. Tayo bilang kabataan ay may
obligasyon na mag-aral. Mag-aral upang magkaroon tayo ng
magandang kinabukasan at na gating bansa. Ngunit papaano na
lamang kung may kabataang nag-aasawa ng maaga? Talamak na
ito sa ngayon, kaya’y huwag ng magbulagbulagan bigyan ng
agarang solusyon. Maraming kabataan sa ngayon ang nag-
aasawa ng maaga.

Napakaraming dahilan kung bakit, ngunit sa palagay ko


ang pinkasanhi ng pag-aasawa ng mga ilang kabataan ay ang
kapabayaan ng kanilang mga magulang. Napakarami ng iniisip
at responsibilidad ng isang magulang lalo na kung may bisyo
pa ito kaya’t minsan di maiwasang mapabayaan nang kanilang
mga anak.

Kaya’t minsan hindi na nabibigayang gabay ang kanilang


mga anak nagdedesisyon lamang ito batay sa kanyang sariling
pananaw lalo na ang mga kabataang may mura pang isipan
kaya’t di maiwasang mapunta sya sa masamang landas. Isa pa
sa tingin kong sanhi ng maagang pag aasawa ng ilang
kabataan ay ang panonood ng mga palabas na tungkol sa pag-
ibig at pag-aasawa. Dahil sa labis na labis na panonood
nito di maiwasang maging interesado sila at gayahin ang
napapanood sa mga telebisyon. Kaya’t sa mga kalagayang ito
hindi talaga maiwasan ng ilang kabataan na mag-asawa ng
maaga kung mayroong sanhi ang pag-aasawa ng maaga tiyak na
mayroon itong maaaring maging bunga.

Napakarami ng maaring ibunga ng maagang pag-aasawa. Sa


pag-aasawa ng maaga maaari itong magbunga ng pag-aaway o
pagtatalo ng mga mag asawa dahil na rin sa kanilang ugali
na bata pa, kahirapan dahil hindi nila maibigay ang mga
pangangailangan ng kanilang anak dahil nang sila ay bata pa
at wala pang mga trabaho, kahirapan sa panganganak ng babae
dahil hindi pa kaya ng kanyang kalusugan dahil sa siya ay
bata pa at maaaring maraming dugo ang mawawala sa kanya at
napakarami pa.

Ilan lamang ito sa maaaring maging bunga ng pagaasawa


ng maaga. Kaya’t mag-isip muna bago magdesisyon. Ang pag-
aasawa ng maaga ay sanhi ng kahirapan sa ating bansa.
Kaya’t bago mag-asawa tiyakingmay trabaho na kayang
tumustos sa pangangailangan ng isang pamilya. Ito ay di
basta basta. Ito ay isang pang habangbuhay na obligasyon.
Kaya’t tiyaking sa bawat aksyon ay may kalakip na tama at
angkop na desisyon. Dahil sa bawat aksyon na ating ginagawa
ay maaaring permanente na o di namababago.

LAGOM

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong nalaman ang mga


masasamang epekto ng maagang pagbubuntis sa mga kababaihang
nasa edad na 13-19 na gulang sa Barangay Perpetual Help,
Lungsod ng Iriga ng sona dos.

Ito ay isang diskriptibong pananaliksik at ang mga


naging respondente nito ay ang mga babaeng maagang nabuntis
sa brgy. Perpetual Help, Lungsod ng Iriga. Ang impormasyon
na nakalap ay sinuri at ginamitan ng dalas (Frequency) at
porsyento (Percentage) upang masukat ang mga impormasyon.

Ang mga sumusunod ay ang lagom ng mga resulta:

Ayon sa nakuhang impormasyon, karamihan sa nabubuntis


ay nasa edad 17 at karamihan din sila sa kanila
nakapagtapos lamang ng hayskul na nakapagpatuloy pa ng
kolehiyo.

Tungkol naman sa epekto ng maagang pagbubuntis sa pag-


aaral, marami ang nagsasabing sila ay huminto sa kanilang
pag-aaral nang sila ay nabuntis. Ayaw na nilang ipagpatuloy
ang kanilang pag-aaral dahil hindi naman nagsisislbing
inspirasyon ang kanilang pagkabuntis upang sila ay magsikap
sa kanilang pag-aaral. Marami rin ang nagsabing sila ay
nagbubuntis at kalahati naman sa mga respondente ang
naisipan ipalaglag ang kanilang idinadala.
Sa epekto ng pagbubuntis sa kalagayang sosyal ng mga
babaeng maagang nabuntis marami sa kanila ang hindi masaya
sa kalagayan nila ngayon. Marami rin ang nakaranas na
nagbago ang pagtingin sa kanila ng kanilang mga pamilya,
mga kaibigan, nawalan ng respeto ang mga tao sa kanila at
nakaranas ng diskriminasyon sa lipunan.
Ang epekto naman ng maagang pagbubuntis sa kanilang
mga hangarin sa buhay noong sila ay mga dalaga pa dahil sa
maagan nilang pagbubuntis. Marami ang nagsabing naging
mahirap ang kanilang buhay nang sila ay nabuntis, gayunman,
lahat ng mga ina ay gusting bigyan ng magandang kinabukasan
ang kanilang anak kahit halos kalahati sa mga respondente
ang ninanais na makasama ang kanilang kabiyak sa
pagsustento sa pagpapalaki ng bata.
Tungkol sa kalusugan at ang mga epekto nito sa maagang
pagbubuntis, maraming kababaihan ang nagkaroon ng maayos na
pagbubuntis, marami marami rin sa kanila ang kumakain pa
rin ng sapat at naging malusog ang sanggol nang isinilang.
Naging maayos ang panganganak at Hindi sila nakaranas ng
komplikasyon habang nagbubuntis. Marami rin nagsasabi na
bibigyan nila ng sapat na nutrisyon ang kanilang anak.

Konklusyon

Ayon sa resultang nakuha, ang mga sumusunod na


konklusyon ang maibibigay:
Halos lahat ng nabubuntis na kabataan sa edad na 17
hanggag hayskul lamang ang natapos.
Sa mga impormasyong nakuha tungkol sa pag-aaral ng mga
dalagang ina, marami ang huminto sa pag aaral dahil sa
kanilang sitwasyon at dahil na rin sa pagkaranas ng
diskriminasyon sa paaralan. Dumarating sa kanilang isipan
na ipalaglag ang bata dahil sa nasabing sitwasyon.
Sa kalagayang sosyal naman ng mga dalagang ina, marami
ang hindi Masaya sa kasalukuyang sitwasyon, dahil sa
nararanasan nilang diskriminasyon sa pamilya, mga kaibigan,
mga tao, at ng lipunan.
Kung kinabukasan naman ang pag uusapan, maraming mga
pangarap ang hindi natupad at mas naging mahirap ang buhay.
Pero gayunpaman, lahat ng mga dalagang ina ay panatag na
magandang kinabukasan ang anak.
Tungkol naman sa kalusugan, halos lahat sa mga
dalagang ina ang nakakaranas ng maayos na pagbubuntis,
naging malusog ang sanggol, at naging maayos ang
pangangatawan habang nagbubuntis. Nasabi rin nila na
bibigyan nila ng sapat na nutrisyon ang kanilang anak.
At dahil sa mga resultang nakita, ang mga mananaliksik
ngayon ay nakahinuha na ang maagang pagbubuntis ay higit na
nagdudulot ng masamang epekto lalo na sa pag-aaral,
kalagayang sosyal, kinabukasan at kalusugang ng mga
dalagang ina. Maraming mga pangarap ang naglaho, bumaba ang
pagtingin ng lipunan at maging ang sariling pamilya sa
karagdagan,ang mga mananaliksik ay nagbibigay na ang
teenage pregnancy ay dapat bigyang pansin o nagangailangan
ng atensyon at gabay mula sa mga magulang at pati na rin ng
lipunan maari itong magbigay ng kapahamakan sa sarili, sa
lipunan at maaaririn ito bigyan ng mantas ang magandang
pangalan n gating bansa.

REKOMENDASYON

Sa panahon ngayon ay patuloy pa rin sa pagdami ang


bilang ng mga batang ina at ang pagtaas ng antas ng maagang
pagbubuntis. Laganap na ito hindi lamang sa pilipinas kundi
maging sa ibang bansa na rin. Pero hindi ito
nanganaghulugan na wala tayong magagawa para pigilan ito at
kailangan na lang talaga natin itong tanggapin bilang isang
masakit na katotohanan at isang mantsa sa lipunan na hindi
na maaaring matanggal kalianman. May mga paraan pa maari
nating gamitin at mga bagay na pwede nating gawin para
mabawasan, kundi man matigil, ang pagkakaroon ng maagang
pagbubuntis.

Kaya ayon sa nabasang mga resulta at konklusyon, ang


mga mananaliksik ay nakarekomenda na:

Pwedeng maiwasan ang pagbubuntis ng maaga kung may


gagabay sa mga batang lalabintaunin ukol sa kalakalan ng
mundo. Nasa aspeto pa sila kung saan sila ay umaangkop sa
mga pagbabago sa kanilang mga katawan at pilit na sumasakay
sa agos ng buhay. Wala pa silang mga muwang kung paano
maging marahas ang mundo sa mga batang tulad nila, iyong
mga wala pang alam sa galaw ng tunay na mundo at sa
reyalidad. Sana ay maitatak rin ng mga magulang sa
kanilang mga anak ang pagmamahal na ito ang magiging daan
upang hindi sila makagawa ng mga bagay na ikakasama nila
tulad na lamang ng pakikipagtalik kahit walang basbas ng
kasal na siyang sanhi ng maagang pagbubuntis. Ang pinaka
importante ay iyong maipaliwanag natin sa kabataan ang
maaring epekto ng pagkakaroon ng anak sa napakabatang edad
sa kanilang buhay, pag-aaral, kalusugan, katayuan sa
lipunan at kinabukasan. Sana ay maimulat ng mga magulang
ang mga ang mga mata at diwa ng kanilang mga anak na ang
pagtatalik ay isang sagradang bagay na para lang sa mga
legal na mag-asawa ito ay may kaakibat na responsibilidad
at konsekwensyal na maaring hindi pa kayang pasanin ng
kabataan.

Hindi pa naman huli ang lahat. May magagawa pa tayo at


kung sana ay magtutulungan lang tayong lahat ay madali na
nating makontrol ang pagtaas ng antas ng maagang
pagbubuntis at marami pa nating mapaunlad an gating bayan.
Doon naman sa mga mayroon nang anak sa kabila ng batang
edad ay wala na tayong ibang magagawa kundi ang tulungan
sila. Nangyari ang dapat mangyari at hindi na ating
maibabalik pa ang panahon sa ngayon, sana tigilan na ang
pagkutya at paghamak sa mga dalagang ina dahil alam na nila
ang kanilang kamalian at ito ay pinagsisishan na nila.
Marami na silang hirap na pinagdadaanan at sana ay hindi na
natin ito punan pa. Sana ay tulungan at gabayan na lang
natin sila sa pagpapalaki ng kanilang mga anak na siyang
pag-asa ng bayan ayon na rin kay Dr. Jose Rizal.
Listahan ng mga sanggunian:

https://prezi.com/m/subpnei2firl/kabanata-i
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/panggagahasa
https://armageddonviews.weebly.com/punto/teenagepregna
ncy
https://group2filipino.blog.com
http://en.wikipedia.org/wiki/premarital_sex
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?titleteenagepre
gnancy
http://en.wikipedia.org/wiki/teenage_pregnancy
www.sribd.com/doc/22839998/teenage-pregnancy-filipino-
draft#scribd
APPENDESIS:

1.)

You might also like