You are on page 1of 4

Bahagi ng Pananaliksik Nilalaman

Pamagat/Titulo
Epekto ng maagang pagbubuntis ng mag-aaral sa Paaralang Jose
Chona Jo Memorial National High School

1. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral


Ang teenage pregnancy o pagbubuntis ng mga babae sa edad
na 12 hanggang 19 ay isang malawakang isyu hindi lamang sa
Pilipinas kundi sa buong mundo. Ayon sa estadistika ng Save the
Children, 13 milyong babae sa iba’t ibang parte ng mundo ang
nabubuntis sa edad 20 pababa taun-taon. Dahil dito, malawakang
kampanya ang ginagawa ng mga gobyerno upang ibaba ang bilang
ng laso ng teenage pregnancy.

Bakit nga ba nagkakaroon ng mga ganitong pangyayari ang


mga kabataang Pilipino ngayon? ito ba ay sanhi ng mabilis na
pagbabago ng ating lipunan o sadyang malakas lamang ang
impluwensya ng makakanlurang bansa sa ating lipunan. Kung hindi
naman ay sadyang nagiging mapusok lamang ang mga kabataang
Pilipino ngayon. Ito lang ang katanungan na nais mahanapan ng
kasagutan kung bakit lumalaganap o dumarami na sa ngayon ang
maagang pagbubuntis parami na ng parami ang mga kabataang
maagang iniiwan ang mga kanilang kamusmusan para harapin ang
panibagong yugto ng kanilang buhay upang maging isang ina.

Ang ating pambansang bayani ay minsan nagsabi na ang mga


kabataan ang pag-asa ng bayan’’ , sana nga’y tama siya , sana
nga’y nakikita nya ang mga kabataan sa panahong ito. Sana ang
pag asang ito ay di lang asta pag-asa sanay maisakatuparan at
matupad. Na ang mga kabataan yaon ang tatayo ng isang bansang
maunlad, progresibo at mapayapa . Na ang pag-asa ng bayan ay di
mga pabigat ng bayan.

2. Paglalahad ng suliranin
Mga Suliranin:

Ang pananaliksik na epekto ng maagang pagbubuntis ng mga mag-


aaral sa paaralan ng JCJMNHS ay inaasahang masagot ang mga
sumusunod na katanungan:

I. Ano-ano ang mga dahilan ng mag-aaral sa JCJMNHS kung bakit


nakikipagtalik?

II. Ano-ano ang mga epekto na maagang pagbubuntis ng mga mag-


aaral sa JCJMNHS?

III. Ano-ano ang epekto ng mga mag-aaral sa JCJMNHS ng


maagang pagbubuntis?

IV. Sa papaanong paraan kaya maiiwasan ng mga mag-aaral sa


JCJMNHS ang maagang pagbubuntis?

3. Layunin at kahalagahan ng pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay naglalayon makalap ng impormasyon
tungkol sa mga sanhi, bunga at epekto ng teenage pregnancy sa
mga kabataan. Ang mga impormasyong makakalap ay gagamitan
para makabuo ng kongkretong impormasyon para maging aral at
magmulat sa mga mata ng kabatan sa mga magagandang epekto ng
teenage pregnancy. Layunin nito magbigay aral sa mga kabataan na
maiwasan ang maagang pagbubuntis at mga masasamang epekto
nito na resulta ng sobrang kapusukan at pakikipagtalik na walang
basbas na kasal.

4. Rebyu at Kaugnay na Literatura


Ayon sa pag-aaral nii Dr. Corazon M. Raymundo (2001), 35%
ng maagang pakikipagtalik ay nangyari sa hayskul. Ang mga
kabatang itp ay sumusuong sa pakikipagtalik na walng ideya sa
maaring epekto nito tulad ng maagang pagbubuntis o “early
pregnancy”, at pagkakaroon ng “sexually transmitted diseases’, sa
katunayn, 80% sa mga kabataang aktibo sa sex ay hindi gumagamit
ng kajit anong kontraseptib.

Sa isang artikulo sa seventeen magazine noong 1996, 76% na


babae at 58% na lalaki ang nagsasabi na ang kabataang kababaihan
ang nakikipag-seks dahil sa kagustuhan ng kanilang kasintahang
lalaki. Noong 2003 naman ayos sa isang surbey na isinagawa ng
kaise family foundation, 1 sa 3binata na nasa edad 15 o 17 ay
nakikipag-seks sila. Maari din na sa maagang pagbubuntis ay dulot
ng hindi o maling paggamit ng contraceptives, gaya ng condom oral
contaceptives, dahil na rin kakulangan ng “sex education”, Ayon sa
isinagawang surbey ng Parade noong 1996, 66% ng babaeng
kabataan ang nagsasabing tumataas daw ang bilang ng kabataang
nabubuntis kapag ang magulang ay walang pakialam, pabaya at
hindi marunong magdisiplina sa anak. Sa surbey naman na
isinagawa ng mananaliksik itinanong kung paano ang media sa
paglaganap ng seksuwal na Gawain na nagdudulot ng maagang
pagbubuntis ito ang nagiging resulta 50% mga bold films at bold
magazine, 30% television, at 20% kanta o musika.

Ang maagang pagbubuntis ay sinasabing dulot “peer pressure”


o ang pagpapadala sa mga taong nakapaligid sa isang tao, hindi
paggamit ng “contraceptives” relasyon sa mga magulang at ia pang
kapamilya at media. (Guttmacher institute, 2005).
5. Teoritikal na Gabay at Konseptuwal TEORYANG SOCIAL LEARNINGS
na Balangkas

Winika ni ALBERT Bandura (1977) na


ang pag-uugali ay natutunan mula sa
kapaligiran sa pamamagitan ng prosesong
obserbasyunal na pag-aaral.
Literal na isinasaad ng teoryang ito
kung paano nala apekto ang pakikihalubilo
sa katauhan ng isang tao. Ang pakikihalubilo
at ang taong nakapaligid ay may
impluwensya sa katauhan ng isang kabataan.
Isang dahilan ng paglala ng isyung maagang
pagbubuntis ay ang impluwensiya ng
barkada. Kung ang mga taong lagging
kasalamuha ng isang kabataan ay hindi
Mabuti tiyak na pati ang taong mabuti ay
mapapasama.

M. ARNOLD’s THEORY
GROUP 2

You might also like