You are on page 1of 10

KABANATA I

Kaligiran at Rasyonal:

Ang condom ay ginagamit bilang isang paraan sa pagkontrol ng pag-aanak, ang mga

kondom na para sa mga lalaki ay lamang sa pagiging mura, madaling gamitin, konting

masamang epekto, at proteksiyon sa mga sakit na nakukuha lamang sa pagtatalik (STDs). Gamit

ang angkop na talino, pamamaraan at pag-gamit nito sa bawat kabanata ng pagtatalik, ang babae

na ang kapareha ay gumagamit ng mga kondom ay may 2% na pagkakataon upang mabuntis

kapag matino ang pagkakagamit at 18% na pagkakataon na mabuntis bawat taon sa karaniwang

pag-gamit. Ito ay ginagamit na noong nakaraan na 400 na taon. Mula ika-19 na siglo, ito na ang

pinakamabisang paraan ng contraception sa mundo. Kahit ito ay tinatanggap na sa kasalukuyang

panahon, meron pa ring pagtatalo na nagaganap tungkol dito, batay kung paano ito ituturo sa

mga klase ng sex education.

Ayon sa DOH patuloy ang paglobo ng kaso ng HIV/AIDS sa bansa kaya naman ang

paulit-ulit ang kanilang pagpayo na maging maingat upang hindi makakuha ng nakahahawang

sakit.Nakapagtala ng 772 bagong kaso ang DOH sa buwan lamang ng Hunyo at sa nasabing

bilang ay 62 sa mga biktima ang namatay na dahil sa naturang sakit. Ayon sa DOH, ang

nasabing bilang ay 56% na mataas kumpara sa datos noong nakaraang taon. Sa rekord ng HIV

and AIDS Registry ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), sa 772 bagong kasong

naitala ay 33 sa mga ito ay full-blown AIDS na nang maireport habang ang 62 na nasawi ay dahil

sa ibat ibang komplikasyon dulot ng sakit. Lumilitaw umano na kada araw ay 22 katao ang

tinatamaan ng HIV/AIDS.

Sa problemang kinakaharap ng bansa sa paglobo ng Sexually Transmitted Diseases

(STDs) at karamihan sa mga nagkakasakit nito ay mga menorde edad. Naging dahilan ito upang
bumuo ng plano si Department of Health Secretary Paulyn Ubial na naglalayong mapababa ang

kaso ng STD sa bansa sa pamamagitan ng pamimigay ng condom sa mga mag – aaral ng

highschool noong unang linggo ng Disyembre 2016. Ang hakbang na ito ay kanyang tinatawag

na “holistic strategy” na naglalayong maiwasan ang pagkakasakit ng mga kabataan.

Layunin:

Layunin ng pag – aaral na ito na (1) malaman ang pananaw ng mga mag – aaral ukol sa

panukalang pamimigay ng condom sa mga pampublikong paaralan , (2) upang mapakinabangan

ng mga mananaliksik sa hinaharap ang mga impormasyong nakalap sa pananaliksik na ito, (3)

magbigay ng impormasyon sa mga Pilipino kung ano ang maidudulot ng pamimigay ng condom,

(4) bigyan ng kamalayan ang mga kabataan kung ano ang magiging bunga ng premarital sex sa

kanilang buhay, at (5) bigyan ng kaalaman ang mga kabataan kung ano ang Sexually

Transmitted Diseases (STDs).

Inaasahang Awtput:

Ang pananaliksik na ito na tumatalakay sa Persepsyon ng mga mag – aaral ng Baitang 10

ng Los Baños National Highschool sa Panukalang pamimigay ng condom sa Pampublikong

Paaralan ay inaasahang makakatulong sa mga (1) mga estudyante dahil ang resulta ng

pananaliksik na ito ay magbibigay kaalaman sa mga estudyante na kung ang panukalang

pamimigay ng condom ay makatutulong sa kanila o hindi, (2) mga magulang dahil ang resulta

ng pananaliksik makatutulong upang mas magabayan nila ang seguridad ng kanilang mga anak,

(3) mga guro dahil ang resulta ng pananaliksik na ito ay makatutulong upang dagdagan ang

kaalaman ng kanilang mga estudyante sa masamang maidudulot ng pakikipagtalik sa murang


edad, (4) sa bansa makatutulong ang resulta ng pananaliksik na ito sa pamamahagi ng mga

impormasyong nakalap ng mga mananaliksik.

Panayam:

Kami ay maghahanda ng sampung katanungan para sa limang estudyante na

kasalukuyang nasa Baitang 10 bilang respondente na nagmula sa Los Baños National Highschool

na matatagpuan sa Umali Subdivision, Batong Malake, Los Baños, Laguna. Ang aming

gagawing pag – iinterbyu sa mga respondenteng estudyante ay gaganapin sa ika – 19 ng Pebrero

sa ganap na 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.


Kabanata 2

Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura

Sa kabanatang ito makikita ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na


makapagbibigay suporta at ebidensya sa pananaliksik.

Ang paglaganap ng sakit na AIDS ay nagsimula sa isang moral wrong. Upang


masolusyunan ang kumakalat na sakit kung tawagin ay AIDS, binabalak ng pamahalaan sa
pamamagitan ng Department of Health na mamahagi ng libreng condom sa mga pampublikong
paaralan. Ngunit ayon kay Villanueva 2016, nilinaw ngayon ni Health Secretary Paulyn Ubial na
hindi pa sila namimigay ng libreng condoms sa mga paaralan. Nagpaplano pa lamang sila
tungkol sa pamimigay na ito, at kailangan pa nilang komunsulta sa Department of Education
tungkol sa gusto nilang gawin. Pero kung hindi pumayag ang mga guro, principals at school
officials ay hindi na itutuloy ang pamimigay nito. Naging halimbawa naman ni Ubial sa kanilang
planong pamimigay ng libreng condom ang mga Catholic countries gaya ng Colombia at Brazil
na bumaba raw ang kaso ng Sexually Transmitted Diseases (STDs) matapos ang pamimigay ng
contraceptives sa mga naturang bansa.

Base sa pananaliksik ni Opulencia 2016, hati ang opinyon ng mga kabataan at gobyerno
hinggil sa pamimigay ng condom sa mga paaralan para maiwasan ang tumataas na bilang ng
HIV sa mga kabataan . Nagkuwento si Adelyn, 16 na taong gulang igniit nya na ang iba sa mga
kaibigan nya na kaedad nya ay buntis na. Dumadating naman sa punto na tumatakas ang mga
bata ng madaling araw upang pumunta lamang sa kanilang mga tropa at kaibigan. Kahit hindi
naman magbigay ng condom ang gobyerno ay patuloy parin nila gagawin ito. Tutol naman ang
isang kabataan na si Chloe, edad 12 taong gulang tungkol sa pamimigay ng condom sa mga
paaralan. Mas magiging curious sila na gawin ang mali, kahit alam nilang mali parang gagawin
padin nila kasi alam nilang ligtas sila doon.

Idinepensa ng Department of Health ayon kay Manuel 2016, ang kanilang planong
pamamahagi ng condom sa mga magaaral. Napapanahon ang problemang ito, kaya dapat
palawakin nila ang kamalayan ng mga kabtaan hinggil sa epekto ng pakikipagtalik. Binigyang
pansin ng kalihim na sa modernong panahon, hindi na nababantayan ng mga magulang ang
kanilang mga anak sa pakikipagrelasyon na madalas ay nauuwi sa teenage pregnancy.
Sistematiko naman ang kanilang pamamaraan para sa pagbibigay ng condom at kaakibat nito
ang pagbibigay edukasyon hinggil sa sakit na nakukuha sa pakikipagtalik.

Inilathala ni Oro 2016 na maraming magulang nagulat sa nabasa at napanood nilang


balita na plano umano ni Department of Health (DOH) Secretary Paulyn Ubial mamimigay na
raw ng libreng condom ang DOH sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa sa susunod na
taong aralin dahil sa patuloy na pagtaas ng HIV at AIDS sa Pilipinas. Sari – sari ang mga naging
reaksyon ng mga netizens sa panukala ng DOH na pamimigay ng condom sa mga estudyante.
May mga nagsasabing hinihimok lang ng pamahalaan ang mga estudyante na makipagsex at
ang iba naman ay sang – ayon dito.

Nagpahayag si Herrera noong 2016 na ang pamimigay ng condom sa mgapampublikong


paaralan ay maaaring magbunga ng maganda at hindi magandang epekto. Sinaad niya na
magkakaaroon ng ‘safe sex’ kapag gumamit ng condom, mababawasan ang teenage pregnancy
at pangatlo, mababawasan ang bilang ng abortion at pagkasira ng kinabukasan ng mga
kabataan. Kasalungat nito sinabi din niya na ang pamimigay ng condoms ay mageengganyo sa
mga kabataan na pumasok sa iresponsableng pagtatalik. Madedepende din ang mga kabataan
sa condom at pakikipagtalik kahit kanino dahil iniisip nila na sila ay ligtas dahil sa condom, at
panghuli, mabubuo na sa mentalidad ng kabataan na makipagtalik palagi dahil sa binibigay na
condoms ng pamahalaan.

Ayon sa DOH, pinag – uusapan na nila ng DepEd ang mga paraan dapat na gawin kung
paano isasama sa mga aralin ang pagtuturo ng safe sex. Hinimok din ng kagawaran ang mga
magulang na maging bukas sa nasabing usapin at sa pagtuturo sa kanilang mga anak kung
paano ipairal ang “safe sex”. Kung dati-rati ay 25 kaso ng HIV ang naitatala bawat buwan,
ngayon ay umaabot na sa 15 doble ang itinaas nito. Naililipat ang HIV virus sa ibang tao sa
pamamagitan ng sex, pagsalin ng dugo, pagturok ng droga at panganganak. (Ang HIV virus ay
puwedeng magmula sa nanay at mahawa ang sanggol.) Payo ng ahensya para maproteksyonan
ang sarili laban sa HIV-AIDS, kailangang gumamit ng condom habang nagtatalik. Wala nang iba
pang paraan para maiwasan ang HIV virus. Base sa datos sa Pilipinas, 30% lang ng mga lalaking
nakikipagtalik sa kapwa lalaki ang gumagamit ng condom. Sa mga female sex workers ay 60-
70% ang gumagamit ng condom. Mababa pa rin ito dahil ang rekomendasyon ng World Health
Organization ay dapat 90% pataas ang gagamit ng condom para maiwasan ang HIV-AIDS at iba
pang sexually-transmitted diseases o STD.

Kapag namahagi ang pamahalaan ng libreng condom sa mga paaralan, kinukinsinti narin
nila ang mga kabataan na maging malaya pagdating sa pakikipagsex sa kanilang mga
karelasyon. Mas magagawa na nila kung ano ang mga nais nila, kasi may condom na sila na
galing sa awtoridad. Ang kailangan gawin ay bigyang kaalaman ang mga kabataan tungkol sa
sex on a moral and clinical perspective. Para maunawaan nila na maaaring masira ang kanilang
kinabukasan nang dahil sa sexually transmitted na karamdaman at teenage pregnancy, ayon sa
lathala ni Mendoza 2016. Idagdag mo pa ang sinabi ni Garcia 2016 ang sinabi ng DOH na mas
lalong dadami ang bilang ng teenage pregnancy sa ating bansa kung itutuloy nila ang pamimigay
ng condom sa mga paaralan. Nagsalita ang isang Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na hindi
distribution center ng condom ang mga paaralan. At dapat na ang mga magulang ang mag bigay
ng educational condom o kaya magturo sa kanilang mga anak sa halip na ang mga guro ang
gumawa nito. Paliwanag pa ng mga kongresista ayon kay Santos 2017, hindi magiging solusyon
ang pamimigay nila ng condom sa mga bata sa sakit na tulad ng AIDS AT HIV. At kung patuloy
sila sa pagbibigay, posibleng dumami ang bilang ng nabubuntis na kabataan. Dahil sila ay
tinuruan maging sexually conscious kaya mas lalong tataas ang teenage pregnancy.

Isinaad ni Pascual 2017 na may mga nangangamba sa mas malalim na epekto ng


pamamaraan at sa bitbit na mensahe ng pagpapalaganap ng modernong paraan ng pagpaplano
ng pamilya, gaya na lamang ng pamimigay ng condom sa mga estudyante sa senior high school.
Kailangang subay – bayan ang mga susunod na hakbang ng pamahalaan batay sa panukala
nilang pamimigay ng condom sa mga pampublikong paaralan. Habang masusing binubusisi ng
ilang sektor at grupo ang patakaran ng pamahalaan, huwag dapat malimutan ng mga tao ang
malaking bahagi ng pagkatao ng mga kabataan ay hinuhubog sa mga tahanan. Ang pananaw
tungkol ng mga kabataan sa pakikipag-relasyon at sekswalidad ay nakaugat sa kung paano sila
pinalaki at ginabayan ng kanilang mga magulang at sa kung anu-anong kaisipan sila namulat
habang sila ay lumalaki. Kaya’t ang isyu tungkol sa pamimigay ng libreng condom ay nagbibigay
sa atin ng pagkakataon upang balikan ang ating mga pamilya at intindihin kung nasaan ang
ating mga anak ngayon.

Mahigpit na tinututulan ng simbahang katoliko ayon sa lathala ni Ticzon 2016. Sinabi niya na
ayon sa isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pamamahagi
ng libreng condom sa mga eskwelahan ay mas makakahikayat pa sa mga estudyante para
makipagtalik at lalo lamang lalala ang pagkalat ng HIV/AIDS dahil sa pamimigay ng condom sa
mga Estudyante.

Sa isang panayam ni Santos 2016 sa Radio Veritas kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto
Santos, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples sinabi
niya na kahit kailan hindi maitatama ng pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Ayon pa sa
kanya ang pamimigay ng condom o pills ay isang paghihimok lamang ng immoralidad. Idagdag
mo pa ang sinabi ni Cruz sa kanyang artikulo noong 2016 na Ipinapaalala sa atin ni Pope Francis,
sa pamamagitan ng post-synodal apostolic exhortation na Amoris Laetitia. Na nagsasabing lalakí
ng responsable ang mga bata kung responsable ang kanilang mga magulang. Mapapahamak
ang mga bata kung walang pakialam sa kanila ang kanilang mga magulang. Nagpahayag din si
Fr. Cunegundo Garganta sa artikulo ni Abuel noong 2016 na walang malalim na dahilan ang
pamahalaan sa inihain nitong solusyon na mamamahagi ng contraceptives para mapigilan ang
pagkalat ng AIDS at HIV. Kinuwestiyon niya ang planong ito ng pamahalaan. Aniya kaahit
kalian ay hindi tatanggapin ng simbahan ang solusyon ng pamahalaan na paggamit ng condoms
sa pagpigil sa pagkalat ng sakit.

Sa katunayan na ng pilot testing ang DOH sa programang ito ngunit nagkaroon ng


malaking problema dahil sa pagharang ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Sumang-ayon
naman si Bandian 2017 sa pagtutol ni Mayor Herbert Bautista sa nakatakdang pamimigay ng
condoms sa mga high school sa public school na sakop ng lungsod na sisimulan na ng DOH sa
susunod na school year. Sinabi din ni Bautista na hindi niya hahayaang maging “distributuion
hub” ng contraceptives ang mga pampublikong paaralan.

Nagpahayag ang mga manunulat ng pahayagang Abante Tonite na sila’y nagagalak


sapagkat nagiisip ang pamahalaan ng mga paraan kung paano mapipigilan o mababawasan ang
pagdami ng bilang ng kaso ng HIV/AIDS sa Pilipinas. Ngunit ayon sa kanila, hindi lang pagbibigay
ng condom sa mga paaralan ang solusyon sa problemang ito. Madami pang solusyon ang
maaaring maisip ng pamahalaan tungkol sa paglaganap ng sexually transmitted disease.

Sa panayam ni Yap noong 2016 kay Education Secretary Leonor Briones, lubos niyang
tinutulan ang pamamahagi ng condoms sa mga estudyante ng high school. Ayon sa kanya,
huwag tayong pumayag na maging instrument ang ating mga estudyante ng komersiyalismo
habang ginagamit at kinakaladkad ang mga isyu na kinasasangkutan ng moralidad. Sinaad din
niya na ang mga kabataan ay may mga magulang at may mga matatandang gumagabay sa mga
estudyate upang magbigay ng tamang kaalaman.
Kabanata 3
Metodolohiya

Sa kabanatang ito tatalakayin ang metodolohiya, proseso, materyales at disenyong


ginamit sa pananaliksik.

Kapaligiran at Lugar

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa Laguna State Polythecnic University Sanpablo


Campus na matatagpuan sa

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral na ito ay Paglalarawang


pananaliksik. Sapagkat ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong
metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng
mga mananaliksik na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, mag – iinterbyu ang mga
mananaliksik para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang
disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa
maraming respondente.

Kagamitan sa pananaliksik

Cellphone at voice recorder ang ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito.

Paraan ng pangangalap ng Datos

•Paghahanda ng Katanungan

Gumawa ng 10 katanungan ang mga mananaliksik.

• Pagpili ng mga Respondante

Namili ng 5 estudyante sa ika-unang taon ng kolehiyo sa Laguna State Polythecnic


University na kakapanayamin.
• Paggawa ng Sulat

Gumawa ng sulat ang mga mananaliksik upang ibigay sa kanilang mga kakapanayamin
para sa pormal na proseso.

•Interbyu

Kinapanayam na ang mga napiling respondante at tinanong ng mga hinandang


katanungan ng mga mananaliksik at kanila itong 'nirecord'

•Pangongolekta ng Datos

Ang mga datos na nakolekta ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng pagiinterbyu ay


aanalisahan at iiinterpretahin.

You might also like