You are on page 1of 5

Pansariling Kaligtasan para sa mga Bata

Ikalimang Baitang
Gabay sa Pagtuturo
Pansariling Kaligtasan at Pagpapasiya
Aralin 1
a. Panimula sa Yunit 1
Ang yunit na ito ay nagbibigay-diin sa paglutas ng suliranin.Binubuo rin dito ang
balangkas para sa mga susunod na talakayan tungkol sa pagpapasiya sa gitna ng mga
Paalala sa Guro mahihirap na sitwasyon. Bilang karagdagan, ipinakikilala say unit na ito ang mga konsepto
ng pansariling kaligtasan, mga batas ng pamilya sa kaligtasan, at pagtitiwala sa sariling
kapasiyahan.
● Ang pansariling kaligtasan ay nangangahulugan ng pag-iingat sa sarili mula sa mga
Konsepto mapanganib na sitwasyon o tao.
● Ang mga batas ay may tungkuling pangalagaan ang kanilang sarili.
● Pagtibayin ang kakayahan ng bata sa pagpapasiya
Layunin

Aralin 1: Panimula sa Yunit 1


Nilalaman Yunit 1: Pansariling kaligtasan at Pagpapasiya
Papasukang Aralin: EKAWP Pasiya para sa Nakararami
Halina’t talakayin at pag uusapan natin ang tungkol sa pansariling kaligtasan; Anu-ano
ang mga paraan ng pag-iingat sa sarili at kung paano patitibayon ang kakayahan ng
Talakayan
bata sa pagpapasiya.
TALAKAYIN ANG KAHULUGAN NG MGA SUMUSUNOD NA SALITA SA ATING TALASALITAAN SA
LINGGONG ITO

1. Anu-ano ang mga salitang makikita sa harap?


(nang-aabuso ng bata, maseselang bahagi ng katawan, pribado o pubilko)
y sa pananamit, pananalita, kilos o asal, lugar o bahagi ng katawan
2. Ano sa inyong palagay ang kahulugan ng “nang-aabuso ng bata”?
Unang Araw
(isang taong nanghihipo sa maseselang bahagi ng kanyang katawan sa bata; tulad
ng isang “bully na nagsasamantala sa kahinaan ng kanyang kapwa)
3. Ano naman ang ibig sabihin ng maseselang bahagi ng katawan?
(tumutukoy sa mga bahagi ng katawang natatakpan ng damit panloob tulad ng
dibdib,ari at puwit)
4. Ano naman ang kahulugan ng pansarili o pangmadla?
(Tumutuko
Ikalawang Araw TALAKAYAN:
Natatandaan nyo pa ba ang paksa kahapon patungkol sa mga talasalitaan?(Magbalik
tanaw ng mabilis)

Anu-ano ang mga bagay na dapat nating gawin upang mapakita ang pag-iingat sa sarili
base sa ating pinag-aralan?

● Dapat nating pag-ingatan ang ating sarili laban sa mga mga batang nang-aabuso,
● Ingatan ang mga maseselang bahagi ng katawan
● Ingatan ang mga pansarili o pang madla kagaya ng pananamit, pananalita, kilo,
asal, lugar o bahagi ng katawan.

TALAKAYIN ANG NAGING PAKSA TUNGKOL SA PANSARILING KALIGTASAN.

Ang pansariling kaligtasan ay ang pag-iingat sa sarili mula sa mga mapanganib na


sitwasyon o tao

Sino ang may pananagutan sa inyong kaligtasan?

Maaring tugon
● Ang mga bata ay may tubgkuling pangalagaan ang kanilang sarili, ngunit kailangan
nila ng kaalaman at kakayahan tungkol ditto
● Ang mga magulang ay may malaking bahaging ginagampanansa kaligtasan ng
kanilang mga anak.
● Ang mga tunay na kaibigan ay nagtataguyod sa angkop na kilos o asal
Anu-anong mga batas ang dapat sundin upang mapanatili ang pangkaligtasan at
maiwasan ang mga mapanganib na sitwasyon o sakuna?

a. Sunog
-Huwag maglaro ng posporo,
- Huwag maglaro kandilang may sindi, “lighter” ng sigarilyo o anumang bagay na
makasusunog o madaling masunog
b. Kalye o lansangan-
Ikatlong Araw -Ang kalye o lansangan ay hindi palaruan.
- Ang paglalaro rito ay maaring humantong sa sakuna
c. Trapiko
-tumingin sa kaliwa at sa kanan bago tumawid ng daan.
- Kung may ilaw trapiko, hintayin ang hudyat na maari nang tumawid.
d. Paglanggoy
-Huwag magtangkang lumangoy lalo na kung hindi ka marunong nito.
-Huwag pilitin ang kasamang pumunta sa malalim na bahagi ng dagat, ilog o
swimming pool lalo na kung hindi sya marunong lumangoy.
Ikaapat na Araw SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA TANUNG

Ano ang gagawin Ninyo kung kayo ay nasa gitna ng mapanganib na sitwasyon?

Mga Maaring Tugon


- HUmingi ng tulong sa mas nakakatanda
- Mag-isip ng mga paraan upang makaiwas sa panganib

Paano ninyo iingatan ang inyong sarili o titiyakin ang inyong pansariling kaligtasan?
- Dapat laging handa sa anumang kahaharapin
- Laging oobserbahan ang paligid
- Laging pag-isipan ang bawat hakbang o gagawing desisyon
IPAGAWA SA MGA MAG-AARAL:
Tanungin ang inyong mga magulang o tagapag-alaga tungkol sa batas ng pamilya sa
Ikalimang Araw
kaligtasan.Gumawa ng listahan ng mga ito at ibahagi sa klase sa susunod na pagpupulong

You might also like