You are on page 1of 3

Pansariling Kaligtasan para sa mga Bata

Ikalimang Baitang
Gabay sa Pagtuturo
Aralin 5 Pakikipag-usap sa Taong Di-kilala
Ang araling ito ay naglalahad ng problema sa pakikipag-usap sa mga taong di-kilala. Mahalang maituro at
Paalala sa Guro
malaman na kailangan ng tamang pag-iingat at pakikipag-usap sa mga taong di-kilala.
Ang pang-aabuso sa pakikipag-usap sa taong di-kilala ay isang uri ng paggamit o paglamang sa ibang tao para
Konsepto
sa pansariling pakinabangan at kasiyahan.
 Kilalanin ang mga posibleng mapanganib na sitwasyon,
Layunin  Magmungkahi ng magpagpipiliang paraan sa ibat-ibang sitwasyon, at
 Tukuyin and mga ligtas na paraan sa mga mapanganib na sitwasyon.

Aralin 4: Pakikipag-usap sa taong di-kilala


Nilalaman Yunit 1: Pansariling kaligtasan at pagpapasiya
Papasukang Aralin: EKAWP 1-1.5 Pagtitiwala sa Sarili

Talakayan:
Unang Araw 1. Para sa inyo, sino ang mga tao na maituturing ninyo na hindi ninyo kilala? (Una ko lang nakikita, hindi
ko alam ang pangalan, di ako pamilyar sa mukha, atbp.)
2. Sino naman ang mga taong maituturing ninyo na kilala? (Magulang, kapatid, tiyo, tiya, pinsan,
kaibigan, kapitbahay, atbp.)
Ikalawang Araw
3. Bakit ninyo masasabi na kilala ninyo sila? (Kasama sa bahay, lagi ko silang nakikita, alam ko ang
pangalan)

Ikatlong Araw 4. Isa bang kabastusan kung hindi mo tutulungan ang taong di-kilala? Bakit?
Ika-apat na Araw 5. May nakikita ba kayong panganib kung makipagusap kayo sa hindi ninyo kilala?

Basahin at Isadula:
Naglalakas si Ian pauwi mula sa paaralan nang may isang babae ang lumapit sa kaniya at nagtanong ng panuto
Ikalimang Araw
sa pinakamalapit na tindahan

Talakayan:
Ika-anim na Araw 1. Tutulungan kaya ni Ian ang babae? Bakit?
2. Kung ikaw si Ian, ano ang gagawin mo?

3. Nagkaroon na ba kayo ng di-mabuting pakiramdam tungo sa isang di-kilala? Ang ang kanilang
Ikapitong Araw
ginawa?

Talakayan:
Ikawalong Araw Magbigay ng halimbawa ng mga pagkakataong nakaramdam kayo ng di-mabuti tungo sa isang sitwasyon o
tao. Sabihin kung ano ang ginawa ninyo.

Pagtataya:
Ikasiyam na Araw Sabihin kung ano ang gagawin Ninyo sa mga sumusunod na sitwasyon:
1. Isang kapitbahay ang nag-aanyaya sa inyong manood ng movie sa kanilang bahay.
2. Isang di-kilalang lalaking nakasakay sa motorsiklo ang lumapit sa inyo sa labas ng paaralan. Sinabi
niyang maari kayong umangkas sa sasakyan niya pauwi. Idinagdag pa niyang alam ito ng inyong ina.

Takdang Aralin:
Ikasampung Araw
Sagutin: Ligtas ka ba kapag nakikipagusap ka sa taong di mo kilala? Bakit?

You might also like