You are on page 1of 4

Ikawalong ng Diyos

Volunteer 1:
Review: Magkakaroon tayo ng game! Piliin ang tamang litrato na nagpapakita ng kada utos. Ang unang grupo
na makakatapos ay may premyo.

Opening Activity: Ang ikawalong utos ay: Huwag kang magbibintang o magsisinungaling. Magbibigay ako ng
limang pangungusap. Isa lamang sa mga pangungusap na ito ay totoo. Sabihin ang tamang pangungusap.
Ang makasagot ng tama ay may premyo. Makinig nang mabuti:

Set 1:
1) Mas mura ang bigas ngayon.
2) Ang TikTok ay para lamang sa mga bata
3) Ang Bise Presidente na si Sara Duterte ay Secretary of Education din.
4) Tapos na ang giyera sa Ukraine.
5) Ang ilegal na droga ay nakakabuti sa kalusugan.

Set 2:
1) Si Emilio Jacinto ay ang pambansang bayani ng Pilipinas.
2) Ang Pampanga ay parte ng Metro Manila.
3) Ang iisang wika sa Pilipinas ay Tagalog lamang.
4) Si Manuel L. Quezon ay ang unang presidente ng Pilipinas.
5) Karamihan sa mga Pilipino ay mga Kristiyano.

Set 3:
1) May apat na persona sa isang Diyos.
2) Dapat magsimba tayo sa kada Sabado.
3) Lahat tayo ay anak ng Diyos.
4) Pwede tayo magsinungaling basta hindi tayo nakakasakit ng iba.
5) Lahat ng tao sa mundo ay pupunta ng Langit.

Volunteer 2:
Discussion:
1. Sa ating aktibidad, alam natin kung ano ang totoo at kung ano ang mali. Tinuturo sa atin ng ikawalong
utos ng Diyos na dapat tayo maging tapat at mapagkakatiwalaan. Ano ang ibig sabihin ng tapat? (Let
the kids answer. Correct answer: nagsasabi ng totoo o “honest”) Ano ang ibig sabihin na dapat tayo’y
mapagkakatiwalaan? (Let the kids answer. Possible answers: maasahan)
2. Sabi ni Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay.” (John 14:6). Para maging malapit tayo
kay Hesus, dapat tayo’y maging tapat at mamuhay sa katotohanan.
3. Ano ang mararamdaman mo kung may nagsinungaling sa iyo? Bakit? (Let the kids answer. Possible
answers: Magagalit o malulungkot ako).
4. Dapat tayo ay maingat sa ating mga sinasabi, na dapat laging totoo ang ating mga sinasabi. Ang mga
sinasabi natin ay hindi rin dapat makasakit ng iba.
5. Ano ang mga kasalanan labag sa utos na ito? Pagsisinungaling, pagsasabi ng masama tungkol sa
ibang tao, pagchismis, pag-iinsulto sa ibang tao. Bakit mali magsinungaling? Bakit mali magsabi ng
masama tungkol sa iba? Bakit mali magchismis? (Ask these questions one by one and let the kids
answer) Ano ang mararamdaman mo kung ang iyong kaibigan ay nagchismis tungkol sa iyo? (Let the
kids answer.) Ang totoong kaibigan ay dapat maasahan.
6. Ang isa pang hinihiling ng utos na ito ay tungkol sa mga sikreto. Kung sinabihan ka ng sikreto ng
kaibigan mo, ano ang dapat mong gawin? (Let the kids answer. Possible answer: Dapat itago natin ito).
Ano ang mararamdaman mo kung sinabi sa ibang tao ang iyong sikreto?

Volunteer 3:
Closing Activity
Bibigyan namin kayo ng iba’t ibang sitwasyon na may kinalaman sa ikawalong utos. Isadula niyo ito.

Nakakuha ka ng mababang grado sa report card. Tinanong ng nanay mo kung kamusta ang grado mo. Ano
ang dapat mong gawin?

Habang kasama ang iyong barkada, nagsasabi ng masama ang mga kasama mo tungkol sa kaibigan mong
wala doon. Ano ang dapat mong gawin?

Sinabihan ka ng kaibigan mo ng isang sikreto. Gusto malaman ng isa mo pang kaibigan kung ano ito. Ano ang
dapat mong gawin?

Nakita mong nandaya ang classmate mo sa isang test. Noong tinanong siya ng guro tungkol dito,
nagsinungaling siya. Ano ang dapat mong gawin?
1. Ibigin mo ang Diyos ng lalo at higit sa lahat.

2. Huwag mong babanggitin ang pangalan ng

Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan.

3. Ipangilin mo ang araw ng Diyos.

4. Galangin mo ang iyong ama at ina.

5. Huwag kang papatay.

6 at 9. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.

Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.

7 and 10. Huwag kang magnakaw. Huwag kang

magnanasa sa hindi mo pag-aari.

8. Huwag kang magbibintang o magsisinungaling.

You might also like