You are on page 1of 2

Pansariling Kaligtasan para sa mga Bata

Ikalimang Baitang
Gabay sa Pagtuturo
Aralin 4 Ligtas na Paggawa
Sa aralin kailangan matutuhan ang paggawa ng pamantayan sa pagtanggap ng Gawain. At ang
Paalala sa Guro
kahalagahan ng pag-iingat sa paggawa ay higit na mahalaga kaysa sa pagkita ng malaking halaga.
Mahalang makilala ang taong paglilingkuran. Ang pag-alam ang mga batas pangkaligtasan ay kabilangan sa
Konsepto
mga pamantayan sa pagtanggap ng gawain.

 Kilalanin ang mga posibleng pangananib na sitwasyon.


Layunin
 Tukuyin ang mga taong makatutulong sa oras ng kagipitan.

Aralin 5: Ligtas na Paggawa


Nilalaman Yunit 1: Pansariling Kaligtasan at Pagpapasiya
Papasukang Aralin:_____________________

Pagbasa ng Talata o Pagsasadula:


Si Anna ay tumutulong magbantay sa tindahan ng kaniyang tiya. Kumikita si Anna rito ng maliit na halaga.
Unang Araw
Naisip niyang maglingkod sa iba pa upang kumita ng dagdag na halaga. Gumawa siya ng anunsyo at idinikit
ito sa tindahan. Isinula niya ang kaniyang pangalan, tirahan, telepono, at gulang.

Talakayan:
1. Ligtas ba ang paggawa ni Anna ng anunsiyo?
Ikalawang Araw
2. Ano ang iba pang paraan upang makakuha ng dagdag na gawain si Anna?
3. Paano masusuri ni Anna ang mga alok na gawain sa kaniya?
Basahin ang Talata:
Inihatid pauwi ni G. Jose si Anna nang matapos niya ang mga ipinag-utos ni G Jose. Hindi mapalagay si Anna
Ikatlong Araw
sa loob ng kotse. Ngunit hindi niya tiniyak kung bakit. Nagulat siya nang bigla siyang akbayan ni G. Jose at
kabigin palapit dito.
Talakayan:
1. Ano ang maaring gawin ni Anna? (Sabihing itigil ninyo iyan at lumayo)
2. Kasalanan ba ni Anna ang nangyari? (Hindi)
Ika-apat na Araw
3. Ano kaya ang nararamdamabn ni Anna sa mga oras na ito? (Nalilito, natatakot, at nagagalit)
4. Dapat bang sabihin ni Anna sa iba ang nangyari? (Oo. Sa mga magulang niya, guro, o nakakatandang
kaibigan)
Pagtataya:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Ikalimang Araw 1. Tama bang tumanggap ng gawain para sa iba ang mga bata? Bakit?
2. Paano Ninyo mapapangalagaan ang inyong kaligtasan sa paggawa?
3. Maglista ng mga gawaing maaring tanggapin ng mga bata nang hindi sila mapahamak.

You might also like