You are on page 1of 4

Learning Area EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4

Learning Delivery Modality In-Person Face to Face Classes

Paaralan APLAYA ELEMENTARY Baitang Grade 4


SCHOOL
LESSON
Guro SYLVIA B. BENAVENTE Asignatura ESP
EXEMPLAR
Petsa October 24-28, 2022 Markahan Unang Markahan (Week 10)
Oras 7:30 to 8:00am Bilang ng Araw 5 days
(see PIVOT 4A BOW for the number of days)

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inasahan na:


1. Nababalikan ang mga nakaraang araling bilang paghahanda sa
nalalapit na Unang Markahang Pagsusulit.
2. Nasasagot nang wasto ang mga katanungan sa Unang
Markahang Pagsusulit
3. Naipakikita ang katapatan sa pagsagot sa katanungan sa
pamamagitan ng pagsagot ng maayos at tama sa Unang
Markahang Pagsusulit.
A. Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
Pangnilalaman katatagan ng loob, mapanuring pag-iisip, pagkamatiyaga,
pagkamapagtiis, pagkabukas-isip, pagkamahinahon at pagmamahal
sa katotohanan na magpapalaya sa anumang alalahanin sa buhay ng
tao bilang kasapi ng pamilya
B. Pamantayan sa Naisasagawa nang may mapanuring pag-iisip ang tamang
Pagganap pamamaraan/pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan.
C. Pinakamahalagang
Kasanayan sa Pagkatuto
(MELC) (Kung mayroon, isulat ang Mga Aralin sa Unang Markahan (Week 1-8)
pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o
MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)

II. NILALAMAN *Pagbabalik-aral


*Unang Markahang Pagsusulit
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
A. Mga Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 4 (Kagamitan ng Mag-aaral)
a. Mga Pahina sa Gabay
ng Guro Gabay ng Guro sa Edukasyon sa Pagkakatao 4
Pahina
c. Mga Pahina sa Teksbuk Pahina
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction
(Panimula) Sa araw na ito ay ating babalikan ang mga nakaraang aralin
bilang paghahanda sa nalalapit na Unang Markahang Pagsusulit.
Inaasahan ang lahat na aktibong makikilahok sa mga inihandang
gawain sa araw na ito.
Gawain sa Pagkatutro Bilang 1. Isulat and TAMA kung ito ay
nagpapakita ng pagsasabi ng katotohanan at MALI naman kung
hindi.

_______1. Sinasabi ang totoong nangyayari kahit may


masasaktan.
_______2. Umaayon na lang sa sinasabi ng nakararami kahit ito
ay hindi nakabubuti.
_______3. Inaamin ang dahilan kung bakit nagawa ng
pagkakamali.
_______4. Inaalam ang totoo bago magbigay ng opinyon o palagay.
_______5. Pinagtatakpan ang kaibigan na nakagawa ng
kasalanan.

Gawaing sa Pagkatuto Bilang 2: Unawain ang bawat sitwasyon.


Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang nakasaad ay
pagpapakita ng pagninilay ng katotohanan. Lagyan naman ng
ekis (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

_____1. Nabasa ni Liza sa Facebook ng ate niya na may gamot na


para sa COVID-19. Tinanong niya ang kapatid kung totoo ang
ulat na ito at nagbasa sa internet ng mga balita upang
patunayan ito.
_____2. Sinabi ni Randy kay Kenneth na nabasa niya sa anunsiyo
o patalastas na puwede ng lumabas sa gabi ang mga bata. Inalam
niya mula sa ina at ama ang totoo.
_____3. Agad nilunok ni Luis ang gamot na ibinigay ni Nena dahil
pampatangkad daw ito.
_____4. Nagpadala ng mensahe sa cellphone ni Jessa si Myla.
Sinabi nito na may nakahahawang sakit si Leo at mag-ingat daw
dito. Ipinaalam ito ni Lilian sa pamilya at iba pang kapitbahay.
_____5. Hindi na binuklat ni Trixie ang modyul sa EsP dahil sabi
ni Patricia ay mahirap daw ang mga aralin at gawain.

B.Development
(Pagpapaunlad) Gawaing sa Pagkatuto Bilang 3. Iguhit ang masayang mukha
kung ang pahayag ay nagpapakita ng mapanuring pag-iisip batay
sa balitang napakinggan o nabasa at malungkot na mukha
kung hindi.

_____1. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kompletong


detalye ang balita ukol sa bagyo.
_____2. Nababasa ko ang isang balita tungkol sa kabataan sa
Pilipinas.
_____3. Naikokompara ko ang tama at mal isa aking nabasa sa
pahayagan.
_____4. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig ng radio
_____5. Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan sa
pagbabasa ng balita.

C. Engagement
(Pagpapalihan) Gawain sa Pagkatuto Bilang 4. Kulayan ng pula ang puso kung ang
pahayag ay nagpapakita ng katatagan ng loob sa pamamagitan
ng pagsabi ng katotohanan at kulay asul naman kung hindi.

6. Walang pag-alinlangang aminin na ikaw ang nakawala


ng
mahalagang gamit ng iyong nanay.

7. Pilit na inililihim ang tunay na dahilan kung bakit


nabasag
ang cellphone ng nakatatandang kapatid.

8. Nakiusap sa kapatid na huwag sabihin sa kanilang


Nanay
na siya ang totoong nakabasag ng paso ng kanilang
halaman.

9. Nagpapakita ng katatagan ng loob na sabihin ang


katotohan anuman ang maging bunga nito.

10. Akuin ang ginawang kasalanan ng matalik na kaibigan.

D. Assimilation Gawain Sa Pagkatuto Bilang 5. Sagutin ang mga sumusunod.


Itiman ang bilog ng letra nang tamang sagot.

21. Upang malaman ang katotohanan sa napakaraming impormasyon,


mahalagang
ikaw ay maging _____

A. mapanuri B. mapagduda C. mabilis D. mapaniwalain

22. Ang mga sumusunod ay mas makabubuting pagkunan ng tamang


impormasyon, MALIBAN sa _____

A. radyo o telebisyon C. kinauukulan


B. pahayagan D. kapitbahay

23. Ang pagiging mapanuring bata ay naipakikita ni _____

A. Neil, na naninital sa kung anong sabihin ng kalaro


B. Jay, na nakikinig ng balita sa radyo at nanonood sa TV
C. Andrea, na hindi pinapansin ang mga nangyayari
D. Princess, na nagtatanong sa kaniyang kapitbahay

24. Gusto na ni Max na lumabas ng bahay dahil ilang buwan na niya


itong hindi nagagawa. Tinawag niya ang kalaro at sinabi nitong
ligtas
na raw lumabas. Nagalaro na siya Ang kanyang ginawa ay _____

A. tama, dahil wala ng COVID-19 sa paligid


B. tama, dahil sinabi na ng kalaro na pwede na
C. mali, dahil hindi tama ang kanyang kinonsulta
c
D. mali, dahil hindi na dapat siya nagtanong pa
25. Ang mabuting maidudulot ng pagiging mapanuri ay _____

A. pagkakaroon ng kalituhan
B. pagkatiyak ng tamang impormasyon
C. paggawa ng wastong pasya at kilos
D. B at C

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio


ng kanilang nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod
na prompt:

Naunawaan ko na .
Nabatid ko na .

Inihanda ni:

SYLVIA B. BENAVENTE
Teacher I

You might also like