You are on page 1of 20

PROAKTIB:

Sa panahon ng sakuna:
PROteksyon at AKsyon: Tugon at
Interbensyon para sa mga Bata

ARWIN R. TRINIDAD, RSW


Social Welfare Assistant
CSWDO Lucena
Sino ang “bata”?

“Sinuman na may edad na


labingpitong taon pababa; o
may edad na labingwalong
taon pataas ngunit walang
kakayahang pangalagaan o
protektahan ang kaniyang
sarili dulot ng kapansanan””
KARAPATAN NG BAWAT BATA
Upang mas matutukan ang kanilang kapakanan, narito ang sampung karapatan ng
bawat bata na dapat nating pangalagaan at protektahan.

1. Maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad.


2. Magkaroon ng tirahan at pamilyang mag-aaruga.
3. Manirahan sa payapa at tahimik na lugar.
4. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at aktibong katawan.
5. Mabigyan ng sapat na edukasyon.
6. Mapaunlad ang kakayahan.
7. Mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at makapaglibang.
8. Mabigyan ng proteksiyon laban sa pang-aabuso, panganib at karahasan.
9. Maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan.
10. Makapagpahayag ng sariling pananaw.
Ano ang child protection?
Ito ay tumutukoy sa pag-iwas (prevention) at pagtugon (response) sa pang-aabuso,
pagpapabaya, pagsasamantala at karahasan laban sa mga bata.
Ang child protection system ay binubuo ng mga batas, patakaran, regulasyon, at
serbisyong kailangan sa lahat ng sektor ng lipunan – lalo na ang kapakanang
panlipunan, edukasyon, kalusugan, seguridad at hustisya – upang suportahan ang
pag-iwas at pagtugon sa mga panganib na nauugnay sa proteksyon ng mga bata.

Sa antas ng pag-iwas, kabilang sa kanilang layunin ang pagsuporta at pagpapalakas


ng mga pamilya upang bawasan ang pag-iisantabi/diskriminasyon at bawasan ang
panganib na dulot ng paghihiwalay, karahasan, at pagsasamantala.
Mayabong na
Ekonomiya

Matatag na
komunidad

Tulong/Suporta
para sa mga
pamilya

Mabuting
kapakanan at
kagalingan ng
mga bata
(kasama ang
proteksyon mula
sa kapahamakan
at proteksyon ng
kanilang mga
karapatan
Level of Operation sa Child Protection System

National Nagbibigay ng mga polisiya, alituntunin, at


Council for direktiba ukol sa mga pangangailangan ng
the Welfare mga bata, kabilang na ang child protection
of Children
Regional Nagtatatag ng mga institusyonal na ordinansa
Subcommittees Gumagabay sa paggawa at pagsasagawa ng
for the Welfare mga polisiya at direktiba ng NCWC sa bawat
rehiyon
of Children

Local Councils for the Nakapaloob sa mga LGU; nagpapatupad ng


mga nasyonal at rehiyonal na direktiba o
Protection of Children bumubuo ng sariling ordinansa at polisiya

Barangay Councils for the Grassroot responders; inaatasang magsagawa


ng kritikal na mga hakbangin para makamit
Protection of Children ang layunin ng child protection
MGA PANGANIB
Mga batang may edad na limang (5) taon pababa:
1. Malnutrisyon
2. Iba’t ibang uri ng sakit (ubo, sipon, kolera, dengue,
tuberculosis)
3. Iniiwan sa pangangalaga ng kamag-anak habang nagtatrabaho
ang magulang
4. Kulang sa angkop na atensyong medikal
5. Nagkakahiwalay na magkakapatid dahil sa di-angkop na
pagpapaampon
MGA PANGANIB
School Age (edad 6-12 years old)

• Sa mga evacuation center, nakikihalubilo sa mga ka-edad at


kung minsan ay napapaaway;
• Mga batang naulila ng magulang; nakakaramdam ng lungkot at
minsan ay pagsisisi;
• Mga naghiwa-hiwalay na magkakapatid na posibleng
maipaampon;
• Mahihirap na bata na maaaring maging biktima ng child labor
MGA PANGANIB

Teenagers
Mas lubhang naaapektuhan kumpara sa mga mas nakababatang
kapatid; napapagtanto na ang tindi ng pinsala ng sakuna, mga buhay
na nawala, at posibleng epekto nito sa kanilang kinabukasan.
• Panganib ng sexual harassment at sexual exploitation
• Panganib ng HIV/AIDS sa evacuation center
• Gustong makawala sa hirap ng buhay na nagdudulot ng maagang
pag-aasawa, na nagiging sanhi ng pagtigil sa pag-aaral.
MGA HINDI DAPAT GAWIN

• Pilitin ang bata na magkwento ukol sa kaniyang


naging karanasan sa sakuna;
• Maging maling modelo/halimbawa sa mga anak;
• Negative coping (paninigarilyo, pag-iinom,
pagsusugal);
• Pagpapakita ng hindi-kontroladong emosyon sa
mga anak
MGA DAPAT GAWIN BAGO
ANG SAKUNA

•Kausapin ang inyong mga anak at ipadama sa kanila


na kayo ay nakahanda sa nakaambang mga panganib.
•Ituro sa mga anak ang inyong sariling
safety/emergency plan (saan ang meeting points,
evacuation center, emergency kit, at mga numerong
pwedeng tawagan)
MGA DAPAT GAWIN
HABANG MAY SAKUNA

•Manatiling kalmado at tulungang pakalmahin ang


inyong mga anak.
•Kausapin ang inyong mga anak sa paraang
nauunawaan niya. Ipaliwanag ang totoong nangyayari
ngunit iwasang takutin ang mga bata.
MGA DAPAT GAWIN
MATAPOS ANG SAKUNA

• Bigyan ng pagkakataong makapagsalita ang inyong mga anak.


Hayaan silang magkwento o magtanong.
• Huwag hayaang makilahok ang mga bata sa paglilinis matapos
ang sakuna dahil ito ay delikado at maaring ikapahamak ng
inyong mga anak.
• Makipag-ugnayan sa kanilang eskwelahan o guro ukol sa
posibleng pagbabagong maoobserbahan sa mga bata matapos
ang sakuna.
ILANG ORAS MATAPOS ANG
SAKUNA: ANO ANG DAPAT SABIHIN?

• Magbigay ng malinaw at simpleng paliwanag sa kung anong nangyari at kung anong


possible pang mangyari.
• Huwag manakot. Huwag sumigaw.
• Aminin kung hindi mo kayang sagutin / hindi mo alam ang sagot sa tanong ng iyong
anak.
• Pag-usapan ang nararamdaman ng iyong anak ngunit lumayo sa mga kakila-kilabot
na detalye.
• Purihin ang iyong anak dahil sa:
• Pagsunod sa mga panuto/tuntunin
• Pagtulong sa iba
• Pagiging matapang.
ILANG ORAS MATAPOS ANG
SAKUNA: ANO ANG DAPAT SABIHIN?
Kailangang malaman ng mga bata na:
1. Kontrolado ng matatanda (magulang) ang sitwasyon at tutulungan niyo sila
na maging ligtas;
2. Ang nararamdaman nila sa panahon ng sakuna ay NORMAL.

KALIGTASAN AT SEGURIDAD muna BAGO ANG LAHAT.


• Iwasang makita ng bata ang senaryo (dugo, mga bangkay, mga nalulunod/
nasusunog atbp.)
• Gumamit ng diskarte upang i-distract ang bata.
• Kapag naguguluhan o natatakot ang bata, gabayan ng magulang/kilalang
matanda.
• Magpakita ng tamang pagharap sa suliranin.
KAILAN HIHINGI NG TULONG?

• Kapag ang mga iniisip, sinasabi, at ipinapakita ng iyong


anak ay kakaiba at lubhang nakababahala na at
nakakaapekto na ito sa kaniyang sarili at sa ibang tao;
• Kapag ang bata ay nagpapahiwatig o nagsasalita tungkol
sa pagpapakamatay;
• Kapag mayroong insidente ng pang-aabuso;
• Kapag ang bata ay lumalayo sa ibang tao; at,
• Kapag ang problema ay higit sa iyong kakayahan na
harapin at solusyonan.
MARAMING
SALAMAT!
Sama-sama po nating pangalagaan ang karapatan
at kaligtasan ng ating mga bata’t kabataan,
Upang sa Boom! Lucena, walang sinuman sa atin
ang maiiwan.

You might also like