You are on page 1of 23

DENGUE

KASO NG DENGUE SA PILIPINAS

 Nasa 53, 039 na kaso ng Dengue na ang naitala ng


Department of Health, simula Enero hanggang
Hulyo a 7 ngayong 2018.
 87% na mas mababa sa naitala ng DOH sa kaperong
mga buwan noong 2017.
 Karamihan pa rin sa mga ito ay mga kabataang nasa
edad 10 hanggang 14.
 Samantala, nasa 289 naman ang naitalang nasawi
dahil sa Dengue.
Ang dengue ay isang sakit na
naisasalin sa tao sa
pamamagitan ng kagat ng
BABAENG LAMOK na
Aedes na sanhi ng
mikrobyong “Dengue virus “.
Ang mga nasabing lamok ay siya ring
naghahatid ng chikungunya, yellow
fever, West Nile infection at Zika
infection. Ang dengue ay laganap sa
mga tropikong bansa kung saan ang
iba’t ibang anyo nito ay apektado ng
pag-ulan, tempe-ratura at walang
plano at mabilis na urbanisasyon.
PAANO NAKUKUHA ANG DENGUE?

 Ang dengue ay nakukuha sa kagat ng


lamok, na tinatawag na Aedes Aegypti at
Aedes albopictus, na kumagat ng taong
may sakit na dengue.
 Ang lamok na ito’y nangangagat sa araw
at nangingitlog sa bagay o lalagyang
naipunan ng malinaw na tubig. Ito’y
namamahay sa madilim na parte ng loob
at paligid ng bahay.
ANO ANG PALATANDAAN NG MAY SAKIT
NA DENGUE?

Sa umpisa, lagnat na
tumatagal ng 3-5 araw,
matinding sakit ng ulo,
pananakit ng kalamnan at
kasukasuan, panghihina, at
walang ganang kumain.
ANO ANG PALATANDAAN NG MAY SAKIT
NA DENGUE?

Kasabay ng pagbaba ng
lagnat, ay paglitaw ng
mapupulang butlig
“rashes” sa iba’t ibang
parte ng katawan
ANO ANG PALATANDAAN NG MAY SAKIT
NA DENGUE?
Maaaring
magkaroon ng
pagdurugo ng ilong
at gilagid o
pagsuka o pagdumi
ng maitim.
PAANO
MAIIWASAN ANG
SAKIT NA
DENGUE?
MAG 4s
LABAN SA
DENGUE
4S

1. Search and Destroy


Itapon ang lata, bote at iba pang kalat
sa paligid na maaaring pangitlugan ng
lamok kapag naipunan ng tubig.
Butasan ang mga lumang gulong na
ginagamit na pabigat sa bubungan ng
bahay.
4S

1. Search and Destroy

Linisin ang alulod ng bahay upang hindi


maipunan ng tubig at pamahayan ng kiti-kiti.

Linisin at kuskusin ang gilid ng mga


lagayan ng tubig minsan sa isang linggo. Ang
mga itlog ng lamok na nagiging kiti- kiti ay
kumakapit sa mga gilid nito.
4S

1. Search and Destroy


Takpan maigi ang mga drum, timba
at iba pang ipunan ng tubig upang
hindi pamahayan ng kiti-kiti.
Palitan ang tubig ng plorera minsan
sa isang linggo.
4S

1. Search and Destroy


Gumamit kulambo sa ang pagtulog
o lagyan ng “screen” ang bintana at
pinto ng bahay.
Tiyakin na walang naiipon na tubig
sa ilalim ng paminggalan, at
refrigerator.
4S

2.Self- Protection Measures


Magsuot na mahabang pantalon
at may mahabang manggas na
polo o kamiseta. Maaari ding
gumamit ng mosquito repellant
araw-araw.
4S

3.Seek Early Consultation


Huwag painumin ng Aspirin. Maaaring
maging sanhi ito ng pagdurugo.
Para sa lagnat, punasan ang pasyente ng
bimpo na binasa ng tubig-gripo para
maginhawaan ito.
Kung may lagnat na nang 2 araw, pumunta
at kumunsulta agad sa pinakamalapit na
Health Center o Hospital.
4S

4. Say NO to Indiscriminate Fogging

Mag fogging lamang kung may


Dengue Outbreak.
MGA KARAGDAGANG
IMPORMASYON
TUNGKOL SA LAMOK NA
AEDES:
1.Apat na beses pwedeng magkasakit
ng dengue ang isang tao dahil
mayroong apat na klase ng Dengue
Virus.
2.Mahahawa lamang tayo ng dengue
sapamamagitan ng kagat ng
babaeng lamok na Aedes na may
Dengue Virus.
3.Pagkatapos ng bawat
pagsipsip ng dugo (blood
meal), sila ay nangingitlog.

4.Mainit na balat ang mas


gusto nilang kagatin.
5.Mas tawag pansin din sa
kanila kung gumagalaw
ang biktima nila. Kaya
ingat ang malilikot na
bata!
6.Karaniwan silangumaatake o
kumakagat mula sa gilid o likod
ng tao.
7.Dumadami sila tuwing
tag-ulan.
8.Tumatagal ang kanilang
buhay mula 20- 30 araw.
TANDAAN!!!

Ang Dengue ay nakamamatay at


maaaring magka-Dengue ang sinuman,
bata, matanda, mahirap o mayaman.
Kaya’t sama- sama tayong kumilos
upang masugpo ang
Dengue. Ugaliin ang paglilinis ng kapaligiran lalo na
sa loob ng tahanan sa lahat ng pagkakataon.

You might also like