You are on page 1of 5

Health Education: Dengue

Prevention BSN 1-A G3 DP


SCRIPT

Lander: Good morning kids! Sino sino sainyo ang nakakaalam ng dengue? How
about yung mga nakaranas ng dengue?

Look, listen, and learn at ipapakita namin sainyo ang panganib ng isang
maliit na lumilipad na insekto na nagdadala ng virus na sanhi ng dengue.

QUESTION!
Sino makakahula kung ano yon? (sumagot ng tama)

That’s right! Introducing! Ang mosquito!

Start na tayo sa topic natin tungkol sa dengue at paano natin ito iiwasan.

Lander: So ano nga ba ang dengue? ANG DENGUE ay isang sakit na naisasalin sa
tao sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na Aedes na may dalang DENGUE
VIRUS. (Infected Female Aedes Mosquito) I eexplain ni Kuya Nee niyo kung paano
nga ba muna nabubuhay ang isang lamok.

Neil: Ang virus na responsable sa sanhi ng dengue ay tinatawag na dengue virus


(DENV).

So paano nga ba nabubuhay at lumalaki ang mga lamok? Dako tayo sa life cycle
ng lamok.

Neil: Dito makikita ninyo ang life cycle ng isang lamok. Nagsisimula ang buhay ng
isang lamok pag pinanganak na sila ng adult mosquito.

Once na nilabas na sila, nagsisimula ang kanilang buhay bilang isang itlog, pwede
na silang mamisa, dalawa o tatlong araw after silang maipanganak. Ang mga itlog
na ito ay bilugan, makapal ang balat, at maaaring mabuhay ng walo hanggang
siyam na buwan. Sa normal na kondisyon, ang isang itlog ay magiging kiti-kiti sa
loob ng dalawa hanggang tatlong araw.

Sa init na dalawampu’t pito degrees, ang Aedes ay mananaliting kiti-kiti sa loob ng


pitong araw, at walo hanggang labing tatlong araw naman kung sobrang init. Ang
mga kiti-kiti na ito ay hugis parihaba, maliliksing lumangoy sa tubig, at
indikasyong matagal nang nakimbak sa tubig.
Mula naman sa pagiging kiti-kiti, ang aedes ang magiging pupa. So ano nga ba yon?
Si ate Kat niyo ang mage explain niyan!

Kate: Thank you kuya Nee, so ang pagiging ganap na pupa ay huling stage sa life
cycle ng Aedes bago maging ganap na lamok. Hindi ito lumalangoy maliban lang
kung ito ay nagugulat o naiistorbo. Mula sa pagiging pupa, ito ay magiging ganap
na lamok.

Pagkaraan ng dalawang put’ apat na oras, ang babae at lalaki ay maaari nang
mag-”mate”. Makalipas ang 72 oras o 3 araw, ang babaeng lamok ay
mangingitlog sa malinaw na naimbak na tubig. Tandaan na ang baabeng lamok
lamang ang nangangagat at maaaring magsalin ng DENGUE VIRUS.

Recap tayo, ang una sa life cycle ng isang lamok ay ang pagiging isang itlog, after
2 to 3 days, sila ay magiging kiti-kiti, at paglipas ng pito hanggang labing tatlong
araw, ang kiti-kiti ay magiging isang pupa, at magiging isang ganap na lamok

QUESTION!
- Ilang stages ang meron sa life cycle ng isang Aedes Mosquito or Lamok?
(ans. 4)

Thank you grade 4! Si ate Ky naman ang mage explain sainyo ng katangian ng
lamok na Aedis.

Kyla: Alamin naman natin ang mga katangiang ng lamok na Aedes. So ang aedes na
lamok ay nangangagat buong araw na dumadalas 2 oras pagkasikat at 2 oras bago lumubog
ang araw (day-biters). So paano nga ba kumakagat ang mga ito? Kuya Nheil, pwede
mo bang ipakita sa kanila?

Lander: Syempre naman Ate Ky, So ganito kumagat ang mga Lamok…. Okay, back to
you ate Ky!

Kyla: thank you kuya Nheil! So namamahay ang mga ito sa madilim na lugar kagaya sa ilalim
ng lababo, labahan, at bodega. Mas gusto ng mga lamok ang madilim na lugar sa ilang
kadahilanan.

Maaaring gayahin ng mga madilim na kulay ang mga anino, na mas malamang na sumipsip
at nagpapanatili ng init, na nagpapahintulot sa mga lamok na gamitin ang kanilang
sopistikadong antenna upang mahanap ang isang host.

Ang mga aedes din ay karaniwang nangingitlog sa malinaw na tubig kagaya ng mga naimbag
na tubig ulan. Kaya kung maaari ay atin nating itapon ang mga tubig na ito upang wag
pamugaran ng mga lamok.

Pagkatapos ng kanilang pangangagat sa tao at pagkuha ng dugo o bawat blood meal, sila ay
nangingitlog. Sila rin ay tinatawag na “cold blooded” insects kaya naman karaniwang mga
tao na mainit na balat ang mas gusto nilang kagatin. Mas tawag pansin din sa kanila kung
gumagalaw ang biktima nila. Kaya ingat ang malilikot na bata!

Maureen: Dagdagan ko mga sinabi ni ate Ky! Karaniwan silang umaatake o kumakagat nula
sa gilid o likod ng tao kaya maging mapagmatyag. Sila ay nakalilipad sa layong 50-300 metro
mula sa pinangitlogan o breeding area. Mas duamrami ang lamok na Aedes tuwing tag-ulan
kaya naman ipinapayo na magsuot ng mga damit na kayang takpan ang mga parte ng
katawan na maaaring kagatin na mga ito
At pang huli, tumatagal ang kanilang buhay mula 20-30 araw.

Sa puntong ito alamin naman natin kung paano nga ba naililipat ang sakit na dengue, Si ate
Gina ang magpapaliwanag nito sainyo!

Gina: Salamat ate Mau! So mula unang kagat ng lamok na aedes sa taong may dalang dengue
virus, buong buhay na siyang dengue virus-carrier. Siya’y muling mangangagat at
mangingitlog tuwing ikatlong-araw. Mayroong dalawa hanggang walong araw na incubation
period o pananatili ang Dengue virus sa katawan ng lamok.

Sa loob ng panahong ito, ang sinumang makakagat ng lamok na aedes na may dalang dengue
virus ay hindi magkaka-dengue. Makalipas ang incubation period, makakahawa na ang kagat
ng lamok na Aedes. Ang makakagat ng lamok na aedes ay mahahawa at magkakaroon na ng
Dengue virus. Ano nga ba ang mga palatandaan na apektado ka na ng dengue virus? Ate Zy?

Zyrene: Thank you ate Gina, so ito naman ang mga dapat nating tandaan na sintomas o
palatandaan na ang isang tao ay apektado na ng Dengue Virus. Ang isang taong apektado ng
dengue virus ay makakaranas ng mataas at tuloy-tuloy na lagnat na tumatagal ng dalawa
hanggang pitong araw.

Karagdagang impormasyong, ang normal na temperatura ng ating katawan ay nasa 37


degrees celcius. Makakaranas din ng pamumutla ng balat na sanhi ng lagnat ang taong
apektado ng dengue virus. Makati ito at hindi komportable. Makakaranas din ng pagkawala
ng gana sa pagkain ang may dengue virus na tao. Isa rin sintomas ay ang pagdurugo ng ilong
o gilagid.

Isummarize natin! Ang mga sintomas ng mga apektado ng dengue ay:


1. Ang pagkaranas ng mataas at tuloy tuloy na lagnat na tumatagal ng dalawa hanggang
pitong araw, kung saan mas mataas sa 37 degrees Celcius ang temperatura ng
katawan gamit ang thermometer
2. Pagkaranas ng pamumutla ng balat na makati at hindi komportable na sanhi ng lagnat
3. Pagkawala ng gana sa pagkain
4. At pagdurugo ng ilong o gilagid

QUESTION!
Maari ba kayong magbigay ng tatlo sa mga nabanggit na sintomas ng mga apektado ng
dengue?... thank you kids!

Mukhang may mga idadagdag si ate Maria niyo, ano ba idadagdag mo ate Maria?

Elvira: Sa pagkakataong ito ate Zy, atin namang alamin kung totoo ang mga sabi-sabi tungkol
sa Dengue virus.

1. Totoo nga ba na hindi ka na magkakaroon ng Dengue, basta’t minsan ka nang


nagkasakit nito?
- MALI. Apat na beses pwedeng magkasakit ng Dengue ang isang tao dahil mayroong apat
na klase ang Dengue Virus. Kung isang beses ka na nagkaroon ng dengue noon, ang
katawan mo ay magiging immune sa unang dengue na nakuha mo. At kung magka
dengue ka ulit sa pangalawa hanggang pang apat, magkakaroon ka ng immunity sa mga
yon at magtatapos na ang chansa na magka dengue ka pa ng pang limang beses.
PAALALA mga BATA! Habang nauulit ang dengue virus sa katawin natin, palakas ng
palakas ito, kaya hanggat maari, iwasan na maaepktuhan ng dengue virus.

2. Next! totoo nga ba na naisasalin o naipapasa ang Dengue sa pamamagitan ng pag-ubo,


paghawak o sa paglapit sa isang taong may dengue?
- MALI. Ang tanging paraan kung paano tayo maaaring mahawa ng dengue ay sa
pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na Aedes na may Dengue Virus

Mary: Mukhang meron pa ate Maria, meron pang karagdagang mga impormasyon na ating
sasagutin tungkol sa Dengue.
1. So totoo nga ba na ang pagsisiga ng basura o mga tuyong dahon ay isang paraan ng pag-
iwas sa dengue?
- MALI. Hindi ito mabisang paraan ng pag-iwas sa Dengue dahil hindi nito pinapatay ang
mga lamok. Pero may isa naman tong nagagawa, at yun ay ang pag sira nito sa ating
ozone layer, na tumutulong upang hindi tayo magkaroon ng skin cancer dahil sa araw,
pero ibang topic na yon, sa science ninyo maaaral yon, kaya iwasan rin ang pag sisiga
upang di masira ang ating ozone layer.

2. Next! Totoo nga ba na itinataboy lamang ng fogging ang mga lamok?


- MALI RIN. Hindi lamang nito tinataboy ang mga lamok, kaya rin nitong patayin ang mga
lamok kung tama ang pamamaraan ng paggamit nito. Dapat mag-fogging kung may
outbreak lamang. Ang tamang oras ay sa peak bitting time at hindi everyday, dahil kaya
rin nitong patayin ang mga beneficial insects tulad ng bees at maliliit na hayop tulad ng
mga daga. Toxic din ito sa mga alaga nating hayop tulad ng pusa at aso, pati narin mga
ibon.

Lander: Thank you ate Mary! Para di maapektuhan ng sakit na dengue, mag 4s tayo upang
labanan ang Dengue virus.
Ang 4s ay ang:
1. Search and destroy
2. Seek immediate consultation
3. Say no to indiscriminate fogging
4. At Sarili, protektahan

Magsimula tayo sa Search and destroy.


Laging tandaan na palitan ang tubig sa vase sa ating bahay sa isang linggo, Linisin ang alulod
ng bubong ng bahay, pati na ang pangloob at panglabas na timba at iba pang ipunan ng
tubig. Siguraduhing walang natirang tubig ang ilalim ng lalagyan ng plato at refrigerator,
takpan ang lahat ng drum at iba pang ipunan ng tubig, at itaob ang lahat ng hindi ginagamit
na imbakan ng tubig. Bakit nga ba natin ginagawa ito? So ginagawa natin ito para hindi natin
matulungan at bigyan ng lugar ang mga lamok na mangitlog sa mga ito, dahil nangingitlog
ang mga lamok sa tubig. Sabi nga kanina ni kuya Nee na sa life cycle ng isang lamok, ang kiti
kiti ay lumalangoy sa tubig, kaya upang maiwasan ang paglaki ng mga ito, tanggalin at
linisan ang mga gamit na pwedeng pagbahayan upang maiwasan ang pagrami ng mga
lamok.

Sunod is ang Seek immediate consultation. Kapag dalawang araw ng nilalagnat, agad na
kumunsulta sa doctor. Sinabi kanina ni ate Zy ang mga sintomas at palatandaan ng mga taong
apektado ng dengue. Kung may tumugma sa mga yon ang nararamdaman mo ngayon at
tumagal ito ng dalawa o tatlong araw, pumunta na agad sa pinakamalapit na doctor.

Sunod naman sa Seek imemediate consultation ay ang Say “NO” to indiscriminate fogging.
Say “YES” only during an outbreak or epidemic. Naexplain na ito kanina ni ate Mary niyo,
kung saan ang pag fa fogging ay nakadaragdag sa pagkasira ng ozone layer at toxic sa mga
hayop.

Panghuli naman ay ang Sarili, protektahan. Upang maiwasan na maapektuhan ng dengue


virus, gumamit ng insect repellant. Sino nakaka alam sa OFF lotion dito? Isa rin yon sa mga
pwedeng gamitin upang maiwasan ang pagdapo ng lamok sa atin. Pwede rin tayong
magsuot ng long-sleeved shirts, ngunit hindi ito suggested pag mainit ang panahon at nasa
bahay lamang, kaya ugaliing gumamit ng insect repellant upang maiwasan ang dengue virus.

QUESTION!
Magbigay ng isa sa 4S kontra dengue!--- thank you!

Laging tandaan kids! ang Dengue ay NAKAMAMATAY, At maaaring magka-dengue ang


sinuman, bata man o matanda, mahirap o mayaman. Kung kaya’t kailangan ang sama-samang
pagkilos at kooperasyon ng buong barangay upang maging matagumpay ang ating pagsisikap
na labanan at sugpuin ang Dengue!!

You might also like