You are on page 1of 2

Ano ang Dengue Fever?

Ang Dengue ay isang sakit na galing sa mikrobio na naihahawa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng Aedes na lamok. Ang Dengue ay hindi maikakalat na tuwiran ng tao sa tao. MGA NARARAMDAMAN: mataas na lagnat matinding pananakit ng ulo pananakit ng katawan at kasukasuan pagsusuka pananakit ng mata mapupulang butll sa balat *Magpakonsulta sa iyong doktor kungmayroon kayong nararamdaman naganitong simtomas. Protektahan ang inyong sarili at iyong pamilya sa Dengue Fever. Ito ay walang lunas maaari lamang nating. SUGPUIN ANG PAGDAMI NG LAMOK SA PAMAMARAAN NG: Alisin, itapon o ayusin ang anumang bagay na pinagiiponan ng tubig gaya ng lata, bote, timba, lumang gulong, paso, tangkay ng pinya, baradong alulod, mga halaman na tinitirhan ng mga lamok at

mga iba pang bagay na maaaring taguan ng mga lamok. Siguraduhin na ang lamok ay hindi makakapasok sa iskrin ng pintuan at bintana. Linisin ang kainan ng hayop minsan sa isang linggo. Linisin ang sisidlan ng bulaklak minsan sa isang linggo. Pisikan ang pimamumugaran ng lamok (swimming pool o malalaking lagayan ng tubig) ng apat o anim na onses ng sabong panghugas na ihinalo sa isang galon na tubig. Ulitin ito sa dalawa o tatlong araw. Itoy hindi kasama sa tangke na pag-ipunan ng inumin na tubig. Siguraduhin na ang imbakan ng tubig ay may pananggalang sa lamok. Patayin ang lamok sa loob ng bahay sa pamamagitan ng pampatay ng lamok (insecticide). PROTEKTAHAN ANG SARILI: Magpahid sa balat ng losyon na may DEET (N, N-diethyl-metatoluamide) Magtanong saparmacia o hanapin sa website ang tungkol sa DEET. Magsuot ng mahabang pantaloon at damit na may mahabang manggas, medyas at sapatos lalong lalo na sa madaling araw at kung palubog na ang araw na ang mga lamok ay mabagsik na kumagat.

Panatiling nakasara ang mga bintana at pintuan na walang iskrin. Ito ay hindi masakit pero maaaring magbigay ng matinding sintomas. MGA DAPAT TANDAAN: 1. Sino ang mga maaaring magkasakit ng dengue fever? Maaaring magkasakit ng dengue fever ang isang tao na nakagat ng lamok na aedes aegypti o aedes albopictus na nakakagat na ngtaong may sakit ng dengue fever. 2. Ano ang dapat gawin kung ang isang tao ay may sakit ng dengue fever? Ang taong may sakit ng dengue fever ay dapat: Pagpahingahin Malimit na painumin ng tubig upang hindi matuyuan ang katawan Paggawa ng paraan upang mapababaang mataas na lagnat Huwag bibigyan ng aspirin 3. Gaano katagal ang sakit na dengue fever? Ang sakit na dengue fever ay maaaring tumagal nang hanggang sampung (10) arawngunit ang pagpapagaling at pagpapalakas muling katawan ay umaabot ng dalawa (2)hanggang apat (4) na linggo. 4. Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng dengue fever? Maiiwasan ang pagkakaroon ng dengue fever sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ito (Napagkunan: Infectious Disease Control Service):

Huwag mag-iimbak ng anumang bagayna maaaring pag-ipunan ng tubig at pamugaran ng mga lamok sa loob at labas ng bahay tulad ng mga lata, bote at gulong ng sasakyan at panatilihing tuyo ang kapaligiran. Hugasan at kuskusin mabuti ang mgaplorera at iba pang pinaglalagyan ngtubig isang beses sa isang linggo. Takpan ang mga pinaglalagyan ng tubigupang maiwasan ang pagpasok atpangingitlog dito ng mga lamok. Tingnan at linisin nang regular ang mgaalulod ng bahay upang maiwasan angpag-iipon dito ng tubig-ulan. Gumamit ng kulambo habang natutulog sa araw o dili kaya'y lagyan ng "screen" ang mga bintana o pinto ng bahay. Ipagbigay-alam sa pinakamalapit na health center kung may pinaghihinalaang kaso ng dengue fever sa komunidad. PARAAN NG PAGKALAT NG IMPEKSIYON Ang lagnat ng dengue (dengue fever) ay naipapasa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na Aedes na siyang nagdadala ng virus na dengue. Hindi ito naipapasa mula sa isang tao papunta sa ibang tao. Ang pangunahing klase ng lamok na nagdadala ng dengue, ang Aedes aegypti, ay hindi matatagpuan sa Hong Kong ngunit ang Aedes albopictus na makikita rito ay maaari ding magdala ng sakit na ito.

SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ALLIED MEDICINE LUCBAN, QUEZON

INIHANDA NG GROUP 7: AZUL, CARLA JEAN BARAGULA, CARINA MARIE CHUA, AIREEN GRACE ESTRELLADO, MARQUISE LOUISE ANN JAVIER, PORTIA AGATHA MALABUNGA, BRENT NICOLE MECIJA, ROSE ANN MEJILLA, KHARIZZA PADERES, JEKKA MAEKAH PRINCIPE, MA. ZIATHRESE VELUZ, DANIEL YULDE, ADAM ALEKSANDER BSN II CLINICAL INSTRUCTOR: MS. EISRAELLE SISON

You might also like