You are on page 1of 41

Ang bulutong o chicken pox ay isang sakit na dulot ng virus.

Ang bulutong ay mapupulang


pantal na nagdadala ng matinding pagkati ng buong katawan. Ito ay pangkaraniwang sakit na
nakukuha ng mga bata na hindi pa nagkakaroon ng ganitong sakit. Ang mga intomas nito ay
kadalasang bahagya ngunit ay maaaring magdala ng seryosong mga komplikasyon tulad ng
bacterial pneumonia.

Ang mga tao na nagkaroon na ng bulutong tubig ay malamang na hindi na magkaroon ng sakit
na ito habambuhay dahil sa tinatawag na immunity. Kung ikaw nakapag-develop na ng ganitong
uri ng immunity, ikaw ay halos imposible nang tamaan ng bulutong.

Ano ang sanhi ng bulutong?

Ay bulutong o chicken pox ay sakit na dala ng herpes varicella-zoster virus. Ito ay naikakalat sa
pamamagitan ng pag-ubo o pag-bahin, o sa pamamagitan ng pagkakahantad sa damit, higaan o sa
nagtutubig na mga bulutong ng taong may ganitong sakit. Ang pinakamalalang yugto ng
bulutong ay mangyayari 10-21 araw matapos ang pagkahantad sa virus. Ang sakit na ito mas
lubhang nakakahawa isa o dalawang araw bago lumabas ang mapupulag pantal at sa panahon na
ang mga ito lubusan nang matuyo.

Ano ba ang mga sintomas ng bulutong?

Ang bulutong ay mapupulang pantal na may matinding pangangati. Ito ay kumakalat sa buong
katawan lalo na sa may likod haggang sa leeg. Ang mga pantal na ito ay maaaring magtagal pito
hanggang sampung araw. Ang mga pantal ay maaring maging mga bulutong tubig na natutuyo sa
kalaunan. Ang bulutong ay maaring Makita sa bibig, sa anit ng ulo, sa mata at sa maseselang
bahagi ng katawan. Ang ganitong uri ng bulutong ay sinasabing napakasakit para sa mga taong
mayroon nito.

Ang siklong ito ay magiging paulit-ulit sa mga bagong bulutong na tutbo sa iba pang bahagi ng
katawan. Pagkalipas ng dalawang linggo, ang lahat ng mga pantal at paltos ay maaaring mawala
na lahat. Ang sakit na ito ay nakahahawa hanggang sa ang lahat ng mga pantal ay mawala na.
Tandaan, nakahahawa rin ito isang araw bago lumitaw ang pamamantal.

Sumangguni sa iyong doktor kapag:

 Sa tingin mo ay may bulutong ang anak mo. Kukumpirmahin ng doktor ang iyong hinala.
 Ang bulutong ay may kasamang matinding sakit ng balat.
 Ang mga pantal ay mamasa-masa at namumula, ito ay palatandaan ng bacterial infection
 Ang bulutong ay may kasamang stiff neck, matinding pagkaantok at pagkahapo. Ito ay mga
sintomas ng mas seryosong sakit tulad ng meningitis o encephalitis kaya kinakailangang mag
patingin agad sa doktor.
 Pawala na ang bulutong sa anak mo subalit siya ay nakararanas ng lagnat, pagsusuka o
kumbulsyon. Mag patingin agad sa doktor.
 Nagkaroon ng bulutong ang isang adulto sa iyong bahay
 Ikaw ay buntis at hindi pa nagkaroon ng bulutong kahit kalian, ang iyong anak ay nanganganib a
mga komplikasyon. Mag patingin agad sa doktor ng walang sinasayang na oras.
Ano ba ang gamot sa bulutong?

Ang bulutong tubig ay lubhang nakakahawa. Panatilihing nasa loob ng bahay ang iyong anak
hanggang sa lubusan nang matuyo at matanggal ang lahat na bulutong at pamamantal.

Kadalasan, ang bulutong hindi nangangailangan ng gamot. Kusa itong nawawala makalipas ang
dalawang linggo.

Ngunit kung ang pasyente ay buntis, maaring magbigay ang doktor ng mabisang anti-viral para
tulungang bumaba ang posibilidad na magkaroon ng epekto ang sakit sa sanggol na nasa
sinapupunan.

Karagdagan pa, maaaring magriseta si Doc ng karaniwang painkillers at anti-histamine para


maibsan an sakit at pangangati na nararamdaman ng pasyente. Kung sakaling ang pasyente ay
magkaroon ng bacterial pneumonia bilang komplikasyon, magbibigay din si Doc ng malakas na
dose ng anti-biotics.

Gamot sa bulutong na pwedeng gawin sa bahay

Tulad ng nabanggit na natin, hindi na kailangang gamutin ang karamuhan sa kaso ng bulutong
tubig. Kusa itong nawawala dahil virus ang sanhi ng sakit na ito.

Ito ang mga dapat gawin para maibsan ang hirap na nararamdaman ng inyong anak na
may bulutong:

 Bawasan ang kuko ng inyong anak para maiwasan ang di sinasadyang pagkakalmot sa mga
pantal.
 Para mabawasan ang pangangati, maglagay ng baking soda o oats sa tubig na kanyang
pampaligo. Maglagay ng malamig na basang towel sa apektadong bahagi ng katawan at patuyuin
ito.
 Tunawin ang kalahatig kutsara ng asin sa isang basong tubig at gawing pangmumog.
 Magbigay ng paracetamol na tama sa edad. Makatutulong ito na maibsan ang lagnat at sakit ng
katawan ng pasyente.
 Panatilihing malinis ang katawan araw araw.
Ang bulutong o bulutong-tubig (Ingles: chicken pox; medikal: varicella zoster) ay isang
karamdaman sa balat kung saan nagkakaroon ng mga butlig-butlig na maaaring mag-iwan ng
peklat kapag umampat o matuyo na ang mga ito.
PAANO NAHAHAWA NG BULUTONG?

Ang bulutong ay sanhi ng Varicella zoster virus (VZV) at maaaring mahawa sa paglanghap ng
hanging may taglay na virus (na maaaring mangyari kung malapit ka sa isang taong may
bulutong) o kung mahawakan o makadikit ka sa taong may bulutong. Ang mga taong may
bulutong ay nakakahawa dalawang araw bago umusbong ang mga butlig hanggang apat o limang
araw makalipas.
ANO ANG MGA SINTOMAS NG BULUTONG?

Ang bulutong ay may tipikal na mga butlig na may mga ganitong katangian:
 parang may tubig sa loob (kaya nga ito’y tinatawag ring bulutong-tubig)
 naguumpisa sa ulo, tiyan, at dibdib at kumakalat palabas
 Makati, lalo na kung malapit nang maampat
Ang mga butlig na ito ay maaampat at matutuyo, ngunit maaaring magpeklat, lalo na kung may
edad (18 pataas) na ang nagkabulutong. Mas maaari ring magpeklat kung madalas kamutin ang
mga butlig.
Subalit bago magkaroon ng bulutong, may mga pangunahing sintomas muna gaya ng mga
sumusunod:
 pananakit ng katawan
 pagsusuka at liyo
 sinat o lagnat
 pananakit ng lalamunan (sore throat)
 pananakit sa tainga
 panghihinga o pangangalos
 kawalan ng ganang kumain
ANO ANG GAMOT SA BULUTONG?

Sapagkat ang bulutong ay sanhi ng isang virus at kusang nawawala, hindi kailangan ng gamot sa
mga karaniwang kaso ng bulutong. Ngunit mahalagang panatilihin ang kalinisan ng katawan
habang may bulutong, upang hindi maimpeksyon ang mga butlig. Iwasan ding mainitan,
mabanasan, o pawisan sapagkat maaaring lumala ang pangangati sa mga sitwasyong ito.
Mahalaga ring umiwas sa mga sanggol o kahit sinong tao na hindi pa nagkakaroon ng bulutong,
upang hindi makahawa nito.

PAANO MAKAKAIWAS SA BULUTONG?

Gaya ng tigdas-hangin at tigdas, ang bulutong ay maaari lamang makuha isang beses sa buhay ng
isang tao. Ngunit, sa pamamagitan ng bakung (Varicella vaccine) ay maaaring tuluyang
maiwasan ang pagkakaroon ng bulutong. Ito’y karaniwang unang ibinigay sa unang taon ng
isang bata. May pangalwang turok na ibinibigay at edad 4-6 para makasigurado sa proteksyon ng
bakuna. Kung hindi ito nagawa, kahit sinong bata o matanda edad 13 pataas ay maaaring
mabigyang ng dalawang turok ng bakunang ito, sa pagitan ng apat hanggang walong linggo.
Magpunta sa klinika o ospital at magpakonsulta sa inyong doktor upang makakuha ng bakuna
laban sa bulutong, kung may miyembro ng inyong pamilya na hindi pa nabibigyan nito.
Gamot o Lunas sa Bulutong-Tubig

Ang karaniwang ni-rerecommend na gamot ng doctor para sa bulutong-tubig ay ang Zovirax


(Acyclovir). Ang Zovirax ay isang uri ng antiviral na gamot (drug) para labanan ang virus ng
bulutong-tubig. Mabibili ang gamot na ito sa mga major drugstores.

Zovirax Tablet

Zovirax Tablets

Karaniwang dosage o ang pagpapainom nito ay dalawang beses sa isang araw. Pero
magdedepende pa rin sa payo ng doktor ang dami ng pagpapainom nito. Mabibili sa mga major
drugstores ang gamot na ito. Upang mapadali ang recovery ng maysakit, kinakailangan siyang
kumain ng maraming mga masustansiyang pagkain or uminom ng mga food supplements o
multi-vitamins. Ito ay para lalong lumakas ang immune system na siyang tumutulong sa
paglaban sa mga viruses na nakakalat sa katawan. Ito ay tested na at ginamit hindi lang ng
pamilya ko kundi pati na ng mga kapitbahay ko. Napapansin naming dalawa o tatlong araw ng
pag-inom nito ay gagaling agad ang maysakit.
Read
more: http://www.affordablecebu.com/load/health/gamot_o_lunas_para_sa_bulutong_tubig/24-
1-0-11653#ixzz55A4DZ6gc

Ayon kay Dr. Sharon Manansala, ang bulutong tubig o chickenpox ay isang viral infection na
dulot ng tinatawag na varicella zoster virus. Lagnat ang unang sintomas nito na sinusundan ng
pagtubo ng maliliit na butlig sa katawan. “Hindi siya sabay-sabay lumalabas. In three to seven
days, puwedeng magkaroon ng new lesions (o butlig),” paliwanag ni Dr. Manansala.
Nakahahawa ang bulutong tubig. Puwede itong maipasa ng isang taong kasalukuyang may
bulutong tubig sa pamamagitan ng mga kamay at mga bagay na hinahawakan.
Mas lalu raw nakahahawa ang bulutong tubig kapag papagaling na ang taong may ganitong sakit.
“‘Yung five to seven days after the crusting of the lesion is the period of communicability,”
dagdag ni Dr. Manansala. Gaya ng ibang viral infection, kusang gumagaling ang bulutong tubig
sa loob ng dalawang linggo. Gayunpaman, kapag mahina ang resistensya ng isang tao na
dinapuan nito, maaari siyang makaranas ng mga komplikasyon. “May contaminant cough ka,
mahina immune system mo, puwede ka magkaroon eventually ng pneumonia,” paalala ng
doktor. Dapat ding tandaan na hindi gamot sa bulutong tubig ang anumang uri ng antibiotic.
Inirereseta ito para sa bacterial infection at hindi para sa bulutong tubig na isang viral infection.
Ang maaaring inumin ng may bulutong tubig ay paracetamol para sa lagnat at antihistamine na
para naman sa pangangati. May mga pambihirang kaso ng bulutong kung saan tumutuloy ito sa
lung o brain infection. Sa ganitong sitwasyon, mas makabubuting dalhin na sa ospital ang
pasyente. Para makaiwas sa bulutong tubig, inirerekomenda na ang pagpapabakuna kontra
varicella zoster virus sa edad na isang taon. Makalipas ang tatlong buwan, kinakailangan na muli
itong iturok sa pasyente. Booster dose ang tawag sa pangalawang pagturok.
Hindi na magkakaroon ng bulutong tubig ang taong kumpleto sa bakuna laban dito.Dadgdag na
paalala ng “Pinoy MD” sa mga magulang: Isama ang inyong mga anak ngayong bakasyon sa
pinakamalapit na health center o ospital para pabakunahan sila hindi lang kontra bulutong tubig
kundi para sa iba pang mga karamdaman. —Rica Fernandez/CM, GMA News

Ano ang chicken pox?


Ang chickenpox o mas kilala sa tawag na ‘bulutong’ ay isang sakit na nanggagaling sa impeksyon dulot ng
virus na varicella zoster. Ito ay may incubation period na maaring umabot ng 7-21 na araw bago magpakita ang
mga sintomas gaya ng pangangati, lagnat, at ang pamamantal (rashes) sa balat. Bagamat isa itong laganap na
sakit sa mga kabataan, epektibo ang paggamit ng bakuna o chickenpox vaccine sa pag-iwas dito o sa mga
komplikasyon na dulot nito.

Mahigit 90% ng lahat ng tao ay makakaranas ng chicken pox bago ang edad na 18. Karamihan sa mga kaso
nito ay hindi nakamamatay, ngunit posible itong magdulot ng malulubhang sintomas gaya ng pamamaga sa
utak, impeksyon, at pneumonia. Tinatayang 1 sa 60,000 na taong may bulutong ay maaaring mamatay
Ano ang mga sintomas ng chicken pox?
Matapos ang incubation period ng varicella zoster virus, ang taong may bulutong ay makakaranas ng
pamamantal na kadalasang nagmumula sa dibdib o tiyan bago ito kumalat sa ibang bahagi ng katawan gaya ng
leeg, mukha, braso, at binti. Ang mga pantal ay mamumula at magkakaroon ng likido at maaari itong tumagal
ng hanggang 10 araw.

Ang mga pantal na dulot ng bulutong ay tinatawag na vesicles kapag ito ay meron nang likido. Tuluyang
nawawala ang mga vesicles matapos ang humigit-kumulang na dalawang linggo. Bukod sa pamamantal,
maaari ding makaranas ng lagnat, pananakit ng ulo, at panghihina.

Ano ang mga sanhi ng chickenpox?


Ang chickenpox ay dulot ng varicella zoster virus na malubhang nakakahawa. Ang virus na ito ay madaling
kumalat sa hangin dulot ng pagbahing o pag-ubo. Maaari rin itong makahawa sa direktang pagdikit sa balat,
lalo na kapag ang lumabas ang likido mula sa vesicles. Mas malaki ang pagkakataon na ikaw ay mahawa
kapag kasama mo ang isang taong may chickenpox sa isang silid.
Kung ikaw ay hindi pa nabibigyan ng chickenpox vaccine, malaki ang pagkakataong mahawa ka sa taong
madalas mong kasama na may bulutong. Ganito rin kapag hindi ka pa nagkakaroon ng chicken pox.
Ano ang mga pagsusuri para malaman kung ikaw ay merong chickenpox?
Ang mga pamamantal o paglabas vesicles ang pangunahing palatandaan ng chicken pox. Bago lumabas ang
pamamantal sa balat, hindi madaling matiyak kung mayroon ka nito. Mahalagang magpatingin kaagad sa
doktor kapag ikaw ay nakasalamuha ng isang indibidwal na may kaso ng chickenpox.
Kasama sa pagsusuri ang pagtingin ng ibang sintomas gaya ng lagnat, panghihina, pananakit ng ulo, at iba pa,
ngunit makakasiguro lamang ang doktor sa pamamagitan ng pagsusuri sa likidong galing sa pantal.

Paano ginagamot ang chickenpox?


Ang paggamot sa chicken pox ay nangangailangan ng maingat at wastong pagtrato sa mga sintomas nito, lalo
na sa pamamantal. Mahalagang iwasan ang pagkamot sa mga pantal upang hindi lumabas ang likido at lumala
ang impeksyon. Ito ang dahilan kung bakit ang pasyente ay pinapayuhang gupitin ang mga kuko o pagsuot ng
guwantes (gloves) upang maiwasan ang hindi sadyang pagputok ng vesicles na syang nagdudulot ng peklat

Ang paginom ng acyclovir ay nakakatulong sa mga sintomas ng chicken pox. Ito ay madalas ibinibigay sa mga
matatanda upang maiwasan ang pagkakaroon ng malubhang komplikasyon. Bukod dito, maaari ding gamitin
ang valacyclovir at sorivudine. Ang paracetamol naman ay pinapainom bilang panggamot sa lagnat. Bukod
dito, mahalaga din ang maingat na paglilinis ng balat gamit ang maligamgam (lukewarm) na tubig para
maiwasan ang paglala ng impeksyon.

Paano maiiwasan ang chickenpox?


Ang pag iwas sa mag taong may chickenpox ang pangunahing paraan upang hindi mahawaan nito. Ang mga
pasyente ng chickenpox ay pinapayuhang manatili sa bahay upang maiwasan na mahawaan ang mga tao sa
paligid na hindi pa nagkakaroon ng sakit na ito. Mahalaga rin isapuso ang kalinisan at paggamit ng
disinfectants lalo na kung may kakilala kang may chickenpox. Importante din ang bakuna o vaccine para
maiwasan ang impeksyon ng varicella zoster virus. Tandaan na ang bakuna ang pangunahing dahilan kung
bakit bumababa ang kaso ng chicken pox sa buong mundo.
ANG bulutong-tubig (chickenpox) ay isang sakit ng kabataan. Ito ay nanggagaling sa varicella-zoster
virus.

Madaling malaman kung ang pasyente ay may bulutong tubig. Nag-uumpisa ito na parang trangkaso na
may lagnat, ubo at sakit ng ulo. Pagkatapos ay may mga kakaibang butlig na maglalabasan sa mukha,
ulo, dibdib at likod ng pasyente.

Nag-uumpisa ang mga pantal na parang mga tagihawat. Pagkatapos ay lalaki ito na parang blister at
magkakaroon ng likido sa loob. Pagkaraan ng ilang araw, matutuyo na ang blister at naglalangib ito (crust
and scab).

Nakahahawa ang pasyenteng may bulutong-tubig mula 2 araw bago lumabas ang mga pantal, hanggang
sa maglangib na ang lahat ng pantal. Sa panahong ito ay dapat hindi muna pumasok sa trabaho o
eskwelahan ang pasyente. Napapasa ang virus sa iba sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahing.

ANG bulutong-tubig (chickenpox) ay isang sakit ng kabataan. Ito ay nanggagaling sa varicella-zoster


virus.

Madaling malaman kung ang pasyente ay may bulutong tubig. Nag-uumpisa ito na parang trangkaso na
may lagnat, ubo at sakit ng ulo. Pagkatapos ay may mga kakaibang butlig na maglalabasan sa mukha,
ulo, dibdib at likod ng pasyente.

Nag-uumpisa ang mga pantal na parang mga tagihawat. Pagkatapos ay lalaki ito na parang blister at
magkakaroon ng likido sa loob. Pagkaraan ng ilang araw, matutuyo na ang blister at naglalangib ito (crust
and scab).

Nakahahawa ang pasyenteng may bulutong-tubig mula 2 araw bago lumabas ang mga pantal, hanggang
sa maglangib na ang lahat ng pantal. Sa panahong ito ay dapat hindi muna pumasok sa trabaho o
eskwelahan ang pasyente. Napapasa ang virus sa iba sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahing.

Gamot sa bulutong-tubig:

1. Magpatingin sa doktor kapag naging mapula at masakit ang mga pantal dahil posible itong
nagkaimpeksyon.

2. Kapag ang pasyente ay may edad na, puwedeng bigyan ng doktor ng gamot (tulad ng Acyclovir) na
magpapabilis sa paggaling. Kailangan lang maumpisahan agad ang gamot sa loob ng 24-48 oras
pagkalabas ng pantal.

3. Kapag mahapdi ang pantal, puwedeng uminom ng mga pain relievers tulad ng paracetamol tablet.
Bawal ang aspirin sa mga batang edad 16 pababa.

4. Maghanda ng isang litrong tubig at lagyan ng 1 kutsaritang asin. Ibuhos ang solusyon na ito sa lugar
ng butlig. Pagkatapos ay dampi-dampian ang mga pantal para matuyo.

5. Huwag putukin o kamutin ang mga butlig at baka ito magkaroon ng impeksyon. Puwedeng pahiran ng
Calamine lotion ang mga butlig.

Bakuna sa bulutong-tubig:

Para makaiwas sa komplikasyon, dapat pabakunahan ang lahat ng bata kontra bulutong-tubig. Ang
unang bakuna ay binibigay sa edad 12-15 buwan ang bata, at ang pangalawang ba kuna ay sa edad 4-6
taong gulang. Ang mga batang mas matanda sa 7 taon na hindi napabakunahan ay puwede pang
humabol sa bakuna para sa bulutong-tubig. Magtanong sa inyong doktor.

Tandaan lamang na kahit nabakunahan na ang bata ay posible pa rin siyang magkaroon nito. Pero may
tulong ang bakuna dahil mas makalalaban na ang kanyang katawan kontra sa virus at madali siyang
gagaling.

Panimula
Madaling magkasakit ang mga bata at minsan ay nagiging malubha pa ang kanilang
pagkakasakit. Ngunit ilan sa mga sakit na ito ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng
pagbabakuna. Ang booklet na ito ay ginawa dahil sa aming layunin na mapabakunahan nang
ligtas ang inyong mga anak, magkaroon kayo ng tamang kaalaman tungkol sa pagbabakuna at
magkaroon ng maluwag na pagtanggap. Umaasa kami na makatutulong sa inyo ang booklet na
ito upang mapabuti ang kalusugan at pagpapalaki sa inyong anak.

MGA MAHALAGANG BAGAY

Ang bulutung-tubig (chicken pox) ay isang impeksiyon sanhi ng virus na may kasamang lagnat at mga
butlig sa balat

Ang karamihang mga butlig ay nakikita sa gitna ng katawan, ulo at leeg

•Ang bata ay may impeksiyon sa loob nang halos 7 araw, 2 araw muna hanggang sa ikalimang araw
matapos na lumabas ang unang singaw

•Ang mga bata ay kailangang ilayo sa paaralan, kindergarten o child care hanggang lahat ng mga batik sa
balat ay nagtutong na

• Ang mga tuyong langib ay hindi nakakahawa

• Ang paggamot ay ginagawa upang makatulong sa mga sintomas o maiwasan ang pangalawang
impeksiyon ng bakterya sa mga butlig

ANO ITO?

Ang bulutung-tubig ay isang karaniwang impeksiyon na sanhi ng isang virus(varicella-zoster). Ang bata ay
maaaring magkasakit nang isa o dalawang araw na may lagnat, pagkatapos ay pamumula ng balat
susundan ng laganap na mga grupo ng maliliit na pulang mga butlig (kulay-ube o kayumanggi sa may
kulay na balat) na sa loob ng susunod na 2-4 na araw ay nagiging mga paltos. Ang mga paltos ay nagiging
puti na may nana sa loob ng maraming araw at pagkatapos ay natutuyo bilang maitim na langib.

Ang mga butlig ay karaniwan sa gitnang bahagi ng katawan, ulo at leeg at hindi gaanong karaniwan sa
mga braso at mga binti. Maaaring magkaiba ang bilang ng mga butlig.

Pinakakaraniwang naaapektuhan ang batang nasa edad na 2-10 taon. Ang lagnat at singaw ay lumalabas
dalawang linggo matapos na mahawahan ng isang taong may impeksiyon. Ang bulutung-tubig ay
nakakahawa mula sa ikalawang araw bago lumabas ang singaw hanggang ikalimang araw matapos na
unang lumabas ito. Ang mga tuyong langib ay hindi nakakahawa. Kapag ang isang tao ay nagkaroon na
ng bulutung-tubig, may mahabang panahong kaligtasan at malamang na hindi mangyari ang
pangalawang atake.

PAANO ITO MAIIWASAN?

Upang maiwasang mahawa ang iba, ang mga bata ay kailangang ilayo sa paaralan, kindergarten o child
care hanggang sa lahat ng mga butlig sa balat ay maging langib na. Bagama’t ang mga ito ay hindi bahagi
ng programa ng pamamaraan ng pagbabakuna, ang mga bakuna para sa bulutung-tubig ay maaring
makuha. Ang mga ito ay ibinibigay nang isang dosis sa mga batang nasa edad na lagpas sa 12 buwan.

PAANO ITO GINAGAMOT?

Karamihan sa mga batang may bulutung-tubig ay hindi nangangailangan ng anumang espesyal na


pagpapagamot laban sa virus. Ang paggamot ay ginagamit upang makontrol ang lagnat at maiwasan ang
pangalawang impeksiyon ng bakterya ng mga butlig sa balat. Kung magkaroon ng impeksiyon ng
bakterya, pagkatapos ito ay maaaring magbigay-daan sa mga peklat. Maaaring makatulong ang mga
langis pampaligo na panlaban sa bakterya at pangangati. Maaaring gumamit ng mga antiseptiko sa mga
butlig sa balat upang maiwasan ang pangalawang impeksiyon ng bakterya.

ANO ANG MGA REMEDYO?

Narito ang mga remedyo para sa taong may Chicken Pox o bulutong tubig.
1. Uminom ng orange juice o carrot juice, tumutulong din ito para hindi madehydrate ang may sakit.
2. Iwasang kumain ng mga processed foods-kabilang dito ang mga junk foods.
3. Iwasang kumain ng mga pagkaing mahirap tunawin, tulad ng baboy(red meat) at piniritong pagkain.
4. Ang mga pasyenteng may mouth sores ay pinapayuhang kumain ng soft at bland foods at umiwas sa
maaanghang at maaasim na pagkain.
5. Maiging kumain ng mga pagkaing mayaman sa Vit.A, C, at bioflavonoid, calcium at magnesium para
makatulong ito sa paglakas ng immune system. Bukod dito ay ini-stimulate naman nito ng zinc. Samahan
ang diet ng mga fresh fruit juices at calamansi juice upang bumaba ang temperatura ng may sakit.
6. Ang pagpapahinga ay tumutulong din upang palakasin ang immune system.

This Health News is brought to you by DRA. RHODA RAMOREZ – LAUSIN of Espiritu Santo Clinic located
at Calle 13 de Mayo, Brgy. 6, Daet, Camarines Norte ( infront of Camarines Norte Provincial Hospital)

Ang Chickenpox, kilala rin bilang varicella, ay isang nakakahawang sakit na dulot ng unang
impeksiyon sa varicella zoster virus (VZV). Ang sakit ay nagreresulta sa isang katangian ng
pantal sa balat na bumubuo ng maliliit, makati na mga paltos, na sa kalaunan ay namamaga. Ito
ay karaniwang nagsisimula sa dibdib, likod, at mukha pagkatapos ay kumalat sa iba pang bahagi
ng katawan. Maaaring kabilang sa iba pang mga sintomas ang lagnat, pagod, at sakit ng ulo. Ang
mga sintomas ay karaniwang huling limang hanggang pitong araw. Ang mga komplikasyon ay
maaaring paminsan-minsan ay kasama ang pneumonia, pamamaga ng utak, at mga impeksiyon
sa bacterial skin. Ang sakit ay kadalasang mas malala sa mga may sapat na gulang kaysa sa mga
bata. Ang mga sintomas ay magsisimula sa 10 hanggang 21 araw pagkatapos ng pagkakalantad
sa virus.

Ang Chickenpox ay isang airborne disease na madaling kumakalat sa pamamagitan ng mga ubo
at pagbahin ng isang nahawaang tao. Maaaring kumalat ito mula isa hanggang dalawang araw
bago lumabas ang rash hanggang sa ang lahat ng mga sugat ay mag-crust. Maaari rin itong
kumalat sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa mga blisters. Ang mga may shingles ay
maaaring kumalat ng bulutong-tubig sa mga hindi immune sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay
sa mga blisters. Maaaring masuri ang sakit batay sa presenting sintomas; Gayunpaman, sa hindi
pangkaraniwang mga kaso maaaring makumpirma ito sa pamamagitan ng polymerase chain
reagent (PCR) na pagsusuri ng mga paltos o scabs. Ang pagsusuri para sa mga antibodies ay
maaaring gawin upang matukoy kung ang isang tao ay o hindi immune. Ang mga tao ay
kadalasang nakakakuha lamang ng chickenpox minsan. Bagaman nangyari ang mga reaksiyon sa
pamamagitan ng virus, kadalasang hindi ito nagiging sanhi ng anumang sintomas.

Ang bakuna ng varicella ay nagresulta sa pagbaba sa bilang ng mga kaso at komplikasyon mula
sa sakit. Pinoprotektahan nito ang mga 70 hanggang 90 porsiyento ng mga tao mula sa sakit na
may mas malaking benepisyo para sa matinding sakit. Inirerekomenda ang regular na
pagbabakuna ng mga bata sa maraming bansa. Ang pagbabakuna sa loob ng tatlong araw ng
pagkakalantad ay maaaring mapabuti ang mga resulta sa mga bata. Ang paggamot ng mga
nahawaang maaaring kasama sa calamine lotion upang tumulong sa pangangati, pinapanatili ang
mga kuko na maikli upang mabawasan ang pinsala mula sa scratching, at ang paggamit ng
paracetamol (acetaminophen) upang makatulong sa mga fevers. Para sa mga nasa mas mataas na
panganib ng mga komplikasyon ng gamot na antiviral tulad ng aciclovir ay inirerekomenda .

Nangyayari ang sakit sa himpapawid sa lahat ng bahagi ng mundo. Noong 2013 ay mayroong
140 milyong kaso ng bulutong-tubig at herpes zoster sa buong mundo. Bago ang regular na
pagbabakuna ang bilang ng mga kaso na nagaganap bawat taon ay katulad ng bilang ng mga
taong ipinanganak. Mula noong pagbabakuna ang bilang ng mga impeksyon sa Estados Unidos
ay bumaba ng halos 90%. Sa 2015 chickenpox nagresulta sa 6,400 pagkamatay globally - pababa
mula sa 8,900 sa 1990. Kamatayan ay nangyayari sa tungkol sa 1 sa bawat 60,000 na mga kaso.
Ang chickenpox ay hindi nahiwalay sa maliit na butil hanggang sa huling bahagi ng ika-19 na
siglo. Sa 1888 ang koneksyon nito sa mga shingle ay natukoy. Ang unang dokumentadong
paggamit ng term na chicken pox ay noong 1658. Iba't ibang paliwanag ay iminungkahi para sa
paggamit ng "manok" sa pangalan, ang isa ay ang kamag-anak kaluluwa ng sakit.

Mga tanda at sintomas [i-edit]

Ang isang solong paltos, karaniwan sa mga maagang yugto ng pantal


Ang mga sintomas ng maagang (prodromal) sa mga kabataan at matanda ay pagduduwal,
pagkawala ng gana, sakit ng kalamnan, at sakit ng ulo. Sinundan ito ng mga katangian ng pantal
o oral na sugat, karamdaman, at isang mababang antas na lagnat na nagpapahiwatig ng
pagkakaroon ng sakit. Ang bibig na manifestations ng sakit (enanthem) ay hindi karaniwang
maaaring mauna ang panlabas na pantal (exanthem). Sa mga bata ang sakit ay hindi kadalasang
sinundan ng mga sintomas ng prodromal, at ang unang tanda ay ang pantal o ang mga spot sa
oral cavity. Nagsisimula ang pantal bilang mga maliliit na pulang tuldok sa mukha, anit,
katawan, itaas na mga armas at mga binti; umuunlad sa loob ng 10-12 oras sa maliliit na bumps,
blisters at pustules; kasunod ng umbilication at ang pagbuo ng scabs.

Sa paltos yugto, ang matinding pangangati ay karaniwang naroroon. Ang mga paltos ay
maaaring mangyari rin sa mga palma, soles, at genital area. Karaniwan, ang nakikitang katibayan
ng sakit ay bubuo sa mga oral cavity at tonsil area sa anyo ng mga maliliit na ulcers na maaaring
masakit o makati o pareho; Ang enanthem na ito (panloob na pantal) ay maaaring mauna sa
exanthem (panlabas na pantal) sa pamamagitan ng 1 hanggang 3 araw o maaaring maging
kasabay. Ang mga sintomas ng chickenpox na ito ay lumitaw 10 hanggang 21 araw pagkalantad
sa nakakahawang tao. Ang mga matatanda ay maaaring magkaroon ng mas malawak na pantal at
mas mahabang lagnat, at mas malamang na makaranas sila ng mga komplikasyon, tulad ng
varicella pneumonia.

Dahil ang puno ng tubig na ilal naglalabas na naglalaman ng live na virus ay karaniwang nauuna
ang parehong exanthem (panlabas na pantal) at enanthem (oral ulcers) sa pamamagitan ng 1
hanggang 2 araw, ang taong nahawahan ay nagiging nakakahawa hanggang isa't dalawang araw
bago makilala ang sakit. Nagpapatuloy ang pagbabanta hanggang ang lahat ng mga vesicular
lesyon ay naging mga dry crust (scab), na kadalasang nagsasangkot ng apat o limang araw, kung
saan ang oras na ilong pagpapadanak ng live virus ay huminto.

Ang kondisyon ay kadalasang nalulutas mismo sa loob ng ilang linggo. Ang rash ay maaaring,
gayunpaman, ay tatagal ng hanggang isang buwan. [Kinakailangang medikal na pagsipi] Ang
sakit na Chickenpox ay nakahahawa simula sa isa hanggang dalawang araw bago ang paglitaw
ng pantal at tumatagal hanggang sa ang mga sugat ay may crust.

Ang chickenpox ay bihirang nakamamatay, bagaman ito ay karaniwang mas malala sa mga
lalaking nasa hustong gulang kaysa sa mga babae o mga bata. Ang mga di-immune na buntis na
kababaihan at ang mga may pinigilan na immune system ay nasa pinakamataas na panganib ng
mga seryosong komplikasyon. Ang arterial ischemic stroke (AIS) na nauugnay sa chickenpox sa
mga nakaraang taon account para sa halos isang-katlo ng pagkabata AIS. Ang pinaka-
karaniwang late na komplikasyon ng chickenpox ay shingles (herpes zoster), na sanhi ng pag-
activate ng varicella zoster virus mga dekada pagkatapos ng paunang, madalas na pagkabata,
impeksiyon ng bulutong-tubig

Paggamot [i-edit]
Ang paggamot ay higit sa lahat binubuo ng easing ang mga sintomas. Bilang panukala, ang mga
tao ay karaniwang kinakailangan upang manatili sa bahay habang sila ay nakakahawa upang
maiwasan ang pagkalat ng sakit sa iba. Ang pagputol ng mga kuko na maikli o suot na guwantes
ay maaaring maiwasan ang scratching at mabawasan ang panganib ng pangalawang impeksiyon.
Kahit na walang pormal na pag-aaral ng klinika na sinusuri ang pagiging epektibo ng
pangkasalukuyan na aplikasyon ng calamine lotion (isang paghahanda sa pangkasalukuyan na
naglalaman ng sink oxide, at isa sa mga karaniwang ginagamit na interbensyon), mayroon itong
mahusay na profile sa kaligtasan. Mahalaga na mapanatili ang mahusay na kalinisan at pang-
araw-araw na paglilinis ng balat na may maligamgam na tubig upang maiwasan ang
pangalawang impeksyon sa bakterya. Ang pag-urong ay maaari ding madagdagan ang panganib
ng pangalawang impeksiyon.

Paracetamol (acetaminophen) ngunit hindi aspirin ay maaaring gamitin upang mabawasan ang
lagnat. Ang paggamit ng aspirin ng isang taong may bulutong ay maaaring maging sanhi ng
malubhang, minsan nakamamatay na sakit ng atay at utak, Reye syndrome. Ang mga taong may
panganib na magkaroon ng malubhang komplikasyon na may malaking pagkakalantad sa virus
ay maaaring bigyan ng intra-muscular varicella zoster immune globulin (VZIG), isang
paghahanda na naglalaman ng mataas na titres ng antibodies sa varicella zoster virus, upang
maliban ang sakit.

Ang mga antivirals ay minsan ginagamit.

Mga bata [i-edit]


Kung ang aciclovir sa pamamagitan ng bibig ay sinimulan sa loob ng 24 na oras ng pagsisimula
ng rash, bumababa ang mga sintomas sa isang araw ngunit walang epekto sa mga rate ng
komplikasyon.
Ang paggamit ng acyclovir samakatuwid ay kasalukuyang hindi inirerekomenda para sa mga
indibidwal na may normal na immune function. Ang mga batang mas bata sa 12 taong gulang at
mas matanda kaysa sa isang buwan ay hindi sinasadya upang makatanggap ng mga gamot na
antiviral maliban kung mayroon silang ibang kondisyong medikal na naglalagay sa mga ito nang
may panganib na magkaroon ng mga komplikasyon.

Ang paggamot ng bulutong-tubig sa mga bata ay naglalayong sa mga sintomas habang ang
immune system ay may kaugnayan sa virus. Sa mga bata na mas bata sa 12 taon, ang pagputol ng
mga kuko at pagpapanatili sa kanila ay isang mahalagang bahagi ng paggamot habang mas
malamang na makapag-scratch ang kanilang mga paltos nang mas malalim kaysa sa mga may
sapat na gulang.

Ang aspirin ay lubos na kontraindikado sa mga batang mas bata sa 16 taon, dahil ito ay may
kaugnayan sa Reye syndrome.

Mga matatanda [i-edit]


Ang impeksiyon sa malusog na mga may sapat na gulang ay mas malala. Ang paggamot sa mga
antiviral na gamot (hal. Acyclovir o valacyclovir) ay karaniwang pinapayuhan, hangga't
nagsimula ito sa loob ng 24-48 na oras mula sa pagsugod ng pantal. Ang mga remedyo upang
mabawasan ang mga sintomas ng bulutong-tubig sa mga may sapat na gulang ay karaniwang
kapareho ng mga ginagamit para sa mga bata. Ang mga matatanda ay mas madalas na inireseta
ng gamot na antiviral, dahil ito ay epektibo sa pagbawas ng kalubhaan ng kalagayan at ang
posibilidad na magkaroon ng mga komplikasyon. Ang mga antiviral na gamot ay hindi papatayin
ang virus ngunit ititigil ito sa pagpaparami.
Ang mga matatanda ay pinapayuhan na dagdagan ang paggamit ng tubig upang mabawasan ang
pag-aalis ng tubig at upang mapawi ang pananakit ng ulo. Ang mga painkiller tulad ng
paracetamol (acetaminophen) ay inirerekomenda, dahil sila ay epektibo sa pag-alis ng pangangati
at iba pang mga sintomas tulad ng lagnat o panganganak. Ang mga antihistamine ay
nagpapagaan sa pangangati at maaaring gamitin sa mga kaso kung saan ang pangangati ay
humahadlang sa pagtulog, dahil sila ay kumikilos din bilang isang gamot na pampakalma. Tulad
ng mga bata, ang gamot na antiviral ay itinuturing na mas kapaki-pakinabang para sa mga may
sapat na gulang na mas madaling makagawa ng mga komplikasyon. Kabilang dito ang mga
buntis na kababaihan o mga taong may mahinang sistema ng immune.

Ang Sorivudine, isang nucleoside analogue, ay naiulat na epektibo sa paggamot ng pangunahing


varicella sa malusog na mga matatanda (mga ulat sa kaso lamang), ngunit kailangan pa rin ang
malakihang klinikal na mga pagsubok upang ipakita ang pagiging epektibo nito.

Pagkatapos ng pagbawi mula sa bulutong-tubig, inirerekomenda ng mga doktor na ang mga may
sapat na gulang ay kumuha ng isang iniksyon ng VZV immune globulin at isang iniksyon ng
varicella vaccine o herpes zoster vaccine. [Banggit kailangan]

Pagbabala [i-edit]
Ang tagal ng nakikitang blistering na dulot ng varicella zoster virus ay nag-iiba sa mga bata
karaniwan ay 4 hanggang
7 araw, at ang hitsura ng mga bagong blisters ay nagsisimula na bumaba matapos ang ikalimang
araw. Ang impeksiyon ng chickenpox ay milder sa mga maliliit na bata, at nagpapakilala ng
paggamot, na may mga bath sosa bikarbonate o antihistamine medication ay maaaring mapagaan
ang pangangati. Inirerekomenda na panatilihin ang mga bagong sanggol mula sa kapanganakan
hanggang sa edad na 6 na buwan ang layo mula sa isang nahawaang tao sa loob ng 10 hanggang
21 araw dahil ang kanilang mga immune system ay hindi sapat na binuo upang mahawakan ang
stress na maaaring dalhin. Ang paracetamol (acetaminophen) ay malawakang ginagamit upang
mabawasan ang lagnat. Ang aspirin, o mga produkto na naglalaman ng aspirin, ay hindi dapat
ibigay sa mga bata na may bulutong-tubig, dahil maaari itong maging sanhi ng Reye's Syndrome.

Ano ang mga Palatandaan at Sintomas ng Chickenpox?

Ang sakit sa manok ay madalas na nagsisimula nang walang klasikong pantal, na may lagnat,
sakit ng ulo, namamagang lalamunan, o sakit ng tiyan. Ang mga sintomas ay maaaring tumagal
nang ilang araw, na may lagnat sa hanay na 101 ° -102 ° F (38.3 ° -38.8 ° C). Ang red, itchy skin
rash ay karaniwang nagsisimula sa tiyan o likod at mukha, pagkatapos ay kumalat sa halos lahat
ng iba pa sa katawan (kabilang ang anit, bibig, armas, binti, at maselang bahagi ng katawan).
Ang pantal ay nagsisimula ng maraming maliliit na pulang bumps na mukhang pimples o kagat
ng insekto. Lumilitaw ang mga ito sa mga alon sa loob ng 2 hanggang 4 na araw, pagkatapos ay
bumuo sa mga manipis na napapaderan na mga paltos na puno ng likido. Ang mga paltos ay
masira, na nag-iiwan ng bukas na mga sugat, na sa wakas ay nahuhulog upang maging tuyo,
kayumanggi scabs.
Ang lahat ng tatlong mga yugto ng bulutong bulutong (red bumps, blisters, scabs) ay lumilitaw
sa katawan nang sabay. Ang pantal ay maaaring lumaganap nang mas malawak o mas malala sa
mga bata na may mahinang mga sistema ng immune o mga karamdaman sa balat na tulad ng
eksema.

Ano ang nagiging sanhi ng Chickenpox?


Ang Chickenpox ay sanhi ng varicella-zoster virus (VZV). Ang virus na ito ay maaaring maging
sanhi ng masakit na balat na tinatawag na shingles (herpes zoster) mamaya sa buhay. Matapos
ang isang tao ay nagkaroon ng bulutong-tubig, ang virus ay mananatiling hindi tulog (natutulog)
sa sistema ng kinakabahan para sa natitirang bahagi ng kanyang buhay, kahit na ang chickenpox
ay lumayo. Ang virus ay maaaring muling paganahin ("wake up") mamaya bilang shingles.

Ang mga sintomas ng gilid ay kinabibilangan ng tingling, pangangati, o sakit sa isang lugar ng
katawan, na sinusundan ng isang pantal na may mga pulang bump at blisters. Sa kabutihang-
palad, ang mga bata at kabataan na nakakakuha ng shingles ay halos laging may banayad na mga
kaso; Ang mga kaso ng matinding shingles ay kadalasang nasa mas lumang mga tao.

Ang mga bata na nabakunahan laban sa bulutong-tubig ay mas malamang na magkaroon ng


shingles kapag sila ay mas matanda. Kung mangyayari ito, ang kaso ng shingles ay kadalasang
milder at mas malamang na maging sanhi ng komplikasyon kaysa sa isang taong hindi
nabakunahan.

Ang Chickenpox Nakakahawa?

Ang chickenpox ay nakakahawa - karamihan sa mga bata na may kapatid na nahuhuli rin ay
makakakuha nito (kung wala pa silang sakit o bakuna), nagpapakita ng mga sintomas tungkol sa
2 linggo matapos ang unang bata.

Ang virus ng chickenpox ay kumakalat sa pamamagitan ng hangin (sa pamamagitan ng ubo at


pagbahin) at sa pamamagitan ng direktang kontak sa uhog, laway (spit), o likido mula sa mga
blisters. Ang sakit sa trangkaso ay nakahahawa mula sa mga 2 araw bago magsimula ang pantal
hanggang sa ang lahat ng mga blisters ay magaspang.

Ang isang may shingle ay maaaring kumalat ng bulutong-tubig (ngunit hindi shingles) sa mga
taong hindi pa nagkaroon ng chickenpox o bakuna. (Ang mga shingle ay maaari lamang umunlad
sa mga tao na nagkaroon na ng bulutong-tubig.)

Ang isang batang may chickenpox ay dapat manatili sa bahay at magpahinga hanggang sa
mawawala ang pantal at lahat ng blisters ay tuyo, kadalasan mga 1 linggo. Kung hindi ka
sigurado kung handa na ang iyong anak upang bumalik sa paaralan, tanungin ang iyong doktor.

Ang mga buntis na kababaihan, mga bagong silang, o sinuman na may mahinang sistema ng
immune (halimbawa, mula sa paggagamot ng kanser tulad ng chemotherapy o steroid) na
nakakakuha ng bulutong ay dapat na makita ang isang doktor kaagad.

Anu-anu ang mga Problema?


Ang ilan sa mga tao ay mas may panganib para sa mga komplikasyon mula sa bulutong-tubig,
kabilang ang mga buntis na kababaihan, mga bagong silang na ipinanganak sa mga ina na
mayroong bulutong-tubig, mga pasyente na may lukemya, mga bata na tumatanggap ng mga
gamot na pumipigil sa immune system, at sinuman na may mga problema sa immune system.

Kung nalalantad sila sa bulutong-tubig, maaari silang bibigyan ng gamot (zoster immune
globulin) upang mabawasan ang kalubhaan nito.

Makakaapekto ba ang Chickenpox?

Oo. Ang bakunang cacot ay 99% epektibo sa pagpigil sa impeksiyon sa mga bata.
Inirerekomenda ng mga doktor na makuha ng mga bata ang bakuna ng bulutong-tubig bilang:

isang unang iniksyon kapag sila ay 12 hanggang 15 buwang gulang


isang booster shot kapag sila ay 4 hanggang 6 na taong gulang
Ang mga taong 13 taong gulang at mas matanda na hindi kailanman nagkaroon ng bulutong-
tubig at hindi nabakunahan ay dapat makakuha ng dalawang dosis ng bakuna na hindi
kukulangin sa 28 araw upang maprotektahan. Ang ilang mga taong nabakunahan ay talagang
nagkakaroon ng bulutong-tubig, at ang mga may posibilidad na magkaroon ng mga banayad na
kaso at mabilis na mabawi. Ang mga malulusog na bata na may bulutong-tubig ay hindi
nangangailangan ng bakuna - karaniwan ay mayroon silang lifelong proteksyon laban sa sakit.

Kung ang isang buntis ay nagkaroon ng bulutong-tubig bago ang pagbubuntis, ang sanggol ay
protektado mula sa impeksiyon sa unang ilang buwan ng buhay, dahil ang kaligtasan sa ina ay
ipinasa sa sanggol sa pamamagitan ng inunan at dibdib ng gatas.

Paano Nai-diagnosed ang Chickenpox?

Ang mga doktor ay kadalasang makakapag-diagnose ng bulutong-tubig sa pamamagitan ng


pagtingin sa pantal na pantal sa alinman sa isang pagbisita sa loob o isang pagbisita sa
telemedicine. Tawagan ang iyong doktor kung sa palagay mo ay may chickenpox ang iyong
anak. Maaaring gabayan ka ng doktor sa pagmamasid para sa mga komplikasyon at sa pagpili ng
gamot upang mabawasan ang pangangati.

Kung gagawin mo ang iyong anak sa doktor, ipaalam sa opisina na ang iyong anak ay maaaring
may chickenpox. Mahalaga na huwag ilantad ang ibang mga bata sa opisina - para sa ilan sa
kanila, ang isang impeksiyon ng bulutong-tubig ay maaaring maging sanhi ng malubhang
komplikasyon.

Paano Ginagamot ang Chickenpox?

Ang isang virus ay nagiging sanhi ng bulutong-tubig, kaya ang mga antibiotics ay hindi
maaaring gamutin ito. Ngunit kung minsan ang mga antibiotics ay kinakailangan kung ang
bakterya ay makahawa sa mga sugat. Ito ay pangkaraniwan sa mga bata dahil sila ay kumamot at
pumili sa mga paltos.
Ang isang antiviral na gamot ay maaaring inireseta para sa mga taong may bulutong-tubig na
nasa panganib para sa mga komplikasyon. Ang desisyon na gamitin ito ay depende sa edad at
kalusugan ng isang bata, ang lawak ng impeksiyon, at ang tiyempo ng paggamot. Maaaring
sabihin sa iyo ng iyong doktor kung ang gamot ay tama para sa iyong anak.

Paano Ko Maitutulong ang Aking Anak na Mas Maganda?

Upang makatulong na mapawi ang itchiness, lagnat, at kakulangan sa ginhawa ng bulutong:

Gumamit ng mga cool na wet compresses o bigyan ng mga paliguan sa cool o lukewarm na tubig
tuwing 3 hanggang 4 na oras para sa unang ilang araw. Ang mga produkto ng paligo ng oatmeal,
na makukuha sa mga supermarket at mga botika, ay makakatulong upang mapawi ang
pangangati. (Ang mga bath ay hindi kumalat sa pantal.)
Pat (hindi kuskusin) ang katawan tuyo.
Ilagay ang calamine lotion sa mga itchy area (ngunit huwag gamitin ito sa mukha, lalo na
malapit sa mata).
Tanungin ang iyong doktor o parmasyutiko tungkol sa mga kritikal na nakakapagpahirap na sakit
upang mag-aplay sa mga sugat sa genital area.
Tanungin ang doktor tungkol sa paggamit ng over-the-counter na gamot para sa pangangati.
Kung ang iyong anak ay may blisters sa bibig:

Paglilingkod sa malamig, malambot, at malusog na pagkain dahil ang bulutong-tubig sa bibig ay


maaaring gumawa ng pag-inom o pagkain na mahirap. Iwasan ang anumang acidic o maalat,
tulad ng orange juice o pretzels.
Bigyan ang iyong anak acetaminophen upang makatulong na mapawi ang sakit.
Huwag magbigay ng aspirin sa mga bata na may bulutong-tubig. Ang ganitong paggamit ay na-
link sa isang bihirang ngunit malubhang sakit, Reye syndrome, na maaaring humantong sa
kabiguan sa atay at kahit kamatayan.

Ang bulutong bulutong ay napaka-itchy. Hangga't posible, pigilan ang mga bata mula sa
scratching upang maiwasan ang sirang blisters at impeksiyon. Napakahalaga ng pag-iwas sa
impeksiyon sa bakterya. Isaalang-alang ang paglalagay ng mga guwantes o medyas sa mga
kamay ng iyong anak upang maiwasan ang scratching habang natutulog. Gayundin, i-trim ang
mga kuko at panatilihing malinis ang mga ito.
Partido State University

Kolehiyo ng Edukayon

Goa, Camarine Sur

“PERSEPSYON NG MGA MAG-AARAL NG


RANGGAS RAMOS NATIONAL HIGH
SCHOOL SA IKA-APAT NA TAON
TUNGKOL SA SINTAX LAW”

IPINASA NINA: ARLAND B. PARPAN


MIKE ANGELO A. OBIÑA
BSED 1B

PARA KAY: BB. JOAN A. MONFORTE


INSTRUKTOR

Partido State University

Kolehiyo ng Edukayon

Goa, Camarine Sur

DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang
FILIPINO IV, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang
pananaliksik na ito ay pinamagatang ‘’Persepsyon ng mga Mag-
aaral ng Rangas Ramos Nationa High School hinggil sa sintax
law’’. Inihanda at iniharap nina Arland B. Parpan at Mike Angelo
A. Obiña.

Pinagtuunang pansin nina:

JOAN A. MONFORTE
Instruktor

Pinagtibay nina:
MEDINA R. OLLA
BSEd , Program Direktor

NHELIA P. ESMERALDA Ed.h


Dekana, Kolehiyo ng Edukayon

Pasasalamat

Taus-puso po ang aming pasasalamat sa mga taong walang


sawang sumoporta ,tumulong at gumabay sa amin para sa
ikatatagumpay ng pag-aaral na ito.
Una sa lahat, sa aming pamilya, lalung-lalo na sa aming mga
magulang na sina G. at Gng. Arnold R. Parpan at G. at Gng.
Manuel V. Obiña sa kanilang pagmamahal,suporta at pag-unawa
pati na rin sa suportang pinansyal na ibinibigay habang
isinasagawa ang pag-aaral na ito.

Sa aming mahal na instructor na si Bb. Joan A. Monforte sa


walang sawang pagwasto ng aming kamalian, paggabay at pagsuporta
para sa ikauunlad ng pag-aaral na ito.

Sa Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon na si Dr. Nehlia P.


Esmeralda at sa Program Chair ng BSED na si Gng. Medina R. Olla,
sa kanilang pahintulot at pagsuporta sa pagsasagawa ng
pananaliksik na ito.
Gusto rin naming pasalamatan ang kooperasyon na ibinigay
ng
mga mag-aaral ng Ranggas-Ramos national High School ng nasa ika-
apat na taon IV-Gold

at IV-Pearl.kung wala ang kanilang


kooperasyon hindi maisasakatuparan ang tagumpay ng pananaliksik
na ito.At lalung-lalo na sa principal ng paaralan na si Mr.
Wilhem A. Prila, sa kanyang pahintulot na makapagsagawa ng isang
sarbey sa kanyang nasasakupan.

Higit sa lahat, sa Poong Maykapal sa pagbigay ng kaalaman


at lakas, kalinawan sa pag-iisip at tatag ng loob para
ikatatagumpay ng pag-aaral na ito.

Maraming Salamat Po!

Arland B. Parpan

Mike Angelo A. Obiña


Mga Mananaliksik

Abstrak

Pamagat: Persepsyon ng mga mag-aaral ng Ranggas-Ramos National


High School sa ika apat na taon tungkol sa Sintax Law.

Mga Mananaliksik: Arland Bedes-Parpan


Mike Angelo Azaña-Obiña
Akredited na Institusyon: Partido State University
Goa,Camarines Sur
Kolehiyo ng Edukasyon

Taunang Aral: 2012-2013


Ang pananaliksik na ito ay may pangkalahatang layunin
alamin ang persepsyon ng mga mag aaral ng Ranggas-Ramos National
High School sa ika apat na taon tungkol sa Sintax Law.Tiyak na
nilalayon din nito ang mga sumusunod:
1.Masuri kung ilang porsyento ng mga mag-aaral ang pamilyar sa
batas na ito.
2.Mabatid ang maaring bunga nito sa mga mag-aaral.

Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay ang anim na pung


(60) mag-aaral na nasa ika-apat na taon ng IV-Gold at IV-Pearl
na kasalukuyang nag-aaral sa Ranggas-Ramos National High
School,Calawit San Jose, Camarines Sur taunang aral 2012-2013.

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng palarawan o deskriptiv


sarbey dahil sa paggamit ng talatanungan tseklist at
estatistika.Ang mga datos aysinuri sa pamamagitan ng pagkuha ng
weighted mean sa bawat aytem para malaman ang saloobin ng mga
mag-aaral sa Sintax Law.

Natukoy sa pag-aaral na ito na ang pangunahing


pananaw/saloobin ng mga mag-aaral ay ang “makakatulong ang batas
na ito para mabawasan ang bisyo ng mga mag-aarallalong-lalo na
sa paninigarilyo”. Mayroon itong weighted mean na 4.61.
Pumangalawa ang “magkakaroon ng magandang buinga ang batas na
naipasa” na may weighted mean na 4.38, pangatlo ay ang
“mababawasan ang magkakasakit ng tuberculosis dulot ng
Paninigarilyo” na may weighted mean na 4.33, pang-apat ay ang,”
maaaring dina tangkilikin ang sigarilyo at alak dahil hindi na
kaya ang presyo nito” na may weighted mean na 3.76, at ang
panghuli ay ang “bababa ang kita ng pamahalaan sa kalakaran ng
tobako” na may weighted mean na 3.45.

Batay sa mga resulta at interpretasyon na nabuo sa pag-aaral na


ito, ang mga rekomendasyon sa bawat suliranin ay ang mga
sumusunod:

1.Iminungkahi ng mga mananaliksik sa mga hindi nakakaalam na


laging magbasa ng mga dyaryong kapupulutan ng mga makabagong
impormasyon o kaya’y manood lagi ng balita at makiisa/makialam
sa mga pangyayaring nagaganap sa ating paligid lalung-lalo na sa
mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan.

2.Iminungkahi ng mga mananaliksik na maging mapanuri muna sa mga


batas na ipinapatupad ng pamahalaan at magkaroon ng sapat na
kaalaman bago ibigay ang paghuhusga kung magkakaroon ng
magandang bunga ang batas na ito.
TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat………………………………………………………………………………………………………………………………………1
Dahon ng Pagpapatibay…………………………………………………………………………………………………2
Pasasalamat………………………………………………………………………………………………………………………3-4
Abstrak…………………………………………………………………………………………………………………………………5-7
Talaan ng Nilalaman…………………………………………………………………………………………………8-9

Kabanata 1 Kaligiran ng Pag aaral at Suliranin


Kaligiran ng Pag-aaral…………………………………………………………………………………………10
Paglalahad ng Suliranin………………………………………………………………………………………11
Hipotesis……………………………………………………………………………………………………………………………12
Kahalagahan ng Pag-aaral……………………………………………………………………………………12
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral……………………………………………………………13
Mga Tala (Notes)…………………………………………………………………………………………………………14

Kabanata II Mga kaugnay na literatura at Pag-aaral


Kaugnay na Literatura……………………………………………………………………………………………15
Kaugnay na Pag-aaral………………………………………………………………………………………………16
Mga Terminolohiya sa Pag-aaral………………………………………………………………17-18
Mga Tala(Notes)……………………………………………………………………………………………………………19

Kabanata III Disenyo ng Pananaliksik at Metodolohiya


Disenyo ng Pananaliksik……………………………………………………………………………………20
Ang mga tagatugon ng pag-aaral/Respondente…………………………………20
Talahanayan 1…………………………………………………………………………………………………21
Paraan ng pagkuha ng Datos……………………………………………………………………………22
Instrumento ng Pananaliksik…………………………………………………………………………23
Istatistical Tools…………………………………………………………………………………………………24
Mga Tala (Notes)………………………………………………………………………………………………………25

Kabanata IV Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos


Persepsyon ng mga mag-aaral………………………………………………………………………26
Talahanayan 2…………………………………………………………………………………………………27
Porsyento ng mga mag-aaral na pamilyar at di-pamilyar sa Sintax
law……………………………………………………………………………………………………………………28
Talahanayan 3…………………………………………………………………………………………………29
Edad ng mga tagatugon/respondent…………………………………………………………30
Talahanayan 4…………………………………………………………………………………………………31

Kabanata V Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon


Buod/Lagom……………………………………………………………………………………………………………………32
Suliranin # 1……………………………………………………………………………………………………………32
Resulta……………………………………………………………………………………………………………………………33
Konklusyon……………………………………………………………………………………………………………………33
Rekomendasyon……………………………………………………………………………………………………………34

Suliranin # 2……………………………………………………………………………………………………………34
Resulta……………………………………………………………………………………………………………………………34
Konklusyon……………………………………………………………………………………………………………………35
Rekomendasyon……………………………………………………………………………………………………………35
Appendiks………………………………………………………………………………………………………………………36
A. Liham sa Respondente …………………………………………………………………………37
B. Talatanungan………………………………………………………………………………………………38
C. Liham sa Pagsagawa ng Pag-aaral………………………………………………39
Bibliograpiya…………………………………………………………………………………………………….40
Kurikulum Vitae………………………………………………………………………………………………41
Kurikulum Vitae………………………………………………………………………………………………42

KABANATA 1
KALIGIRAN NG PAG-AARAL AT SULIRANIN

Sa panahon ngayon, hindi na nahuhuli ang mga kabataan

pagdating sa mga isyung panlipunan. Nakikiisa sila sa

pagbabagongnagaganap sa loob at labas ng bansa. Dahil sa

mga teknolohiyang katulad ng telebisyon,Radyo, kompyuter at

iba pa, hindi na talaga na pag-iiwananang mga kabataan

sapagkuhang mga napapanahong balita at impormasyon. Mga

impormasyong nagpapakitang kalagayan ng ating lipunan sa

ilalim ng ibat ibang administrasyon.Pati narin sa mga batas


na nabuo at ipinatupad sa ating bansa.Isa na rito ang Sin

tax Law, na dating Sin tax Bill.

Ang Sintax Law ay ang bagong batas na ginawa at

naaprubahan ng pangulong Aquino. Ang batas na ito’y

naglalayong pataasin angbuwis sa mga produkto katulad ng

tabako, napangunahing sangkap sa paggawa ng sigarilyo.

Ito’y binuo upang mabawasan ang dumaraming kaso ng

pagkakasakit at kung minsan pa’y kamatayan ng ilan sa ating

mga kababayan.Sa aming pananaliksik, naisip naming hingin

ang persepsyon ng mga mag-aaral na na sa ikaapat na taon,

hinggil sa batas na ito.


Bilang paghahanda sa pagiging mahalagang miyembro ng

pamayanan,nararapat lamang na maging komprehensibo ang

pagkakaunawa ng mga kabataan sa batas na ito. Katulad na

lang ng sinabi ng ating pambansang bayani na si Jose

Rizal, “ Ang kabataan ang Pag- asa ng Bayan.” Kung kaya’t

nararapat lamang na maipaalam ang boses ng mga kabataan at

malaman ang kanilang mga saloobin sa mga batas na umiiral

sa ating bansa.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Pangkalahatang Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang


persepsyon ng mga mag-aaral ng Ranggas Ramos National High
School ng nasa ika-apat na taon tungkol sa sintax law.
Mga Tiyak na Suliranin
Layunin din ng pag-aaral na ito na alamin ang mga sumusunod
na suliranin:
1. Masuri kung ilang porsyento ng mga mag-aaral ang
pamilyar sa batas na ito?
2. Mabatid ang maaaring bunga nito sa mga mag-aaral?

HINUHA O HIPOTESIS

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang


alternatibong hipotesis na mayroong kaugnayan sa mga bisyo
ng mga estudyanteng nasa hayskul.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Estudyante/Mag-aaral.Ang pag –aaral na ito ay magsisilbing


batayan kung lahat ban g mga mag-aaral ay nakakaalam at
pamilyar sa batas na ipinasa ng kamara.Mahalaga ang
pag-aaral na ito sa mga estudyante para maunawaan ang
maaring maging bunganito sa ating kalususgan.

Mga Guro. Sa pamamagitan ng resulta ng pag-aaral na ito,


malalaman ng mga guro kung gaano karami ng kabataan ang
nasasangkot sa ganitong klase ng bisyo.Ang pag-aaral na ito
ay malaki ang maitutulong sa mga guro at kung ano ang
kanilang gagamiting paraan para maiwas ang kanilang mga
estudyante sa ganitong klase ng bisyo.

Mga Magulang. Sa pag-aaral na ito, malalaman ng mga


magulang kung ano ang pananaw ng kanilang mga anak sa
Sintax Law.Bilang gabay ng mga anak malaki ang ginagampanan
ng mga magulkang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak kaya’y
nararapat lamang na makialam at maunawaan ang batas na ito.

MGA TALA (NOTES)

http://en.wikipedia.org/wiki/Sin_tax
http://konseptong-papel-sa-filipino2.blogspot.com/

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Makikita sa bahging ito ang mga publikasyong may


kinalaman sa pag-aaral na ito. Kasama na ang mga pahayagan,
aklat at web page, gayundin ang ibang nmga kaugnay na
pag-aaral.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA SA SINTAX LAW

Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa


Kabuuangbilang ng kabataang Pilipino, partikular na iyong
nasa edad 7 hanggang 15,ang gunom na sa bisyo ng
paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000hanggang
50,000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo
bungang kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang
humpay na promosyonnito sa bansang
Pilipinas.Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na
nasamiddle age ang namamatay dahil dito.

Ang Batas Republika 9211, higit na kilala sa


taguring Tobacco Regulation Act of 2003 (Batas ukol sa
pagkontrol sa Paggamit ng mga Produktong Tabako), ay
ipinagtibay upang isulong ang pagkakaroon ng isang
kapaligirang nakabubuti sa kalusugan, palaganapin ang
impormasyon tungkol sa masasamangepekto ng paninigarilyo,
ilayoang kabataan sa bisyo ng paninigarilyo at iba pa.

Ayon kay Dr. Lain, ang paninigarilyo ay


nakapagpapasaya. Ito ang lumabas na resulta ng pag-aaral na
isinagawa ngPeninsula Medical School sa United Kingdom sa
pangunguna hinggil sa kaugnayan ng paninigarilyo sa
Psychological well-being ng tao.Sa kanilangpagsisiyasat,
napag-alaman na ang mga naninigarilyo ay nakararanas ng
mababang antas ng kasiyahan at life satisfaction kumpara sa
mga hindi naninigarilyo

Ayon kay Limpin,executive director ng Framework on Tobacco


Control of the PhilippinesAlliance, noong 2005 ay nasa
pagitan lamang ng 17hanggang 18 porsyento ang bilang ng
mga kabataang naninigarilyosamantalang umakyat ang bilang
sa 23 porsyento noong 2007.

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL


Ayon sa aklat naPharmacology for the primary care

provider(2004), ang paninigarilyo ay ang sanhi ng maraming

sakit. Ito ay ang pagkakaroon ng cancer sa baga,esophagus,

at larynx, coronary artery disease, peripheral artery

disease, stroke, at ChronicObstructive Pulmonary Disorder o

COPD. Sinasabi din na27.3porsyento angnaninigarilyo edad

25-44,23.3porsyento ay edad 45-64, at 10.5 porsyento ang

naninigarilyo edad 65 pataas. Ang mga bata ay may

posibilidad din na magkaroon na ngsakit sa puso dahil sa

mataas na kolesterol na nakukuha mulasa pagkalanghap ng

usok ngsigarilyo sa loob ng bahay. Sinasabi na mahigit

420,000 ang mga namamatay taun-taondahil sa pagkakasakit sa

paninigarilyo.

Batay sapag-aaral na pinamagatang “Global Youth


Tobacco Survey," mahigit 60porsyento o 2.7 milyon mula sa
bilang ng mga kabataang naninigarilyo aypawang mga lalaki
samantalang 1.4 milyon ang mga babae. Isinaad din sa
pag-aaral na walo mula sa 10 sa mga na sakop ng pag-aaaral
ang nakakitang mga patalatastas na tumatangkilik sa
sigarilyo noong 2007.
KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Sa pag-aaral na ito, ang konseptwal na balangkas ay


nakapokus sa pagkuha ng mga datos at pagsusuri o pag
aanalisa ng mga nakuhang datos.
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang baryabol, ito ay
ang Sintax Law.

MGA TERMINOLOHIYA SA PAG-AARAL

SINTAX LAW- isang particular na buwis na ipapataw sa ilang


ipinagbabawal na mga kalakal at serbisyo, halimbawa alak at
tabako, candies, soft drinks, mabilis na pagkain, kape, at
pagsusugal.
TALATANUNGAN- instrumentong ginamit sa pagkuha ng datos sa
pananaliksik na binubuop ng mga tanong.
RESPONDENTE- ito ay tumutukoy sa mga taong tutugon sa
pag-aaral na ito. Sa pag-aaral na ito, ang mga respondente
ay ang mga mag-aaral ng Ranggas Ramos National High School
sa ikaapat na taon, taunang aralan 2012-2013 ng
BRGY. Kalawit, San Jose Cam. Sur.

MGA TALA(NOTES)

http://www.remate.ph/2012/12/sin-tax-law-nilagdaan-na-ni-pnoy/

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Batas_Republika_9211
http://www.scribd.com/doc/46321313/Pananaliksik-ukol-sa-Epekto-Ng-Paninigarilyo-
Pananaliksik
http://www.scribd.com/doc/28668998/ISANG-PAG-AARAL-UKOL-SA-PISIKAL-AT-
SIKOLOHIKAL-NA-EPEKTO-NG-PANINIGARILYO-SA-MGA-MAG-AARAL-NG-KOLEHIYO-NG-
NARSING-SA-UNIBERSIDAD-NG-SANTO-TOMAS

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sadisenyo at paraan


ng pangangalap ng datos sa pananaliksik. Nakapaloob dito
kung anong mga istrumento ang ginamit sa pangangalapng
datos, paraan ng pagkuha ng datos, at mga tagatugon ng
pag-aaral o respondente.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Gumamit ang mga mananaliksik ng diskriptibong


paglalahad ng mga datos na nakalap. Ginamit ito upang
matikoy ang pangunahing persepsyon ng mga mag-aaral hinggil
sa sintax law.

ANG MGA TAGATUGON NG PAG-AARAL/ RESPONDENTE

Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-


aaral ng Ranggas Ramos National High School,Kalawit San
jose Cam. Sur, sa ika-apat na taon sa taunang aralan 2012-
2013. Ang mga respondente ay binubuo ng 60 mag-aaral na
hinati sa dalawang pangkat.Ang IV-Pearl na binubuo ng 31 o
51% respondent (12 lalaki at 19 babae) at ang IV-Gold na
may 29 o 49% ng Respondente (14 lalaki at 15 babae).

TALAHANAYAN 1

DISTRIBUSYON NG RESPONDENTE

RESPONDENTE BABAE LALAKI KABUUAN

IV-GOLD 15 o 25% 14 o 24% 29 o 48.33%

IV-PEARL 19 o 29% 12 o 22% 31 o 51.66%

60 o 100%

Sa pag-aaral na ito ang PERCENTAGE TECHNIQUE ay


ginamit para malaman ang mga porsyento ng mga respondent
sakabuuang bilang ng mag-aaral. Ang pormula ay ginawa ng
mga mananaliksik:

P = R/N x 100

kung saan:
P= ang porsyento
R= bilang ng respondente
N= kabuuang bilang ng mga mag-aaral

PAMAMARAAN

Sa pag-aaral na ito, ang paraan na ginamit ng mga


mananaliksik ay ang paggawa ng talatanungan. Dumaan ito sa
pagsusuri ng tagapayo at iniwasto ang mga pagkakamali.
Pagkatapos maiwasto ay vinalideyt na ang talatanungan.
Pagkatapos mavalideyt ang talatanungan ay humingi kami
ng permiso sa pamamagitan ng sulat sa punong suro ng
paaralan na pagdadausan ng sarbey. Matapos makuha ang
pahintulot ay ipinamahagi na namin ang talatanungan sa mga
respondent. Matapos ang sarbey, inayos at sinuring mabuti
ang mga datos na nakalap upang maanalisa.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Sa pag-aaral na ito, gumamit ang mga mananaliksik ng


talatanungan upang malaman ang persepayon ng mag-aaral
hinggil sa Sintax Law.ang talatanungan ay hinati-hati sa
ilang bahagi, ang una ay kinakapalooban ng mga personal na
impormasyon ng mgatagatugon, katulad ng pangalan, edad,
kasarian at antas at seksyon. Ang pangalawang bahagi ay
naglalaman ng rating scale. Ang mga respondente ay pipili
ng mga persepsyon at lalagyan lamang ng tsek(/) ang katapat
na numero na kumakatawan sakanilang sagot.

Ang rating scale ay hinati sa limang bahagi, 5-para sa


lubos na sumasang-ayon,4-para sa sumasang-ayon, 3-para sa
di-gaanong sumasang-ayon, 2- para sa di-sumasang-ayon, at
1-para sa lubos na di-sumasang-ayon.

STATISTICAL TOOLS

Sa pag-aaral na ito, ang weighted mean ay ginamit para


malaman at makuha ang pangunahing persepsyon ng mga
mag-aaral hinggil sabagong batas. Pagkatapos na makuha ang
lahat ng datos, ito ay tinale, bawat aytem ay minultiplayd
sa weight ng bawat aytem nito. Ang pormula na ginamit sa
pag-aaral na ito ay ipinakilala ni Pagoso(1992).

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng iskeyl na nasa ibaba


para matukoy at masuri ang sagot ng mga respondente sa
bawat aytem.

MGA PERSEPSYON
Berbal na Diskripsyon Range

Lubos na Sumasang-ayon 4.6-5.00 pinaka persepsyon


Higit na sumasang-ayon 3.7-4.5 ikalawang persepsyon
Sumasang-ayon 2.8-3.6 ikatlong persepsyon
di-gaanong sumasang-ayon1.9-2.7 ika-apat napersepsyon
hindi sumasang-ayon 1.00-1.8 panghuling persepsyon

MGA TALA (NOTES)

Pagoso, C.M.,Garcia., and Guerero de Leon, C.R.,(1992),


Fundamental statistics with application for college
students.sinag-tal publisher,inc. manila

http://en.wikipedia.org/wiki/weightedmean

KABANATA IV

PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS

Sa kabanatang ito,ipinapakita ang pagsusuri at


pagiinterpret ng mga datos na nakuha batay sa instrumentong
ginamit sa pag-aaral.ang mga datos ay inilarawan sa
pamamagitanng grapikal na paglalahad.

PERSEPSYON NG MGA MAG-AARAL

Upang matukoy ang pangunahing persepsyon ng mga mag-


aaral hinggil sa sintax law, ay gumawa ang mga mananaliksik
ng grap. Sa larawan, makikita na ang nasa x-axis ay binunuo
ng mga persepsyon ng mga mag-aaral. At sa y-axis naman ay
makikita ang weighted mean ng mga kasagutan.

TALAHANAYAN 2

Kung saan:

P-1= makakatulong ang batas na ito para mabawasan ang bisyo


ng mga mag-aarallalong-lalo na sa paninigarilyo.
P-2= maaaring dina tanfkilikin ang sigarilyo at alak dahil
hindi na kaya ang presyo nito.
P-3= mababawasan ang mga magkakasakit ng tuberculosis dahil
sa paninigarilyo.
P-4= bababa ang kita ng pamahalaan sa kalakaran ng tobako.
P-5= magkakaroon ng magandang bunga ang batas na ito.

Ipinapakita sa talahanayan 2 na ang pangunahing


persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa sintax law ay ang,
“makakatulong ang batas na ito para mabawasan ang bisyo ng
mga mag-aarallalong-lalo na sa paninigarilyo”. Mayroon
itong weighted mean na 4.61. Pumangalawa ang “magkakaroon
ng magandang buinga ang batas na naipasa” na may weighted
mean na 4.38, pangatlo ay ang “mababawasan ang magkakasakit
ng tuberculosis dulot ng Paninigarilyo” na may weighted
mean na 4.33, pang-apat ay ang,” maaaring dina tangkilikin
ang sigarilyo at alak dahil hindi na kaya ang presyo nito”
na may weighted mean na 3.76, at ang panghuli ay ang
“bababa ang kita ng pamahalaan sa kalakaran ng tobako” na
may weighted mean na 3.45.

PORSYENTO NG MGA MAG-AARAL NA PAMILYAR AT DI-PAMILYAR SA


SINTAX LAW

Ang talahanayan 3 ay nagpapakita ng kung ilang porsyento


ng mga mag-aral ang pamilyar at hindi pamilyar sa batas na
ito. Gumamit ang mga mananaliksik ng grap upang maipakita
kung ilang porsyento ang pamilyar at hindi dito.

TALAHANAYAN 3

PORSYENTO NG PAMILYAR AT DI-PAMILYAR SA SINTAX LAW


Sa talahanayan 3, makikita na 7 porsyento lamang ng
kabuuang respondent ang hindi pamilyar sa batas na ito.
Sa anim na pung respondente, 4 katao lamang ang nagsabing
hindi sila pamilyar sa batas na naipasa. Samantalang 93
porsyento o 56 katao/mag-aaral ang nagsabing sila ay
pamilyar sa bagong batas na ito.

EDAD NG MGA TAGATUGON/RESPONDENTE

Base sa ilang mga pag-aaral, ang mga kabataan ay isa


sa mga pangunahing apektado ng labis na dumaraming krimen
na may kinalaman sa droga.sa murang edad nila ay natututo
na sila ng mga ipinagbabawal na bisyo particular na ang
paninigarilyo.Bilang bahagi ng pag-aaral na ito, inalam ng
mananaliksik ang edad ng mga respondente.

TALAHANAYAN 4

EDAD NG MGA TAGATUGON/RESPONDENTE

EDAD BILANG NG RESPONDENTE


15 7

16 21

17 25

18 5
19 pataas 2

kabuuan 60

Sa talahanayan 4, ang edad ng mga respondent mula sa


edad 15 hanggang 19 pataas. Makikita na halos karamihan sa
mga repondente ay nasa edad 17. Sa anim na pung
respondente, 25 respondente o 42% ang nasa edad 17, 21 o
35% ang 16,5 o 8% ang 18, 7 o 12% ang 15, at 2 o 3% lamang
Ang nasa edad 19 pataas.

Ang resulta ng talahanayan 4 ay ngapapakita lamang na


ang mga respondent ay nasa kritikal na edad para matuto ng
bisyo.
Kabanata V
Lagom, Resulta, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng buod/lagom, resulta,


konklusyon at rekomendasyon ng pag-aaral tungkol sa
“Persepsyon ng mga mag-aaral ng Ranggas-Ramos National High
School sa ika-apat na taon tungkol sa ipinasang Sintax
Law.”

Buod/Lagom

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa “Persepsyon ng mga


mag-aaral ng Ranggas-Ramos National High School sa ika-apat
na taon tungkol sa ipinasang Sintax Law.”Ang mga
respondente ay binubuo ng dalawang seksyon IV-Gold at IV-
Pearl.Sa aming pananaliksik, naisip naming hingin ang
persepsyon ng mga mag-aaral na na sa ikaapat na taon,
hinggil sa batas na ito. Bilang paghahanda sa pagiging
mahalagang miyembro ng pamayanan, nararapat lamang na
maging komprehensibo ang pagkakaunawa ng mga kabataan sa
batas na ito. Katulad na lang ng sinabi ng ating
pambansang bayani na si Jose Rizal, “ Ang kabataan ang Pag-
asa ng Bayan.” Kung kaya’t nararapat lamang na maipaalam
ang boses ng mga kabataan at malaman ang kanilang mga
saloobin sa mga batas na umiiral sa ating bansa.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng weighted mean upang


malaman at mailarawan ang pangkalahatang saloobin ng mga
estudyante ukol sa Sintax Law.

Sa pag-aaral na ito naglalayong na malaman ang mga


sumusunod na tiyak na talatanungan:

1.Masuri kung ilang porsyento ng mga mag-aaral ang pamilyar


sa batas na ito?

2.Mabatid ang maaaring maging bunga nito sa mga mag-aaral?

Suliranin #1
Masuri kung ilang porsyento ng mga mag-aaral ang pamilyar
sa batas na ito?

Resulta: Natukoy sa pag-aaral na ito na karamihan sa mga


mag-aaral ay alam ang ibig sabihin ng batas na ito. Sa 60
respondente 4 na estudyante lamang o 7% ang hindi pamilyar
sa batas samantalang nakakuha ng 93% o 56 katao ang
nagsasabing sila ay pamilyar at may alam sa bagong batas na
Sintax Law.

Konklusyon: Base sa pag-aaral na ito,nalaman ng mga


mananaliksik na karamihan sa mga estudyante ay alam ang
ibig sabihin ng batas na nakakuha ng 93% samantalang 7% ang
nagsasabing hindi sila pamilyar sa batas na ito.

Rekomendasyon: Iminungkahi ng mga mananaliksik sa mga hindi


nakakaalam na lagging magbasa ng mga dyaryong kapupulutan
ng mga makabagong impormasyon o kaya’y manood lagi ng
balita at makiisa/makialam sa mga pangyayaring nagaganap sa
ating paligid lalung-lalo na sa mga batas na ipinapatupad
ng pamahalaan.

Suliranin #2
Mabatid ang maaaring maging bunga nito sa mga mag-aaral?

Resulta:Sa pag-aaral na ito, nalaman ng mga mananaliksik


na maraming mga estudyante ang nagsasabi na ang batas ay
magkakaroon ng magandang bunga na nakakuha ng ng weighted
mean na 4.38.At ang panghuli ay ang “bababa ang kita ng
pamahalaan sa kalakalan ng tobako” na nakakuha ng ng
weighted mean na 3.45.

Konklusyon:Sa aming pag-aaral nalaman naming na maraming


estudyante ang nagsasabing magkakaroon ng magandang bunga
ang batas na ito na nakakuha ng weighted mean na 4.38 at
pumapangalawa sa sarbey.Sa paglalahat maraming nagsasabing
magkakaroon ito ng magandang bunga patungo sa maunlad na
ekonomiya.

Rekomendasyon: Iminungkahi ng mga mananaliksik na maging


mapanuri muna sa mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan at
magkaroon ng sapat na kaalaman bago ibigay ang paghuhusga
kung magkakaroon ng magandang bunga ang batas na ito.
APENDIKS
PARTIDO STATE UNIVERSITY
Goa, Camarines Sur
Kolehiyo ng Edukasyon
Taunang Aralan 2012-2013

Sa mga Respondente,

Kami po ay kasalukuyang kumukuha ng asignaturang Filipino sa kursong Bachelor of


Secondary Education (BSED) ng Partido State University (PSU). Bilang pagtugon
sa pangangailangan ng asignatura, ang mga nakalagda ay kasalukuyang gumagawa ng
pananaliksik na pinamagatang”PERSEPSYON NG MGA MAG-AARAL NG RANGGAS
RAMOS NATIONAL HIGH SCHOOL SA IKA-APAT NA TAON TUNGKOL SA
IPINASANG SINTAX LAW”.

Kaugnay po nito ay nais naming pasagutan sa inyo ang talatanungan na nasa ibaba. Ang
inyong pagsuporta at pakikipagtulungan ay makakatulong ng malaki sa ikatatagumpay n gaming
pananaliksik.

Maraming salamat po. Patnubayan nawa kayo ng poong maykapal.

Lubos na gumagalang,

ARLAND B. PARPAN

MIKE ANGELO A. OBIÑA


Mananaliksik
I. Personal na Datos

Pangalan:______________________________________ Edad________
Antas at Seksyon:_________________________ kasarian:lalaki( )babae( )

II. TALATANUNGAN
A. Lagyan ng tsek ang kumakatawan sa iyong sagot .

 Ako ay pamilyar sa sintax law at alam ko ang nais ipabatid nito ( )


 Hindi ko alam ang batas na ito ( )

B. Persepsyon ng mag-aaral
Panuto: lagyan ng tsek (/) sa tapat ng bilang na kumakatawan sa iyong sagot.

I. 5 4 3 2 1

1. Makakatulong ang batas na ito para mabawasan


Ang bisyo ng mga estudyante lalong-lalo na sa
paninigarilyo . __ __ __ __ __
2. Maaaring dina tangkilikin ang sigarilyo at alak
dahil hindi na kaya ang presyo nito. __ __ __ __ __
3. Mababawasan ang mga magkakasakit
ng tuberkolosis dulot ng paninigarilyo. __ __ __ __ ___
4. Bababa ang kita ng pamahalaan sa kalakaran
ng tobako. __ __ __ __ ___
5. Magkakaroon ng magandang bunga ang batas
na ito. __ __ __ __ ___

PARTIDO STATE UNIVERSITY


Goa, Camarines Sur
Kolehiyo ng Edukasyon
G.Wilhem A. Prila
Punong Guro
Ranggas Ramos National High School
Calawit, Sanjose, Camarines Sur

Ginoo:

Magandang araw po!

Kami po ay mga mag-aaral na nasa unang taon sa Kursong Bachelor of Secondary Education mula sa
Partido State University.Kasalukuyang po kaming gumagawa ng isang ppananaliksik na pinamagatang “
Persepsyon ng mga mag-aaral ng Ranggas Ramos National High School sa ika-apat na taon tungkol sa
Sintax Law.” Ang pananaliksik ay isang proyekto sa aming asignaturang Filipino.

Kaugnay po nito, nais naming hingin ang inyong pahintulot na makapagsagawa ng isang sarbey sa
inyong paaralan.

Ang inyong pahintulot ay aming kikilalanin at pasasalamatan.

Gumagalang,

Arland B. Parpan

Mike Angelo A. Obiña

Mga Mananaliksik
Pinagtuunan ng pansin nina:

Joan A. Monforte
Guro sa Filipino

Nehlia P. Esmeralda, Ed. D


Dekana, Kolehiyo ng Edukasyon

Pinagtibay:

Wilhem A. Prila
Punong Guro

BIBLIOGRAPIYA

AKLAT

Pagoso, C.M.,Garcia., and Guerero de Leon, C.R.,(1992),

Fundamental statistics with application for college

students.sinag-tal publisher,inc. manila

INTERNET

http://www.remate.ph/2012/12/sin-tax-law-nilagdaan-na-ni-pnoy/
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Batas_Republika_9211

http://www.scribd.com/doc/46321313/Pananaliksik-ukol-sa-Epekto-Ng-Paninigarilyo-Pananaliksik

http://www.scribd.com/doc/28668998/ISANG-PAG-AARAL-UKOL-SA-PISIKAL-AT-SIKOLOHIKAL-NA-
EPEKTO-NG-PANINIGARILYO-SA-MGA-MAG-AARAL-NG-KOLEHIYO-NG-NARSING-SA-UNIBERSIDAD-NG-
SANTO-TOMAS

http://konseptong-papel-sa-filipino2.blogspot.com/

http://en.wikipedia.org/wiki/weightedmean

http://en.wikipedia.org/wiki/Sin_tax

http://konseptong-papel-sa-filipino2.blogspot.com/

Kurikulum Vitae

Mike Angelo A. Obiña


Olas, Lagonoy, Camarines Sur

Personal na Datos

Edad: 17 taong gulang


Petsa ng kapanganakan: Mayo 04, 1995
Lugar ng Kapanganakan: Olas, Lagonoy, Camarines Sur
Kasarian: Lalaki
Lahi: Filipino
Wika/Diyalektong Sinasalita: Bikol,Tagalog,Ingles

Edukasyong Natamo
Tersyarya:Kasalukuyang nasa unang taon sa kursong
Batsilyer sa Sekondarya ng Edukasyon.
Medyor sa Araling Panlipunan
Partido State University ( Goa Campus )
Goa, Camarines Sur

Sekondarya:Camarines Sur National High School


Naga City,4400
Taunang Antas 2008-2012

Elementarya:Olas Elementary School


Olas, Lagonoy Camarines Sur
Taunang Antas 2002-2008

Kurikulum Vitae

Arland B. Parpan
Tabgon,Goa, Camarines Sur

Personal na Datos

Edad: 17 taong gulang


Petsa ng kapanganakan: Enero 12,1996
Lugar ng Kapanganakan: Burabod, Lagonoy,
Camarines Sur
Kasarian: Lalaki
Lahi: Filipino
Wika/Diyalektong Sinasalita: Bikol,Tagalog,Ingles

You might also like