You are on page 1of 10

FILIPINO 6

GAWAING PAGKATUTO 1
Kwarter 3

1
Filipino – Baitang 6
Kwarter 3 – Gawaing Pagkatuto 1:

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksyon 176 na Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda ( kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark ,palabas sa telebisyon, pelikula , atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang –aring
iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Tagapamanihala ng mga Paaralan: Nympha D. Guemo


Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralan: Maria Flora T. Pandes

Manunulat: Genevie V. Alegre


Tagasuri: Sofio V. Rieza
Tagasuri ng Nilalaman: Elisa E. Rieza
Gumuhit ng Larawan: Anele Abanto

2
ARALIN 1

PANGALAN: _________________________________________
ASIGNATURA: __________________ ANTAS: ________ PETSA: __________

Panimulang Konsepto

Magandang buhay!
Sana ay nasa mabuti kang kalagayan.
Handa ka na bang matuto ng panibagong aralin? Isang panibagong
paglalakbay ito sa iyong pag-aaral. Magiging bahagi ng paglalakbay mo ang
pagbasa ng mga ulat at tekstong pang-impormasyon.
Sa araling na ito ay tatalakayin natin ang tungkol sa pagsagot sa mga
tanong tungkol sa binasang ulat at tekstong pang-impormasyon.

Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs


Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggang/binasang ulat at tekstong pang-impormasyon.

Panimulang Gawain
Panuto: Basahin at unawain ang tekstong nasa kahon.Sagutin ang
bawat tanong sa pamamagitan ng pagpili ng titik na tamang sagot.

Blue Light Rays na mula sa Digital Devices, Nakabubuti ba?

Naranasan mo na bang tumutok ng matagal sa iyong cellphone? Kung oo,blue


light rays ang iyong nakikita sa digital device na iyong ginagamit. Mahihirapan kang
matulog kung nakatutok ka sa iyong digital device nang matagal,kaya marapat na
iwasan ang paggamit nito 2 o 3 oras bago ka matulog.Sa gabi nakabubuting palitan ng
night mode ang iyong cellphone upang hindi maapektuhan ang iyong pagtulog.
Pinakamainam na gawin para maprotektahan ang mga mata sa blue light rays
ay ang pagsasagawa ng 20-20-20 rule. Ito ay tuwing 20 minuto, ibalin muna ang tingin
ng iyong mata sa bagay na 20 talampakan ang layo ng 20 segundo. Sa pamamagitan
nito,nakakapahinga ang iyong mata.

www.health.harvrd.educ.

Tanong:
1.Ayon sa tekstong binasa, ano ang blue light rays ?
A. Ito ay liwanag na makikita sa digital device

3
B. Ito ay liwanag na loob ng tahanan
C. Ito ay ilaw nagbibigay ng iba’t ibang kulay
D. Ito ay ilaw na nagpapaganda sa mga lansangan
2. Ilang oras bago ka matulog dapat na iwasan ang paggamit ng digital devices?
A. 1 hanggang 2 na oras B. 2 hanggang 3 na oras
C. 3 hanggang 4 na oras D. 4 hanggang 5 oras
3. Kailan dapat nakabubuting palitan ng night mode ang iyong cellphone?
A. sa umaga B. sa tanghali C.sa gabi D. sa hapon
4.Bakit kailangang palitan ng night mode ang iyong cellphone?
A.Upang madaling makatulog.
B.Upang hindi masilaw ang mata.
C.Upang madaling mahanap ang cellphone
D.Upang hindi maapektuhan ang pagtulog
5.Paano mo mapapahalagahan ang iyong mata sa blue light rays ayon sa
tekstong binasa?
A.Pagsasagawa ng 20-20-20 rule.
B.Ipikit ang mata ng 20 minuto
C Huwag gamitin ang cellphone ng 20 minuto.
D.Matulog ng 20 minuto..

GAWAIN 2
Panuto; Basahin at unawain ang teksto. Sagutan ang mga tanong sa ibaba.Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

Pakinabang sa Basura
Ang paggamit ng biogas na isang uri ng panggatong ay sinimulan narin sa Pilipinas.
Isa sa mga kompanyang gumagamit ng biogas ay ang Maya Farms sa Antipolo, Rizal.
Ayon sa pangulo nitong si Felix D. Maramba Sr., simula ng gumamit sila ng biogas may 75
porsiyento ang natitipid nila sa pagbili ng panggatong at pataba taon-taon. Lumalaki pa
ang ani na Maya Farms ng 50 porsiyento. Malaking tulong ang pagpapayo ng mga planta
ng biogas sa ating bansa. Bukod sa may magagamit na gas sa pagpapatakbo ng mga
makina, malulutas pa ang mga suliranin natin sa basura. Magiging malinis at mabango rin
ang ating paligid,dahil sa pagtunaw ng mga basura na nakabuo ng methame at carbon
dioxide na pangunahing sangkap ng biogas.

LandassaPagbasa 6, pah. 152-153

Tanong:
1.Ano ang tinatawag na biogas?
2.Saang lugar sa Pilipinas may gumagamit nito?

4
3.Ayon sa teksto, ilang porsiyento ang natitipid sa pagbili ng panggatong kapag
gumamit ng biogas?
4.Ano-ano ang naitutulong ng panggamit ng biogas sa kompanya ni Ginoong
Maramba?
5.Paano nagkakaroon ng biogas?

Pagsusuri at Abstraksiyon
Panuto: Basahin at unawain ang tekstong pang-impormasyon at
sagutin ang mga tanong sa ibaba.

http://www.slideshare.net

Tanong:
1.Ano ang pangalan ng virus na kumakalat sa ating bansa?
2.Batay sa tekstong binasa ,saan nagmula ang malaking pamilya ng virus na ito?
3.Ano-ano ang mga sintomas ng virus na kumakalat sa panahon natin ngayon.?
4.Saan mauuwi o hahantong ang malalang kaso ng infection na ito kapag hindi
agad naagapan o nagamot?
5.Paano mo maiiwasan ang pagkalat ng virus?

5
6.Ano ang tawag sa uri ng babasahin ang iyong sinagutan?
7.Saan karaniwan nababasa ang mga ulat at tekstong pang-impormasyon?
8.Kadalasan,ano-ano ang mga tanong na sinasagot nito?
9.Paano mo nasagutan ang bawat tanong?
10.Bakit kailangan wasto ang pagsagot natin sa mga tanong tungkol sa binasang
ulat o tekstong pang-impormasyon?

TANDAAN

Ang tekstong pang-impormasyon o tekstong impormatib ay nagbibigay


ng kaalaman o tiyak na impormasyon tungkol sa ibat ibang paksa. Itoy isang
uri ng babasahing hindi piksyon . Karaniwang mababasa ito sa mga
pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, encyclopedia, at sa iba’t
ibang website.

Sa pagbasa ng tekstong pang impormasyon, magkaroon ng pokus sa


mga impormasyong ipinahahayag. Isulat ito kung kinakailangan. Sa
pagsulat, tandaan na ihanay nang maayos ang mga salita, piliing mabuti ang
mga tiyak at mahahalagang salita lamang.

Ito ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at


magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang tanong na SINO,
ANO, SAAN, ILAN, KAILAN, BAKIT,at PAANO.

Upang masagutan ng wasto ang mga tanong sa pinakinggan o


binasang ulat at tekstong pang-impormasyon mahalagang tandaan ang mga
sumunsunod:
1.Basahin at unawain mabuti ang binabasa o pinakikinggan.
2.Alamin ang mga pangunahing detalye sa teksto gaya ng
tauhan,pinangyarihan, mga pangyayari,at ang nais ipahiwatig ng teksto.
3.Maging mapanuri sa pinakikinggang/binabasang teksto.
4.Kailangang maging pokus at iwasan ang iba pang mga bagay na
naksasagabal upang maunawaan nang lubos ang binabasa o pinakikinggan.
5.Siguraduhing nabasa o napakinggan ang teksto mula sa simula
hanggang katapusan.

Ang maayos na kasagutan sa bawat katanungan ay nagpapahiwatig


lamang na lubusan mong naintindihan ang iyong binasa at pinakinggang
ulat at tekstong pang-impormasyon.

6
Paglalapat

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang ang teksto sa loob ng kahon.


Pagkatapos ay sagutin ang tanong sa ibaba .Piliin lamang ang titik na tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.

Kapahamakan sa Kalusugan ng “Processed Food”

Mabilis ihanda ngunit mapanganib sa katawan. Ganito ilarawan ang


“Processed Food” gaya ng hotdog,tocino,longginisa at iba pa, na nagdudulot ng
sakit sa katawan o maging kamatayan. Kahit sino naman gusto ng mas
konbinyenteng bagay lalo kung kulang sa oras,subalit hindi natin nakikita ang
mga negatibong maaring idulot nito sa katawan at kalusugan.
Ayon kay Mark Lawrence,public health and nutrition professor,mataas ang
sugar,fat at empty calories ng “processed foods”.Nagdadala ng sakit sa
puso,obesity,highblood pressure cholesterol,cancer,depresyon at pagkamatay
ang labis na pagkonsomo nito.
Itinuturong dahilan ito kaya apektado ang kalusugan ng mga dinadagdag
na kemikal upang mapatagal ang expiration date nito at ang industrial processing
na naging dahilan ng pagbabago ng cellular structure ng mga pagkain.
May oras pa,kaya pa nating mabago ang lifestyle na kinalakihan sa
tamang pagkain at nutrsyon.Paminsan-minsan hindi naman masamang kumain
ng mga” processed food”,dapat alam natin na hindi ito pagkain na inaaraw-araw.
Mas mainam pa rin ang pagkain ng lutong ulam na walang preserbatibo at
mayroong natural na sangkap na punong-puno ng nutrisyon.

www.medicalnewstoday.com
Tanong

1.Tungkol saan ang nabasang teksto?


A.Ito ay tungkol sa nutrisyong makukuha sa tamang pagkain.
B.Ito ay tungkol sa kapahamakan sa kalusugan ng processed food.
C.Ito ay tungkol sa pagpapalakas ng katawan.
D.Ito ay tungkol sa batang kulang sa sustansiya ang kinakain.
2. Ano ang halimbawa ng processed food?
A.manok B.itlog C.hotdog D.gulay
3.Sino ang public health ang nutrition professor na nagpahayag na masama aang
labis na pagkain ng processed food sa katawan?
A. Mark Laurence B. Mark Lawrence
C. John Mark Lawrence D. Dr. John Lawrence
4.Alin sa maga sumusunod ang kapahamakang dulot ng pagkain ng processed
food?
A.Mabilis itong ihain kaya mas konbinyente ito.
B.Hindi kumakain sa tamang oras ang mga bata.

7
C.Mas mababa ang idad ng mga namamatay dahil sa hindi magandang
eating habits
D.Mas marami ang nabibili nito sa pamilihan.
5.Bakit mas mainan na ihain ang pagkain walang preserbatibo.
A.Dahil ito ay natural na sangkap na punong- puno ng nutrisyon.
B.Dahil mas mura ito.
C.Dahil mas madali itong lutuin.
D. Dahil mas maganda itong tingnan.

8
VII- Susi sa Pagwawasto

GAWAIN 1 PAGLALAPAT

1.A 2.B 3.C 4.D 5.A 1.B 2.C 3.B 4.C 5.A

GAWAIN 2 PAGSUSURI
1. uri ng panggatong 1.Corona Virus
2. Maya Farm,Antipol Rizal 2.ordinaryong sakit na ubo’t sipon
3.75 poesiyento 3.lagnat,ubo,hirap at kapos sa
4. natitipid nila sa pagbili ng panggatong paghinga,madaling mapagod,sakit sa
at pataba ulo,pagdudumi o LBM
may magagamit na gas sa 4.pneumonia acute respiratory
pagpapatakbo ng mga makina, syndrome,kidney failure at kamatayan
malulutas ang mga suliranin sa 5.iwasang dumikit o makisalamuha sa
basura. matataong lugar,magsuot ng facemask, laging
magiging malinis at mabango rin ang maghugas ng kamay,
ating paligid. 6.ulat o tekstong pang-impormasyon
5. Sa pamamagitan ng pagtunaw ng 7. pahayagan o balita,, magasin, textbook,
mga basura na nakabuo ng methane at encyclopedia, at sa iba’t ibang website
carbon dioxide na pangunahing sangkap 8.Sino,Ano,Saan.Kailan,Ilan,Bakit,Paano
ng biogas 9.Basahing mabuti at maging mapanuri sa
binabasa.
10.Upang hindi magkamali at lubusang
maunawan ang binasa.

Sanggunian

K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, p. 83

Teksbuk: Landas sa Pagbasa pp 152-153

youtube.com/watch

www.health.harvrd.educ.

http://www.slideshare.net

https://prezi.com

www.medicalnewstoday.com

9
Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaringsumulat o tumawag:

Kagawaran ng EdukasyonRehiyon V

Schools Division Office, Daet, Camarines Norte 4600

Landline: (054)440-1772, (054)440-4464

Email Address: camarines.norte@dep.ed.gov.p

10

You might also like