You are on page 1of 14

6

Filipino
Kuwarter 1 – Modyul 13
Gamitin Mo!
KARAPATANG SIPI

Filipino – Baitang 6
Kuwarter 1– Modyul 13 Gamitin Mo!

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Walang aangkin


ng karapatang-ari ng anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay gagamitin upang pagkakitaan.
Kabilang sa mga maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan tulad ng sanaysay na


ginamit sa modyul na ito ay taglay ng may-akda at ng tagapaglathala nito.
Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at makuha ang pahintulot ng
nagmamay-ari na magamit ang nabanggit na kagamitan. Hindi kinakatawan
maging inaangkin ng tagapaglathala at ng mga may-akda ang karapatang-ari
sa mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Pansangay na Tagapamanihala: LOIDA N. NIDEA, EdD, CESO V


Kawaksing Tagapamanihala: CECILE C. FERRO
LYNN Z. PADILLO

_____________________________________________________________________

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Catherine L. Formales


Editor: Sonny A. Taugan
Tagasuri ng Nilalaman: Merly M. Endrano
Evan Lee P. Leonem
Adrian B. Bulalacao
Doraliza M. Peňa
Belen N. Adriatico
Ma. Theresa P. Baynas
Roderick B. Bermejo
Gumuhit ng Larawan: Jesus Jr. M. Quiapo
Nagdisenyo ng Pahina: Evan Lee P. Leonem
Paunang Salita
Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto
ay binuo ang serye ng modyul na ito. Nilalaman nito ang
mga lubhang mahahalagang kasanayang pampagkatuto o
Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan
ang hamong kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at
kaligtasan. Malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy na
pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay.
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang
ng kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa mga Magulang o Tagagabay:

Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-


pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng
oryentasyon sa mga mag-aaral, magulang, o sino mang miyembro
ng pamilya kung paano gagamitin at iingatan ang modyul na ito.

Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang


papel ang bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga
Gawain sa bawat bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos
nang sagutin ang modyul na ito, ipaalala sa mag-aaral na
kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan
mong sundin at saguting mag-isa o may gabay ng magulang
kung kinakailangan sa mga gawaing nasa loob nito. Huwag
kang mag-alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa
ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan
at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng
sagutang papel o ang iyong kuwaderno. Sige, simulan na
natin!
Magandang araw! Kumusta ka?
Gusto mo na ba ulit matuto ng bagong aralin?

Ngayon ay matututuhan ninyo ang wastong


paggamit ng pangkalahatang sanggunian sa pananaliksik.

Mga bagay na kadalasang makikita natin sa silid-


aklatan.

Tara! Umpisahan na natin.

Panimula

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang….

Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian


sa pananaliksik. F6EP-Ib-d-6
Layunin

Kilalanin mo muna ang mga bagong salita sa


araling ito.

Talasalitaan

Information Technology - ang pag-aaral, pagdidibuho, pagbubuo, paglilingap o


pangangasiwa ng mga sitemang pangkabatiran na nakabatay sa kompyuter.

turtle power tiller - de – motor na pang-araro sa bukid.

1
bread toaster - isang makinang nagtutusta ng tinapay.
lunar rover - isang sasakyang panlupa na inamit sa buwan.
Internet - isang computer bus nakakonekta sa cpu para sa paglilipat ng
komunikasyon o datos.
chip - isang maliit na electronic circuit na maaari ring matagpuan sa mga relo,
radio, tv,telepono, kagamitan o kasangkapan.

personal computer - sariling kompyuter na maaaring iprograma upang magsagawa


ng operasyong aritmetiko o lohikal.

Ano ba ang alam mo sa ating aralin ngayon?


Subukan nga natin?

Panimulang Pagsubok

Piliin ang maaaring iugnay sa bawat salita. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Diksyunaryo: _____________
A. pagbaybay B. balita C. kontinente
2. Atlas :_____________
A. kahulugan B. mapa C. impormasyon
3. Ensayklopidya:____________
A. showbiz B. lokasyon C. paalpabeto
4. Pangyayari sa isang bansa:_____________
A. Atlas B. Almanak C. Disksyunaryo
5. Kasingkahulugan:_____________
A. Diksyunaryo B. Atlas C. Ensayklopidya

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin ang wastong sagot sa mga tanong gamit ang
susi ng pagwawasto sa pahina 9.
Saang antas mka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUTIHAN PA
Walang tamang sagot – KAYA MO YAN

2
O di ba kayang kaya mong sagutan ang mga
katanungan.
Ngayon, basahin nang malakas ang
seleksyon at bigkasin at pakinggang maigi ang mga
babanggiting salita, pagkatapos basahin ay sagutan
muli ang mga susunod na katanungan.

Mga Gawain sa Pagkatuto

Basahin Mo!

Imbentor ang Pinoy

Saanmang panig ka tumingin ay may makikita kang kompyuter- sa tahanan,


paaralan, restawran, mall, supermarket at sa iba pang lugar. Kapuna-punang
mabilis ang paggana ng mga kompyuter lalo na yaong bagong mga modelo.
Batid mo ba ang dahilan kung bakit napabilis ang paggana ng mga
kompyuter? Bunga ito ng pinakaunang single-chip graphical user interface
accelerator na ipinalabas ni Diosdado Banatao . Tumulong din siya sa pagbuo ng
Ethernet controller chip upang magkaroon ng Internet.
Taong 1989 ay pinangunahan niya ang konsepto ng local bus para sa
personal computer. Nang sumunod na taon ay binuo naman niya ang pinakaunang
Windows accelerator chip.
Sa Kabuuan, walong kontribusyon sa Information Technology ang naiambag
ni Banatao. Di ba’t kahanga-hangang talaga ang Pilipinong ito?
Ginagamit naman ng Intel sa kasalukuyan ang chips na kaniyang binuo. May
sarili na siyang kompanya, ang Mostron and Chips & Technology na matatagpuan
sa Silicon Valley sa California.
Si Diosdado Banatao ay tubong Iguig, Cagayan at nakatapos ng Electrical
Engineering sa Mapua Institute of Technology sa Maynila.
Hindi lamang si Diosdado Banatao ang Pilipinong nag-ambag nang malaki sa
larangan ng siyensiya at teknolohiya. Nariyan si Eduardo San Juan, na siyang
nagbigay ng ideya tungkol sa moon buggy o lunar rover na sinakyan ng mga
astronaut sa buwan. Karangalan siya ng ating bansa.
Isang Pilipino rin ang nagbigay ng ideya tungkol sa paggawa ng bread
toaster. Siya ay si Benjamin Almeda.
Iyang OMB o one-man band piano, na kapag tinugtog ay animo’y isang buong
banda ng musikero ang tumutugtog ay mula rinse malikhaing guniguni ng isa pang
imbentor na Pinoy, si Roberto del Rosario.

2
Isang Pilipino rin ang nakaimbento ng de-motor na pang-araro sa bukid, iyong
tinatawag na turtke power tiller. Alam ninyo kung sino? Siya si Magdaleno Villaruiz.
Iyan ay ilan lamang sa mga kagalingang ipinakikita ng mga Pinoy.
Hinahamon kitang gumawa ng pananaliksik. Tuklasin ang iba pang Pilipinong
imbentor.
Source:Belvez,Landas sa Pagbasa,75-76

Sagutin Mo!

Anong katangian ng mga Pilipino ang napatunayan sa binasang seleksiyon?

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Paano mo mapahahalagahan ang mga Pilipinong imbentor at kanilang mga


imbensiyon?

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Mabuhay, Ngayong nasagutan mo na ang mga katanungan, balikan ang mga


salita sa Panimulang Pagsubok. Anong aklat-sanggunian ang mga gagamitin mo
kung nais mong malaman ang kahulugan ng bawat salita? Kung nais mong
malaman ang iba pang impormasyon tungkol sa mga ito?

Tandaan Mo!

Kilalanin ang mga sanggunian na kadalasang nakikita sa silid-aklatan. Alamin


ang gamit nito sa pananaliksik.

Paggamit ng mga Pangkalahatang Sanggunian


Diksyunaryo- Aklat na naglalaman ng piling mga salita ng isang wika na nakaayos
nang paalpabeto at may kaukulang paliwanag o kahulugan;
talatinigan. Pinagkukunan ng baybay o ispeling, pagpapantig, bahagi
ng pananalitang kinabibilangan ng salita, pagbigkas at pagbabantas.

Ensayklopidya- Aklat o katipunan ng mga aklat na nagbibigay ng kaalaman sa lahat


ng sangay ng karunungan, kung saan ang mga lathalain ay inayos
nang paalpabeto.

4
Atlas- Katipunan ng mga mapang nasa ayos ng isang aklat.
Aklat ng mga mapang nagsasabi ng lawak, distansiya at lokasyon ng lugar.
Ipinapakita rito ang mga anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa
isang lugar. Ito ay nakaayos ayon sa pulitika, rehiyon o estado.

Almanak- Aklat na nagtataglay ng kalendaryo ng mga araw, buwan at petsa na


naglalaman ng iba’t ibang kaalaman ukol sa kasaysayan, katotohanan
hinggil sa pamahalaan, pangyayaring pampalakasan, pag-unlad ng
medisina at ,arami pang iba..
Source:Belvez,Landas sa Pagbasa79/DLPKuwarter1,92

Anong mahahalagang karanasan ang iyong maiuugnay sa


nabasang seleksiyon?
Makatutulong kaya ito sa iyong pag-aaral?
Markahan sa ibaba gamit ang ( ), ang antas ng iyong
pagkaunawa:
___Lubos na naunawaan
___Naunawaan
___Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain …

Basahin ang panuto at unawaing mabuti ang mga


pangungusap.Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang mga pangungusap. Isulat sa papel ang
salitang tama o mali.
_____1. Ang diskyunaryo ay nakatutulong sa pagbibigay kahulugan ng salita.
_____2. Mahahanap sa atlas ang impormasyon tungkol sa iba’t ibang rehiyon sa
bansa.
_____3.Tanging sa internet lamang makakakalap ng impormasyon tungkol sa
lokasyon ng isang lugar.
_____4.Ginagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pananaliksik.
_____5. Sa Almanak maaaring matagpuan ang mga kaganapan sa isang bansa.

5
Kumusta ang unang pagsasanay? ___ MADALI ba o ____ MAHIRAP?
Tignan ang sagot sa Susi sa Pagwawasto pahina 9.
Nakuha mo bang lahat ang wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo ang LAHAT, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung MABABA sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at
pag-aralang muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Panuto: Hanapin ang tamang sagot sa Hanay B.


Titik lamang ang isulat sa iyong kuwaderno.

Pagsasanay 2

A B
1. Isang uri ng sanggunian na kung A. Diksyunaryo
pinagsama-sama ang mga mapa
sa iisang aklat.
2. Nagbibigay ng pangkalahatang B. Atlas
impormasyon tungkol sa iba’t ibang
paksa at lahat naaayos ng paalpabeto.
3. Nagbibigay ng kahulugan ng mga salita, C. Almanak
tamang pagpapantig ng salita, pagbigkas,
pagbabaybay at pagbabantas.
4. Nagtataglay ng pinakahuling impormasyon D. Ensayklopidya
tungkol sa mga punto ng kawilihan,
mga pangyayari sa isang bansa, palakasan,
relihiyon, pulitika at iba pa.
Source:Quizizz.com

Ang galing-galing mo!


Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? ___ Pagsasanay 1


___ Pagsasanay 2

Ganunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

6
Ibigay ang gagamiting sanggunian na solusyon sa
suliraning inilalahad sa sumusunod. Isulat ang
Pagsasanay 3 iyong sagot sa kuwaderno

1. Ikaw ay may takdang –aralin sa Araling Panlipunan tungkol sa sukat o laki


ng isang lugar sa Pilipinas
2. Nagpapatulong ang kapatid mo sa pagbibigay ng kahulugan at kasalungat
ng mga salita.
3. Nais mong malaman ang paligsahang pinagwagian ni Manny Pacquiao.
4. Gusto mong ibahagi sa mga kamag-aral mo ang iba’t ibang bansang kasapi
sa United Nation.
5. Pag-uulat tungkol sa kultura at tradisyon ng bansang Korea.

Bilib na talaga ako saiyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay.


Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto
sa pahina 9.
Anong nararamdaman mo matapos malaman ang resulta
ng iyong pagsisikap sa bawat pagsasanay?

Panuto: Isulat sa iyong kuwardeno


kung anong sanggunian ang maaaring
gamitin upang alamin ang mga
sumusunod na impormasyon.
Panapos na Pagsubok

1. Pinakamayaman sa buong mundo.


2. Pagbaybay at pagpapantig ng salitang Pilantropo.
3. Mga bansa at kontinente sa Asya.
4. Kasaysayan nang pagsiklab ng World War II.
5. Nakaimbento ng kompyuter.

7
Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang iyong
mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto sa pahina 9.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.
Nagawa lahat
1 hindi nagawa
2 hindi nagawa
3 pataas hindi nagawa

Karagdagang Gawain

Magsaliksik tungkol sa iba pang gamit na maaaring gamitin sa pagkalap ng


mga impormasyon.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin.

Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga


pagsasanay at gawain.

Ang husay mo Kid!

8
Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pagsubok Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 Pagsasanay 3 Panapos


1.A 1.Tama 1.B 1.B 1.Ensayklopidya
2.B 2.Tama 2.D 2.B 2.Diksyunaryo
3.C 3.Mali 3.A 3.A 3.Atlas
4.B 4.Tama 4.C 4.C 4.Almanak
5.A 5.Tama 5.B 5.Ensayklopidya

7.C

9
Sanggunian

Belvez, Paz M., Landas sa Pagbasa, EduResources Publishing, Inc. 2011


DLP Exemplar sa Filipino 6
Quizelize.com

10
For teaching purposes only
Not for Sale
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Sangay ng Camarines Sur

Freedom Sports Complex, San Jose, Camarines Sur.

Email Address: www.depedcamsur.gov.ph

11

You might also like