Professional Documents
Culture Documents
Parents Orientation 2022 2023
Parents Orientation 2022 2023
SY 2022 - 2023
Opening Prayer
Welcome Remarks
Esmalia P. Cabalang Ed.d
Principal III
Agenda:
1. Safety and Health protocols na ipinatutupad sa loob at labas ng paaralan.
2. Malaman ang mga gabay at alituntunin na dapat sundin sa pagpapatupad ng
In-Person Classes.
3. Tungkulin ng mga magulang o guardian sa pagpapatupad ng In-Person
Classes
4. School Policy
5. Class Schedule
6. PTA Project
7. Oplan Brigada
8. Iba pang dapat tandaan
Infomercial
Safety and Health
Protocols
Guidelines on the
Implementation of In-
Person Classes
BAGO UMALIS NG BAHAY
Maligo, kumain ng agahan, uminom ng bitamina, at maghugas ng kamay.
Magdala ng alkohol para sa pag-disinfect. Pagkain at inumin upang maiwasan ang pagdagsa ng mag-aaral sa
canteen kapag recess.
Sagutan ang Health Declaration Form upang maiwasan ang pagkaabala sa pagpasok mula sa gate ng paaralan.
Magsuot ng cloth o washable face mask (o surgical mask kung meron) na ibinigay ng paaralan; huwag itong
alisin habang naglalakbay.
Bago umalis ng paaralan, siguruhing malusog at nasa malusog na kondisyon ang mag-aaral at wala itong lagnat,
ubo, sipon, pananakit ng katawan at ulo, o anumang sintomas ng sakit.
PAGLALAKBAY PATUNGO SA PAARALAN
Sa mga mag-aaral na ihahatid ng kanilang magulang o guardian, sila ay maaring ihatid hanggang sa itinakdang
drop off point sa waiting shed na matatagpuan bago ang main gate ng paaralan.
Para sa mga magulang o tagapangalaga na magbabantay, tumungo sa itinalagang lugar ng paghihintayan at
sumunod sa pangkalusugang pamantayan para sa COVID-19.
PAGPASOK SA LOOB NG PAARALAN
Panatilihing nakasuot ang face mask.
Ipasuri sa naka-assign na school personnel o barangay health worker ang iyong temperatura.
- Ang lahat na papasok sa paaralan na may body temperature na 37.5° Celsius pataas ay ididiretso sa private
screening area para masubaybayan ng Safety Officer at karagdagang pagsusuri at asistensya ng Baranggay
Health Emergency Response Team o BHERT.
Hugasan ang iyong mga kamay ng sabon sa itinalagang pasilidad ng paaralan.
At maghand sanitize upang makasigurado ang kaligtasan mula sa virus.
PAGPASOK SA LOOB NG PAARALAN
Sundin ang mga palatandaan o signages para sa maayos at ligtas na paglalakad/ at agad na tumungo sa iyong
silid aralan.
Palaging sundin ang mga pangkalusugang pamantayan para sa COVID-19 kagaya ng palagiang pagsuot ng face
mask, paghugas ng kamay at pagpapanatili ng pisikal na distansya.
HABANG NASA LOOB NG PAARALAN AT SILID-ARALAN
Sumali sa pang araw-araw na Rapid Health Check na isasagawa ng guro.
Sundin ang itinalagang pasukan.
Sundin ang mga kaayusan sa pag-upo at manatili sa iyong puwesto. Panatilihin ang 1-2 metrong pisikal na
distansiya, lalo na sa mga pang-grupong gawain sa klase.
Panatilihing nakasuot ang face mask.
Gumamit palagi ng alkohol lalo na kapag ikaw ay may hinahawakan.
Kapag babahing o uubo, manatiling malayo sa iba, gumamit ng tisyu, panyo o panloob na bahagi ng siko upang
takpan ang ilong o bibig. Hugasan ang iyong mga kamay ng sabon o gumamit ng alkohol pagkatapos ng
pagbahing o pag-ubo.
HABANG NASA LOOB NG PAARALAN AT SILID-ARALAN
Kapag pupunta sa banyo, siguraduhing maghugas ng kamay bago bumalik sa silid-aralan.
Tuwing recess, manatili sa iyong lugar, at hugasan ang iyong mga kamay ng sabon o gumamit ng alkohol bago
at pagkatapos kumain.
Iwasan ang pagtitipon-tipon lalo na tuwing uwian sa klase.
Sumunod sa itinakdang paraan ng pagpapasa ng mga outputs.
Sundin ang itinalagang labasan sa silid-aralan at ng paaralan.
PAUWI NG BAHAY
Panatilihing nakasuot ang face mask.
Para sa ibat-ibang pamamaraan ng pag-uwi sa bahay o tahanan, sundin ang mga sumusunod:
- Kung gagamit ng pampublikong sasakyan, huwag magsalita ng malakas o limitahan ang pakikipag-usap sa iba
kung hindi naman kinakailangan, at panatilihin ang pisikal na distansiya.
- Kung gagamit ng personal na sasakyan, tulad ng bisikleta at scooter, magsuot ng mga proteksiyon tulad ng
helmet, reflector, at pads.
- Kung maglalakad, panatilihin ang pisikal na distansya at huwag magsalita ng malakas o limitahan ang
pakikipag-usap sa iba kung hindi naman kinakailangan.
PAUWI NG BAHAY
Pagdating sa bahay, magpahinga sa labas at itapon nang maayos ang face mask sa basurahan.
I-disinfect ang lahat ng iyong gamit.
Maligo bago makihalubilo sa mga kasamahan sa bahay.
Tungkulin ng mga
Magulang o Guardian
para sa In-Person Classes
Tungkulin ng mga Magulang o Guardian
para sa In-Person Classes
1. Pangkalusugan at kaligtasan
2. Katuwang sa pag-aaral
3. Paghubog ng disiplina at wastong kaugalian
4. Kalusugang sikolohikal (mental)
Pangkalusugan at Kaligtasan
1. Siguruhin ang pagsunod ng mag-aaral sa mga alintuntuning
ibinigay ng paaralan at ng local na pamahalaan patungkol sa
safety protocols.
2. Regular na suriin ang kalagayan ng mag-aaral bago pumasok
at pagkagaling sa paaralan.
3. Makakain ng masusustansyang pagkain ang mag-aaral at
makainom ng sapat na tubig sa buong araw.
4. Magkaroon ng personal na listahan ng mga emergency hotline
upang maging handa sa lahat ng sitwasyon.
Pangkalusugan at Kaligtasan