You are on page 1of 10

PAMPAARALANG

PATNUBAY/ALITUNTUNIN
1. Ang mga mag-aaral ay kailangang mag-suot ng
unipormeng pampaaralan na iniatas/itinakda ng
Pambansang Mataas na Paaralan ng Julia Ortiz Luis.
2. Ang mga mag-aaral ay kailangang
gumamit/magkabit ng kanilang ID.Mahigpit na
ipinagbabawal sa sinumang mag-aaral na gumamit ng
ID ng iba at magpahiram ng kanyang ID.
3. Ang mga mag-aaral ay dapat dumalo sa pagtataas
ng watawat sa ganap na ika-7 ng umaga tuwing Lunes.
4. Ang iskedyul ng pagsasara at pagbubukas ng pinto
ng paaralan ay ang mga sumusunod:
7:30 pagsasara araw-araw sa umaga at 1:00 sa hapon
11.30 pagbubukas ng pinto sa umaga at 4:00 sa hapon
5. Ang mga mag-aaral na lumiban sa klase o hindi
pumasok sa ibang klase ay kinakailangang
magpakita ng sulat sa kanyang guro na may lagda
ng kanyang magulang/tagasubaybay o Gurong
tagapayo na nagsasaad ng kadahilanan sa kanyang
pagliban,pagkahuli o di pagpasok sa klase.

6. Mahigpit na ipinagbabawal ang


pagdadala/paggamit ng mga sandatang
nakamamatay,anumang pumuputok na
nakapananakit at kauri nito sa loob at labas ng
paaralan.Ang sinumang mag-aaral ay ititiwalag
matapos maipagbigay alam sa kanyang
magulang/tagasubaybay.
7. Mahigpit na ipinagbabawal ng paaralan sa mga
mag-aaral ang:

a. pagsusugal at pagnanakaw lalo na sa ari-arian ng


paaralan.
 b. paninigarilyo at pag-inom ng nakalalasing na

inumin sa loob ng paaralan.


 c. pagsuway/paglaban sa guro o kawani ng paaralan
 d. pananakit sa kapwa mag-aaral, pagbuo at

pagsama sa mga gang, fraternity at sorority.


 e. pandaraya sa panahon ng pagsusulit.
 f. paninira sa mga kagamitan/kasangkapan ng

paaralan,pagsulat sa mga pader, mesa, upuan,


dingding atbp.
 g. paghuhuwad,pagtutulad o pagpapalsipika sa lagda ng sinumang
guro o kawani ng paaralan.

 h.ang walang katuturang paglaboy o paggala sa pasilyo ng paaralan


at paglalaro sa gymnasium sa panahon na may klase ang mga mag-
aaral.

 i. pagpunit sa mga pahina ng mga aklat at mga magasin,peryodiko


at iba pang babasahin na pag-aari ng paaralan.

 j. pagkakabit ng hikaw sa tenga o saan mang bahagi ng katawan ng


lalaking mag-aaral

 k. pagkukulay ng buhok at pagpapahaba ng buhok sa mga lalaking


mag-aaral

 l. pagsusuot ng shorts at maluluwang na pantaloon sa oras at araw


ng klase.
 8. Ang sinumang mag-aaral na mabatid at mapatunayang
lasing na pumasok sa loob ng paaralan at lalo na kung siya
ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga ipinagbabawal na
gamot o kaya may dala,nagbebenta o naghihikayat sa mga
mag-aaral na gumamit/uminom ng ipinagbabawal na gamot
ay agad na ipatatawag ang kanyang mga
magulang/tagapag-alaga para ipagbigay alam ang kanyang
suliranin,pagkasuspinde o pagkatiwalag sa listahan ng mga
mag-aaral o irerekomenda sa mga ahensya ng gobyerno na
nakasasakop dito.

 9. Ang sinumang mag-aaral na may problema o suliranin


tungkol sa kanyang kapwa mag-aarala o sa mga batang
hindi mag-aaral (OSY) ay kinakailangang sabihin at ipagtapat
sa kanyang gurong tagapayo o sa sinumang guro,security
guard o kawani upang mabigyan ng kaukulang solusyon.
 10. Ang mga mag-aaral na may hinaing o
problema sa kanyang guro/mga guro o kawani ng
paaralan hinggil sa pagtuturo,pakikihalubilo at
pagtrato nila sa mga mag-aaral ay kinakailangang
magpunta sa tanggapan ng Puno ng Departamento
na nakasasakop sa guro o s Guidance Coordinator
ng paaralan kung kawani ang dahilan at ipagtapat
ang mga bagay na ito para maliwanagan at
mabigyan ng kaukulang hakbang at solusyon.

 11. Ang mga mag-aaral na di pumasa sa ibang


asignatura ay pinapayuhang mag-aral o pumasok
sa summer class upang maiwasan ang
pagdaragdag ng taon ng pag-aaral.
 12. Ang tanggapan ng Punong-guro ay bukas sa
lahat ng mag-aaral,guro,kawani at magulang
upang makipag-ugnayan para sa kabutihan at
kaunlaran ng paaralan lalung-lalo na ang mga
mag-aaral.

 13. Ang pampaaralang patnubay o alituntuning ito


na ipinaiiral ng Pambansang Mataas na Paaralan ng
Julia Ortiz Luis ay dapat tuparin at sundin ng
walang pasubali ng bawat mag-aaral sa
pamamatnubay at tulong ng mga guro,kawani at
mga magulang upang makamtan at mapanatili ng
buong husay ang kaayusan,kaunlaran,katahimikan
at kapayapaan sa loob at labas ng paaralan.
PENALTIES AND PROHIBITED ACTS

A.The penalty shall be commensurate to the offense


committed. The following are the corresponding
penalties that shall be given to a learner:
i. Minor Offense

 1st Offense – Reprimand with counseling with parent


 2nd Offense – Suspension of 1-2 days with
counseling with parent
 3rd Offense – shall be treated as a less grave offense,
thus 3 days suspension
ii. Less Grave Offense

 1st Offense – Suspension which shall not exceed three (3) days
 2nd Offense – Suspension for 4-6 days
 3rd Offense – shall be treated as a grave offense, thus 7 days

iii. Grave Offense

 1st Offense – Suspension for seven (7) days


 2nd Offense – Suspension for more than seven (7) days but not more
than one (1) year – refer to the SDS for approval
 3rd Offense – Suspension for one (1) year or more – refer it to the
Secretary for approval
 4th Offense – Expulsion – refer to the Secretary for approval

You might also like