You are on page 1of 2

Mahal na Magulang,

Ang pamunuan at lahat ng mga guro at kawani ng BAYOMBON HIGH SCHOOL ay may karapatang
ipatupad ang mga Patnubay/Kautusan para sa pananatili ng disiplina,kaayusan at kapayapaan sa loob
at labas ng paaralan.Ang nasabing patnubay ay ang mga sumusunod:

1. Alamin ang schedule ng inyong anak.Humingi ng schedule/program para malaman ninyo


ang oras ng pagpasok at pag-uwi ng inyong anak. Ang palagiang pagpasok sa paaralan
ng maaga at regular ay iyong subaybayan.
2. Ang palagiang pagbisita o pakikipagkita sa mga guro o tagapayo ng inyong anak ay
kailangan upang matiyak at malaman ang mga gawain at marka ng anak sa nasabing
panahon ng markahan, sa Araw ng Magulang at iba pang mga araw kung kinakailangan.
3. Sa mga pagkakataong may suliranin tungkol sa inyong anak ang guro o mga guro, kayo
ay aanyayahan sa pamamagitan ng sulat o bibisitahin sa tahanan.
4. Kailangang magsuot ng wastong uniporme at ID habang nasa loob ng paaralan ang
inyong anak.
5. Palagiang siyasatin ang mga kuwaderno para malaman ang mga asignatura at gawaing
bahay ng inyong anak.
6. Ipaalam sa mga guro kung ang inyong anak ay lumiban at padalhan ng liham paumanhin
sa pagbalik sa klase.
7. Magbigay ng pahintulot na inyong pipirmahan kung ang inyong anak ay kailangang
pumunta sa paaralan kung Sabado,Linggo o Holiday at kung may mga pampaaralang
gawain katulad ng fieldtrip at iba pa.
8. Ang pagkawala ng anumang personal na bagay ng mga mag-aaral sanhi ng kapabayaan
ay hindi pananagutan ng paaralan.
9. Ugaliin ang pagtatanong sa kinauukulan kung may kontribusyong hinihingi ang inyong
anak.
10. Ang mga mag-aaral ay kailangang magsuot ng “footsocks” kung papasok ng silid-aralan
upang mapanitili ang kalinisan nito.
11. Ang mga aklat na hiniram ng inyong anak sa loob ng isang taon ay kailangang
mapanatiling maayos at malinis. Bago magsara ang klase ay kailangan ding maisauli na
may plastic cover at maayos. May kaukulang bayad ang librong nawala.
12. Ang alinman sa mga sumusunod ay maaring maging sanhi ng “serious disciplinary
action” tulad ng suspension,probation o dismissal:
a. Pauli-ulit na pagsuway sa mga alituntunin ng paaralan.
b. Madalas o pulit-ulit na pagliban sa klase sa hindi katanggap-tanggap na dahilan.
c. Ang tuwirang hindi pagtanggap o pagsunod ng anumang patatama o disciplinary
punishment.
d. Anumang uri ng pandaraya sa pagsusulit , asignatura, o lagda ng mga kinauukulan.
e. Hindi magandang pag-uugali kagaya ng pagsagot ng pabalang o hindi magandang
salita.
f. Pagkakalat sa loob ng silid-aralan at paaaralan.
g. Pagnanakaw sa loob ng paaralan o sa labas man na napatunayang totoo.
h. ”Extortion” o paghihingi sa kapwa mag-aaral o maging sa labas man.
i. Pang-iinsulto sa mga guro o sinuman sa paaralan.
j. ”Vandalism” o pagsusulat at paninira sa anumang pagmamay-ari ng paaralan.
k. Pananakit o pananakot sa kapwa mag- aaral o guro sa loob o labas ng paaralan.
l. Pagdadala ng mga taong tagalabas na nauwi sa pagkakaroon ng kaguluhan sa mga
mag-aaral, guro o sinumang tauhan ng paaralan.
m. Pagdadala o paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
n. Paninigarilyo,pagdadala o pag-inom ng alak.
o. Pagdadala ng baraha at pagsusugal sa loob ng paaralan.
p. Pagdadala ng anumang malalaswang babasahin , larawan o videos.
q. Pagdadala ng mga nakamamatay na mga sandata tulad ng baril, kutsilyo, fan knife,
chaku, tear gas, brass knuckle, icepick, at iba pang matutulis na bagay.
r. Pagsuot ng mga lalaki ng hikaw o costume jewelries o di – kulay na buhok.
s. Pagkakaroon ng tattoo sa alinmang bahagi ng katawan.
t. Pag gamit ng cellular phone habang may klase.
u. Paninira ng gamit ng paaralan o mga guro / kamag – aaral.
Para sa kabutihan ng inyong anak ang inyong lubos na pakikipagtulungan ay aming hinihingi.
Ang kasunduang ito ay magkakabisa mula sa pagpasok sa paaralang ito hanggang sa ika-apat na taon
hanggang sa lumipat ng paaralan o hanggang sa ang mag-aaral ay huminto sa pag-aaral.

You might also like