You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A, Division of Rizal, Tanay Sub-Office

CUYAMBAY
NATIONAL HIGH SCHOOL

MGA ALITUNTUNIN NG PAARALAN


PANGKALAHATANG TUNTUNIN SA KILOS/GAWI SA PAARAN
1. Magsuot ng malinis at nararapat na kasuotang pampaaralan, ugaliing nakakabit ang ID. Huwag ding
kalimutan ang pagsusuot ng Facemask at pagdadala ng sariling alcohol.
2. Pumasok at palaging dumalo sa klase. Kung maari ay pumasok sa paaralan sampung minuto bago ang
regular na klase.
3.  Ipagbigay—alam kaagad sa guro kung liliban sa klase ng hindi inaasahan.
4. Igalang ang lahat ng kawani ng paaralan. Magalang na bumati sa mga guro at iba pang kawani sa
paaralan.
5. Umiwas sa pagsali sa mga illegal na samahan.
6. Iwasan ang pagdidikit ng mga illegal na poster at pagsusulat o pagdudumi sa mga dingding at pader ng
paaralan.
7. Umiwas sa mga di kanais-nais na gawain tulad ng pangingikil, pangongotong, pagnanakaw at
pambu.bully.
8. Maging mabuting halimbawa o modelo sa komunidad.

PANGANGALAGA SA MGA PAG-AARI NG PAARALAN


1. Lagyan ng cover ang mga aklat o module kung kinakailangan, iwasan ang pagpunit o pagsulat sa bawat
pahina ng mga ito.
2. Panatilihing malinis ang mga dingding, hagdan, bakod at tarangkahan ng paaralan.
3. Panatilihing malinis ang mga upuan at mesa, iwasan ang   pagsulat  sa  mga ito.
4. Pangalagaan ang mga halaman at bulaklak sa hardin ng paaralan.
5. Linisin ang mga kasangkapan at kagamitan, ibalik sa tamang lugar matapos itong gamitin.
6. Gamitin nang maayos ang mga kagamitang panlaro.

SA KANTINA
1. Huwag magsisikan sa canteen at ugaliing magbigay sa iba. Panatilihin ang distansya sa isat isa.
2. Ibalik ang mga tasa, baso, kutsara at iba pang kagamitan sa pagkain matapos itong gamitin.
3. Panatilihing malinis ang kantina.
4. Tangkilikin ang mga produkto/paninda sa kantina ng paaralan.

PAGGAMIT NG MGA LUGAR PAMPAARALAN  SA PALIKURAN


1. Panatilihin ang kalinisan ng upuan, hugasan ng kamay, dingding at sahig ng palikuran.
2. Buhusan ang inidoro matapos itong gamitin.
3. Iwasang magkaroon ng pagbabara sa mga inidoro.
4. Maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran.
5. Iwasang kumain,maglaro at mag-aral sa loob ng palikuran

MGA DAPAT TANDAAN

● tungkulin ng mga mag-aaral na mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng paaralan. Ingatan ang lahat ng
kagamitan sa loob ng paaralan. Itapon ang anumang basura sa tamang lagayan.
● maari lamang makipagkita at makikipag-usap sa mga guro kung bakanteng oras nila o walang klase ang
nasabing guro. Makipag-ugnayan muna sa tanggapan ng tagapagpatnubay. (Guidance counselor)
● ipinagbabawal sa mga mag-aaral ang pagpasok sa paaralan tuwing Sabado at Linggo ng walang pahintulot ng
punongguro.
● ang magulang ng bawat mag-aaral ay kailangang dumalo sa mga itinakdang pulong ng guro at paaralan.

____________________________________________
(Lagda sa taas ng pangalan ng magulang/tagapangalaga)

____________________
Petsa

School ID: 308127Address: SitioTablon Brgy.Cuyambay Tanay, Rizal Facebook: Deped Tayo Blue Rizal – Cuyambay National High School (Official)
Email: 308127@deped.gov.ph Contact Numbers: 09125524048

You might also like