You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
SAN RAFAEL NATIONAL TRADE SCHOOL

Mga Alituntunin at Patakaran ng Sta. Catalina Bata National High School na Dapat Mabatid at Sundin

Saligan
Ang San Rafael National Trade School bilang isang institusyon ay nagnanais magkaroon ng isang kapaligiran na may
pagkakasunduan at pagkakapantay- pantay. Naglalayon din itong luminang at pagyamanin ang kaisipan at kakayahan ng mga
mag- aaral sa lalo pa nilang ika- uunlad. Isa rin sa adhikain nito’y ang umagapay at magmalasakit sa mga magulang sa
paghubog sa kabuuan ng mga bata upang sila’y maging yaman at katangi-tanging mamamayan ng bayan.
Para maisakatuparan ang layuning ito at maipakita ang pakikiisa, pagkatututo sa tamang disiplina at upang higit na ma
protektahan at mapangalagaan ang mga mag-aaral ng paaralan , ang wastong pagtalima sa mga sumusunod na alituntunin at
patakaran ay hinihiling.

I. Magulang/ Tagapag- alaga


a. Dumalo at makiisa sa pagpupulong na ipinatawag ng paaralan
b. Kumuha ng report card, pirmahan at lagyan ng puna sa nakatakdang espasyo
c. Makipag- ugnayan ukol sa suliranin ng anak lalo na kung ipinatatawag ng guro
d. Magpadala ng liham sa mga guro kung lumiban ang anak
e. Personal na sunduin ang anak kung may sitwasyong hindi inaasahan upang maipabatid sa mga guro ang
dahilan
f. Ipaalaala sa anak ang patakaran at alituntunin ng paaralan
g. Tiyaking pumapasok ang anak at gumagawa ng mga gawaing pampaaralan
Paalala: Ang hindi pagdalo sa pagpupulong at hindi pakikipag-ugnayan sa mga guro kung ipinatatawag ay
nangangahulugang pagpapakita ng kawalang-interes na bumuti ang kalagayan ng anak.

II. Mag- aaral


A.Kasuotang Pampaaaralan (JHS)
LALAKI
1. Puting polo na may logo ng paaralan sa bulsa sa kaliwang dibdib
2. Pantalon na itim (slacks). Ang maong, baggy pants o sobrang maluwang, at baston o sobrang masikip na
pantalon ay ipinagbabawal
3. Puting sandong pang-ilalim o walang manggas na T- shirt
4. Itim na balat na sapatos
5. Itim na medyas
6. Wastong I.D. 
   BABAE
1. Puting  blusa
2. Checkered na paldang itinakda ng paaralan na hindi lalagpas at tataas ng 3 pulgada mula sa tuhod.
3. Itim na balat na sapatos.  Hindi pinahihintulutan ang pagsusuot ng gomang sapatos o sapatos na may mataas
na takong.
4. Puting medyas
5. Necktie na may logo ng paaralan
6. Wastong I.D
B. Kasuotang Pampaaaralan (SHS)
LALAKI
1. Puting Polo na may logo ng paaralan sa bulsa sa kaliwang dibdib,may piping ½ inch sa bulsa, Sports Collar,
Waist Band/Paha-3 inches.
2. Pantalon na itim (slacks). Ang maong, baggy pants o sobrang maluwang, at baston o sobrang masikip na
pantalon ay ipinagbabawal
3. Itim na balat na sapatos
4. Itim na medyas
5. Wastong I.D. 
   BABAE
1. Puting blusa na flat collar , ang manggas ay ¾ inch ang haba na may piping na ½ inch, ribbon ½ inch.
2. Palda na kulay Maroon- A-LINE ang yari, ang haba ay knee level.
3. Sapatos -black 1-1/2 inch ang takong.
4. Wastong I.D.
            Kasuotang pam-P.E.
1. Itinakdang uniporme ng paaralan
2. Gomang sapatos
3. Puting medyas
4. Isusuot lamang sa itinakdang araw.
Paalaala: Sa kadahilanang ang pagsusuot ng itinakdang uniporme ay napagkasunduan ng mga magulang ( sa
kabila ng ipinatutupad na regulasyon sa pagsusuot ng uniporme), ang implementasyon ng mga nabanggit na
alituntunin ay maingat na ipatutupad.
B. Ayos Pangkatawan
            LALAKI
Ang mga sumusunod ay hindi pinahihintulutan:
1. ang pagpapakalbo o nakatatawag pansing gupit at paglalagay ng ”accesories” sa buhok gaya ng
supil,pagpapahaba ng buhok ,ang pagkukulay ng buhok at pagsusuot ng hikaw ,
2. ang paglalagay ng eyeliner ,
3. ang pagsusuot ng labis na” accessories” gaya ng chokers, spike bollers at iba pa na kagaya ng nabanggit,
4. ang pagpapahid ng gel, baby oil, suave at iba pang katulad nito sa buhok upang maayos ito sa istilong
makatawag-pansin,
5. ang pagkukulay ng kuko at ang pagpapahaba ng mga ito
            BABAE
1. ang pagsusuot ng sobrang alahas at lawit na hikaw,
2. ang paglalagay ng make- up,
3. ang pagpapakulay sa buhok; ayusin ang buhok ng simpleng ayos.

C.   Sa Silid-Aralan/ Paligid ng Paaralan


Ang mga sumusunod ay mahigpit na ipinagbabawal:
1. ang paglabas sa paaralan ng walang sapat na pahintulot upang maiwasan ang anumang pangyayaring hindi
inaasahan,
2. ang pagpasok ng huli sa klase,
3. ang pag ”cutting classes” o hindi pagpasok sa lahat ng asignatura,
4. hindi pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, katahimikan at kagandahan ng silid-aralan at palikuran ng paaralan
may guro man o wala,
5. ang paninira at pagsusulat ( vandalism) sa mga dingding, upuan, mesa, aklat at iba pang kagamitang
pampaaralan
6. pamimitas ng bulaklak, bungang kahoy o paninira sa mga halaman at puno,
7. hindi paggalang sa Watawat ng Pilipinas,
8. hindi paggalang at pagsunod sa mga namumuno, kawani, guro at iba pang tauhan ng paaralan maging sa salita
o sa kilos,
9. ang pambu ”bully” o pananakot sa mas mahinang kamag- aral,
10. pangingikil o panghihingi ng kahit na anumang bagay sa pamamagitan ng pananakot,
11. ang pagdadala ng mahahalaga at mamahaling gamit gaya ng sobrang salapi, alahas, cassette,
cellphone,camera atbp.,
12. ang pagdadala ng matutulis na gamit o kagamitang nakapananakit gaya ng laseta,pasabog o ano mang gamit
na kauri nito,
13. pagsali sa “fraternity o sorority”
14. pagdadala ng inuming nakalalasing,
15. paninigarilyo at pagsusugal.
Paalala: Ang pagkawala o pagkasira ng mga personal na gamit ng mag- aaral dahil sa kapabayaan sa kabila
ng pagbabawal ay hindi pananagutan ng paaralan.

Parusang Igagawad ( Para sa mga mag- aaral)

Ang mga parusa ay iginagawad upang ang mag- aaral ay mahubog ng tama at hindi upang sila ay
maparusahan lamang. Ito ay ipapataw kapag ang sinuman ay lumabag sa alin mang alituntunin at patakaran.

Ang parusa ay iginagawad base sa mga sumusunod na dahilan:


1. upang itama at patatagin ang katangian ng mag- aaral,
2. upang matutunan ang kahalagahan ng pagsunod sa alinmang patakaran sa pagtataglay ng tamang
disiplina,
3. upang ikintal sa isip ng mag- aaral ang kahalagahan ng pagrespeto sa ipinasusunod na patakaran, at
sa nagpapasunod nito,at
4. upang maprotektahan ang bawat mag- aaral at pangalan ng paaralan.

Mga Parusang Igagawad


( ang/ ang mga parusa ay igagawad base sa ginawang paglabag, pag- uusap at pagdedesisyon ng
mga kinauukulan)

-Pag-uusap at kasunduan ng mag- aaral , guro o/at gurong tagapayo


-Pag- uusap at kasunduan ng mag- aaral, magulang, guro o/at gurong tagapayo
- Pag- uusap at kasunduan ng mag-aaral ,magulang at “Guidance Coordinator”
- Pag- uusap at kasunduan ng mag-aaral ,magulang at Punong Guro
Pagbibigay ng suhestiyon na lumipat ng ibang paaralan
Suspenyon( Suspension)
Ekspulsyon ( Expulsion)

Nabatid namin ang lahat ng alituntunin at patakaran ng paaralang ito, kung kaya’t buong galang naming inilalakip ang aming
lagda tanda ng pagsang-ayon.

___________________________ _________________________
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral Pangalan at Lagda ng Magulang

”Ang paaralan pong ito ay handang umagapay at makipagtulungan sa mga mag-aaral at magulang upang patuloy na
makapagkaloob ng ” Edukasyong may Kalidad”

You might also like