You are on page 1of 2

OSMEA COLLEGES

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


5400 Masbate City, Philippines

K A S U N D U A N
MAHAL NA MAGULANG

Ang pamunuan at lahat ng mga guro at kawani sa Mataas na Paaralang Osmea


Colleges ng Masbate City ay may katungkulang ipatupad ang mga Patnubay / Kautusan para
sa pananatili ng disiplina, kaayusan at kapayapaan sa loob ng paaralan. Ang nasabing
patnubay ay ang mga sumusunod:

1. Alamin ang schedule ng inyong anak. Humingi ng schedule / program para malaman
ninyo ang oras ng pagpasok at pag-uwi ng inyong anak. Ang palaging pagpasok ng
maaga at regular na pagpasok ay dapat na inyong subaybayan. Sa mga pagkakataon
na ang inyong anak ay lumiban o nahuli ng tatlong (3) beses, kayo po ay inaanyayahan
para sa isang pagpupulong at kapag naulit pa ay maaaring dahilan para sa disciplinary
action tulad ng nasasaad sa Bilang 11 nitong patnubay.
2. Kailangang magsuot ng wastong uniporme at ID habang nasa loob ng paaralan. Para sa
lalaki - pantalong Maroon, puting polo na may selyo puti na undershirt at itim na
sapatos. Para sa mga babae - maroon na palda, puting blusa, puting medyas at itim na
sapatos. Ang uniporme sa PE ay dapat isuot tuwing PE schedule lamang. Ang pagsuot
ng tsinelas ay papayagan lamang sa mga di maiwasang pagkakataon.
3. Ang tuwirang check-up ng gupit ng buhok ng mga lalaki ay kinakailangang military cut
para sa mga nasa ikaapat na taon. Mula sa una hanggang ikatlong taon, ang buhok ay
kailangang one inch mula sa taas ng kilay 3/4 inch ang taas mula sa tainga at
papanipis hanggang sa batok.
4. Palagiang siyasatin ang mga kwaderno para malaman ang mga asignatura at takdang
aralin ng inyong anak.
5. Ipaalam sa mga guro kung ang inyong anak ay lumiban at padalhan ng liham
paumanhin sa kanyang pagbalik sa klaseo kung may kakilalang pweding masuyo na
padalhan ng liham.
6. Ang mga mag-aaral na may bagsak o back subject ay kailangang mag-summer upang
matanggap sa susunod na pasukan o taon. Makipagusap sa mga guro at tagapayo ng
inyong anak tungkol sa kanyang katayuan, kalagayan lalo na tuwing tapos ng markahan
pagkatapos ninyong mapirmahan ang card.
7. Magbigay ng pahintulot na inyong pipirmahan kung ang inyong anak ay kailangang
pumunta sa paaralan kung sabado, lingo o holiday.
8. Ang pagkawala ng anumang personal na material na bagay na sanhi ng kapabayaan ay
hindi pananagutan ng paaralan.
9. Ugaliin ang pagtatanong sa kinauukulan kung may mga kontribusyong hinihingi ang
inyong anak. Ang alinman sa mga sumusunod ay maaaring maging sanhi ng serious
disciplinary action tulad ng suspension, probation o dismissal.

II. Mga dapat iwasan upang mapanatili ang kaayusan sa loob ng paaralan

1. Paulit-ulit na pagsuway sa mga alituntunin ng paaralan


2. Madalas o paulit-ulit na pagliban (absent o late).
3. Ang tuwirang hindi pagtanggap ng anumang pagtatama o disciplinary punishment.
4. Hindi magandang paguugali.
5. Anumang uri ng pandaraya sa pagsusulit o sa mga kinakailangan sa kanilang asignatura
6. Vandalism o ang pagsusulat at paninira ng anumang pag-aari ng paaralan
7. Pagkain at pagkakalat sa loob ng silid aralan
8. Pagnanakaw sa loob ng paaralan o sa labas man n napatunayang totoo.
9. Extortion o paghihingi sa kapwa mag-aaral sa loob at labas ng paaralan.
10. Pang-insulto sa mga guro o sinuman sa paaralan.
11. Pananakit sa kapwa mag-aaral sa loob o labas ng paaralan.
12. Pagdadala ng mga taong tagalabas na nauuwi sa pagkakaroon ng gulo sa mga mag-
aaral, guro o sinumang tauhan ng paaralan.
13. Pagdadala o paggamit ng ipinagbawal na gamot.
14. Pagsapi sa mga FRATERNITIES o organisasyong hindi pinagtibay ng tagapamahala
ng paaralan.
15. Paninigarilyo, pagdadala o paginom ng alak.
16. Pagdadala, pagbibili at pagpapaputok ng anumang uri ng firecrackers sa loob ng
paaralan.
17. Pagdadala ng baraha at pagsusugal sa loob ng paaralan.
18. Pagdadala ng anumang malalaswang babasahin o bagay.
19. Pagdadala ng mga nakakamatay na mga sandata tulad ng baril, kutsilyo, fan knife,
chaku, tear gas, brass knuckles, ice pick at iba pang matutulis na bagay.
20. Pagsuot ng lalaki ng hikaw o costume jewelries.
21. Bawal ang mag-aaral ng may tattoo.
22. Bawal ang pagpasok ng mga sasakyan sa kampus ng paaralan kung walang
maipakitang lisensya at sertipiko ng pagmamay-ari.

Ang Security Guards sa tulong ng mga guro ay palagiang magsasawa ng inspection bago
pumasok sa gate o sa loob ng silid-aralan.

Ang paaralan ay may karapatang magpaalis ng sinumang mag-aaral na hindi nakatutupad


sa mga alituntunin ng paaralan.

Para sa kabutihan ng inyong anak, ang inyong lubos na pakikipagtulungan ay aming


aasahan.

JERIC E. CABUG, LPT ROQUESA F. DAEP, LPT


Principal K TO 12 Headmaster

Mga Magulang/Guardian:

Ama / Ina

Estudyante:

Pangalan ng Studyante

You might also like