You are on page 1of 20

Republic of the Philippines

Department of Education
Schools Division of Bulacan
Parada National High School

BIRTWAL NA
ORYENTASYON PARA SA
MGA MAGULANG
Agosto 20, 2022
Oras: Ika-1 ng hapon
Malugod po namin kayong tinatanggap sa
Mataas na Paaralang Nasyunal ng Parada
Lupang Hinirang
Panalangin
Renee Rose L. Taduran

English Teacher
Grade 7-Ipil Adviser
Rizaldy C. Pidlaoan
“Sir Zaldy”
Principal IV
Ang paaralan ay magsasagawa na po ng limang araw na
pagpasok (face-to-face) ng inyong mga anak. Kaugnay po
nito ay mahigpit na ipapatutupad ang lahat ng “health and
safety protocols” na itinakda ng DOH, DepEd at ng IATF
upang siguraduhing ligtas ang inyong mga anak.

Ang pagsasagawa ng face-to-face classes ay naayon sa


pinirmahang DepEd Order No. 34 s. 2022 ng ating DepEd
Secretary, Sara Duterte.
Narito po ang ilan sa mahahalagang impormasyong dapat ninyong
malaman hinggil sa DepEd Order No. 34 kaugnay ng pagpasok ng
inyong mga anak.

- Mahigpit na ipinatutupad ang pagsusuot ng facemask.


Ang faceshield ay maaaring isuot kapalit ng facemask
kung mayroong gawain o aktibidad na kinakailangang
makita o ipakita ang mukha ng bawat isa.

- Panatilihin ang physical distancing

- Kinakailangang laging bukas ang pinto at bintana ng silid-


aralan upang makapasok ang hangin
- Ang mga mag-aaral, guro at mga kawani ay hindi
pinahihintulutan na kumain ng sabay-sabay at
magkakaharap sa isa't isa. Kung sakaling walang sapat
na espasyo sa silid-aralan o sa paaralan upang
magkaroon ng distansya sa isa't isa ay maaari namang
isagawa ang pagkain ng bawat isa na nakaharap sa
iisang direksyon at huwag makikipag-usap habang
walang suot na facemask
- Ang paaralan ay kinakailangang nakikipag-ugnayan sa
DOH upang mabigyan ng payo ang pamilyang wala pang
bakuna upang maipaliwanag ang kahalagahan at
benepisyo nito
- Kinakailangang kunin ang suporta at makatuwang ang
mental health associations or psychiatrist societies sa
kanilang lugar upang makasiguro sa kalusugang mental
ng bawat mag-aaral, guro at mga kawani
- Ang mga mag-aaral na nakararanas ng mga sintomas ng
COVID-19 ay pinapahintulutang lumiban sa klase at
maaaring isagawa ang distance learning. Hindi kasama
sa probisyong ito ang mga nasa ospital. Upang maiwasan
ng mga mag-aaral ang magkaroon ng ganitong sintomas
ay hinihinakayat ang mga magulang na subaybayan nila
ang estado ng kalusugan ng mga bata at sabihin sa guro
ang kalagayan ng kanilang kalusugan.
- Ang paaralan ay mayroong infection control plan at
containment strategy na handing isagawa kung sakali man
na magkakaroon ng positibo sa COVID-19 at iba pang
nakakahawang sakit.

-Walang pananagutan ang paaralan sa kahit na sinong


mag-aaral, guro o kawani na nagpositibo sa COVID- 19.
Health Protocols sa loob ng paaralan
• Ang paaralan ay mahigpit na ipapatupad ang “No FACEMSK, NO
ENTRY Policy” upang siguraduhin ang kaligtasan ng lahat.
• INAASAHAN na pagpasok sa paaralan ay nasa magandang
kondisyon ang katawan at walang ibang sakit na nararamdam.
• KUNIN ang temperatura pagpasok ng gate at itala sa kapirasong
papel.
• UGALIIN ang pagsasanitize o paghuhugas ng kamay. Ang
paaralan ay may mga handwashing facilities at mga alcohol
dispenser na maaring gamitin.
• PANATILIHIN ang social distancing.
• MAGDALA ng sariling “ballpen” upang maiwasan ang hiraman sa
pagpirma.
Student’s
Handbook
Ilan pang mahahalagang paalala.

Pumasok sa itinakdang oras. Panatilihin ang physical


distancing sa pagpasok at paglabas sa paaralan.
Ang mga mag-aaral ay hinihikayat na magsuot ng
uniporme ngunit kung wala pa ay maaari munang magsuot
ng puting damit at pantalon. Magsuot din ng sapatos at
hindi ng tsinelas o sandals.
Siguraduhin ang angkop na gupit at kulay ng buhok para
sa mga lalaki. Gayundin ang kulay ng buhok sa mga babae.
Ang pagsusuot ng hikaw sa mga kalalakihan ay mahigpit na
ipinagbabawal. Pinapahintulutan ang mga babae na
magsuot ng iisang pares lamang na hikaw.
Magdala ng sariling alcohol at ekstrang facemask.
Magdala ng sariling kagamitan sa pagkain kagaya ng kutsara
at tinidor, plato , at baso.
Maraming Salamat po at nawa ay makatuwang po
namin kayo upang siguraduhing ligtas at magiging
matagumpay ang taung panuruan na ito.

Bukas po ang aming komunikasyon sa inyong mga


katanungan hinggil sa pag-aaral ng inyong mga
anak. Narito po ang aking numero 09324528736 at
facebook.

You might also like