You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Quezon
RECTO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Tiaong, Quezon
GUIDANCE & COUNSELING OFFICE

STUDENT DISCIPLINE
(Revised 2023)
A. Pagkakasalang Magaan

1. Anumang uri ng pagkakalat


2. Hindi tamang paggamit ng ID
3. Hindi tamang kasuotan na naayon sa Deped Order No. 46, s. 2008.
4. Hindi tamang ayos ng buhok sa mga kalalakihan tulad ng mahaba, pagkukulay at pagpapakalbo.
5. Pagpapakulay ng buhok ng mga kababaihan.
6. Pagsusuot ng hikaw ng mga kalalakihan, paghihikaw ng mga kababaihan ng higit pa sa isang pares.
7. Pagbubutas sa dila o sa alin mang parte ng mukha o katawan, o pagpapalagay ng tattoo bilang
palamuti.
8. Paglikha ng ingay habang nagkakaklase.
9. Paggamit ng cellphone at iba pang “gadgets” habang nagkaklase.
10. Paglabas sa klase ng walang pahintulot at paglabag sa “School Safety Protocol”, kung saan ang
mga estudyante ay nararapat manatili lamang sa mga lugar at oras na itinalaga sa kanila.
Unang Pagkakasala: “Parent Needed”, pakikipagusap ng magulang sa ADVISER, at GUIDANCE DESIGNATE
pagpapahayag ng nagawang kasalanan, sa pamamagitan ng pagsulat ng bata, kaakibat
ang pangako na hindi na uulit. Gagawan ng Anecdotal Record (AR) ang bata.
Ikalawang Pagkakasala “Parent Needed” , pakikipagusap ng magulang sa GUIDANCE DESIGNATE at GUIDANCE
COUNSELOR, pagpapahayag ng nagawang kasalanan, sa pamamagitan ng pagsulat ng
bata, kaakibat ang pangako na hindi na uulit. Gagawan ng Anecdotal Record ang bata, at
isusumite sa Guidance Office kasama ang naunang AR.
Ikatlong na Pagkakasala Pakikipagusap ng magulang sa Guidance Counselor, at pagdaan
sa deliberasyon ng “Child Protection Committee”/ PRINCIPAL , para
sa deliberasyon sa paglipat o pananatili ng bata sa paaralan.
B. Pagkakasalang Mabigat
11. Paglaban, pagmumura, o pagbibitiw ng masamang salita sa mga kapwa kamag-aral, guro, kawani at
mga namumuno sa paaralan.
12. Bandalismo tulad ng pagsusulat sa mga dingding, upuan, pagpunit sa mga pahina ng aklat o iba pang
kauri nito, at pagsira ng iba pang gamit na pagaari ng paaralan.
13. Panguumit ng pera o gamit ng kamag-aral, guro, o ninuman, at pagnanakaw ng gamit ng paaralan.
14. Pangingikil sa kapwa mag-aaral, pagpapatubo o iba pang kauri nito.
15. Paginom ng mga nakalalasing na inumin sa loob ng paaralan o pagpasok sa paaralan sa ilalim ng
impluwensiya ng alkohol o droga.
16. Paghahamon ng away, pagbabanta o pananakot sa mga kamagaral, guro o kahit sinong kawani ng
paaralan.
17. Paguulot o pagsi-“set” ng away sa mga kapwa mag-aaral.

18.
Anumang uri ng pagsusugal.
19.
Paninigarilyo sa loob ng paaralan
20.
Pagpapakita ng kalaswaan sa kilos o pananalita sa kapwa kamagaral, guro o kawani ng paaralan
21.
Pakikiisa, pagsali o pagbuo ng fraternity, sorority, “clan”, etc
22.
Paninirang puri laban sa kapwa magaaral, guro o mga kawani ng paaralan.
23.
Lahat ng uri ng pambu-“bully” (physical, emotional, psychological, “cyber-bullying”, etc.)
24.
Pagpapalsipika ng mga tala o records at iba pang kauri nito, pamemeke ng pirma ng magulang o
awtoridad ng paaralan.
25. Pandaraya sa mga pagsusulit.
26. Pagdadala ng malalaswang larawan o babasahin, CD’s o videos sa cellphone.
Unang Pagkakasala: “Parent Needed” , pakikipagusap ng magulang sa ADVISER, GUIDANCE DESIGNATE at
GUIDANCE COUNSELOR, pagpapahayag ng nagawang kasalanan, sa pamamagitan ng
pagsulat ng bata, kaakibat ang pangako na hindi na uulit. Gagawan ng Anecdotal Record
(AR) ang bata.
Ikalawang Pagkakasala Pakikipagusap ng magulang at pagdaan sa deliberasyon ng “Child
Protection Committee”/PRINCIPAL, para sa deliberasyon sa paglipat
o pananatili ng bata sa paaralan.
C. Pinakamabigat na Pagkakasala

1. Pagbebenta o paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa loob ng paaralan.


2. Pagdadala ng armas at iba pang mga sandatang nakamamatay gaya ng baril, balisong, kutsilyo,“four-finger”
at iba pang kauri nito.
3. Paglikha o pakikisali sa anumang kaguluhan o kaharasan sa paaralan na maaaring magbunsod ng pagkasira
ng istraktura, gamit ng paaralan, o kapahamakan ng sinuman.

Unang Pagkakasala: Pakikipagusap ng magulang sa GUIDANCE COUNSELOR, “Child Protection


Committee”/PRINCIPAL,
para sa deliberasyon sa paglipat o pananatili sa paaralan o “referral”
sa ibang ahensya kagaya ng DSWD atbp.

 Sa mga pagkakataong nadesisyunan ang bata sa paglipat ng paaralan, makakatanggap lamang ng Certficate
of Enrolment and bata at hindi Certificate of Good Moral Character mula sa paaralan.
MGA ALITUNTUNIN SA PAGLIBAN NG BATA
PAGLIBAN NANG WALANG SAPAT NA DAHILAN:
(Absence Without Valid Reason)

1. Pagpapatawag ng ADVISER sa magulang ng bata para sa ikatlong ulit na pagliban ng walang sapat na dahilan,
ito man ay “consecutive” o sunod sunod na araw, o pa –isa isa.
2. Sa ika-anim na liban ng bata nang walang sapat na dahilan, ipatatawag na muli ang magulang ng bata at
ihaharap sa GUIDANCE DESIGNATE. Gagawan ng Anecdotal Record (AR) ang bata.
3. Sa ika-siyam na liban ng bata nang walang sapat na dahilan, ipatatawag na muli ang magulang ng bata.
Gagawan na muli ng AR ang bata at ihaharap sa Guidance Counselor para sumailalim sa counseling.
4. Sa ika-labing dalawang liban ng bata nang walang sapat na dahilan, ipatatawag na muli ang magulang ng bata
at ihaharap sa CHILD PROTECTION COMMITTEE/PRINCIPAL para sa “evaluation” at deliberasyon.

PAALALA:
 Ang isang “cutting” ay katumbas ng isang araw na pagliban. Ang tatlong beses na pagkahuli ay katumbas
ng isang araw na liban.

 Sa mga pagkakataong hindi madala ng bata ang magulang sa anumang kadahilanan sa kabila ng paulit-ulit
na patawag, inererekomenda ang pagbisita sa bahay o “home visitation”ng ADVISER.

 Ang 20% o dalawampung bahagdan ng pagliban ng walang sapat na dahilan ay maaaring maging sanhi ng
pagkahulog ng bata sa kasalukuyang taon. Gayundin, and pagliban ng bata ng walang sapat na dahilan na
aabot ng 20% sa isang asignatura ay maaaring maging dahilan ng pagkahulog nito sa naturang “subject”.

PAGLIBAN NANG MAY SAPAT NA DAHILAN:


(Absences With Valid Reason)

1. Para sa pagliban nang may sapat na dahilan kagaya ng pagkakasakit o ng simpleng ubo, sipon, lagnat, dinala
man sa pagamutan o hindi, ay kailangan lamang ng sulat ng magulang sa unang pagkakasakit.

2. Para sa pagliban sa pangalawang beses na pagkakasakit, aanyayahan na ang magulang na personal na


dumulog sa paaralan at pumirma sa Anecdotal Record kaharap ang Adviser at Guidance Designate.
3. Para sa ikatlong beses o higit pang pagliban na dulot ng pagkakasakit, hinihikayat na magdala na ng Medical
Certificate ang magulang ng bata at haharap sa Guidance Designate at Guidance Counselor, at pipirma sa
Anecdotal Record.
4. Para sa pagliban nang may sapat na dahilan gaya ng malubhang pagkakasakit o operasyon, problemang
pampamilya, problemang personal o pinansyal, mga di inaasahang pangyayari atbp., ay mangyaring
makipagugnayan agad sa Guidance Counselor/Principal para sa counseling at/o referral.

You might also like