You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
Inklosyur Para sa Pansangay na Memorandum Bilang ____, s. 2020

Mungkahing Gabay Para sa Magulang Bilang Para-Teacher

Sanhi ng Covid-19 Pandemic, ang face to face learning modality ay hindi maaaring isagawa sa paaralan, sa
halip ay homeschooling ang gagawin upang maipagpatuloy ng learner ang kanilang pag-aaral sa elementarya/high
school.
Sa homeschooling, maaaring gamitin ang mga sumusunod; computer, smartphone at iba pang gadget
(kung mayroon nito sa bahay), kung wala ang mga nabanggit na mga gamit, magtuon sa paggamit ng printed
modules, at radio and TV-based instruction (mula ito sa DepEd).
Bilang stakeholder o may pakialam, kailangan magtulungan ang guro at parent/guardian sa pagsasagawa
ng homeschooling na kung saan bawat isa ay may gampanin.

Stakeholder Gampanin
1. Guro  Maghanda ng aralin sa pamamagitan ng Weekly Home Learning Plan (WLHP) na
nakabatay sa printed modules;
 I-assess/evaluate ang mga WHLP, activity sheet na sinagutan ng learner;
 Magbigay ng iba pang form of assessment upang masukat ang pagkatuto ng
learner; at
 Magbigay gabay/follow-up sa mag-aaral o parent/guardian gamit ang cellphone at
iba pang paraan.
2. Parent/Guardian  Tagasubaybay ng anak sa loob ng tahanan upang matiyak na naisasagawa ng
learner ang kanyang aralin; at
 Tagakuha/tagasauli ng modules ng anak sa paaralan.

Sa pagsubaybay ng parent/guardian sa pag-aaral ng anak sa loob ng tahanan, mahalaga na may taglay


silang kasanayan o skill upang malinang ang interes ng anak sa pag-aaral. Sa ganitong aspeto, sila ay tatawaging
para-teacher.
Tungo sa layuning maikintal ang disiplina sa pag-aaral at ma-develop ang study habit ng anak,
iminumungkahi ang mga sumusunod na gawain:

Gawain Paano Isasagawa


1. Magkaroon ng  Magkaroon ng tiyak na daily routine (palagiang gawain sa araw-araw);
positibong  Ipaskil sa dingding ang schedule:
kapaligiran sa  oras sa pagsasagawa ng gawaing-bahay gaya ng paglalaba,
tahanan paglilinis, at iba pa;
 oras sa pag-aaral ng anak (batay ito sa schedule na binigay ng
guro); dapat ay may study area ang anak;
 oras para sa libangan o bonding ng pamilya gaya ng pag-
eexercise, pagtatanim ng halaman o kwentuhang pampamilya
o laro (scrabble, bingo atbp.); at
 iwasan ang madalas na paglalaro sa cellphone at matagal na
panonood ng TV show.
 Magpulong ang buong pamilya at ihayag na ipapatupad ang patakarang ito para
sa kapakaran ng pag-aaral ng mga bata.
2. Magkaroon ng  Pahalagahan/bigyang pansin ang ano mang accomplishment o nagawang tama
positibong ng anak; sabihin ang very good/salamat bilang pagbibigay pansin;
interaksyon  Kung mali/di-tama ang ginawa ng anak, iwasan na pagalitan o mag-taas ng
(ugnayan) sa loob boses; sa halip ay kausapin nang mahinahon; kung makulit-gumamit ng reverse
ng tahanan psychology;
 Makinig sa sinasabi ng anak/pakinggan ang anak lalo na kung emosyonal ito;
Tandaan: Bilang magulang, ibayong na unawa at pasensya ang dapat ibigay sa
mga anak.
 Kung mataas ang boses ng anak, huwag tapatan ng taas ng boses ng magulang,
sa halip gawin ito:
o Bumilang ng isa hanggang sampu;
o Magbuntong-hininga at sabihin sa isip na “relax lang, kalma lang”;

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
3. Matutong kontrolin o Hintayin na humupa ang init ng ulo o pagkainis bago magsalita ng
ang sariling anuman.
galit/pagkainis sa Tandaan: Lumalayo ang damdamin ng anak ng kung palaging galit ang
lahat ng magulang. Kung anong ugali ang nakikita ng anak sa magulang,unti-unti ay
pagkakataon naikikintal ito sa puso, isip at gawi ng anak. Sa madaling salita, maging mabuting
halimbawa ang magulang para sa anak.

Hinggil naman kung paano ang pagsubaybay sa anak sa mga aralin nito lalo na’t nasa kinder-hanggang
Grade 3, nakapaloob sa acronym na MAGULANG ang dapat gawin:

M asigasig, (na) ─ Ipakita sa anak na interesado ang magulang sa lesson ng anak;


A lamin ─ Maunang basahin ang lesson ng anak upang magkaroon agad ang
magulang ng ideya kung ano ito. Kung may katanungan, sumangguni sa
guro.
G amayin, (at) ─ Sanayin ng magulang ang sarili na dapat batid niya ang pag-aaralan ng
anak.
U nawain, (ang) ─ Intindihin kung ano ang nilalaman ng aralin lalo na sa Kinder-Grade 3
(ang mag-aaral sa Grade 4-6, Junior, Senior HS ay may kakayahan na sa
independent learning)
L esson, (ng) ─ Aralin sa bawat subject/asignatura.
A nak, (para sa) ─ Ang dahilan kung bakit ang magulang ay nagsusumikap sa buhay.
N ew Normal, (may) ─ Bagong sitwasyon na may kaaakibat na pagbabago.
G abay, (sa pag-aaral nila) ─ Mahalaga itong maibigay sa anak upang makasiguro para sa tamang
landas.

Mga Tanong ng Magulang na Dapat Mabigyan ng Kasagutan

Katanungan Kasagutan
1. Paano matututong sumulat, ─ Ang pagkatuto ng tatlong kasanayan (pagsulat, pagbasa at pagbilang)
bumasa at bumilang ang ay hindi magaganap sa maikling panahon. May proseso/sistema ang
learner sa Kinder-Grade 3? pagtuturo at pagkatuto nito. Ang bawat aralin na nakapaloob sa LMs
ay nagtataglay ng panuto kung paano isasagawa ang bawat activity.
Ang panuto ay madaling maintindihan para sa adult. Ang mahalaga ay
masubaybayan ng parent/guardian ang anak sa pagsasagawa ng
activity, upang maiwasto agad kung mayroong bahagi ng aralin ang
hindi maintindihan.
2. Ano ang gagawin ko kung ─ Kung hindi tutok ang atensyon ng anak sa aralin, marahil ay kulang pa
ang aking anak ay hindi tutok ang interes nito sa gawain. Pansamantalang ihinto ang activity, dahil
na gawin/tapusin ang aralin baka wala pa sa mood ang bata. Daanin sa laro ang umpisa ng aralin
niya? upang tumingkad ang interes sa activity. Mahalaga na malinang sa
anak ang disipilina sa sarili at study habit.
3. Kung hindi ko maintindihan ─ Bawat activity sa aralin ay may panuto, sa panuto mababasa ang
ang aralin ng aking anak, paraan kung paano isasagawa ang activity. Kung hindi maintindihan
paano ko siya ng parent/guardian ang aralin, maaaring sumangguni sa guro, kaya
magagabayan/matuturuan? mahalaga na may cellphone number ng guro ang parent/guardian.
4. Abala ako sa ─ Ang pagsubaybay ng parent/guardian sa pag-aaral ng anak ay
paghahanapbuhay, paano ko nangangailangan lamang ng maikling oras (hindi ito maghapon). Dapat
magagabayan ang aking ay makapaglaan ng quality time ang parent/guardian sa pag-aaral ng
anak sa kanyang pag-aaral? anak. Sa simulang bahagi lamang nangangailangan ng higit na tutok
sa paggabay sa anak. Unti-unti ay matutunan ng bata ang maging
independent learner.

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph

You might also like