You are on page 1of 1

Paalala Sa Mga Magulang Sa Darating Na Pasukan

1. Ihanda ang inyong mga anak sa nalalapit na pasukan. Sabihin sa kanila na simula
nang muli ang klase. Modular learning pa rin po ang mode of learning ng mga bata.
Hindi pa rin pinapahintulutan ang face-to-face ayon sa IATF guidelines.
2. Dapat regular pa rin ang gising at nasa tamang oras ang pagsagot ng modules kahit
hindi pa rin face – to – face ang mode of learning.
3. Ilagay sila sa tamang lugar o may assigned learning area, hindi kung saan – saan
lamang, nararapat na may mga kagamitan at may sariling mesa at silya na
magagamit ang mga mag aaral. Siguraduhin din na ito ay well – ventilated at hindi
maingay. During class hours, wag na wag silang uutusan sa gawaing bahay.
4. Laging ilagay ang Scheduled Time na nakatala sa ibibigay na WHLP ng mga
subjects sa lugar na madaling makikita para guided ang mga bata at magulang.
Kailangan din ng bata ang Recess Time.
5. Sa pagsasagot ng Modules, hayaan ang bata ang magsasagot, hindi mga magulang
mga kapatid o kaya’ý Tutor. Mahalaga ito upang kahit papano ay may matutunan
ang mga bata sa mga aralin. Tandaan din na alam ni Teacher ang gawa ng bata.
Laging isaisip at isapuso ang kasabihang “Honesty is the Best Policy”.
6. Maging maagap sa pagkuha ng mga modules o activity sheets sa mga assigned
barangay halls o covered courts sa inyong mga lugar. Ikanga ng kasabihan “Be on
Time”. Isauli ang modules o activity sheets sa takdang araw upang hindi
matambakan ng gawain.
7. Sumali sa group chat na gagawin ni teacher para sa klase para lagi kang updated.
Kung sakaling may problema wag mag atubiling tawagan o i text si adviser. Magyari
lamang na sa pag tawag o pag text sa guro ay maging magalang. Mahalaga rin na
alam ninyo ang section at pangalan ng class adviser ng inyong mga anak. Laging
tandaan ”Ignorance is not an excuse”.
8. Ang pagkakamali noong nakaraang taon sa pagmomodule ay wag ng ulitin.
Tandaan, kayo po ay katuwang at kaagapay ng Naguilian National High School para
sa pagkatuto ng mga mag – aaral. Nasa pagtutulungan ang ikatatagumpay ng mga
mag – aaral. Palaging isaisip “The Youth is the Hope of the Fatherland.”

You might also like