You are on page 1of 22

4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3: Ang
Teritoryo ng Pilipinas

i
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Ang Teritoryo ng Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Aime T. Emperado
Jenebeb S. Casipong
Editor: Etalyn B. Acibes
Tagasuri: Tomas Raglin D. Partosa
Hope A. Jandomon
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: James B. Caramonte
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, Ed.D.
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
4

Araling
Panlipunan Unang
Markahan – Modyul 3: Ang
Teritoryo ng Pilipinas

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 4 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Teritoryo ng Pilipinas.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-
aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul.

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang
kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

3
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 4 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Teritoryo ng Pilipinas.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag- aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik- aral


alikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

B
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
Tuklasin na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
Suriin konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
Pagyamanin iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isaisip

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Isagawa

Ito ay gawain na naglalayong matasa


o masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Tayahin

v
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
iyong panibagong gawain upang
Karagdagang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Gawain kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Susi sa
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

vi
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga


kaalaman na nararapat ninyong matutunan sa nasabing baitang.
Nakapaloob dito ang pag-aaral ng mga hangganan at lawak ng
teritoryo ng ating bansa
gamit ang mapa.

Most Essential Learning Competency (MELC)

Natutukoy ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas


gamit ang mapa. AP4AAB-1d-7

Sa katapusan ng modyul na ito, magagawa mo ang mga


sumusunod :
Mga Layunin

K - Natutukoy ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng


Pilipinas gamit ang mapa.

S - Natatalunton ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng


Pilipinas gamit ang mapa.

A - Naipakita ang kawilihan sa pagtalunton ng mga hangganan


at lawak ng teritoryo ng Pilipinas gamit ang mapa.

Handang-
Handa ka na
handa na
ba?

https://tinyurl.com/y6c6whof

1
Subukin
Iguhit ang masayang mukha kung ang
sinasabi ng pangungusap ay t ama at malungkot na
mukha kung ito ay mal i .
Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno sa Aral Pan.

1. Maaring sukatin ang layo ng Pilipinas sa ibang lugar


gamit ang ruler at mapa.
2. Kasama ang ilalim ng dagat at ang kailaliman ng lupa sa
pagtukoy ng teritoryo ng isang bansa.
3. Ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ay may
pinagbatayan na Saligang Batas .
4. Ang Pilipinas ay bahagi ng kontinente ng Amerika.
5. Mahalagang malaman ang hangganan at lawak ng isang
bansa.

II. Bilugan sa loob ng kahon ang salitang bubuo sa pahayag ng


bawat bilang. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
M P E U O H O J N M
1. Ang Pilipinas ay kapuluang
napapaligiran ng anyong . T Y T U B I G G I T
P T GM R W L U P A
T P A S I P I K O T
2. Ang Pilipinas bahagi ng
O J N MU O H M P E
Karagatang .
M RW P T U P G L A

OU O H M MP E J N
3. ay tumutukoy sa
sukat ng lupaing sakop ng isang lugar. N I T T P T U I N A
T E R I T O R Y O T
Balikan

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano-ano ang mga pangunahing direksiyon?

2. Ibigay ang mga pangalawang direksiyon?

3. Ano ang ibig sabihin ng relatibong lokasyon?


Tuklasin

Ang teritoryo ay tumutukoy sa sukat ng lupaing sakop ng isang lugar.


Kasama rito ang mga katubigan na nakapaloob at nakapaligid sa
kalupaan, at ang mga kalawakang itaas na katapat nito.

https://geology.com/world/asia-satellite-image.shtml

Tingnan ang larawan.

Ano-ano ang mga bansa at karagatang nakapaligid sa bansang


Pilipinas?
Surii
n
Paano nasusukat ang distansya o layo ng mga lugar sa bansa?

Karamihan sa mga Pilipino ay may kamag-anak o kaibigang


nakatira sa ibang bansa. Sa pamamagitan ng mapa at mga batayang
heograpiya, matulungan mo silang malaman o matalunton ang
kinalalagyan ng Pilpinas at maging ang hangganan at lawak nito.

Hanggang saan ba ang teritoryo ng Pilipinas?

Ang pambansang teritoryo ng Pilipinas batay sa Artikulo 1 ng


Saligang Batas ng 1987 ay binubuo ng kapuluan ng Pilipinas. Kasama
rito ang lahat ng mga pulo at mga karagatang nakapaloob dito. Kasama
rin ang lahat ng iba pang teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o
hurisdiksiyon ng Pilipinas. Binubuo ito ng kalupaan, katubigan, at
himpapawirin. Kasama na rin ang dagat teritoryal, ang ilalim ng dagat,
ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at iba pang pook
submarina nito. Ang dagat at karagatang nakapaligid, nakapagitan, at
nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan maging ano man ang lawak ng
dimensiyon, ay bahagi ng panloob na dagat at karagatan ng Pilipinas.

Sa mapa sa ibaba, makikitang ang Pilipinas ay bahagi ng Timog-


silangang Asya.
Napapaligiran ito ng
Bashi Channel sa
hilaga, Karagatang
Pasipiko sa silangan,
Dagat Celebes sa
timog, at Dagat
Kanlurang Pilipinas
sa kanluran.
Source: Adriano, Ma. Corazon V., et.al, Araling
Panlipunan 4.Kagamitan ng Mag-aaral, Vibal Group
Inc. Unang Edisyon 2015 pp. 15-16

https://geology.com/world/asia-satellite-image.shtml
Humigit-kumulang sa 1 000 kilometro ang layo ng Pilipinas mula
sa kalakhang kontinente ng Asya. Napapaligiran ang bansa ng Taiwan,
China, at Japan sa hilaga; Malaysia, Vietnam, Laos, Cambodia, at
Thailand sa kanluran; at Indonesia sa timog.

Gaano ba kalawak ang teritoryo ng bansang Pilipinas?

Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa 7 100 mga pulo. Ang lawak nito
ay umaabot sa 300 000 kilometro kuwadrado. May 1, 851 kilometro ang
haba mula sa hilaga patimog at umaabot naman sa 1, 107 kilometro ang
lawak nito mula sa kanluran pasilangan. Kung pagbabatayan ang mapa,
masasabing ang Pilipinas ay:
 bahagi ng kontinente ng Asya at nabibilang sa mga bansa sa
rehiyong Timog-silangang Asya;
 isang kapuluang napapalibutan ng mga anyong tubig;
 bahagi ng
karagatang Pasipiko;
 malapit lamang sa
malaking kalupaan
ng bansang China; at
 Malayo sa mga
bansang nasa
kontinente ng United
States of America at
Europe.
Source: Adriano, Ma. Corazon V., et.al, Araling
Panlipunan 4.Kagamitan ng Mag-aaral, Vibal Group
Inc. Unang Edisyon 2015 pp. 15-17

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.slideshare.net%2Fleizeltmalacay%2Fphilippinesterritories&psig=AOvVaw2Tt
hl5 qLcSlFFWwd4L1UMq&ust=1594280523637000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCIDxh43dvuoCFQAAAAAdAAAAABAv
Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Gamit ang diagram sa ibaba, isulat ang mga karagatang
nakapaligid sa bansang Pilipinas.

Karagatang
nakapaligid
sa bansa
Panuto: Kumuha ng mapa ng Asya o tingnan ang mapa sa ibaba. Gamit
ang ruler at batayang iskala sa ibaba, sukatin ang layo o distansiya ng
mga hangganan ng Pilipinas mula sa kalupaan nito. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.

https://tinyurl.com/y3ml7qlc

Iskala: 1cm=5 000km

1. Bashi Channel
2. Karagatang Pasipiko
3. Dagat Celebes
4. Dagat Kanlurang Pilipinas
Isaisip

Panuto: Punan ang sumusunod na talahanayan. Kompletohin ang mga


pahayag. Isulat sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang iyong mga natutunan tungkol sa teritoryo ng


Pilipinas?
Ang Pilipinas ay bahagi ng .
Napapaligiran ito ng mga bansang _, , at
sa hilaga; _, , , at
sa kanluran; at sa Timog. Napapaligiran
din ito ng mga karagatan gaya ng sa hilaga,
sa silangan, sa timog at
sa kanlurang bahagi.

2. Gaano ba kalawak ang teritoryo ng Pilipinas?

9
Isagawa

Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat sa unang hanay ang
tamang pahayag kung bakit mahalagang matukoy ang hangganan at
lawak ng teritoryo ng Pilipinas at sa ikalawang hanay naman ang hindi.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Payagan ang ibang bansa na angkinin ang ibang bahagi nito.


2. Malaman ang limitasyon kung saan maaaring kumuha ng mga yaman.
3. Maiwasan ang di pagkakaunawaan sa pagitan ng ibang mga bansa.
4. Malayang makalabas-masok ng ating bansa ang mga dayuhang
mangingisda.
5. Hindi maangkin ng ibang bansa.

DAPAT HINDI DAPAT


Tayahin

Panuto: I. Basahin ang mga pangungusap at piliin ang salita o


impormasyong bubuo sa diwa nito. Isulat ang titik ng wastong sagot sa
iyong mga kuwaderno.

1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa


A. Timog Asya
B. Silangang Asya
C. Kanlurang Asya
D. Timog-silangang Asya
2. Ang anyong tubig na nasa timog na bahagi ng Pilipinas
ay ang
A. Bashi Channel
B. Dagat Celebes
C. Karagatang Pasipiko
D. Dagat Kanlurang Pilipinas
3. Ang direksyon ng Vietnam mula Pilipinas ay nasa gawing
A. hilaga C. timog
B. silangan D. kanluran
4. Ang pinakamalapit na bansa sa hilaga ng Pilipinas ay ang
A. China C. Taiwan
B. Japan D. Hongkong
5. Sa kabuuan, ang lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas ay
masasabing .
A. buong kalupaan na napaliligiran ng tubig
B. matubig at watak-watak ang mga isla
C. maliit na isla ngunit matubig
D. layo-layo ang mga isla

II. Gamit ang mapa ng mundo, sukatin ang distansiya o layo ng


Pilipinas ng mga bansa o lugar sa ibaba gamit ang batayang
iskalang 1cm=5 000km.
1. Australia
2. India
3. Indonesia
4. Saudi Arabia
5. Japan
Karagdagang
Gawain

Panuto:
Gamit ang mapa, paghambingin ang teritoryo ng Pilipinas sa
ibang bansa. Iguhit ang palaso pakaliwa kung mas
malaki ang
teritoryo ng Pilipinas sa bansang ibinigay sa ibaba at palaso
pakanan kung maliit ang teritoryo ng Pilipinas kaysa bansang
ibinigay. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

https://www.g oogle.com /search?q=asia+map

1. Japan
Pilipinas 2. Taiwan
3. Singapore
4. Italy

https://tinyurl.com/y6c6whof
5. Australia
Sanggunian

Aklat
Adriano, Ma. Corazon V., et.al, Araling Panlipunan 4.Kagamitan ng
Mag-aaral, Vibal Group Inc. Unang Edisyon 2015 pp. 15-20

Teachers Guide
K to 12: Most Essential Learning Competencies with Corresponding
CG Codes
Araling Panlipunan 4:Patnubay ng Guro, 2015, Unang Edisyon, pp.
9-11

Internet/Mga Larawan
https://geology.com/world/asia-satellite-image.shtml
https://www.google.com/search?q=asia+map
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F
%2Fwww.slide share.net%2Fleizeltmalacay%2Fphilippines-
territories&psig=AOvVaw2Tthl5qLcSlFFW wd4L1UMq&ust=159428
0523637000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCIDxh
43dvuoCFQAAAAAdAAAAABAv
http s: //www. goo gle. com/u rl?sa =i&u rl=http s%3A %2 F%2Fa sia soc
iet y. org%
2Fed u cation %2Fint rod u c tion -sou th ea st-
a sia & p sig= AOvVa w 3Fyb d _Pb 8B J2a COI 1Puu Nh & u st= 15 94 64
60 10 26 70 00
& sou rc e= ima ge s& c d =v fe& ved = 0CA IQ j R xq F wo TCLii yd a u yeo
CFQA A A AA dA
A A AA BAa

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like