Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region XII
Division of Sarangani
JBT Caing Sr. Memorial Integrated School
Tambilil, Kiamba, Sarangani Province
1. Self- Learning Modules (SLMs)/Learning Activity Sheets (LAS)/Factsheet-plus – Ang mga ito ay
binubuo ng mga konsepto at iba’t ibang gawain sa bawat asignatura. Basahin at unawain ang mga ito nang
mabuti upang maintindihan at masagutan nang husto ang mga gawain. Gawin ang mga activities sa tulong
ng mga magulang o mga kasamahan sa bahay na may kakayahang tumulong upang maintindihan ang
leksiyon. Huwag itong ilagay kung saan-saan upang hindi mabasa at mapunit. Iwasang masulatan o
madumihan ang modules. Ingatan at ibalik ito sa takdang araw upang mapalitan ng panibagong modules
para sa susunod na mga compentencies.
2. Panatilihin ang Kalinisan- Bago hawakan ang self learning kit na naglalaman ng self-learning modules,
learning activity sheets, factsheet-plus at iba pang mahahalagang gamit sa pag-aaral, siguraduhing malinis
ang kamay. Ugaliing maghugas ng kamay o gumamit ng alcohol bago at pagkatapos hawakan ang isang
bagay.
3. Study Area- Maglaan ng tahimik at maaliwalas na espasyo sa loob o labas ng bahay na magsisilbing
“study area” upang magkaroon ng konsentrasyon sa pag- aaral.
4. Sagutang Papel- Gumamit ng ibang papel para sa mga sagot sa mga “Gawain” sa bawat asignatura at
ilagay ito sa loob ng nakahiwalay na plastic envelope. Ilakip ang mga ito sa sisidlan kasama ng mga
modules na ibabalik sa nakatakdang araw .
5. Class Program- Gamitin ang Class Program at sundin ang class schedule bilang gabay kung anong
oras at araw ang pagsasagawa ng mga activities at upang masunod ang wastong oras ng pag aaral sa
bawat asignatura. Tapusin sa itinakdang oras ang mga gawain upang maipasa din ito sa tamang oras.Kung
may mga katanungan huwag mahihiyang tumawag o mag text sa numero ng guro na nakalagay dito.
6. Drop Box- Kung hindi mkatawag o makatext, maaari ring ihulog sa “Drop Box” na inilagay ng paaralan
sa Barangay Hall ang mga katanungan kaugnay ng mga modules upang mabigyang atensyon.
7. Answer Key-. Panatilihin ang pagiging tapat sa paggawa at pagsagot ng mga “Gawain” sa lahat ng
asignatura.Gamitin ang answer key bilang gabay sa pagtatasa sa sarili sa bawat konseptong natutunan at
pagproseso kung ang inyong mga sagot ay tama o mali.
8. Pagsauli at Pagkuha ng Module-. Tandaan ang mga araw ng pagsauli at pagkuha ng mga panibagong
modules sa bawat grado. Tanging ang mga magulang o guardian lamang ang pinapahintulutang magsauli
at kumuha ng mga susunod na modules sa nakatakdang araw at lugar.
10. Sumunod sa Alituntunin ng Lokal na Pamahalaan- Laging tandaan na sundin ang mga alituntunin
ng ating lokal na pamahalaan hinggil sa pagsuot ng face mask at face shield sa tuwing lalabas ng bahay
lalo na tuwing magsasauli at kukuha ng modules.
Note: Kung maari ay magbigay ng contact numbers sa inyong mga guro upang magawang patnubayan kayo sa
inyong pag-aaral.
School Administration and Teaching Force