You are on page 1of 48

K

Kindergarten
Unang Markahan – Modyul 1
Unang Linggo:
Kabilang Ako sa Kindergarten
Kindergarten
Unang Markahan – Modyul 1

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Joyce R. Loma; Violeta B. Bellen; Cyrill C. Baldemoro; Agnes M. Lim;
Niraldin M. Lomerio; Clarissa M. Mimay; Preciosa E. Nieva; Asela P.
Samantela; Emelyn B. Basilla
Editor: Joyce R. Loma
Tagaguhit: Vincent M. Morano
Tagalapat: Vincent M. Morano; Brian Navarro
MODYUL SA KINDERGARTEN
Panimula

Sa mga Guro/Magulang:
Ang Modyul na ito ay inihanda para sa inyo upang
magkaroon kayo ng gabay kung ano ang inyong
gagawin sa patuloy na pagkatuto ng limang taong
gulang na bata sa Kindergarten habang sila ay nasa
inyong mga sariling tahanan.
Layunin ng mga aralin na ito ay ang pagkakaroon ng
bawat bata sa Kindergarten ng mga kasanayan sa
pagkatuto sa loob ng limang araw o isang linggo na
matatagpuan sa susunod na mga pahina. Ang bata ay
tuturuan o sasanayin ng dahan-dahan o paisa isa sa loob
ng limang araw para matuto ang mga inaasahang
kasanayan (skills).
Kung kayo ay may mga katanungan, paglilinaw o
kailangang tulong tungkol sa Modyul na ito, maaari
kayong makipag-ugnayan sa guro ng inyong anak at siya
ay handa kayong tulungan.
Lubos po kaming umaasa na matuturuan ninyo ang
inyong anak na may pagmamahal at gayon din sa bata
na magawa niya ng may kasiyahan ang mga itinakdang
gawain dito sa Modyul.
Inaasahan naming marinig mula sainyo ang
anumang magandang pagbabago sa inyong anak
habang ginagamit o pagkatapos gamitin ang Modyul na
ito.
Maligayang pagtuturo!

ii
PAALALA SA MGA MAGULANG
1.Tuturuan mo ang iyong anak sa tahanan pansamatala,
habang hindi pa pwede ang harap-harapang pagtuturo
at pag-aaral sa paaralan.
2.Hangga’t maaari , magkaroon ng isang lugar sa inyong
tahanan na kung saan matuturuan mo ang iyong anak ng
walang sagabal.
3.Kung makakaya, magkaroon ng isang lugar na ang
kapaligiran ay katulad ng silid -aralan sa loob ng tahanan,
na kung saan ang pakiramdam ng inyong anak ay siya ay
nasa paaralan din.
4.Gawin ang inyong munting silid-aralan na kaayaaya ang
kapaligiran na kung saan ang iyong anak ay mag-aaral ng
masaya at may kawilihan matuto na kasama kayo.
5. Pag-aralan at ihanda ng mas maaga ang inyong
modyul at ang mga gagamitin sa pagtuturo para sa araw.
6. Siguruhin na ang mga gagamitin na kailangan sa
pagtuturo ng modyul ay kumpleto.
7. Pangasiwaan lamang ang mga gawain para sa inyong
anak ,gabayan siya at huwag gawin ang mga ito para sa
kanya.
8. Pagmasdan/Obserbahan ang iyong anak habang
gumagawa ng mga gawain. Maaari mong isulat/itala ang
mga ito sa isang kwaderno(notebook) at ibahagi sa
kanyang guro.
9. Ang ibang gawain sa modyul na ito ay madaling
matapos at ang iba naman ay nangangailangan ng mas
mahabang oras,Kailangan lamang ng iyong pang-unawa
at huwag syang madaliin.

iii
10.Magkaroon ng isang lugar na kung saan nagpapakita
ng mga ginawa ng inyong anak.
11. Magkaroon ng envelop na lagayan ng mga ginawa
ng inyong anak pagkatapos idisplay .
12. Hayaang magsalita ang inyong anak kung ano ang
nasasaloob niya at tanungin. Makinig lamang sa nais
niyang sasabihin.
13. Hayaang magsalita ang bata ng kanyang sasabihin at
ipahayag ang kanyang sarili.Payagang
magtanong.Makinig lamang sa nais niyang sabihin.
14.Maging tapat sa pagsagot sa mga tanong ng inyong
anak.Kung hindi alam ang sagot sabihin lamang at
siguruhin sa kanya na magtutulugan kayo sa paghanap
ng kasagutan.
15.Unawain ang inyong anak, may oras na ayaw nilang
gawin o tapusin ang mga gawain sa isang araw, Hayaan
lamang at magkaroon ng kasunduan.

iv
Week 1/Quarter 1
Content Focus: I belong to a Kindergarten class.
Panimula

Ang aralin sa Week 1/Quarter 1 ay nakatuon sa kamalayan


ng bata na siya ay napapabilang at malugod na
tinatanggap sa Kindergarten.

Layunin ng mga gawain sa pagkatuto na napapaloob sa


unang linggo na masayang maranasan at matutunan ng
bata sa unang pagkakataon ang mga karanasan at
kasanayan na angkop sa Kindergarten.
Day 1/Week 1
Date _________

Message for the Day: I am now in


Kindergarten.
Mga Layunin/Learning Objectives
1. Listen attentively to stories/poems/songs
2. Identify/read the title of the story
3. Tell what an author and an illustrator do
4. Relate personal experiences to events in the story
listened to
5. Nakikilala ang sarili:
• Gusto/ Di-Gusto
• Paggamit
6. Nakikilala ang mga pangunahing emosyon (tuwa
o saya, takot, galit, lungkot, at iba pa)

1
7. Naipapakita ang pagbobotones, pagsara ng
zipper, pagtali/pagsuot ng sapatos
8. Naipapakita ang kahandaang sumubok ng
bagong karanasan
9. Nakakapagligpit ng sariling gamit
10. Rote count up to 10

Mga Kailangang Kagamitan

kopya ng kuwentong, “Nanay Ko, Titser Ko”, activity


sheets, paper, pencil, crayons

Mga Gawain sa Pagkatuto/


Learning Activities

Literacy
1. Bago Magbasa
Para sa Guro: Ipakita sa bata ang kopya ng kuwentong,
“Nanay Ko, Titser Ko”. Banggitin o basahin ang pamagat
o title ng kuwento, ang may-akda, at ang gumuhit nito.
Ipakita sa bata kung saang parte ng kuwento ito
matatagpuan. Ipaliwanag kung ano ang ginagawa ng
may-akda at ang gumuhit.
Guro: Ang kuwento natin ngayon ay tungkol sa isang
batang babae na sabik na sabik nang pumasok sa
paaralan.
• Pagganyak na tanong:
Guro: Ano ang nararamdaman mo ngayong
unang araw ng pasukan?
2
• Pagganyak na Tanong:
Guro: Ano kaya ang naramdaman ni Mara nang
malapit na ang pasukan? Alamin natin sa
kwentong ito na pinamagatang, “Nanay Ko,
Titser Ko”.
Handa ka na bang makinig sa kuwento?

(Importante na binabanggit ng guro ang pangalan ng


bata tuwing ito ay kinakausap).

2. Habang Nagbabasa
Para sa Guro: Basahin nang malakas ang kwentong,
“Nanay Ko, Titser Ko.” Habang nagbabasa, huminto
paminsan at tanungin ang bata tungkol sa bahagi ng
kuwento na binasa. (Pagmasdan kung nakikinig ang
bata).

3. Pagkatapos Magbasa
Para sa Guro: Tanungin ang bata kung nagustuhan
niya ang kuwento.

Guro:

o Ano ang naramdaman ni Mara nang malapit


na ang pasukan?

o Natuloy ba siyang pumasok sa paaralan nang


unang araw nito? Bakit?

o Ano ang naramdaman niya nang hindi siya


natuloy pumasok sa paaralan?

3
o Kung ikaw si Mara, ano kaya ang
mararamdaman mo?

o Sino ang naging teacher ni Mara sa bahay nila?


o Ikaw, ______, ayos lang ba saiyo kung ako ang
teacher mo?
(Siguraduhin na ginagamit ng bata ang magagalang
salita gaya ng “po” at“opo” sa tuwing siya ay sasagot o
makikipag-usap sa guro).

Gawain 1 – Masaya si Mara


(Tingnan ang Activity Sheet 1/Day 1/Week 1)

Para sa Guro:
o Ibigay sa bata ang Activity Sheet 1/Day 1/Week
1. Hayaan muna siyang pagmasdan ang mga
litrato/larawan.

o Sabihin sa kaniya na ituro ang litrato na


nagpapakita ng damdamin ni Mara nang siya ay
gustong gusto nang pumasok sa paaralan.

Gawain 2 – Malungkot si Mara


(Tingnan ang Activity Sheet 2/Day 1/Week 1)

Para sa Guro:

o Ibigay sa bata ang Activity Sheet 2/Day 1/Week


1. Hayaan muna siyang pagmasdan ang mga
litrato.
o Sabihin sa kaniya na ituro ang litrato na
nagpapakita ng damdamin ni Mara nang sinabi
4
ni Nanay na hindi muna siya papasok sa
paaralan kinabukasan.

Gawain 3 – Nagulat Pero Masaya si Mara


(Tingnan ang Activity Sheet 3/Day 1/Week 1)

Para sa Guro:

o Ibigay naman sa bata ang Activity Sheet 3/Day


1/Week 1. Hayaan muna siyang pagmasdan
ang mga litrato.

o Sabihin sa kaniya na ituro ang litrato na


nagpapakita ng damdamin ni Mara nang
malaman niyang si Nanay ang magtuturo muna
sa kaniya.
Gawain 4 – Ang Damdamin Ko
(Tingnan ang Activity Sheet 4/Day 1/Week 1)

Para sa Guro:

o Ibigay naman sa bata ang Activity Sheet 4/Day


1/Week 1. Hayaan muna siyang pagmasdan
ang mga litrato.

o Sabihin sa kaniya na kulayan ang larawan na


nagpapakita ng damdamin mo ngayon.

o Pagkatapos, pag-usapan ninyo ang kanyang


nararamdaman.

(Kung nakuha ng bata ang tamang sagot, palakpakan ito o


lagyan ng star ang papel nito).

5
Numeracy/Mathematics
Gawain 1 – Matuto Tayong Magbilang

(Rote Counting)

Para sa Guro:

o Turuan ang bata na magbilang simula 1


hanggang 5 lang muna.

o Ipaulit ulit sa bata ang pagbilang hanggang sa


makuha niya. Pwedeng sabayan ng guro ang
bata hang nagbibilang.

o Gawing magaan at masa yang gawaing ito at


huwag pipilitin o papagalitan ang bata kung
hindi pa kaya.

Panapos na Gawain/Wrap Up
Para sa Guro:
Itanong sa bata ang mga sumusunod:

o Nagustuhan mo ba ang kuwento tungkol kay


Mara?

o Sa mga ginawa natin ngayon, ano ang


pinakagusto mo? Alin naman ang hindi mo
masyadong gusto? Bakit?

6
Assignment

Para sa Guro:
o Turuan o ipakita sa bata kung paano magligpit
ng mga bagay na ginamit sap ag-aaral ngayon
o Turuan din ang bata na magkapagbihis nang mag-isa
(kasama ang pabutones o pag-zipper ng damit at
pagsuot ng medyas).

7
Day 2/Week 1
Date __________

Message for the Day: There are children and


adults in the classroom.
Mga Layunin/Learning Objectives
1. Identify/read the title of the story
2. Tell what an author and an illustrator do
3. Poin to the first part/beginning of story
4. Relate personal experiences to events in the story
listened to
5. Recall details of the story (character, when and where
the story happened)
6. Use the proper expression in introducing oneself (e.g., I
am/My name is ____________).
7. Recognize one’s given name by sight
8. Identify the letters of one’s given name
9. Name common objects/things in the environment
based on color, shape, size, and function/use
10. Naisasagawa ang mga pangangalaga sa pansariling
kalusugan tulad ngpaghugas ng kamay bago kumain,
pagsusuklay, pagpalit ng damit

Mga Kailangang Kagamitan


Kopya ng kuwentong, “Nanay Ko, Titser Ko”, Activity
Sheets, bond paper, pencil, crayons

8
Mga Gawain sa Pagkatuto/
Learning Activities

Literacy

Para sa Guro: Balikan ang kuwentong, “Nanay Ko, Titser


Ko”.
o Ipaturo at ipasabi sa bata ang pamagat (title)
ng kuwento.
o Ipasabi rin ang mga pangalan ng sumulat (author) at
ng nagguhit (illustrator).
o Ipaturo sa bata ang parte ng kuwento kung saan
ito nagsisimula.

Itanong sa bata ang mga sumusunod:

o Sino ang batang babae na nabanggit sa


kuwento natin kahapon?

o Sino ang kanyang titser?


o Saan sila nag-uusap?
o Ano anong mga gamit ang mayroon si Mara?

o Ano ang kulay ng kaniyang bag? ng blouse? ng


palda? ng sapatos? ng laso? at iba pa.
Gawain 1 - Ang Mga Gamit ni Mara (Part 1)
(Tingnan ang Activity Sheet 1/Day 2/Week 1).

Para sa Guro:

o Ibigay sa bata ang Activity Sheet 1/Day 2/Week


1.

9
o Sabihin sa bata na tingnan ang Activity Sheet at
kulayan ang mga litrato na nagpapakita ng mga
gamit ni Mara ayon sa nabanggit sa kuwento
(bag, blouse, palda, sapatos, medya,
laso)

o Pagkatapos, ipasabi sa bata ang mga gamit na


kaniyang kinulayan.

Gawain 2 - Ang Mga Gamit ni Mara (Part 2)


(Tingnan ang Activity Sheet 2/Day 2/Week 1).

Para sa Guro:

o Ibigay sa bata ang Activity Sheet 2/Day 2/Week


1.
o Sabihin sa bata na tingnan ang Activity Sheet at
bilugan (circle) ang mga litrato na nagpapakita
ng mga gamit ni Mara ayon sa nabanggit sa
kuwento (papel, lapis, pencil case, pantasa,
isang kahon ng krayola).

Gawain 3 – Ang Iba Pang Mga Gamit ni Mara (Part 3)


(Tingnan ang Activity Sheet 3/Day 2/Week 1).

Para sa Guro:
o Ibigay sa bata ang Activity Sheet 3/Day 2/Week
1.

o Sabihin sa bata na tingnan ang Activity Sheet at


kulayan din ang mga litrato na nagpapakita ng
iba pang mga gamit ni Mara na nabanggit sa
kuwento (kapote, payong).

10
Gawain 4 – Mga Tao sa
Paaralan Para sa Guro:

o Sabihin sa bata: Kunyari ang ating bahay ay


isang paaralan/school. Sino sino ang mga taong
nakikita rito sa paaralan?

o Bigyan ng bond paper ang bata. Ipaguhit sa


kanya ang mga taong nasa paaralan
(halimbawa: nanay, tatay, bata, mga kapatid
nito, at iba pa).

Gawain 5 – Bigkasin Nang


Malakas Para sa Guro:

o Ipabigkas ito sa bata ang unang parte ng


kuwento. Palitan ang pangalang “Mara” ng
pangalan ng bata ang ng tamang edad nito
kung ito ay hindi limang taon gulang:

“Ako si __________________.
Ako po ay _________ taong gulang na.

“I am/My name is ___________________.


I am ____________ years old.”

11
Numeracy/Mathematics
Gawain 1 – Magbilang Tayo
Para sa Guro:

o Turuan ang bata na magbilang simula 1 hanggang 5


lang muna. Maglagay ng 5 bagay (halimbawa:
plastic cups, mga prutas, o mga holen) sa mesa.
Ipabilang ang mga ito nang malakas sa bata.
(Gawing hanggang 10 kung kaya na ng bata).
o Ipaulit ulit sa bata ang pagbilang hanggang sa
makuha niya. Pwedeng sabayan ng guro ang bata
habang nagbibilang.

o Gawing magaan at masaya ang gawaing ito at


huwag pipilitin o papagalitan ang bata kung hindi pa
kaya.
Panapos na Gawain/Wrap Up
Para sa Guro:

o Sabihin ito sa bata: Tingnan natin ang mga ginawa


mo. Nagustuhan mo ba ang mga ito? Bakit?
o Tulungan ang bata na ipaskil o idikit sa dingding ang
kanyang mga gawa.

Assignment

Para sa Guro:

o Turuan at gabayan ang bata na pangalagaan


ang kaniyang mga gamit.
o Turuan din ang bata na maghugas na palaging
maghugugas ng kamay.
12
Day 3/Week 1
Date ___________

Message for the Day: We have different


jobs in the classroom.
Mga Layunin/Learning Objectives
1. Identify/read the title of the story
2. Tell what an author and an illustrator do
3. Point to the start/beginning of the story
4. Relate personal experiences to events in the story
listened to
5. Recall details of the story (character, when and
where the story happened)
6. Nakikilala ang sarili (pangalan at apelyido,
kasarian, gulang)
7. Use the proper expression in introducing oneself
(e.g., I am/My name is ____________).
8. Recognize one’s given name by sight
9. Nakakaguhit at nakakapagkulay ng iba’t ibang
bagay o gawain (dekorasyon sa name tag)
10. Name common objects/things in the environment
based on color, shape, size, and function/use
11. Rote count up to 10
12. Count objects with one-to-one correspondence
up to quantities of 3-5
13. Naipapakita ang kakayahang gumamit ng
kutsara at tinidor

13
Mga Kailangang Kagamitan

Kopya ng kuwentong , “Nanay Ko, Titser Ko”, Activity


Sheets, karton/cardboard (6 inches by 2 inches) pentel
pen, crayons, pantali/yarn, gunting, colored paper,
lumang diyaryo o magasin, glue o pasta

Mga Gawain sa Pagkatuto/


Learning Activities

Literacy

Para sa Guro: Balikan ang kuwentong, “Nanay Ko, Titser


Ko”.

o Ipaturo at ipasabi sa bata ang pamagat (title) ng


kuwento.
o Ipasabi rin ang mga pangalan ng sumulat (author)
at ng nagguhit (illustrator).
o Ipaturo sa bata ang parte ng kuwento kung saan ito
nagsisimula.

Itanong sa bata ang mga sumusunod:


o Sino nga ang magiging titser ni Mara?
o Ano kaya ang ginagawa ng isang titser?
o Ano naman ang ginagawa ng isang mag-aaral
kagaya ni Mara?
o Kagaya ni Mara, ikaw ay isang mag-aaral din. Ano
kaya mga gawain na pwede mong gawin sa loob ng
paaralan/ dito sa bahay?

14
Gawain 1 – Bigkasin nang Malakas
Para sa Guro:

o Ipabigkas ito sa bata ang unang parte ng kuwento.


Palitan ang pangalang “Mara” ng pangalan ng bata
ang ng tamang edad nito kung ito ay hindi limang
taon gulang:

“Ako si __________________.
Ako po ay _________ taong gulang na.
Ako po ay isang ________ (babae/lalaki).
Ako po ay nasa Kindergarten na.”

“I am/My name is _________________.


I am ___________ years old.

I am a ____________. (girl/boy) I
am now in Kindergarten.”
Tulungan ang bata na matukoy ang mga
letra/titik na nasa pangalan niya.

Gawain 2 – Name Tag


Para sa Guro:
o Tulungan ang bata na gumawa ng name tag.
o Bigyan ang bata ng karton/cardboard (6 inches
by 2 inches), pentel pen, at krayola.

o Tulungan o gabayan ang bata sa pagsulat ng


kaniyang pangalan sa karton/cardboard sa
pamamagitan ng pagbakat ng mga letra/titik.
(Tingnan ang sample sa baba).
15
o Kulayan o lagyan ng dekorasyon ang name tag. o
Butasan sa magkabilang dulo ang name tag at

lagyan ito ng pantali/yarn.


o Ipasuot sa bata ang name tag.

Numeracy/Mathematics
Para sa Guro:

o Gamit ang mga totoong bagay/real objects o cutout


ng mga hugis (shapes), ipakita at ituro sa bata ang
iba’t ibang pangunahing hugis gaya ng tatsulok
(triangle), parisukat (square), parihaba (rectangle), at
bilog (circle).

o Ipabakat sa bata gamit ang daliri ang mga gilid


(sides) ng bawat hugis (shape).
o Kung di kaya ng bata pagsabaysabayin, ituro ang
mga hugis ng paisa-isa.

Gawain 1 - Mga Hugis Na Nakikita Ko


Para sa Guro:

o Sabihin sa bata na tingnan at pagmasdan ang


kanyang mga gamit.
O Itanong ito: Anu-anong mga hugis ang iyong
nakikita?
16
o Sabihin sa bata na pagmasdan ang mga bagay
sa loob ng bahay.
o Itanong ito: Anu-anong mga hugis ang nakikita
mo? Alin sa mga bagay na nakikita moa ng
kagaya ang hugis ng tatsulok (triangle)? ng
pariskat (square), at iba pa.

Gawain 2 - Gupit-Dikit
Para sa Guro:

o Bigyan ang bata ng bond paper, pasta,


gunting, at lumang dyaryo o magazine.
o Sabihin sa bata na hanapin sa magazine ang
mga hugis na nakikita niya.
o Ipagupit sa bata ang mga hugis at idikit sa bond
paper.
o Ipabilang sa bata ang mga hugis na nadikit niya
sa bond paper.
o Itanong ito sa bata: Ilang hugis ang nadikit mo
sa papel?
o Tulungan ang bata na ipaskil o idikit sa dingding
ang kaniyang gawa.
Panapos na Gawain/Wrap Up
Para sa Guro:
o Balikan ang ginawang Name Tag ng bata.
o Itanong sa bata ang mga sumusunod:
Nagustuhan mo ba ang Name Tag mo?
Ano ang nakasulat sa Name Tag mo?
Masaya ka ba habang ginagawa mo iyan?
Bakit?

17
Assignment

Para sa Guro:

o Turuan ang bata na matutong magligpit ng mga


gamit.

o Ipaalala sa bata na huwag iwanan ang mga


kalat; na ilagay ang mga pira-pirasong papel at
iba pang bagay sa tamang lalagyan.

18
Day 4/Week 1
Date __________

Message for the Day: Our classroom has


different areas. Each area can be used in
different ways.

Mga Layunin/Learning Objectives

1. Identify/read the title of the story


2. Tell what an author and an illustrator do
3. Recall details of the story (character, when and where
the story happened)
4. Recognize one’s given name by sight
5. Name common objects/things in the environment (in
school, home, and community)
6. Rote count up to 10
7. Naipapakita ang kakayahang gumamit ng kutsara at
tinidor
8. Naisasagawa ang pagmolde ng luwad (clay)
9. Naisasagawa ang mga pangangalaga sa pansariling
kalusugan tulad ngpaghugas ng kamay bago kumain,
pagsusuklay, pagpalit ng damit

Mga Kailangang Kagamitan


Kopya ng kuwentong, “Nanay Ko, Titser Ko”,
playdough, Activity Sheet, crayons

19
Mga Gawain sa Pagkatuto/
Learning Activities

Literacy

Para sa Guro: Balikan ang kuwentong, “Nanay Ko, Titser


Ko”.
o Ipaturo at ipasabi sa bata ang pamagat (title) ng
kuwento.
o Ipasabi rin ang mga pangalan ng sumulat
(author) at ng nagguhit (illustrator).
o Ipaturo sa bata ang parte ng kuwento kung saan
ito nagsisimula.

Gawain 1 – Pagsasadula

Para sa Guro:

o Isadula ang sumusunod: (Pwedeng palitan ang


pangalang “Mara” ng pangalan ng bata).

Nanay : Mara, may sasabihin ako sa’yo.


Bata : Ano po ‘yon, Nanay?
Nanay : Alam mo, Anak, hindi ka muna
papasok sa school simula bukas
Bata : Paano na po ako?

20
Gawain 2 – Clay Molding
Para sa Guro:
o Patingnan sa bata ang ginawang Name Tag
kahapon. Ipaturo o ipasabu sa kaniya ang
unang letra/titik ng kaniyang pangalan.

o Gamit ang playdough, ipamolde sa bata


ang unang letra/titik ng kaniyang pangalan.
o Patuyuin ang minolde at i-display ito.

Numeracy/Mathematics
Gawain 1 – Magbilang Tayo
(Rote Counting up to 10)

Para sa Guro:

o Turuan ang bata na magbilang simula 1


hanggang 10.
o Gabayan o sabayan ang bata sa pagbilang
hanggang sa makuha niya.
o Gawing magaan at masaya ang gawaing ito at
huwag pipilitin o papagalitan ang bata kung
hindi pa kaya.

Gawain 2 – Mga Bagay sa


Bahay Para sa Guro:

o Samahan ang bata na mag-ikot sa buong


bahay. Ituro sa kanya ang pangalan ng bawat
parte ng bahay.

21
o Tulungan ang bata na masabi ang mga bagay
na makikita sa bawat parte ng bahay.
(Halimbawa: Ito ay ang ating sala. Ano ano ang
mga gamit o bagay na nasa sala? Ito ang ating
kusina. Ano ano ang mga gamit o bagay na
nakikita sa kusina?)
o Sabayan ang bata sa pagbibilang ng mga
gamit o bagay na makikita sa bawat parte ng
bahay.

Gawain 3 – Bilangin at Sabihin


(Tingnan ang Activity Sheet 1/Day 4/Week 1)
Para sa Guro:
o Ibigay sa bata ang Activity Sheet 1/Day 4/ Week
1).
o Ipabilang sa bata ang laman ng bawat bag
na nasa litrato. Ipasabi kung ilan ang laman ng
baway bag.
o Pakulayan ang mga litrato na nasa
Activity Sheet.

(Kapag tama ang ginawa ng bata, lagyan ng star


sa banda taas ng kanang parte ng papel/Activity Sheet).

Panapos na Gawain/Wrap Up
Para sa Guro:
o Ipasuri sa bata ang ginawa niyang molde ng
unang letra/titik ng kaniyang pangalan.
o Itanong sa bata ang mga sumusunod:
Anong letra/titik ang minolde mo?
Paano mo ginawa ang pagmolde? Nasiyahan k
aba sa pagmomolde?
22
Assignment

Para sa Guro:

o Turuan ang bata ng pagsabi ng “Thank you”


o “Salamat po” sa tamang pagkakataon.
o Habang kumakain, turuan din ang bata ng
paggamit ng kutsara at tinidor.
o Turuan ang bata ng tumulong sa pagligpit ng
mga kinainan. Bigyan siya ng gawain na kaya
na niyang gawin.

23
Day 5/Week 1
Date __________

Message for the Day: I can do many things in


school.
Mga Layunin/Learning Activities

1. Nakapagkukuwneto ng mga ginagawa sa paaralan


2. Napagsisikapang matapos ang sinimulang gawain sa
itinakdang oras
3. Nakagagawa nang may kusa
4. Nakagagawa nang mag-isa
5. Naisasagawa ang simpleng gawain nang maluwag sa
kalooban
6. Nakasusunod sa mg autos/gawain nang maayos at
maluwag sa kalooban
7. Name places and things found in the classroom.
School, community
8. Naisasagawa ang pangangalaga sa pansariling
kalusugan tulad ngpaghuhugas ng kamay,
pagsesipilyo, pagsusuklay, pagpalit ng damit, at iba pa
9. Identify two to three dimensional shapes (triangle,
square, rectangle, circle)
10. Nakasasali sa laro, o anumang pisikal na gawain at
iba’t ibang paraan ng pag-eehersisyo
(nakapagsisimula ng laro)
11. Express simple ideas through symbols (e.g., drawings,
invented spelling)

24
Mga Kailangang Gamit

Kopya ng kuwentong, “Nanay Ko, Titser Ko”, Activity


Sheets, kahon ng sapatos, lumang gift wrapper o kahit
anong pambalot, glue o pasta, shape cutouts, Shape
Board, gunting, pentel pen

Mga Gawain sa Pagkatuto/


Learning Activities

Literacy
Para sa Guro:

o Balikan ang kuwentong, “Nanay Ko, Titser Ko”.


o Itanong sa bata ang mga sumusunod:
Sino ang naging titser ni Mara sa bahay nila?
Ano-ano kaya ang mga ginawa ni Mara?

Ikaw, naaalala mo ba ang mga ginawa mo


ngayong linggo?

Gawain 1 - Ang Mga Ginawa Ko


(Tingnan ang Activity Sheet 1/Day 5/Week 1)

Para sa Guro:

o Ibigay sa bata ang Activity Sheet 1/Day 5/Week


o Ipakita sa bata ang mga litrato o mga larawan
na nagpapakita ng mga ginawa niya ngayong
linggo.
o Itanong sa bata ang mga sumusunod:

25
o Ano-ano uli ang mga ginawa mo ngayong
linggo?
o Pakulayan sa bata ang mga litrato/larawan.

Gawain 2 – Kaya Kong Ayusin ang Mga Gamit Ko


Para sa Guro:
o Gagawin ito ng bata at ng guro.
o Kumuha ng kahon ng sapatos at pambalot
(lumang gift wrapper)
o Balutin ng gift wrapper ang kahon ng sapatos.
o Pagkatapos, lagyan ito ng iba pang palamuti.
Lagyan ng pangalan ng bata sa gilid ng kahon.
o Gawin itong lalagyan ng mga gamit ng bata.

Gawain 3 – Kaya Kong Mag-Label ng Mga Gamit


Para sa Guro:

o Balikan ang mga bagay na nakikita sa bawat


parte ng bahay.
o Hayaan ang bata na bigkasin ang pangalan ng
mga gamit na makikita sa loob ng bahay.

o Tulungan ang bata na maglagay ng label sa


mga gamit. Pwede ang “invented spelling”.

o Tulungan din ang bata na magdikit ng mga


label sa mga nasabing gamit.

o Pagkatapos, ipabigkas uli sa bata ang mga


pangalan ng mga ito.

26
Numeracy/Mathematics
Gawain 1 – Kaya Kong Magkulay ng Mga Hugis
(Tingnang ang Activity Sheet 2/Day 5/Week 1)

Para sa Guro:

o Balikan ang iba’t ibang uri ng hugis (tatsulok,


parisukat, at bilog).

o Ibigyan sa bata ang Activity Sheet 2/Day


5/Week 1.

o Ipabigkas sa bata ang mga pangalan ng mga


hugis na nasa larawan.
o Pakulayan sa bata ng dilaw (yellow) ang mga
tatsulok (triangle); pula (red) ang mga parisukat
(square; at asul (blue) naman ang mga bilog
(circle).

Gawain 2 – Kaya Kong Maglaro ng Mga


Hugis Para sa Guro:

Maghanda ng mga cutouts ng iba’t ibang mga hugis.


Ilagay ang mga ito sa kahon at gumawa ng Shape
Board. (Gamit ang chalk, pwede ring iguhit ang
Shape Board sa sahig).
o Ilatag ang Shape Board sa sahig.
o Ang bata ay bubunot ng isang hugis sa loob ng
kahon. Aapakan niya sa Shape Board ang hugis na
kapareho ng hugis na nabunot niya.
o Pwedeng isali ang ibang miyembro ng pamilya sa
larong ito. Salitan silang gagawin ang pagbunot ng
hugis sa kahon.

27
Panapos na Gawain/Wrap Up
Para sa Guro:

o Balikan ang mga ginawa ng bata ngayong


linggo. Tingnan ang mga nakapaskil na gawa
niya. Pag-usapan ang mga ito.
o Hayaang magkuwento ang bata tungkol sa
mga ginawa niya.
o Itanong sa bata ang mga sumusunod:
Alin sa mga ginawa mo ngayon ang pinaka
nagustuhan mo? Bakit?
Sa tingin mo, ano naman kaya ang gusto mong
gawin sa susunod na linggo?

Assignment

Para sa Guro:

o Ipagpatuloy ang pagturo at paggabay sa bata na


matutong magbihis, magsuklay, magsuot ng medyas at
sapatos nang mag-isa.

o Hikayatin din ang bata na matutong gumawa ng


mga simpleng gawaing bahay gaya ng pagpunas ng
mesa, paglagay ng kutsara, tinidor, plato at baso sa

28
mesa, paglinis ng bahay, at iba pang gawain na kaya
niya.

Isaisip at Isapuso

Ako ay nasa Kindergarten na. Masaya ako na


mapabilang sa Kindergarten. Karapatan kong
matuto at mag-aral. Kaya kong gumawa ng iba’t
ibang gawain sa bahay man o sa school.

__________________________________________

References:

• List of Most Essential Skills in Kindergarten


• Kindergarten Teacher’s Guide
• Standards and Competencies for Five-Year Old Filipino Children
• Daily Lesson Plans for Kindergarten
• Storybook (Nanay Ko, Titser Ko” written by Joyce R. Loma and
illustrated by Vincent M. Morano)

29
Activity Sheet 1/Day 1/Week 1

Masaya si Mara

Pangalan: _________________________________________
Petsa: _____________________________________________
Ituro ang larawan na nagpapakita ng damdamin ni
Mara nang siya ay gustong gusto nang pumasok sa
paaralan. Maaari mo ba itong gayahin?

30
Activity Sheet 2/Day 1/Week 1

Malungkot si Mara

Pangalan: _________________________________________
Petsa : ____________________________________________
Ituro naman ang larawan na nagpapakita ng
damdamin ni Mara nang sinabi ni Nanay na hindi na muna
siya papasok sa paaralan kinabukasan. Maaari mo ba
itong gayahin?

31
Activity Sheet 3/Day 1/Week 1

Nagulat Pero

Masaya si Mara
Pangalan: _________________________________________
Petsa: _____________________________________________
Ituro ang larawan na nagpapakita ng damdamin ni
Mara nang malaman niya na si Nanay ang magtuturo
muna sa kaniya. Maaari mo ba itong gayahin o ipakita?

32
Activity Sheet 4/Day 1/Week 1

Ang Damdamin Ko

Pangalan: _________________________________________
Petsa : ____________________________________________
Kulayan ang larawan na nagpapakita ng
damdamin mo ngayon.

33
Activity Sheet 1/Day 2/Week 1

Ang Mga Gamit ni Mara


(Part 1)
Pangalan: _________________________________________
Petsa: _____________________________________________
Kulayan ang mga gamit ni Mara na nabanggit sa
kuwento.

34
Activity Sheet 2/Day 2/Week 1

Ang Mga Gamit ni Mara


(Part 2)
Pangalan: _________________________________________
Petsa: _____________________________________________
Bilugan ang iba pang mga gamit ni Mara na
nabanggit sa kuwento.

35
Activity Sheet 3/Day 2/Week 1

Iba Pang Mga Gamit ni Mara


(Part 3)
Pangalan: _________________________________________
Petsa: _____________________________________________
Gamit ang mga krayola, kulayan ang mga
natukoy na gamit ni Mara ayon sa kulay na nabanggit
sa kuwento.

36
Activity Sheet 1/Day 4/Week 1

Bilangin at Sabihin

Pangalan: _________________________________________
Petsa: _____________________________________________
Bilangin at sabihin kung ilan ang laman ng bawat
bag.

37
Activity Sheet 1/Day 5/Week 1

Ang Mga Ginawa Ko

Pangalan: _________________________________________
Petsa: _____________________________________________
Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng
mga ginawa mo ngayong linggo.

38
Activity Sheet 2/Day 5/Week 1

Kaya Kong Magkulay


ng Mga Hugis
Pangalan: _________________________________________
Petsa: _____________________________________________
Kulayan ang mga tatsulok (triangle) ng dilaw,
ang mga parisukat (square) ng pula, at ang mga bilog
(circle) naman ng asul.

39
Nanay Ko, Titser Ko
Isinulat ni Joyce R. Loma
Iginuhit ni Vincent M. Morano

Ako po si Mara.
Ako po ay limang taong gulang na.
Gustong gusto ko nang pumasok sa
paaralan.
Pinakahihintay ko ang unang araw ng
pasukan.

Meron na akong bag na pula


Na may lamang papel, pencil
case, pantasa,
Malaking lapis na may pambura pa,
At isang kahon ng krayola.

Handa na rin ang aking blouse na puti,


Paldang asul at sapatos na itim,
At medyas na kulay puti rin.

Meron din akong pink na laso


Na ipapalamuti ko sa buhok ko.
Meron din akong payong na dilaw
Para gamitin ko kapag mainit ang
araw.

Meron din akong kapoteng pula,


Para naman sa tag-ulan
Na dapat ko ring paghandaan.
40
Ngunit isang gabi
Bago magbukas ang klase,

May malungkot na balita si Nanay sa akin


Na parang hindi ko kayang tanggapin.

"Mara, anak, may sasabihin ako sa'yo,"


Sabi ni Nanay na parang balisa ang anyo.

"Ano po 'yon, Nanay?"

Tanong ko sa kan'ya sabay hawak


ko Sa kan'yang malamig na kamay.

"Alam mo, anak, hindi ka


muna papasok
Simula bukas sa paaralan."

Aba, ako ay biglang kinabahan!


"Bakit po, Nanay?" tanong ko uli sa

kanya,
"Paano na po ako?" sabi ko pa.

"Dahil sa isang sakit na madaling makahawa


at nakamamatay,

'Di pinapayagan ang mga bata na lumabas


ng bahay,"
Sagot sa akin ng mahal kong Nanay.
41
"Gano'n po ba? Paano na ang pag-aaral ko?
Sabik na pa naman sana ako."

"H'wag kang mag-alala, anak ko,

Simula bukas, ako muna ang magtuturo sa'yo?,"


Sagot ni Nanay habang hinahaplos niya ang buhok

ko.
"Talaga po ba, Nanay?" tanong ko sa
kan'ya Na parang hindi ako makapaniwala.

"Opo, anak, sa akin ikaw ay magtiwala," sagot niya.

Naisip ko, pwede rin palang magturo


sa akin si Nanay.

Pwede rin palang maging paaralan


ang aming munting bahay,

At pwede palang maging titser ko


ang Nanay ko!

Tuwang tuwa ako nang malaman ko


ito.

42
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like