You are on page 1of 6

MGA ALITUNTUNIN

AT PAALALA PARA
SA FACE-TO- FACE
CLASS
“SET-UP” NG KLASE:
• Hahatiin ang klase sa pangkat A at B.
• Ang pangkat A ang papasok sa unang lingo ng face-to-face habang ang pangkat B ay
modular sa kanilang bahay.
• Kukunin ng mga magulang ng pangkat B ang modyul ng kanilang anak sa adviser ng
mga ito sa araw ng Biyernernes bago ang face-to-face class.
• Sa ikalawang linggo, ang pangkat B naman ang papasok ng paaralan at ang pangkat
A ay siya namang modular sa kanilang bahay, kung saan ang gagamitin nilang LAS
ay ibibigay na sakanila ng kanilang adviser sa araw ng Biyernes.
• Isusumite ang mga outputs o answered LAS sa araw na Lunes, sa kanilang
pagpasok.
• Kalahating araw lamang ang pasok, mula 7:15 ng umaga hanggang alas dose ng
tanghali.
MGA DAPAT IHANDA NG MAG-AARAL SA PAGPASOK SA
KLASE:
• Tiyaking kumain ng almusal at magbaon ng pagkain para as snack at inuming tubig na sapat
hanggang uwian. Hindi pwedeng lumabas ang mga mag aaral ng paaralan upang bumili ng mga ito.
• Makalalabas lamang ng paaralan ang estudyante sa oras ng uwian.
• Tiyaking kumpleto ang mga kagamitang dala para sa pag aaral gaya ng ballpen, papel, lapis at iba
pang mga kakailanganin sa klase.
• Magsuot ng akmang kasuotan/uniporme-putting t-shirt/blouse at blue skirt (palda sa babae), puting
t-shirt/polo sa lalaki at dark pants.
• Bawal ang rip jeans
• Palagiang gamitin ang ID para sa pagkakakilanlan at QR code.
• Sundin ang tamang gupit ng mga kalalakihan.
• Magdala rin ng sariling gamit sa pagkain kung kin

• akailangan.
MGA DAPAT GAWIN SA PAGPASOK SA GATE:
• Pumila sa pagpasok sa gate na sinusunod ang social
distancing.
• I check ang temperatura ng katawan at itala sa health
declaration form.
• Sundan ang mga markers para sa direksiyon pagpasok sa
silid aralan.
• Ilagay sa loob ng box na nasa may pintuan silid-aralan ang
health declaration form at mag sanitize ng kamay gamit
ang alcohol bago dumiretso sa itinalagang upuan.
MGA DAPAT TANDAAN AT GAWIN KAPAG NASA LOOB NG
PAARALAN:
• Laging isuot ang face mask nang nasa tamang kalagayan. (Natatakpan ang ilong at
ang bibig).
• I monitor o I check lagi ang temperatura ng katawan.
• Palagiang maghugas ng kamay gamit ang sabon at tumutulong tubig sa gripo sa mga
handwashing facilities at mag sanitize gamit ang alcohol.
• Panati,ihin ang isang metrong layo sa bawat isa.
• Itapon ang mga basura sa nakalaang lalagyan lalo na ang mga hazardous waste.
• Iwasan ang malapitang pakikipag-usap, beso-beso at paghahawakan ng kamay.
• Iwasan ang paghihiraman ng personal na kagamitan gaya ng suklay, ballpen at iba
pang gamit na hinahawakan.
• Sundin ang mga nakapaskil na paalala at alituntunin sa loob at labas ng silid-aralan.
• Manatili sa sariling upuan sa oras ng klase at iwasan ang paglipat-lipat ng upuan.
• Iwasan ang pagkukumpulan o pagpapangkat-pangkat.
• Sundin ang mga “markers” kung saan papasok at lalabas sa silid-aralan
at gate.
• Pagkatapos ng klase, lalabas ang lahat sa labasang gate at uuwi na nang
diretso sa bahay. Walang magpapaiwan.
• Kapag may nararamdamang sintomas gaya ng sipon, ubo at lagnat,
ipinapayong huwag na munang pumasok sa paaralan at magpagaling na
muna sa bahay, at ipagbigay- alam sa adviser ang kalagayan upang
mapadalhan ng LAS.
• Makipagtulungan sa pag iwas sa COVID VIRUS at pagpapatuloy ng FACE-
TO-FACE CLASSES sa pamamagitan ng pagsunod sa mga
PANGKALIGTASANG PAALALA at ALITUNTUNING binanggit.

You might also like