You are on page 1of 1

Opsyunal na Pagasusuot ng Facemask na Nilagdaan ni

Pangulong Bobong Marcos

Ang facemask ay parang kamot, magastos pero nakakabuti. Noong lumaganap nag
sakit na Covid- 19 sa Pilipinas ay kasabay din ng pagtaas ng demand ng facemask sa
markado kahit saan man magpunta ngunit ngayon ay nagsilabasan na ang mga gamot o
bakuna na papatay sa sakit. Kasabay nito ang pagluwag ng ating bansa at pagbaba na ang
mga kaso ng Covid- 19 sa Pilipinas at marami na ring mga tao ang lumalabas.

Si Pangulong Bongbong Marcos ay inaprubahan ang rekumendasyon ng Inter Agency


Task Force na pagluluwag sa pagsusuot ng facemask sa mga pampublikong lugar.
Kinumperma ni President Serretary Trixie Cruz-Angeles na nilagdaan ng pangulo ang
Executive Order No. 3. Na kung saan magiging opsyunal na lamang ang pagsusuot ng
facemask sa mga pampublikong lugar at mga lugar na maayos ang bentilasyon. Sa kabila
nito, inirikumenda parin ang pagsusuot ng facemask sa mga hindi fully vaccinated na mga
indibidwal. Kailangan din magpatuloy magsuot ng facemask ang mga senior citizen at mga
may kapansanan. Kaugnay nito, kailangan pa ring magsuot ng facemask sa mga kulob na
lugar pribado man o pampublikong establisyimento. Kabing din sa mga pampublikong
transportasyon lalo na sa mga lugar na hindi masusunod ang social distancing.

Para sa akin pabor sa nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos na gawing opsyunal


ang pagsusuot ng facemask sa mga pampublikong lugar o sa mga open areas tutal maluwag
na ang ating bansa at nakakabawas ito sa gastusin ng mga tao. Makakatulong din ito sa
pagbabawas ng mga basura sa karagatan at sa lupa na pusibleng magkaroon ito ng ng
masamang epekto sa ating kalikasan at sa mga hayop. Makakatulong din uito sa mga tao na
makahingang maluwag particular sa mga may sakit na Askma na nagdudulot sa kanila ng
hirap sa paghinga.

You might also like