You are on page 1of 1

Epekto ng COVID-19 Virus

Corona Virus Disease o mas kilala sa tawag na COVID-19 ay isang


pandemya na kinakaharap ng buong mundo. Magmula ng sumapit ang
pandemya, naging doble ang kahirapan na dinanas ng mga tao. Sa
madaling salita, maraming nagbago mula sa karaniwan nating buhay.
Kung tutuusin, makikita sa ating paligid ang malaking pagbabago.
Bigyang pansin ang mga ipinatupad ng pamahalaan upang mapigilan
ang lumalalang kaso ng pandemya.

Kapag lalabas ng bahay, kailangang suotin ang mask at face shield.


Sa pamamagitan nito malimitahan ang pagkalat ng respiratory droplets.
Pagkatapos kapag nasa labas, panatilihin ang isang metrong pagitan
mula sa mga tao. Sumunod ay ang paglimitado ng bilang ng mga tao sa
mga pampublikong lugar. Kung iisipin, ang dalawang paraan na ito ay
binabawasan ang pakikipag-ugnay sa mga kontaminadong tao ng
COVID-19.

Samantala sa isang pook ay may patakaran na ipinatupad na kung


saan nililimitahan ang oras ng paggala o paglabas ng bahay o mas kilala
sa tawag na kurpyo. Tungkol sa lumalalang pandemya, ang pamahalaan
ay nagpapatupad ng mga patakaran para sa ikakabuti natin. Kung ako
ang tatanungin, mas maiging manatili sa bahay. Sabagay dapat tayong
manatiling maging malakas at aktibo sa mga pangyayari sa bansa.
Bilang konklusyon, ang disiplina at kooperasyon ng taumbayan ang
kailangan nating lahat upang makabalik sa karaniwan nating
pamumuhay.

You might also like