You are on page 1of 1

Sa buong mundo, mayroon nang mahigit sa 500 milyong kaso ng COVID-19 simula nang mag-

umpisa ang pandemya noong panahon nang 2019. Sa kasalukuyan, mayroon na ring mahigit sa 6
na milyong katao ang pumanaw dahil sa COVID-19 rito sa buong mundo. Upang masolusyonan ang
nakakamatay na sakit na ito mahigit 7 bilyong doses ng COVID-19 vaccine ang na-administer na sa
buong mundo, ayon sa World Health Organization. Bunga ng mabilis ng pagkalat nito at mahinang
pagaksiyon sa pagpaturok nang vaccine ay mayroon nang mahigit sa 10 variants ng COVID-19 na
nakikilala sa buong mundo. Gayundin ang COVID-19 ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng
droplets na nanggagaling sa bibig at ilong ng isang taong may virus. Kaya ang mga sintomas ng
COVID-19 ay maaaring mag-iba-iba, ngunit kadalasang kasama ang lagnat, ubo, at pagkawala ng
pang-amoy at panlasa. Bagkus ay pwede mo itong maiwasan sa pamamagitan nang pagsusuot ng
face mask, paghuhugas ng kamay, at pisikal na padidistansya ay ilan lamang ito sa mga paraan
upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Dahil sa pandemya, maraming negosyo ang nagsara
at maraming tao ang nawalan ng trabaho na nagdulot ng malaking epekto sa ekonomiya ng mga
bansa. Nagbago ang panahon noong nagsimula ang pandemya at hindi na tulad ng dati. Marami ang
nagbago lalo na sa pagtaas ng mga presyo sa bilihin, mga protocols na dapat sundin, at paghanap ng
ibang mapagkikitaan dahil sa biglaang pagsara nang mga iilang kompanya. Kahit na maraming
nagbago ay dapat pa din nating lumaban sa buhay dahil itong pandemya na ito ay isang pagsubok
lamang na ibinigay sa ating diyos.

You might also like