You are on page 1of 1

Isang nakagagalak na balita dulot ng boluntaryong pagsuot ng facemask na inaprubahan ng

Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Marami sa atin ang hindi sumasang-ayon rito sa kadahilanang mataas
pa rin ang kaso at banta ng COVID-19 sa ating bansa.

Ayong sa Nation Wide Cases Data ng DOH umaabot sa 4 milyong kaso ng COVID-19 sa buong
pilioinas. At mahigit 66 libo ang namatay dahil sa banta ng COVID-19

Marahil, marami sa atin ang nakakikita na paunti-unti na ang pagsuot sa mga facemask. At
naglalarawan ito kung balit napararami na rin ang mga hindi nagsusuot ng facemask, kahit sa mga ligar
na dapat itong sinusuot, halimabawa na lamang sa mga pampublikong transportasyon gaya ng Bus, jeep,
at tricycle.

Nasa isa rin namang indibidwal ang pagpapasya kung ano ang kanilang palagay, kung kailangan nilsng
magsuot ng facemask o hindi sa kanilang mga pupuntahang luagr.

Samatala, mandatory pa rin ang pagsusuot ng facemask sa labas, pampublikong transportasyon, at


mga lugar kung saan hindi maayos ang ventilation at sa mga lugar na walang physical distancing.

Walang Pagdududa na ang pag-sasagawa ng facemask na maging boluntaryo ay isang magandang


balita. Ngunit marami sa atin ay nahahanap na ang facemask ay nakasasakal at istorbo. Pinakamalala rito
ay nakapagpapaubos ito ng mga pondo sa mas mahihirap na sambayanan.

Gayunpaman, ang kasiyahang ating nadarama sa malayang hindi pagsuot ng facemask ay kaunting
panahon lamang, dahil hindj ma-aalis ang pangamba na dala ng COVID-19 sa mga pilipino, kasama pa
rito ang mga makabagong variant ng COVID-19 na mas lalong delikado at nakakahawa kaysa sa mga
nakalipas na variant nito.

Isa sa mga pinangangambahan sa boluntaryong pagsusuot ng facemask ay pagkalat ng omicron


XXBvariant at XBC variant. Ayon sa Department Of Health may naitatalang local transmission ng mga
nasasabing variant.

Mas maganda kung itutulog pa rin sng pag susuot ng facemask lalo na sa lugar na maraming tao maski
sa opisina. Mabuti ng nakasisiguro, kailangan ay may proteksyon.

You might also like