You are on page 1of 2

Rubio, Jed Gian Russell I.

Oct 24, 2022


Velasquez, Carl Allen PAGSULAT

Position Paper

Para sa amin, dapat na panatilihin sa mga tao ang pangangailangan na pagsuot ng


facemask dahil ang virus ay nandiyan parin. Kahit na hindi na ito gaanong kalala katulad ng
dati, baka ito ay tumaas ulit ang mga kaso katulad noong December 2021 hanggang March 2022
dahil tumindi ang pagtaas ng covid cases noong mga buwan na iyon dahil ang mga tao ay
naging kampante sa hindi pag susuot ng mga mask. Hindi rin natin alam kung mayroon bang
bagong variant na lalabas kaya mas maganda kung ang mga tao ay laging nakahanda na naka
mask upang hindi mahawaan agad. Mas okay na maging handa kaisa naman na maghirap
dahil sa pagdami ng covid cases ulit. (Velasquez)

Maaaring maraming nahihirapan sa patuloy na pagsusuot o pag-gamit ng face mask


ngunit, mas maraming mahihirapan kapag umangat nanaman ang mga kaso ng covid-19 kung
kaya’t mas makabubuti kung pananatilihin natin ang pagsusuot nito. Kapag lahat ng tao ay
naka suot ng face mask, mas mataas ang posibilidad na bumaba na nang tuluyan ang mga kaso
ng covid-19 sa bansa. Ayon sa World Banks Blogs, 56% ng mga tao ang nawalan ng trabaho sa
construction firms at 52% sa Transporatation Sa paraan rin na ito, mas mabilis tayong
makakarekober sa pandemic na ito upang makabalik sa ating mga normal na buhay. Isa ring
magiging bunga ng pananatili ng pagsuot ng face mask ay matutulungan natin ang mga
frontliners katulad ng doctor nurse at iba pa. Hindi na sila muling mahihirapan pa pag natapos
na ang pandemyang ito kaya gawin natin an gating makakaya upang matapos na ang lahat ng
ito. (Rubio)

Mas maraming mahihirapan na mga tao kapag dumami na naman ang mga covid cases
kaysa sa magsuot ng mask kapag lumalabas. May mga bata parin na pwedeng mahawaan sa
mga covid virus kaya na mas maganda talaga na mag mask pa muna sa ngayong panahon dahil
hindi naman mahirap mag mask at ito ay ginagawa na naman na ng tao simula nung mag ka
pandemic. Wala namang mawawala sa atin pag tayo ay nagsusuot ng mask. Mas nakatutulong
pa nga tayo dahil tayo ang puwedeng maging rason upang makabawas sa mga kaso ng covid-
19. Mainam na ang maging sigurado at maging ligtas sa mga panahon ngayon at para rin
mapanatiling ligtas ang lahat.(Velasquez & Rubio)
Fallesen, D. (2021, November 10). How COVID-19 impacted vulnerable communities in the
Philippines. Retrieved from Word Bank Blogs:
https://blogs.worldbank.org/eastasiapacific/how-covid-19-impacted-vulnerable-
communities-philippines

Gumban, E. (2022, September 8). Philippines’ DoH wants to keep mask mandate. Retrieved from
Business World: https://www.bworldonline.com/the-
nation/2022/09/08/473444/philippines-doh-wants-to-keep-mask-mandate/

Mendoza, R. (2022, September 28). Hospital group wants mask mandate back. Retrieved from The
Manila Times: https://www.manilatimes.net/2022/09/28/news/national/hospital-group-
wants-mask-mandate-back/1860111

Rubio, P. (2022, September 14). Face masks are here to stay for most Filipinos amid mandate
suspension: OCTA. Retrieved from yahoo!news: https://ph.news.yahoo.com/face-masks-
here-to-stay-most-filipinos-amid-mandate-suspension-octa-084815281.html

WHO. (2022, October 17). Philippines Coronavirus disease (COVID-19) Situation Report #112, 10
October 2022. Retrieved from ReliefWeb:
https://reliefweb.int/report/philippines/philippines-coronavirus-disease-covid-19-
situation-report-112-10-october-2022

You might also like