You are on page 1of 2

ANG PAG-ASA SA PANAHON NG PANDEMYA

PANDEMYA – isang salitang kailanman ay hindi makakalimutan ng


bawat mamamayang Pilipino na nakaranas ng kahirapan dulot nito.
Ang dala man nito ay kapighatian sa puso ng bawat isa ay hindi pa rin
nawalan ng pag-asa ang Pilipinas na muling makakabangon sa sitwasyong ito.
Ang COVID-19 sa Pilipinas ay tila hindi na masyadong malupit habang
papalapit ang 2022. Noon, araw-araw ay may mga naitatalang libo-libong
naapektuhan ng pandemyang ito. Ngunit ngayon ay parami nang parami ang
mga bilang ng nababakunahan, bilang proteksyon ng bawat mamamayan.
Ayon sa mga eksperto sa kalusugan ang Delta variant ay naging sanhi
ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 noong nakaraang taon. Kasing
taas ng mahigit 20,000 bagong impeksyon na naitala araw-araw. Nag-udyok ito
sa mga opisyal ng gobyerno na ipatupad ang pinakamahigpit na hakbang
upang mapabagal ang pagkalat nito. Marami pang mga bakuna ang na-deploy
sa mga lugar na nakakaranas ng mga surge.
Muling ibinalik sa alert level 3 ang mga lugar na muling dumami ang
naimpeksyon. Ito ang naging daan kung bakit mas dumami ang mga nagnais
na mabakunahan. Target din ng pambansang pamahalaan na ganap na
mabakunahan ang humigit-kumulang 90 milyong Pilipino bago bumaba sa
pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022, ayon kay Duque.
Ang bakuna ang nagsilbing sandalan ng Pilipinas sa panahong ito. Ang
programa ng pagbabakuna sa COVID-19 ay higit na lumawak noong
nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan. Naaprubahan din ang mga booster
shot para sa lahat ng nasa hustong gulang. Ito ay orihinal na inirerekomenda
para sa mga mamamayang nagtatrabaho para sa pamilya, gayundin sa mga
senior citizens. Malaki ang naging pagbabago ng bilang ng mga naapektuhan
ng virus, bagaman marami pa rin ang hindi pa nagpapabakuna dahil sa takot
na maaaring maging epekto nito sa katawan.
Ayon sa isang senior citizen na si Nanay Remy, “napakalaking tulong sa
akin ng bakuna, nabawasan ang aking takot na ako ay mahawahan ng covid”.
Isang patunay na tuluyan nan gang nagtitiwala ang mga mamamayan na muli
tayong makakabangon sa pagsubok na ating kinakaharap.
Hindi pa man lahat ng mamamayang Pilipino ay nababakunahan, hindi
pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga tao na muli nating makakamtan ang
kalaayan sa pandemya. Muli nating masisilayan ang liwanag ng pag-asa.

You might also like