You are on page 1of 2

Ang mga sukatan na ginamit sa pagranggo

ay pagbabakuna, kahigpitan ng mga


lockdown, pagluwag ng pagbiyahe at
pagluwag ng mga lugar, kung gaano kabilis
dumami ang mga namamatay, at ang
pangkalahatang dami ng namamatay sa
buong pandemya. Natural na dumepensa ang
Palasyo sa ulat na ito. Nahihirapan din
kasing makakuha ng bakuna ang bansa, kaya
mabagal ang pagbabakuna sa mamamayan.
Hinimok nga ni President Duterte ang mga
mayayamang bansa sa pagtitipon sa UN
noong nakaraang linggo na huwag itago
lamang ang mga bakuna kundi tulungan ang
mga mahihirap na bansa.

Sa wakas na-update na ang Pilipinas sa


ourworldindata.org/covid- vaccinations.
Ayon sa bagong datos, 23 porsiyento ng
bansa ang nakatanggap ng kahit isang
bakuna noong Sept. 28. Halos 15 porsiyento
ang kumpleto na ang bakuna. Malayo pa
talaga sa itinakdang target ng gobyerno na
makamit ang 40 porsiyento sa Nobyembre.
Kaya naman ayon sa COVID Resilience
Ranking Report ng Bloomberg, kulelat ang
Pilipinas sa 53 bansa.

You might also like