You are on page 1of 3

Ayon sa isang artikulo ng Medical News Today noong ika-23 ng Enero 2020 nag

patupad ang gobyerno ng China ng travel ban sa buong bansa. Ang pagpapatupad ng
travel ban sa bansa ng China ay naging daan upang mapigilan ang pagkalat ng kaso.
At ayon sa eksperto ang aksyon na maagang pag implementa ng travel ban ay nagdulot
na mahigit 700,000 na kaso ang napigilan sa labas ng Wuhan. At ayon sa artikulo ng
Forbes pakonti-konti ng bumabalik ang Wuhan sa normal na operasyon at mawawala
na ang implementasyon ng travel ban sa ika-8 ng Abril 2020. Ayon din sa isang artikulo
ng ABC ang bansang Italy ay nagpatupad ng travel ban sa buong bansa nito noong ika-
10 ng Marso 2020 sapagkat umabot na sa mahigit 400 ang naitalang namatay dahil sa
Covid-19. Maging ang bansang Iran ay nagpatupad ng travel ban sa buong bansa nito
noong ika-26 ng Marso ayon sa artikulo ng GardaWorld.

Ayon sa artikulo ng Centers for Disease Control and Prevention nakasaad na


hanggat maari ay huwag ng magbyahe habang nakakaranas pandemia. Ito ay upang
maiwasan ang paglipat ng sakit sapagkat maaring mahawa sa mga tao na may
karamdaman. Maging ang isang artikulo ng Washington Post noong ika-26 ng Marso
2020 ay hindi nirerekomenda na magbyahe. Sapagkat ito delikado lalo na at nasa
500,000 na kaso na ang nakumpirma sa buong mundo. Maging ang mga expert ay
nagbibigay babala sa mga tao na may plano bumyahe kung hindi naman kinakailangan
kasabay ng pandemia. Dagdag pa sa artikulo sabi ni Hyzler na hindi ito panahon upang
magbakasyon dahil maari itong maging dahilan na pagiging stranded sa ibang lugar at
malaki ang persyento na ikaw ay mahawaan at makahawa. At parte ng artikulo sinabi ni
Sherman na sa panahon natin ngayon buhay natin ang nakasalalay, at siya ay umaasa
na hindi ito tatagal.

Ang pinaka kalaban ng pag implementa ng travel ban sa Pilipinas ay ang


ekonomiya. Kaya hindi nararapat ang pag implementa ng travel ban sapagkat hindi
maganda ang epekto nito sa ating ekonomiya lalo na sa ating turismo. At inaasahan na
mawawalan ng PHP 77.5 hanggang 156.9 bilyon sa aspeto ng turismo. Malaking
epekto ito sa ekonomiya ng Pilipinas ang pagsusupinde ng lahat ng klase ng
transportasyon ito man ay panghimpapawid, sa kalupaan o sa karagatan.
Bago pa man ma implementa ang code red sub-level 2 ayon sa interbyu sa ABS
CBN noong ika-17 ng Pebrero 2020 sinabi ng Department of Tourism ang inaasahan na
mawala sa kita ay PHP 43 bilyon. At ito ay hindi kabuuhang pagsusupinde, ito lamang
ang panahon nag pag suspinde ng mga byahe galling Tsina.

Ika-12 ng Marso 2020 idineklara ang code red sub-level 2 kung saan nagpatupad
ng community quarantine sa Metro Manila at mayroong naitala na limanpu’t dalawang
(52) kaso ng Covid-19 sa Pilipinas. Ito ay pinalawak noong ika-7 ng Marso at sinakop
ang buong Luzon Tatlong lingo matapos magpatupad ng Travel ban, ngayong ika-6 ng
Abril 2020 mayroon ng naitalang 3,094 na kaso ng Covid-19 sa Pilipinas.

Noong ika-29 ng Pebrero 2020 may inilabas ang World Health Organization na
pahayag ukol sa internasyunal na pag restrikta sa mga byahe. Nakasaad ditto na hindi
iminumungkahi ng World Health Organization ang pag restrikta ng mga byahe.
Sapagkat ayon sa kanilang pananaliksik hindi ito epektibo upang maiwasan ang
paglipat ng mga kaso. Kanila lamang mas pinaghihigpit ang implementasyon ng mga
travel-related health measures, na epekito upang maiwasan ang pag restrikta ng
internasyunal na byahe. Ito lamang ay magkakaroon ng malaking epekto sa ekonomik
at sosyal.

Ayon sa artikulo ng Science Daily ang pagpapatupad ay isa sa mga legal na


opsyon na maaring ipatupad ng gobyerno upang labanan ang Covid-19. Ngunit ayon sa
kasaysayan na nagpatupad upang labanan ang mga sakit tulad ng Ebola virus, SARS
(Severe Acute Respiratory Syndrome), MERS (Middle East Respiratory Syndrome) at
Zika Virus na naka apekto sa iba’t ibang bansa ay hindi naman nagpakita na epiktibo ito
bilang pang matagalang solusyon. Nakasaad din sa artikulo na ang pagpapatupad ng
travel ban ay maari lamang makapagpabagal ng pagdating ng sakit ngunit hindi nito
mapipigilan ang pagkalat ng sakit.
Base sa mga nakasaad na impormasyon ang pagpapatupad ng travel ban
kasabay ng Covid-19 ay hindi nararapat sapagkat:

Una ayon sa mga eksperto at World Health Organization hindi nila


iminumungkahi ang pagpapatupad ng travel ban sapagakat ito ay hindi mabisang
solusyon upang mapuksa ang Covid-19. Nakabase ang kanilang pananaliksik kung
paano nilabanan ang mga dati ng sakit na kinaharap. Marami ng sakit ang kumalat sa
iba’t ibang bansa at nagpapakita na hindi nagging epektibo ang pagpapatupad ng travel
ban. At nakasaad na mas nararapat bigyang pansin ang medikal na aksyon dahil ito
ang solusyong pang matagalan. Hindi rin ito iminumungkahi dahil sa kalakip na epekto
nito sa ekonomiya ng isang bansa.

Pangalawa malaki ang epekto nito sa ating ekonomiya partikular sa turismo,


sapagkat nakasaad sa datos na ilang bilyon ang mawawala sa bansa dahil sa pag-
implementa ng travel ban sa bansa. Mahihirapan ang Pilipinas sa pagbawi ng bilyong
mawawala. Bago pa pumasok ang Covid-19 ang Pilipinas ay mahirap na at lubog sa
utang. Hindi madaling bumangon pagkatapos ng krisis na ito.

Pangatlo hindi napigilan ng travel ban ang paglaganap ng sakit at hindi rin nito
nabawasan ang transmisyong local. Patuloy ang pag-akyat ng kaso ng Covid-19 kahit
naipatupad na ang enhanced community quarantine sa buong Luzon. Marami ang hindi
nakakapasok sa trabaho tulad ng mga namamasada, angkas driver, pati na rin ang mga
kasama sa no work, no pay kung saan walang masakyan papunta sa kanilang trabaho.
Ito ay nag-ugat lamang sa mas maraming problema sapagkat sila ay mga minimum
wage earner na kapag walang kinita ngayong araw ay wala ring makakain.

You might also like