You are on page 1of 3

“Ang Panganib at Pagdurusa na Dulot ng Corona-Virus Disease 2019

(COVID-19) sa Bawat Pilipino sa Pilipinas”

ni: Mohammad Ryyan Pumbagul

Sa isang panayam kay Health Secretary ng bansa na si Francisco Duque, kinumpirma ng


Pilipinas ang kauna-unahang kaso nito sa Wuhan coronavirus. Ang pasyente, isang 38-taong-
gulang na babae mula sa Tsina, ay dumating sa Pilipinas mula sa Wuhan sa pamamagitan ng
pagbiyahe sa Hong Kong, na kung saan nagsimula ang isang panganib na sisira sa buhay ng
karamihan.
Parami ng parami ang mga Pilipinong nahahawaan at namamatay dahil sa COVID-19 na
kung saan mas tumaas ang kaso ng mga nag-positibo dulot ng COVID-19 dahil sa marami ang
hindi sumunod sa mga patakaran ng kalusugan.

Maraming kabuhayan at establisyemento ng mga Pilipino ang naapektuhan, nawalan, at


nasira dahil sa dulot ng COVID-19 Pandemya na kung saan maraming Pilipino ang nagdurusa
lalo na sa mga mahihirap na kung saan ay hindi sapat ang mga ayuda na galing sa gobyerno sa
bawat pamilya, marami ang nagugutom at mas ikakatakot nila ang mamatay sa gutom kaysa
mamatay sa COVID-19.

Maraming sektor sa bansa ang naapektuhan lalo na sa Sistema ng Edukasyon. Ang


sistema ng edukasyon sa Pilipinas dulot ng COVID-19 Pandemic ay talagang naapektuhan ang
abilidad at kaalaman lalo na sa mga mag-aaral at ng mga guro na kung saan ang CHED at DepEd
ay nagpatupad ng New Normal Education subalit marami ang nadismaya at nahihirapan
hanggang ngayon sa pag-adjust sa panibagong Sistema ng edukasyon.
Maraming mga healthcare workers ang nadismaya, nahihirapan, at nagalit dahil ayon sa
kanila ay parang binabalewala lang sila ng gobyerno sa ere, ang pondo para sa COVID-19 ay
hindi raw na manage ng maayos na kung saan ay pinagsisigawan at pinoprotesta nila na
magretiro na raw ang Sekretarya ng Kalusugan na si Sec. Duque dahil sa pinapakitang hindi
magandang pamamahala.

Sa kasalukuyan, sa tulong ng mga vaccine na ibinahagi galing sa ibang bansa at sa


pagpatupad ng pagbabakuna sa bawat Pilipino sa bansa ay bumaba ang kaso ng COVID-19 sa
Pilipinas na kung saan ay ini-engganyo ng gobyerno na kinakailangan ang bawat Pilipino sa
bansa ay sumunod dapat sa mga patakaran ng gobyerno at magpabakuna para sa ikabubuti ng
ating bansa. Laging tandaan na ang kalusugan ay ating kayamanan. Kaya pahalagahan natin ito.

You might also like