You are on page 1of 2

Ang pagtugon ng mga opisyal at mga gobyerno sa

pandemya.
 

Noong nagsimula ang pandemya maraming


mga tao ang nabigla at nangamba dahil sa mga
nabalitaan nila at nanganib ang kanilang mga
kalusugan lalo na ang kanilang kabuhayan.
Maraming tao ang nasa bahay lang dahil
naglockdown sa ilang panig ng pilipinas kaya
walang magawa ang mga tao kung hindi
maniwala at umasa sa gobyerno. Ngayong
panahon ng pandemya, ang lahat ng mga
hakbang na ginagawa ng gobyerno ay para
matulungan at matiyak ang kaligtasan ng bawat
Pilipino. Ang 84% ng mga Pilipino ay sumusuporta sa pagtugon ng administrasyong Duterte sa
COVID-19. Kaya naman patuloy ang ating gobyerno sa pagbibigay ng tulong sa mga nawalan ng
kabuhayan o trabaho dahil sa pandemya at sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19.

Noong Oktubre 14,2020 ,Sinabi ni Roque na nanawagan si Duterte para sa isang buong
pagpupulong sa Gabinete upang talakayin ang mga paraan upang buksan ang maraming mga
negosyo at iba pang mga sektor habang pinoprotektahan ang publiko laban sa COVID-19. Noong
Marso 1,2020 Natanggap ng Pilipinas ang Unang Batch ng Bakuna sa COVID-19. Maraming
nagamba dahil sa mga side effects o epekto nito sa ating katawan at madaming mga mamamayan
ang natuwa dahil sa balitang ito dahil nais na nilang bumalik ang kani-kanilang pamumuhay
noon. Ang Pilipinas ang huling bansang Timog-silangang Asya na nakatanggap ng isang supply
ng bakuna sa COVID-19.

Nilalayon ng administrasyong Duterte na mabakunahan ang 70 milyon ng mga mamamayan nito,


ngunit ang ilang mga opinion sa mga botohan ay nagsiwalat ng pagtutol sa karamihan ng mga
tao dahil sa kawalan ng katiyakan sa kaligtasan at pagiging epektibo ng bakuna ng CoronaVac.
 
 
Noong nakaraang Marso 13,2021 ay nakuha na ng
first batch covid-19 ang lungsod ng Angeles City
sa Pampanga. Sinabi ng Mayor sa Angeles ay
uunahin ang mga health workers at frontliners ng
siyudad gaya ng utos ng DOH. Ngayong Marso
2021 ay nag-anunsyo ang ibang karatig na lugar na mag lockdown ulit dahil sa pagtaaas ng mga
kaso ng sakit na Covid-19 isa na rito ang Pampanga. Isa si Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr.
ang agarang umaksyon dahil narin sa pagdami ng mga kaso sa Angeles City, Pampanga. Noong
Marso 19,2021 naglabas ng Executive Order Blg 5-2021 na inisyu ng Tanggapan ng Gobernador
na inulit ang mahigpit na pagsunod sa mga protokol ng kalusugan at kaligtasan at iba pang mga
kaugnay na hangarin sa Lungsod ng Angeles. Sa pagdami ng kaso sa Angeles City dahil sa
kasalukuyan noong Marso 19,2021 naglabas ng datos ang Angeles City na 52 kaso ang
dumagdag sa mga active cases sa lungsod. Agad agarang inaksyunan ito ng mga kayani sa
Lungsod at inilabas ang Executive Order simula Marso 21 haggang Abril 5 2021 ng 5:00 ng
umaga. Maraming netizens sa social media ang nainis dahil narin naghigpit ulit ang pagbabantay
at sa dami ng mga checkpoint sa daan.

Kung iniisip natin na ayos lang ang mag kasakit sa oras ng pandemya dahil may vaccine na din
naman ay hindi, dahil manatili parin tayong ligtas at sundin ang mga protokol para sa ating
kaligtasan, sinabi din ni Galvez ng Philippine General Hospital sa kanyang speech," Huwag
tayong maghintay para sa pinakamahusay na bakuna. Walang ganyan". Wag na nating hintayin
na magkasakit tayo para ingatan ang ating sarili, maging responsableng tayong mamamayan
upang matapos na ang pandemyang ito.

You might also like