You are on page 1of 2

BAGSIK NG COVID-19

Ang COVID-19 (coronavirus disease 2019), na dating kilala bilang 2019-


nCoV acute respiratory disease, ay isang nakakahawang sakit dulot ng SARS-CoV-2,
isang birus na may kaugnayan sa SARS-CoV. Naitala ang mga unang kaso nito
sa Wuhan, kabisera ng lalawigan ng Hubei, sa Tsina noong Disyembre 2019, at mula
noon ay kumalat sa buong mundo, na humantong sa nagpapatuloy na pandemya ng
coronavirus 2019–20. Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, ubo, at pangangapos
ng hinihinga Kabilang sa mga iba pang sintomas ang kirot sa kalamnan, pag-
uuhog, pagtatae, pamamaga ng lalamunan, pagkawala ng pang-amoy, at sakit sa tiyan.
Habang nagreresulta ang karahiman ng kaso sa mga di-malubhang sintomas, maaaring
humantong ang ilan sa pulmonya at pagkasira ng iilang sangkap.

Sa ekonomiya ng Pilipinas, nakikita ng Asian Development Bank (ADB) na


maaaring mawalan tayo ng $699 million.  Malaki kasi ang ugnayan natin sa bansang
China sa pamamagitan ng pag-import ng mga produkto, trade, tourism, agrikultura,
mining, at iba pa. Dagdag pa ng ADB, kung ang pagbabasehan na datos ay ang ating
GDP noong 2018 na $330.91 billion, maaaring mawalan tayo ng $669 million sa ating
ekonomiya kapag nagpatuloy ang pagkalat ng COVID-19 bilang pandaigdigang krisis.
$41 million dito ay sa sektor ng agrikulutra, $158 million sa kalakaran, $155 million sa
manufacturing, $206 million sa turismo at $150 million sa transportasyon.  Mahigit
200,000 trabaho ang mawawala sa ating mga manggagawa.

Maraming negatibong epekto ang hatid ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 -


hindi lamang sa kalusugan kundi sa kabuhayan at katiwasayan ng isip. Una na rito ang
trabaho ng milyon-milyong manggagawa sa National Capital Region (NCR) dahil sa
ipatutupad na paghihigpit ng mga awtoridad.Pangalawa, ang mga serbisyo sa mga
tanggapan ng gobyerno na tiyak na babagal dahil sa kakulangan ng manpower na
tatagal ng isang buwan.Naging malaki talaga ang epekto nito sa kabuhayan n gating
mga kababayan. Lalong lalo na sa pribadong sector at malaki nag kawalang nito sa mga
trabahador na no work no pay.Na walang silang kikitain habang nasa krisis tayo dulot
ng COVID at kumakalam ang sikmura ng kanilang pamilya.

Sa aking pananaw kung may mabuting naidulot ang COVID 19 ,mahalagang isaisip ng bawat Pilipino ang
kagandahang dulot ng pagkakaisa. Ito ay maaaring ipakita sa oamamagitang ng pagpapanatili sa bahay at pg
iwas sa mga pampublikong lugar. Hindi lamang ang inyong sarili ang iyong matutulungan pati na rin ang
inyong mga mahal sa buhay. Maaring ipakita rin ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas ng gobyerno o
kaya'y pagbibigay ng donasyon sa mga nasa laylayan ng lipunan. Napakahalaga ng pagkakaisa sa bawat isa.
Isapuso at isaisip ito sa tuwina. Langing isipin ang kabutihan ng iba at itakwil ang pansariling kapakanan.
Walang puwang ang pag aaway-away at hindi pagkakaintindihan tayo ay mga Pilipino tulong-tulong at
magkaisa,tiyak na anumang krisis o problema ay malalampasan.

You might also like