You are on page 1of 3

Bicol University

College of Business Economics and Management


SY: 2020-2021

Setyembre 18,2020 Posisyong Papel


Kontekstwalisadong
Komunikasyon Sa Filipino

Li Shien Ervas Loria

BSBA Operations Management 1


PRAYORIDAD NG GOBYERNO AT PAMBANSANG BADYET NG PILIPINAS: MARAPAT NA MAS
BIGYANG PANSIN ANG PAGLALAAN NG MALAKING BADYET ANG KALUSUGANG
PANGANGAILANGAN AT IBA PANG SERBISYO NA KAILANGAN SA KRISIS NG PANDEMYANG
COVID-19.

Posisyong Papel hinggil sa Paglalaan ng mas malaking Badyet ng Department of Budget


Management (DBM) sa ibang mga proyekto kaysa sa Pangangailangang Pangkalusugan.

Ako bilang isang Kolehiyalang estudyante, ako ay may pakialam at komento sa mga isyung
nababalitaan ko sa palabas at nababasa sa mga artikulo at isa na nga rito ay ang tungkol sa
paglalaan ng pondo ng gobyerno sa mga ahensiya ng ating pamahalaan. Ang Pambansang
Badyet na inilaan sa taong 2021 sa ilalim ng rehime ng Presidente Duterte ay mas nakatuon
sa pagpapalawak at pagpapagawa ng mga imprastraktura at pasismo. Sa napapanahong
krisis na kinakaharap ng ating bansa, Coronavirus disease 2019 ang mas dapat na bigyang
prayoridad. Pagtuklas sa gamot na makakapuksa sa virus na ito ang dapat bigyang pansin at
ang pagbibigay ng sapat na tulong pangkalusugan at gamot para sa mga naataataman nito.
Ayuda, na dapat na maibahagi sa mga mamamayan at hindi upang maibulsa ng mga korap
na myembro ng gobyerno. Nagaganap na sa kasalukuyan ang mga pagdinig
ng Kongreso sa Pambansang Badyet para sa taong 2021. Umaabot sa P4.506 Trilyon ang
panukalang badyet para sa 2021, mas malaki ng 9.9 porsiyento kumpara sa badyet ng
nakaraang taon. Makikita dito na halos mataas ng ilang porsyento ang badyet na inilaan ng
gobyerno para sa taong 2021 kaysa sa presenteng taon kung saan ang krisis ng pagkalat ng
COVID19 ay lumaganap sa bansa. Nasabing ang tema ng panukalang badyet, ayon
sa Department of Budget Management (DBM) ay “Reset, Rebound, and Recover: Investing
for Resiliency and Sustainability”. Kaya daw nag laan ng mas malaking badyet ang DBM sa
taong 2021 ay dahil ang pokus umano ang nasabing badyet ay ang pag-aresto ng pagkalat at
pagpapahupa sa mga epekto ng virus habang anila’y sinisimulan muli ang ekonomiya upang
matulungang makapagsimula, makabawi at makarekober mula sa krisis. Ayon sa rekord ng
Pambansang Badyet ng Pilipinas, naipakita na ika lima lamang ang kalusugan sa may
pinakamataas na alokasyon sa badyet para sa 2021, sapagkat mas malaki pa ang inilaan sa
mga proyektong pang-imprastraktura kaugnay ng programang Build Build Build at para sa
militar at pambansang depensa. Sa usaping ito, tunay na nakakapagtaka ang paglalaan ng
gobyerno ng mas malaking pondo sa proyektong ito kumpara sa mga ayuda at pang
kalusugang serbisyo na dapat ay natatamo at nakukuha ng mga mamamayang Pilipino mula
sa gobyerno. Sang-ayon ako at nakasisigurong marami nanamang maibubulsang kaban ng
bayan ang mga korap na myembro ng gobyerno dahil sa laki ng pondong ilalaan sa mga
proyektong hindi muna dapat abalahin. Kalusugan at pagsugpo ng virus na ito muna ang
dapat bigyang pansin at paglaanan ng pera na mayroon ang Pilipinas. Ayon pa dito Umabot
sa P1.7-T ang pondo para sa mga serbisyong ito, kung saan napapaloob na ang mga ahensiya
tulad ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH), makikita naman
na ang napakalaking perang ito ay paghahatian pa ng dalawang ahensya at masasabing
kulang nga ang inilaang pondo para dito. Labas ang usaping mahinang pag aksiyon ng DOH,
makikita ang kaibahan ng pondong inilaaan. Kung ikukumpara ito sa matatanggap ng bawat
ahensiya, Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pinakamalaking
matatanggap na pondo kung papasa sa mga pagdinig itong 2021 National Expenditure
Program (NEP). Mula P438.9-B ngayong taon, aakyat ang kanilang pondo sa P667.3-B sa
2021. Halos ang ahensya ng DPWH lamang ang gagaamit sa ganito kalaking itinaas na
pondong inilaan para sa mga proyektong Build, Build, Build. Bakit kailangan pang unahin ang
pagtabi sa pera para sa mga proyektong ito kung ang kalusugan ng mamamayang Pilipino ay
hindi halos maibigay at matugunan ng gobyerno? Ang ayuda, mga bitamina at vaccine na
dapat sana’y naibigay ay hindi at halos kakaunti lamang ang naaabutan. Samantalang ang
DOH at DepEd ay nakatakdang mag hati pa ng pondo, dagdag pa rito ay lumalabas na malaki
ang makukuha ng sektor ng edukasyon dahil nakapaloob na nasa P754.4 Bilyon ang ilalaang
pondo para sa ilang ahensiya: ang DepEd, Commission on Higher Education, Technical
Education and Skills Development Authority, at mga pampublikong unibersidad at kolehiyo.
Halos ilang kakarampot na lamang ng natitirang ilang trilyong piso ng kaban ang
maibabahagi sa ahensya ng DOH. Karagdagang impormasyon dito ay ang pagpuna ng mga
progresibong mga grupo ang anila’y malalaking alokasyon sa 2021 badyet para sa
militarisasyon na anila’y mas maraming pondo para sa pasismo at panggigipit ng mga kritiko.
Gayundin ang mga anila’y pawang mga “pork” sa panukalang badyet tulad ng Support to the
Barangay Develepment ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict
(NTF-Elcac) at ang lump sum fund ng DPWH. Kita naman ang mga hinaing at mga pagpuna
sa ginawang desisyong ito ng ating presidente, at maraming mamamayaan din ang nag
bibigay ng mga reklamo. Sa napapanahong pandemya na kinahaharap natin, marapat din
lang na ang ating kalusugan at kaligtaasan ang bigyang tuon, ang pag baba ng bilang ng mga
kaso ng mga apektado ng Covid-19 ang unang dapat lutasin ng gobyerno at hindi ang mga
proyektong pang-imprastraktura, militar at pasismo. Ayuda at mga tulong pinansyal din ay
dapat isaalang-alang dahil sa kakulangan ng trabaho at pera ng mga pamilyang natengga
dahil sa krisis na kinakaharap sa panahon ngayon. Pagkain, gamot, at perang pang gaastos
ay dapat maibigay. Mga bitamina, alcohol, at mga equipments na sana’y dapat na maibigay
ng gobyerno at ahensya ay ngayo’y nag kukulang na sa budyet at wala nang maibahagi sa
mga mamamayang Pilipino. Akma nga ba ang prayoridad sa badyet ng gobyerno ngayong
2021 upang masugpo pandemyang Covid-19 at bigyan ng ayuda ang mga mamamayan na
lubhang naapektuhan nito? O ito ba’y para sa pagsugpo ng mga kritiko ng administrasyon at
itinuturing na mga “kalaban” nito? O para sa pakinabang ng mga kaalyado? Ang tanging
magagawa na lamang natin ay ang mag obserba at magkomento sa mga kilos at desisyon ng
pamahalaan, sapagkat nasa kamay parin naman nilaa ang desisyon, labas ang hinain ng mga
mamamayang Pilipino at usaping demokrasya na meron ang ating bansa.

You might also like