You are on page 1of 2

SSS PENSION HIKE

“As one of the government’s most crucial financial institutions, SSS has provided working class
Filipinos the confidence to face sickness, disability, childbirth, old age, death, and other
contingencies that would otherwise give them needless financial, and psychological burden.” Ito
ang mga salitang ibinitawan ng ating Pangulong Rodrigo Duterte sa 2018 annual report ng SSS.
Kaakibat rin sa malawakang petisyon ng iba’t-ibang sektor, inilagda ng pangulo ang
memorandum order na dadagdagan ng dalawang libo ang pensyon ng mga kwalipikadong
miyembro ng ahensya. Ang layuning ito ay maisasakatuparan lamang sa pamamaraang hatiin ng
dalawang tranche ang pagtaas ng benepisyo. Ito ay sa unang buwan ng 2017 at sa pang-apat
na buwan ng 2019. Subalit nito, nabigo ang ahensiya sa pagpapatupad ng pangalawang tranche,
at ang naging dahilan nito ang mga sumusunod na mga salik. Una, naayon sa isang pag-aaral
na ang fundlife ng SSS ay bigong umabot sa itinalagang international benchmark na 70 taon. Ito
ay dahil sa biglaang pagtaas ng benepisyo sa 2017 na nabawasan ng 33.26 bilyong piso.
Pangalawa, naging usapin rin ang apat na matataas na opisyal ng ahensiya dahil sangkot ito sa
pangangalakal ng mga stocks sa alyas ng isang pribadong broker. Pangatlo, ayon sa nailathalang
ulat ng COA o Commission On Audit ang maling pagpapangasiwa ng assets at investments sa
reserve funds nagdulot ng walang pagbabago sa pera ng pondo.

Ang tanong, kakayanin ba ng ahensiya ang pagtaas ng benepisyo?

Gayunpaman, kaakibat rin sa pagtaas ng benepisyo ang pag-angat ng contribution rates mula 11
porsiyento hanggang 15 porsiyento sa pagitan ng mga taong 2017 at 2025. Na kasalukuyang
nagbunga ng bahagyang paglago ng net income mula sa 8.62 bilyong piso patungong 31.02
bilyong piso, at tumaas ng 24 taon ang fundlife ng ahensiya. Kung mararapatin lamang, kulang
pa rin ito sa tinatamasang 70 taon na International benchmark fundlife. Bagama’t unti-unting
tumataas ang pondo nito, kinakailangan rin na may sapat na kahandaan ang SSS sa pagtugon
ng pangangailangan ng ibang miyembro maliban ang mga retirees. Ito ay sa hindi inaasahang
pagbagsak ng ekonomiya, pagkakaroon ng sakuna, at pagtugon ng inflation rates sa bansa.

Bagama’t maingay ang problemang ito sa ating mga tayinga, kinakailangang maisakatuparan ang
mithiin ng ahensiya, ito ay sa pagtalaga ng pinansiyal na seguridad sa kanilang mga miyembrong
buntis, manggagawa, at pensyoners. Iminungkahi rin sa ulat, na ang kawani ng kagawaran ay
handang tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga pensyoners na nagbahagi ng
mahahalagang taon sa kanilang trabaho. Ayon sa isang pag-aaral, 30 porsiyento ng mga senior
citizens sa bansa ay nangangailangan ng sapat na medikal atensyon. Ito ay dahil sa kawalan ng
pondo at paraan sa pagkukunan ng pera. Bukod nito, isa mula sa limang Pilipinong senior citizens
ay may kakulangang pinansiyal na makapunta sa mga outcare patient services o konsultasyon.
Iminungkahi rin sa isang pananaliksik, na sa taong 2050 tataas ng 16.50 porsiyento ang
kabuuang populasyon ng mga matatanda sa buong mundo. Nangangahulugan lamang ito na ang
bilang ng kinakailanganin ng mga senior citizens ay tumataas rin at katumbas nito ang paglobo
ng old-age poverty rate sa Pilipinas. Ang kakulangan sa kahandaan, hindi maayos na pensyon,
at kakulangang tugon ng gobyerno ay ang mga sumusunod na pangunahing sanhi sa
pagkakaroon ng malaking old-age poverty rate sa bansa.

Base sa mga itinatag na argumento minaigi na lamang ang SSS pension hike ay isang libo dahil
hindi sapat ang pondo ng ahensya. Ito ay sa paniniwalang hindi pa natatanggap ang
pangalawang tranche. Kailagan rin isaalang-alang ang fund life ng SSS dahil may iba pang
Pilipino nangangailangan ng benepisyo ng SSS. Kinakailangan na timbangin natin ang ating mga
emosyon sa makatwiran na pag-iisip na nakakaapekto sa ekonomiya at seguridad ng bawat
miyembro ng ahensiya.

You might also like